PUTING KALAPATI - TULA PDF
Document Details
Uploaded by EngrossingFrenchHorn
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng iba't ibang elemento ng tula sa Filipino 9. Tinatalakay dito ang anyo, kariktan, persona, saknong, sukat, talinhaga, tono, at tugma ng mga tula. May mga halimbawa rin ng mga tulang wawaluhin, labindalawahin, labing-animin, at labingwaluhin.
Full Transcript
PUTING KALAPATI LIBUTIN ITONG SANDAIGDIG. ARALIN 3 FILIPINO 9 TULA Ang tula o panulaan ay isang uri ng panitikan na naglalayong ipahayag ang kaisipan, damdamin, karanasan, at imahinasyon ng may-akda sa pamamagitan ng mga salita na maingat n...
PUTING KALAPATI LIBUTIN ITONG SANDAIGDIG. ARALIN 3 FILIPINO 9 TULA Ang tula o panulaan ay isang uri ng panitikan na naglalayong ipahayag ang kaisipan, damdamin, karanasan, at imahinasyon ng may-akda sa pamamagitan ng mga salita na maingat na pinili at inayos. ELEMENTO 1. Anyo Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo. Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan. Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“. May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma. Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma. 2. Kariktan Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. 3. Persona Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata ay iisa. 4. Saknong Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod. Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya – couplet 3 linya – tercet 4 linya – quatrain 5 linya – quintet 6 linya – sestet 7 linya – septet 8 linya – octave 5. Sukat Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig. Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. Halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig Mga uri ng sukat 1. Wawaluhin – Halimbawa: Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis 2. Lalabindalawahin – Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat 3. Lalabing-animin – Halimbawa: Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid 4. Lalabingwaluhin – Halimbawa: Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay 6. Talinhaga Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. 7. Tono o Indayog Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. 8. Tugma Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.