Pointers to Review (Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Tech-Voc) PDF

Summary

This document provides pointers to review technical-vocational writing in Filipino. It covers the history of technical-vocational writing, its purpose, applications, and specific writing techniques. Examples of technical writing types and structures are also introduced.

Full Transcript

***POINTERS TO REVIEW* (PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC)** **ARALIN 1- KASAYSAYAN NG TEKNIKAL BOKASYONAL NA PAGSULAT** **ARISTOTLE**- Panghihikayat: pag-angat ng interes ng mambabasa at tagapakinig Argumento: wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya **SEXTUS JULUIS FR...

***POINTERS TO REVIEW* (PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC)** **ARALIN 1- KASAYSAYAN NG TEKNIKAL BOKASYONAL NA PAGSULAT** **ARISTOTLE**- Panghihikayat: pag-angat ng interes ng mambabasa at tagapakinig Argumento: wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya **SEXTUS JULUIS FRONTINUS**- sumulat ng manwal para sa gusali **PLINY the ELDER**- administrador at sundalong romano, sumulat ng the natural history **REGINALD SCOTT**- bumuo ng manwal para sa paghahalaman **IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG**- nakatulong ang mga manwal sa mga sundalo ang tamang paggamit ng sandata **ARALIN 1.1 TEKNKAL BOKASYONAL NA SULATIN** **TEKNIKAL NA PAGSULAT**- ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan. **LAYUNIN NG TEKNIKAL BOKASYONAL NA PAGSULAT** - **UPANG MAGBIGAY ALAM -**upang mapaunawa o magpagawa ng isang bagay - **UPANG MAG-ANALISA NG MGA PANGYAYARI AT IMPLIKASYON-** Susubukan nitong ipaliwanag kung paanong ang sistema ay nabigo. - **UPANG MANGHIKAYAT AT MANG-IMPLUWENSIYA NG DESISYON**- nagpapakita kung paanong ang kalakal o industriya ay nagtagumpay. **ARALIN 1.2 GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA PAGSULAT** - maging batayan sa desisyon ng namamahala - magbigay ng kailangang impormasyon - magbigay ng introduksyon - matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema - maging batayan ng pampublikong ugnayan - mag-ulat sa mga *stockholder's* ng kompanya - makabuo ng produkto - makapagbigay ng serbisyo - makalikha ng mga proposal **ARALIN 1.3 KAHALAGAHAN NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA PAGSULAT** - napakahalaga sa paraan ng **PAGSULAT at KOMUNIKASYON** - **MAHALAGANG BAHAGI NG INDUSTRIYA** - para sa **kaunlaran ng teknolohiya** upang mapabatid ito nang mas mabilis, episyente, at produktibo - introduksiyon ng mag-aaral sa ibat' ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon - Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na pagsulat, mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo **ARALIN 1.4 KATANGIAN NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA PAGSULAT** - naghahangad na maging propesyonal na manunulat - higit na naglalaman ng mga impormasyon - naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin - Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo **ARALIN 1.5 BATAYANG SIMULAIN NG MAHUSAY NA SULATING TEKNIKAL-BOKASYONAL** - Pag-unawa sa mambabasa - Pag-alam sa layunin - Pag-alam sa paksang-aralin - Obhetibong pagsulat - Paggamit ng tamang estruktura - Paggamit ng etikal na pamantayan **ARALIN 1.6 MANUNULAT NG TEKNIKAL NA SULATIN** - tinitiyak na ang mga dokumento ay malinaw - iwasan niya ang paggamit ng mga teknikal na parirala - Kailangan malinaw ang paksa - nagbibigay diin sa tamang paggamit o pagpili ng mga disenyo tulad ng *bullet points*, *font size*, *bold text*, *images*, *diagrams*, at *videos* **ARALIN 1.7 MGA URI NG TEKNIKAL NA SULATIN** 1. **Instruksiyon** o mga hakbang sa pagsasagawa- nakatutulong sa lumilikha o kaya'y sa gumagamit. 2. **Proposal**-dokumento na naglalarawan sa layunin, gawain, metodo 3. ***Emails* o mga memoranda**-pinakagamiting pagsulat na dokumento sa kalakalan 4. ***Press release**-* naglalarawan sa gampanin at halaga ng produkto sa madla 5. **Ispesipikasyon**-balangkas ng disenyo na naglalarawan sa estraktura, mga bahagi, packaging 6. **Deskripsyon**-nakatutulong sa mambabasang malaman kung papaano gumagana ang isang bagay 7. ***Resume*** -nagpapabatid sa mambabasa ng kredensyal ng manunulat 8. **Ulat teknikal**- nagbibigay ng ng impormasyon, instruksiyon at analisis ng gawain 9. ***White paper* (puting papel)-** isinulat para sa mga eksperto sa larangan at tipikal na naglalarawan ng solusyon sa problemang teknolohiya 10. ***Website**-*pagkakaroon ng hypertext ay nagpabago sa paraan kung paanong ang dokumento ay binabasa, inoorganisa at nagagamit **ARALIN 1.8 MGA HAKBANG SA TEKNIKAL NA PAGSULAT** 1. **PAGPAPLANO-** alamin kung sino ang mambabasa 2. **NILALAMAN-**alamin ang nilalaman ng mga kabanata 3. **PAGSULAT-**gawin ang unang burador 4. **INTERNALISASYON/LOKALISASYON-**tingan kung nangangailangan ng pagsasalin 5. **REBYU-**tingnan ang mga naging kalakasan at kahinaan **ARALIN 2 PAGSULAT NG LIHAM PANGNEGOSYO** **KORESPONDENSIYA-**pakikipag-usap sa pasulat na paraan o ang tinatawag na korespondensiya ay mahalaga sa lahat ng larangan -rekord na nanghihikayat ng aksiyon, nakikipagtransaksiyon tungkol sa negosyo **LIHAM PANGNEGOSYO**- pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal na sulat **ANIM NA BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO** - **PAMUHATAN-** Nagtataglay ito ng adres ng nagpapadala ng liham - **PATUNGUHAN-** Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang tungo o ang pupuntahan - **BATING PANIMULA-** Karaniwang nagsisimula sa mga salitang "Mahal na" na sinusundan naman ng apelyido ng taong sinusulatan. Laging nagtatapos sa tutuldok (:) - **KATAWAN NG LIHAM-** Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pangnegosyo - **BATING PANGWAKAS-** Isa itong maikling pagbati ng na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam, Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham - **LAGDA-** Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman laging kinakailangan **DALAWANG PANGUNAHING PORMAT NG LIHAM** 1. **ANYONG BLOCK (BLOCK FORM)-** lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan. 2. **ANYONG MAY INDENSIYON (INDENTED FORM)-** nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. **MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG MABISANG LIHAM PANGNEGOSYO** - Malinaw ngunit magalang - Maikli ngunit buong-buo - Tiyak - Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa - Wasto ang gramatika - Maganda sa paningin **ARALIN 2.1 PAGSULAT NG MEMORANDUM** **MEMORANDUM O MEMO-** karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon o kompanya. **MGA BAHAGI NG MEMO** - **Ulo** - **Katawan** **ARALIN 2.2 ELEKTRONIKONG LIHAM/EMAIL** - Nakapagpapadala ng mga liham, memo, at iba pang dokumento mula sa isang kompyuter **ARALIN 3 PAGSULAT NG PROMO MATERIALS** **PROMO-** isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang mga produkto o serbisyo **ARALIN 3.1 MGA URI NG PROMO MATERIALS** - **POSTER-** Maganda at dinisenyong mga piraso na nagpo-*promote* ng isang tukoy na produkto, serbisyo - **T-SHIRT-** ay isang natatanging paraan ng pag-a*dvertise* ng isang tiyak na produkto, serbisyo, kaganapan o laman ng iyong kumpanya - **POLYETO-** ay ginagamit upang ipakilala ang mga produkto o serbisyo ng isang kumpanya sa kanilang *target* na madla at mga potensyal na *customer* - **CUSTOM PACKAGING-** ay nagbibigay ng pinakamahalagang aspeto ng iyong produkto sa mga kostumer at nagbibigay-daan ito upang tumayo mula sa iba **ARALIN 3.2 PAGSULAT NG FLYERS AT LEAFLETS** **FLYERS-** Ginagamit ang *flyers* sa **diseminasyon o pagpapakalat** ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo. **GAMIT NG FLYERS** - Ipatangkilik ang mabuting serbisyo tulad ng restaurant, spa, at iba pa - Hikayatin at padalhan ng sosyal, relihiyoso, at politikal na mensahe ang mga tao - Mag-recruit ng kaanib - Ipatalastas ang isang pangyayari tulad ng konsyertong musical o pagsasama-samang politikal **TIPS SA PAGGAWA NG FLYERS** - Sumulat ng pamagat. - Gawing simple ang mensahe. - Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon - Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan. - Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan - Pagsasapubliko ng impormasyon **LEAFLETS-** higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng *leaflets* **TIPS SA PAGGAWA NG LEAFLETS** - Planuhin ang mga detalye - Gumamit ng mga parirala - mas malaki ang espasyong inilalaan sa *leaflets* at maaaring magdagdag ng impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo - Maaaring gumamit ng MS Word, - Magsama ng mga larawan - Tingnan kung may mga pagkakamali sa baybay at sa gramatika - Maglimbag ng mga sampol

Use Quizgecko on...
Browser
Browser