Kasaysayan ng Pananakop ng Hapon sa Pilipinas (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalarawan ng kasaysayan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Binibigyang-diin ang mga pangyayari sa ekonomiya, pulitika, at mga epektong naging masama sa bansa.

Full Transcript

Mapapansin natin na sa bawat tagapamahala ay may nakaatas na mga ekspertong Hapones na nagsisilbing mga tagapayo. Sa sistemang ito ay masasabi nating palamuti lamang ang mga Pilipinong tagapamahala at ang mga Hapones pa rin ang siyang nagpapasiya sa kanilang tungkulin. Ang mga pangyayaring ito ay ti...

Mapapansin natin na sa bawat tagapamahala ay may nakaatas na mga ekspertong Hapones na nagsisilbing mga tagapayo. Sa sistemang ito ay masasabi nating palamuti lamang ang mga Pilipinong tagapamahala at ang mga Hapones pa rin ang siyang nagpapasiya sa kanilang tungkulin. Ang mga pangyayaring ito ay tinuturing na “Puppet Government”. Ang lahat ng partido politikal ng Pilipinas ay binuwag at pinalitan ng iisang partido politikal na ang mga Hapon ang siyang namamahala at ito ay ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Pagtatatag ng Ikalawang Republika ng Pilipinas Ang bagong tatag na partido politikal na KALIBAPI ay lumikha ng isang komisyong tinatawag na Preparatory Commission for Philippine Independence (PCPI) o Panimulang Komisyon para sa Kasarinlan ng Pilipinas. Ang layunin nito ay ihanda ang Pilipinas para sa pansariling kasarinlan at bumubuo ng isang Saligang Batas na siyang gagamitin ng Bagong Republika na tatangkilikin ng mga Hapon. Noong Setyembre 4, 1943 ang Saligang Batas na ito ay natapos kung saan nakasaad dito ang tatlong sangay ng pamahalaan- tagapagpaganap, pambatas at panghukuman. Binigyan diin sa Saligang Batas na ito ang mga programa ng Greater East Asia Co-Preosperity Sphere. Kapansin-pansin din na sa batas na ito ay idiniin ang halaga ng mga tungkulin at pananagutan ng mga mamamayan kaysa sa kanilang mga Karapatan. Kaya noong Oktubre 14,1943 ay pinasiyaan ang Ikalawang Republika at si Jose P. Laurel ang nahirang na pangulo habang si Benigno S. Aquino, Sr. ang naging ispiker. Maituturing na “Puppet Republic” ang Ikalawang Republika sapagkat sa papel lamang nakatalaga ang mga Pilipinong namuno nito at mga Hapones ang nangangasiwa sa pamahalaan. Mga Patakarang Pang-Ekonomiya sa Panahon ng mga Hapones Sadyang dumanas ng matinding kahirapan sa kabuhayan ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapones. Ang Pilipinas ay nasa war economy sa 4 panahong ito. Sadyang nagkulang ang mga pangunahing produkto lalo na yaong mga inaangkat pa sa ibang bansa. Bumaba ang supply ng pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman dulot ng digmaan. Dahil dito ay bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas sa patakarang bakal ng mga Hapon. Nakaranas ng maraming kakulangan ang ating bansa sapagkat maraming industriya ang ipinasara ng mga Hapon at kinontrol nila para sa pansariling pangangailangan. Dahil dito, nasadlak sa kahirapan ang Pilipinas dala pa ng epekto ng digmaan at kawalang mapapagkunan ng trabaho at pagdami ng populasyon. Isa sa mga naging pangunahing suliranin sa panahon ng mga Hapon ay ang isyu sa “Mickey Mouse Money”. Ito ay nangyari nang maglimbag ang mga Hapon ng sobra-sobrang perang papel na sa sobrang dami nito sa merkado ay nawalan na ito ng halaga. Ito ay nagpalala sa bumabagsak na ekonomiya ng Pilipinas. Ang ang mga pangyayari ito ay nagpasidhi at nagpaalab sa mga puso ng mga Pilipino na labanan ang pamamahalang Hapones kasabay pa ang paglaganap ng pagiimbak, black market, panghuhuthot pandaraya at pagnanakaw. Ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga Hapon ay tiyak na masasabi nating nakaranas tayo ng matinding hirap, gutom at kaguhuluhan. Ang ekonomiya ng ating bansa ay bumagsak at lalong nagpalala sa ating kinakaharap na suliranin. Ngunit sadyang matatapang, malalakas at maabilidad ang mga Pilipino sa pagharap sa malalaking suliraning ito at matagumpay na hinarap at nalutas ang mga ito.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser