Ang Tula at Mga Elemento Nito PDF
Document Details
Uploaded by EagerAcropolis
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga elemento ng tula sa Tagalog. Kasama rito ang kahulugan ng tula, persona, elemento ng tula, simbolismo, tugma, sukat, at saknong.
Full Transcript
Ang Tula at Mga Elemento Nito Kahulugan ng Tula Isang akdang pampanitikang may maingat na pagpili sa mga salita upang lalong maipakita ang damdamin at mensahe nito. May sariling estilo ang pagsulat ng tula at masasabing mga pamantayan ito para...
Ang Tula at Mga Elemento Nito Kahulugan ng Tula Isang akdang pampanitikang may maingat na pagpili sa mga salita upang lalong maipakita ang damdamin at mensahe nito. May sariling estilo ang pagsulat ng tula at masasabing mga pamantayan ito para makilala na ang akda ay isang tula. Persona ang tawag sa taong nagsasalita sa isang tula. Mga Elemento ng Tula Maaaring matandaan ang iba’t ibang estruktura ng tula sa pamamagitan ng mga salitang LAKAS MAKATANONG. Mga Elemento Kahulugan Halimbawa Larawang-diwa Imahen o larawang nabubuo Kung tatanawin mo sa malayong pook, sa isip ng mambabasa sa ako’y tila isang nakadipang kurus, tuwing makababasa ng isang sa napakatagal na pagkakaluhod, tula. parang hinahagkan ang paa ng Diyos. (Pagbuo ng imahen o larawan ng sa anyo ng kurus/krus.) Kariktan Paggamit ng magagandang Sa aking paanan ay may isang batis, pahayag (Tayutay, Idyoma, at maghapo’t magdamag na nagtutumangis; iba pa) sa tula upang lalong sa mga sanga ko ay nangakasabit maging masining at tuluyang ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. makakuha ng damdamin. (Paggamit ng higit na maririkit o magagandang salita para maging mas masining ang pagsulat ng tula.) Simbolismo Mga pahayag na nagpapakita Ang buhay ng tao ay parang kandila ng hindi literal na mensahe o habang umiikli’y nanatak ang luha; kahulugan na kinakatawan o buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda, nirerepresenta ng isang bagay ang luksang libinga’y laging nakahanda. o sitwasyon. (Paggamit ng simbolismo sa buhay na inihalintulad sa isang kandila.) Tugma Magkaparehong tunog Ang buhay ng tao ay parang kandila sa hulihan ng mga habang umiikli’y nanatak ang luha; salita sa dulo ng bawat buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda, taludtod. ang luksang libinga’y laging nakahanda. Maaaring ang dulong pantig nagtatapos sa patinig o katinig Tugmaang Patinig (Ang dulong titik ay maaaring a,e,i,o,u) Impit/Tigil Hal. Tula, Sama (bad) Walang Impit/ Walang Tigil Hal. Sama (Join), Bala (Bullet) Tugmaang Katinig Magkakatugma ang dulong pantig sa Tugmang Katinig kung pare-pareho itong nagtatapos sa: 1. katinig na malakas. 2. Katinig na mahina Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis; sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; at saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting malamlam. Sukat Bilang ng pantig sa bawat Lalabindalawahin (12) taludtod. Organong sa loob ng isang simbahan Mga Sukat: ay nananalangin sa kapighatian Wawaluhin habang ang kandila ng sariling buhay, Lalabindalawahin magdamag na tanod sa aking libingan. Lalabing-apatin Paraan ng Pagbilang: Lalabing-animin Lalabinwaluhin Or/ga/nong sa/lo/ob ng i/sang sim/ba/han- 12 Ay na/na/na/la/ngin sa ka/pig/ha/ti/an- 12 Ha/bang ang kan/di/la ng sa/ri/ling bu/hay- 12 Mag/da/mag na ta/nod sa a/king li/bi/ngan.- 12 Taludtod Tawag sa bawat linya sa tula Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’y tila isang nakadipang kurus, Mga Uri ng Taludtod: sa napakatagal na pagkakaluhod, parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Couplet- Dalawang taludtod bawat saknong Tercet- Tatlong taludtod bawat saknong Quatrain- Apat na taludtod bawat saknong Quintet- Limang taludtod bawat saknong Setset- Anim na taludtod bawat saknong Septet- Pitong taludtod bawat saknong Octave- Walong taludtod bawat saknong Saknong Tawag sa pagsasama-sama ng mga taludtod sa tula Mga Sanggunian: Dayag, A. M et. al. (2017). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Pub. House. Lungsod Quezon. Dayag, A. M et. al. (2017). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Pub. House. Lungsod Quezon. Go, K. (2011). Mga Elemento ng Tula. Retrieved from https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182. Panganiban, J. V. (n.d.) “Ang Panulaang Tagalog Kasaysayan, Pagsusuri, Paliwanag”. Rubin, L. T. et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore. Lungsod Quezon.