Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones PDF
Document Details
Uploaded by InstrumentalDandelion
Tags
Related
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga mahahalagang kaganapan sa pananakop ng mga Hapones. Isinasaad nito ang mga pakikipaglaban, pangyayari at ang pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Ito ay isang makasaysayang pananaw ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
Full Transcript
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Ang Pilipinas ay inimbitahan ng Hapon na makiisa sa programa na Sama-samang Kasaganaan ng Kalakhang Asya (Greater East Asia Co-Prosperity Sphere). Kaya naman, pinaghandaan ng mga reserved forces at regular armed forces ng P...
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Ang Pilipinas ay inimbitahan ng Hapon na makiisa sa programa na Sama-samang Kasaganaan ng Kalakhang Asya (Greater East Asia Co-Prosperity Sphere). Kaya naman, pinaghandaan ng mga reserved forces at regular armed forces ng Pilipinas ang posibleng pakikipaglaban kasama ang Hukbong Amerikano na nakatalaga sa Asya. Tinipon sila ni Heneral Douglas MacArthur, ang namumuno sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Kaya naman, pinaghandaan ng mga reserved forces at regular armed forces ng Pilipinas ang posibleng pakikipaglaban kasama ang Hukbong Amerikano na nakatalaga sa Asya. Tinipon sila ni Heneral Douglas MacArthur, ang namumuno sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. LABANAN SA BATAAN Tuluyan na ngang nasakop ng mga Hapones noong Enero 2, 1942 ang Maynila. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay sumuko mula sa Bataan patungo sa Corregidor Kaya noong Pebrero 20, 1942, inilikas ni Quezon sa Amerika ang kanyang pamilya at ang Pamahalaang Komonwelt. Sa pagbalik ni Heneral MacArthur sa Amerika, si Heneral Jonathan Wainwright ang namuno para ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Hapones. Subalit sadyang malakas ang puwersa ng mga Hapones kaya mas pinili ni Heneral Wainwright na sumuko kaysa maubos ang hukbo nang tuluyan. Ito ang ganap na pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Subalit sadyang malakas ang puwersa ng mga Hapones kaya mas pinili ni Heneral Wainwright na sumuko kaysa maubos ang hukbo nang tuluyan. Ito ang ganap na pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. MARTSA NG KAMATAYAN (DEATH MARCH) Napasuko ng hukbong Hapon ang may 70, 000 sundalong Amerikano at Pilipino at 16 na heneral, anim dito ay mga Pilipino. Sa puntong ito, pinuwersa ng mga Hapones na pagmartsahin ang kanilang bihag mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Mula rito, sumakay ang mga sumuko sa tren patungong kampo sa Capas, Tarlac. Napasuko ng hukbong Hapon ang may 70, 000 sundalong Amerikano at Pilipino at 16 na heneral, anim dito ay mga Pilipino. Sa puntong ito, pinuwersa ng mga Hapones na pagmartsahin ang kanilang bihag mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Mula rito, sumakay ang mga sumuko sa tren patungong kampo sa Capas, Tarlac. Maraming buhay ang nasawi na umabot sa 5, 000. Ito ay dahil sa sakit o sugat, o kaya’y pagsaksak ng bayoneta habang naglalakad nang walang pahinga, pagkain at inumin. Marami sa mga bihag ang tumakas at ang mga nahuli ay pinagbabaril. Tumagal ng anim na araw ang kalupitang ito. Maraming buhay ang nasawi na umabot sa 5, 000. Ito ay dahil sa sakit o sugat, o kaya’y pagsaksak ng bayoneta habang naglalakad nang walang pahinga, pagkain at inumin. Marami sa mga bihag ang tumakas at ang mga nahuli ay pinagbabaril. Tumagal ng anim na araw ang kalupitang ito. Labanan sa Corregidor Simula noong Abril 29, 1942, walang tigil na pagbobomba ang ginawa ng mga Hapones sa Corregidor na umabot ng isang linggo. Dahil sa walang katapusang pag-ulan ng bala at kanyon, maituturing na pinakamahirap na araw noon ang Mayo 4, 1942. Noong Mayo 5 1942, ibinigay ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng kanilang magagawa sa pagtatanggol ng Corregidor subalit bigo pa rin sila sa hangaring magtagumpay. Kaya naman, ganap ng bumagsak ang Pilipinas sa mga Hapones noong Mayo 6, 1942. May halos 12,000 sundalong Pilipino at Amerikano ang sumuko kay Heneral Masaharu Homma Maraming sundalong Pilipino ang hindi sumunod kay Heneral Wainright sapagkat hindi pa tapos ang laban at para sa kanila may pag- asa pang magwagi sa labanan. Dahil hindi natinag ang kadakilaan ng pusong Pilipino, sila’y tumakas at namundok hanggang sa naitatag ang mga pangkat gerilya at nagpatuloy ang pakikibaka laban sa dayuhang mananakop.