Filipino 9 Past Paper PDF

Summary

This document contains lesson notes related to Filipino 9, covering topics such as grammar, literature, and analyzing texts. The materials cover various aspects of the Filipino language and are intended for students in secondary school.

Full Transcript

FILIPINO 9 ARALIN 1: PAHALAGAHAN ANG BUHAY, BIYAYA NG MAYKAPAL denotasyon - literal na kahulugan o kahulugang matatagpuan sa diksiyonaryo. konotasyon - may lalim ang kahulugan (figurative) “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira” (pg. 4-10) Isinulat ni Machtor Lubis INDONESIA prins...

FILIPINO 9 ARALIN 1: PAHALAGAHAN ANG BUHAY, BIYAYA NG MAYKAPAL denotasyon - literal na kahulugan o kahulugang matatagpuan sa diksiyonaryo. konotasyon - may lalim ang kahulugan (figurative) “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira” (pg. 4-10) Isinulat ni Machtor Lubis INDONESIA prinsipyo: gotong royong (mutual assistance) masyawarah (consulting) - Ginagamit nila ang mga prinsipyong ito upang magkaisa sa isang desisyon (mufakat) - Pinayaman ng mga taga-kanlurang Portuguese ang sining at kultura ng Indonesia - Ang wika ng Indonesia ay Bahasa Indonesia PANG-UGNAY - Mga salitang pangkayarian na walang gaanong maibigay na kahulugan ngunit kailangan sa pagbuo ng pangungusap. Uri ng Pang-ugnay: 1. Kronolohikal ○ Kaugnayan sa unang naganap at sa susunod na pangyayari. ○ Ginagamit sa tekstong pangkasaysayan. Hal; sa wakas, nakarating na rin siya sa paroroonan. 2. Sekwensiyal ○ Mga pangyayari na may kaugnayan sa isang partikular na pangyayari. Hal; Lalong mahihirapan ang bata kung pababayaan siya at hindi matuturuan ng tama. 3. Prosidyural ○ Makapagbigay ng impormasyon upang maisagawa ang isang bagay (directions/instructions). Hal; Pagbibigay ng panuto. Piliin ang wastong sagot. PANGATNIG - Bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng salita, parirala, sugnay at pangungusap. Uri ng Pangatnig: 1. Panubali ○ Ginagamit sa mga pangungusap na nagsasaad ng walang katiyakan (pag-aalinlangan). Hal; Pag, sakali, kung, disin 2. Panlinaw ○ Ginagamit upang linawin ang nasabi na. Hal; anupat , kaya, kung, gayon 3. Pamukod ○ Ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa/ilang bagay o kaisipan. Hal; O, man, maging, ni, kaya 4. Pananhi ○ Sumasagot sa tanong na bakit, nagsasaad ito ng kadahilanan. Hal; kasi, paano, dahil, sapagkat 5. Paninsay ○ Ginagamit sa pangungusap na ang isa ay sinasalungat ng ikalawa. Hal; Kahit, habang, subalit, datapwat 6. Panapos ○ Ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita. Hal; Upang, at sa wakas nang, sa lahat ng ito ARALIN 2: SA PANAHON NG KALAMIDAD, PAMILYA AY NAGTUTULUNGAN “Muling Lumipad ang Kalapating Puti” (pg. 31-40) - Isinulat ni Khadijah Hashim (Malaysia) - Ipinanganak sa Batu Pahat, Johor noong Abril 20, 1942 - Isang guro at journalist - Nakapagsulat ng 19 na nobela - Mepati Putih Terbang Lagi (consolation prize) NOBELA - Tinatawag din na kathambuhay dahil ito ay mga kinathang paglalarawan ng buhay ng mga kinathang tauhan. - Isang mahabang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagbabalangkas. - Binubuo ng mga kabanata (chapters) URI NG TUNGGALIAN Tao laban sa Tao ○ Laban ng tauhan at iba pang tauhan. Tao laban sa Kalikasan ○ Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. ○ Hal; bagyo, lindol, atbp. Tao laban sa Lipunan ○ Ang tauhan ay lumalaban sa lipunan. ○ Hal; sumuway sa alituntunin, pagtakwil sa kultura Tao laban sa Sarili ○ Nagaganap sa isipan ng tao. PAGGAMIT NG MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG OPINYON Pagbibigay ng Opinyon Ito ay sariling paniniwala o palagay tungkol sa isang bagay o pangyayari. Mahalaga sa pagbibigay ng opinyon ang sapat na kaalaman ng nagsasalita tungkol sa paksang binibigyan ng niya ng opinyon. 1. neutral na opinyon - Sa aking opinyon - Sa ganang akin - Sa tingin ko 2. matatag na opinyon - Matatag kong pinaniniwalaan - Lubos akong naniniwala - Kumbinsido ako 3. pagsang-ayon 4. Pagsalungat ARALIN 3: PAGMAMALASAKIT SA KAPUWA, IYONG ISABUHAY Paghahambing ng dalawang tula: “Mga Tunog ng Kahirapan” “Pulubi” Jacinta Ramayah Mar Al Tiburcio (pg. 61) (pg. 62) Nagtatampok ng mga Mas personal tunog na sumasalamin sa Mas naramdaman ang mahirap na buhay. personal na kwento at Mas simboliko emosyon Walang partikular na Mas malinaw na tauhan perspektiba ng indibidwal na karanasan ng kahirapan MALAYANG TALUDTURAN (free verse) - Porma ng tula na ipinakilala ni Alejandro Abadilla - Hindi sumusunod sa bilang ng pantig - Walang sukat at tugma/sintunog ngunit nananatili ang kariktan nito IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN O EMOSYON Pangungusap na Padamdam Hal; Grabe! Nakaaawa talaga ang mahirap. Lagi na lang napagbibintangan sa kasalanang hindi naman ginagawa. Sambitla Hal; Naku! Aray! Salitang may Tiyak na Damdamin Hal; Ang yaman talaga nila! Nakaiinggit ang kalagayan nila. ARALIN 4: KATAPATAN NG PAGKAKAISA, TUNGO SA KAUNLARAN SINGAPORE (pg. 79-80) Isinulat ni Leonardo L. Dayos - Singapore - Singapura (pura-Lungsod, singa-Leon) - “Lungsod ng Leon” - Dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura. - Ang kanilang pambansang wika ay Bahasa Melayu Watawat ng Singapore Pula - kapatiran at pantay na pagtingin sa tao Puti - kadalisayan at kalinisan Buwan - pag-unlad Limang bituin - demokrasya, kapayapaan, pagsulong, katarungan, at pagkakapantay-pantay - Bukas sila sa pagbabago, kaunlaran, at teknolohiya - Dito mapapasyalan ang Universal Studios, Singapore Zoo, at Singapore Flyer - May konseptong tinatawag na “kiasu” na nangangahulugang “afraid to lose” (kagustuhan na manguna sa lahat ng bagay tulad ng mga paligsahan, pakikipaglaban, atbp.) SANAYSAY - Isang uri ng akdang prosa na nagpapahayag ng kuro-kuro, opinyon, pananaw, o saloobin ng sumusulat ang sanaysay. - Layunin na makapagbigay ng impormasyon upang maragdagan at lumawak ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa kaniyang kapaligiran. Uri ng Sanaysay: 1. pormal - ginagamitan ng mga piling salita 2. Di-pormal - higit na kawili-wiling basahin, tila kausap lamang ng mambabasa ang may akda. PAGGAMIT NG PANG-UGNAY SA PAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN (basaha na langs libro hehe) ARALIN 5: KALIMUTAN ANG NAKARAAN, HARAPIN ANG BAGONG UMAGA FOREVERMORE (pg. 100-109) - Romantikong drama noong Oktubre 27, 2014 - Nagwakas noong Mayo 22, 2015 - Director: Cathy Molina at Ted Boborol KARAKTERISASYON - Isang proseso na nagpapakita ng iba’t ibang karakter ng bawat tauhan. Tuwirang karakterisasyon ○ Nagpapakilala sa manonood kung ano ang personalidad na karakter ng isang tauhan Di-tuwirang karakterisasyon ○ Nagpapakita ng mga bagay-bagay na makikilala ang karakter ng tauhan batay sa kaniyang kilos, galaw, at pananalita sa dula. EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN - Ginagamitan ng iba't ibang datos na nagsisilbing batayan ng pahayag at nagpapatibay sa anumang ideya na pinaniniwalaan. Mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan: - Batay sa pananaliksik, totoong… - Ayon sa mga eksperto, napatunayan na… - Mula sa mga datos na aking nakalap, totoong… ARALIN 6 “Ang Istorya ng taxi Driver” (pg. 131-134) - Isa sa 17 maikling kathang isinulat ni Catherine Lim sa kaniyang aklat na Little Ironies: Stories of Singapore TEORYANG PORMALISTIKO - Pinahahalagahan nito ang anyo at nilalaman ng tekstong pampanitikan. - Ayon kay Soledad Reyes, “Sa paggamit ng pormalistikong pagdulong ay pinagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain ng komposisyong ito.” MGA EKSPRESYONG NANGHIHIKAYAT - Ang panghihikayat ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning mahimok ang madla na tanggapin ang kaniyang alok, posisyon, o opinyon. Panghihikayat na nababatay sa Katotohanan (Factual) ○ Nagpapatotoo sa isang paksa, kaisipan, o pangyayari na sinusuportahan ng mga ebidensiya. Panghihikayat na Pambalyu (Value) ○ Pagiging tama o mali ng isang kaisipan, ideya, gawain, o asal. ○ Nabibigyang diin ito sa pagiging moral at etikal na gawi ng isang tao. Panghihikayat na Pampolisiya (Policy) ○ Hinihikayat na suportahan o tanggihan ang isang panukalang pampolisiya o batas. BOOKFAIR - Isang pagtatanghal o pagdaraos na ang pangunahing layunin ay makabenta ng mga aklat. - Isinagawa bilang fundraising event - may layunin na ipamulat ang kahalagahan ng pagbabasa. Pagbuo ng Iskrip ng Bookfair: 1. Gumawa ng balangkas ng iskrip: a. Bago ang Pagtatanghal ng Bookfair Makikita rito ang mga gawain sa paghahanda b. Habang nagtatanghal ng Bookfair Nakapaloob dito ang responsibilidad ng lahat ng kasapi sa pangkat at ang mga diyalogong ginamit sa pagbebenta ng aklat. c. Pagkatapos ng Pagtatanghal ng Bookfair Magsagawa ng pagtataya sa naganap na gawain gamit ang estratehiyang “I Appreciate” na kung saan ay uunahin munang ilahad ang mga positibong komento at saka isunod ang mga rekomendasyon. 2. Ibatay ito sa schedule ng araw ng pagtatanghal ng bookfair 3. Magtakda ng ilang miyembro sa pangkat na gaganap bilang mga: sales person na manghihikayat na bilhin at basahin ang mga aklat cashier na tatanggap ng kabayaran videographer na kukuha ng video sa gawain At iyong iba ay gaganap na tagadisenyo ng imbitasyon at lugar kung saan gaganapin ang gawain. ARALIN (wako kahibaw unsa ni nga aralin haha) Panitikan - sining ng pagsulat o pasalitang pagpapahayag na naglalarawan ng mga karanasan, kaisipan, damdamin, at pananaw ng mga tao. Ipinapahayag nito ang kultura, tradisyon, kasaysayan, at mga kaisipan ng isang lipunan sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng wika. Tula (Poetry) - isang anyo ng panitikan na gumagamit ng masining at madamdaming pagpapahayag upang ilarawan ang kaisipan, damdamin, at karanasan. - Karaniwan itong may sukat, tugma, at talinghaga, at gumagamit ng mga malikhaing salita at ritmo upang magbigay ng mas malalim na kahulugan. Mga elemento ng tula: Saknong (stanza) ○ grupo ng mga taludtod sa loob ng tula ○ Mga uri ng saknong: 2 linya - couplet 3 linya - tercet 4 linya - quatrain 5 linya - quintent 6 linya - sestet 7 linya - septet 8 linya - octave Taludtod (line) ○ Ang bawat linya sa isang tula Sukat ○ bilang ng pantig sa bawat taludtod Hal; ba-ku-gang (tatlong pantig) Tugma ○ pagkakatulad ng mga tunog na matatagpuan sa huling pantig ng salita na nasa hulihan ng bawat taludturan. ○ Mga uri ng tugma: Hindi Buong Rima (assonance) - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig (vowels). Hal; Ang sakit ng puso'y muling bumalik, Bawat hapdi'y walang makakapalit. Kaanyuhan (consoncance/alliteration) - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig. Hal; Bawat titig mo'y may lihim na lambing, Sa aking damdamin ikaw ang bituin. Kariktan ○ mga salitang ginagamit upang magpasaya o magbigay sigla sa damdamin ng mambabasa Talinghaga ○ tumutukoy sa ditasahang pagtukoy sa mga bagay na binigyang- turing sa tula Masining at Tamang Pagbigkas ng Tula Layunin ○ Ang dapat ganap na nauunawaan ng mambibigkas ang layunin ng tulang bibigkasin upang mabigyang buhay ang kahulugan nito. Himig ○ Kung ang himig ay umiiyak, naghuhumiyaw, masaya at iba pa, dapat maiparating mo ito mula sa himig mo at sa mga bahagi ng tulang binibigkas mo. Tindig ○ Sa pamamagitan ng pagtayo at tindig ay mambibigkas, madaling mahikayat ang mga tagapakinig sapagkat makikita at masasalamin ang katatagan ng damdamin at tiwala sa sarili. Panuonan ng Paningin ○ Sa pamamagitan ng eye contact, mararamdam ng madla na kinakausap mo sila at may nais lang iparating na mensahe sa kanila. Kumpas ○ Ito ay galaw ng buong katawan ○ nagbibigay diin sa ipinahahayag ng kaisipan Tinig/Tikas ○ Ang lakas at hina ng tinig na ginagamit ng tagapagsalita upang mahikayat at makinig nang taimtim ang mga tagapakinig. ○ pinakamahalagang puhunan ng isang mambibigkas

Use Quizgecko on...
Browser
Browser