AKADEMIKONG-PAGSULAT-WEEK-1 PDF
Document Details
GNG. LAILA D. NACAR
Tags
Summary
This document discusses various types of writing, including creative writing, technical writing, professional writing, and journalistic writing. It also explores the importance of writing and its role in academic contexts.
Full Transcript
INIHANDA NI: GNG. LAILA D. NACAR INAASAHANG MATAMO ▪ Nabibigyang kahulugan ang pagsulat at ang kahalagahan nito. ▪ Natutukoy ang iba’t- ibang mga uri ng pagsulat at nabibigyan ng kahulugan. ▪ Naitataguyod ang pagiging mapanuri sa iba’t ibang uri ng sulatin ▪ Nakapagpapahayag ng p...
INIHANDA NI: GNG. LAILA D. NACAR INAASAHANG MATAMO ▪ Nabibigyang kahulugan ang pagsulat at ang kahalagahan nito. ▪ Natutukoy ang iba’t- ibang mga uri ng pagsulat at nabibigyan ng kahulugan. ▪ Naitataguyod ang pagiging mapanuri sa iba’t ibang uri ng sulatin ▪ Nakapagpapahayag ng paraan sa pagiging responsableng manunulat INAASAHANG MATAMO ▪ Nabibigyang kahulugan ang pagsulat at ang kahalagahan nito. ▪ Natutukoy ang iba’t- ibang mga uri ng pagsulat at nabibigyan ng kahulugan. GAWAIN 1 Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. GAWAIN 1 1.Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 1 2. Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng BALITA, EDITORYAL, LATHALAIN, ARTIKULO, MAGASIN, at INUULAT SA RADYO AT TELEBISYON. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 1 3. Ito ay intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyonal. Ito ay isang pangangailangang intelektuwal na pagsulat. A. Propesyonal na Pagsulat B. Dyornalistik na Pagsulat C. Reperensiyal na Pagsulat D. Akademikong Pagsulat GAWAIN 1 4. Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. A. Propesyonal na Pagsulat B. Dyornalistik na Pagsulat C. Reperensiyal na Pagsulat D. Akademikong Pagsulat GAWAIN 1 5. Layunin nito na pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Isang halimbawa nito ay ang “Feasibility Study”. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat Gawain 2 Magsulat ng mga salitang maaring maiugnay sa salitang “PAGSULAT”. Isulat ang sagot sa inyong papel. Anong gawain ang PAGSULAT isinasagawa ng bata sa larawan? GAWAIN 3 Bumuo ng sariling kahulugan ng pagsulat gamit ang mga salitang isinagot sa Gawain 2. Isulat ang sagot sa inyong papel. Ang pagsulat ay ___________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ ANG PAGSULAT/PAGSUSULAT Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum o wika ng paghahatid ng mensahe. Austera (2009) ANG PAGSULAT/PAGSUSULAT Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Xing at Jin ANG PAGSULAT/PAGSUSULAT Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito ay pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Badayos (2010) ANG PAGSULAT/PAGSUSULAT Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. William Strunk E.B White ANG PAGSULAT/PAGSUSULAT Ang pag – iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag – iisip. Kellogg ANG PAGSULAT/PAGSUSULAT Ang pagsulat ay isang biyaya, kabuuan ng pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Helen Keller Ayon kay Mabilin, ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawa. 1.Personal o ekspresibo Ano-ano ang layunin 2. Panlipunan o sosyal ng pagsulat? PERSONAL O EKSPRESIBO Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. PANLIPUNAN O SOSYAL Ang layunin ng pagsulat ay ang makipag- ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang iba pang tawag dito ay transaksiyonal. Layunin nito ang magbibigay ng interpretasyon, mangangatwiran, maghahatid ng impormasyon, magsuri, manghikayat o di kaya’y makikipagpalitan ng mga ideya sa iba pang manunulat. 1. Masasanay ang kakayahang mag- organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan Ano-ano ang mga ng obhetibong kahalagahan ng pagsulat? paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang pinagmulan ng impormasyon ng Ano-ano ang mga kaalaman para sa kahalagahan ng akademikong pagsulat. pagsulat? 3. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong Ano-ano ang mga makapag-ambag ng kahalagahan ng kaalaman sa lipunan. pagsulat? 4. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral Ano-ano ang mga at akademikong kahalagahan ng pagsulat? pagsisikap. MGA URI NG PAGSULAT 1.Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) 2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) 3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) 4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) 5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) Ano-ano ang mga uri 6. Akademikong Pagsulat (Academic ng pagsulat? Writing) Malikhaing Pagsulat o Creative Writing Ang uri na ito ng pagsulat ay nagbibigay ng aliw, nakapupukaw ng damdamin at nakaaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Ito ay bunga ng malikot na isipan o kathang – isip ng manunulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari ng kanyang buhay o ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang mga uri ng malikhaing pagsulat ay mga kuwento, dula, tula, maikling sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, 6 kalyeserye, musika, pelikula at iba pa. Halimbawa nito ay ang kuwento na pinamagatang Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez, tula na pinamagatang “Ang Pamana” ni Jose Corazon De Jesus. Malikhaing Pagsulat o Creative Writing Ang mga uri ng malikhaing pagsulat ay mga: kuwento Kalyeserye dula musika tula pelikula at iba pa. maikling sanaysay komiks iskrip ng teleserye Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Layunin ng pagsulat na ito 1.Malikhaing ang pag-aralan Pagsulat ang isang proyekto o (Creative Writing) kaya ay bumuo 2. ng isang pag Teknikal – aaral na na Pagsulat magbibigay (Technical ng kalutasan Writing) sa isang suliranin o problema.na 3. Propesyonal Maituturing na malawakWriting) Pagsulat (Professional ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin at inaasahan na 4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) ang makauunawa lamang nito ay ang mga taonng may Reperensiyal kaugnayan sa5.proyekto na Pagsulat o suliranin na may(Referential kinalamanWriting) sa tiyak na disiplina o larangan. Halimbawa 6. Akademikong nito ay(Academic Pagsulat ang mga Writing Risk Assessment ) on Working in an Office Environment, Feasibility Study on Fish Propagation Business, at Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina. Teknikal na Pagsulat o Technical Writing KATANGIAN HALIMBAWA Layunin ng pagsulat na ito ang pag- Feasibility study aralan ang isang proyekto o kaya ay Korespondensyang bumuo ng isang pag – aaral na pampangangalakal magbibigay ng kalutasan sa isang suliranin o problema. Maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin at inaasahan na ang makauunawa lamang nito ay ang mga taonng may kaugnayan sa proyekto o suliranin na may kinalaman sa tiyak na disiplina o larangan. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing Ito ay isang pagsulat na may kinalaman sa tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbaw nito ay police report na ginagawa ng mga pulis, lesson plan na ginagawa ng mga guro, patient’s journal ng mga doktor, investigative report ng mga imbestigador at mga legal forms o pleadings ng mga abogado. Propesyonal na Pagsulat o Professional Writing KATANGIAN HALIMBAWA Ito ay isang pagsulat na may Police report Investigative reports kinalaman sa tiyak na Legal forms larangang natutuhan sa Medical report akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay may kinalaman sa mga sulating pamamahayag kung saan kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa. Mahalaga ang mga sumusulat ng ganitong uri ng pagsulat dahil kailangan bihasa sila sa pangangalap ng totoo, obhetibo at mga makabuluhang balita na kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan. Dyornalistik na Pagsulat o Journalistic Writing KATANGIAN HALIMBAWA Ginagawa ng mga Balita Editorial mamamahayag o Akdang makikita sa journalist pahayagan o magasin Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) May dalawang pangunahing layunin ang ganitong uri ng sulatin, una ay layunin ng pagsulat na ito ay magbigay ng pagkilala sa mga pinagkunan ng kaalaman o impormasyon sa paggawa ng isang konseptong papel, tesis o disertasyon. Pangalawa at panghuli, ang layunin ng pagsulat na ito ay irekomenda sa iba pang manunulat ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Kalimitang nakikita ang ganitong uri ng sulatin sa huling bahagi ng isang pananaliksik o kaya naman sa kabanata kung saan naglalaman ng RRL o Review of Related Literature. Ang RRL ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinasagawang pananaliksik. Reperensiyal na Pagsulat o Referential Writing KATANGIAN HALIMBAWA Naglalayong Pamanahong papel magrekomenda ng Tesis at disertasyon lalo iba pang sanggunian na sa bahaging Mga Kaugnay na sa isang paksa. Pag-aaral at LIteratura Akademikong Pagsulat o Creative Writing Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat kung saan nakatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Arrogante et al. (2007), ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga manunulat ng akademikong pagsulat ay kinikilala dahil sa husay ng kanilang kakayahan sa pangangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, may inobasyon at kakayahang gumawa ng sentesis. Pili na pili ang mga salitang ginagamit sa akademikong pagsulat at isinaalang-alang ang layunin ng mambabasa. Isinasaalang-alang din ang mahigpit at wastong paggamit ng retorika sa mga ganitong uri ng sulatin. Akademikong Pagsulat o Academic Writing KATANGIAN HALIMBAWA Itinuturing na intelektuwal Kritikal na na pagsulat dahil layuning sanaysay itaas ang antas at kalidad Lab report ng kaalaman ng mga mag- Eksperimento aaral sa paaralan. Term Paper Gawain 4 Sagutin ang katungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel Bilang mag-aaral, Bakit mahalagang matutuhan ang mga uri at kahalagan ng pagsulat? GAWAIN 5 PAGTATAYA o ASSESSMENT No.1 Gawain 5 Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. A. pagbasa B. pagsulat C. pagsasalita D. pakikinig GAWAIN 5 2. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 5 3. Mabibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 5 4. Pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik. A. Malikhaing Pagsulat B. Akademikong Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Reperensyal na Pagsulat GAWAIN 5 5. Layunin nito na pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Isang halimbawa nito ay ang “Feasibility Study”. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 5 SUSI SA PAGWAWASTO Gawain 5 Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. A. pagbasa B. pagsulat C. pagsasalita D. pakikinig GAWAIN 5 2. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 5 3. Mabibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 5 4. Pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik. A. Malikhaing Pagsulat B. Akademikong Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Reperensyal na Pagsulat GAWAIN 5 5. Layunin nito na pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Isang halimbawa nito ay ang “Feasibility Study”. A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat GAWAIN 5 PAGTATAYA o ASSESSMENT No.2 GAWAIN 5 THINK BEFORE YOU CLICK GAWAIN 5 Ang tagline na ito ay ginamit ng GMA News and Public Affairs para isulong ang responsableng paggamit ng social media sapagkat ang bawat isa sa atin ay mayroong karapatan sa malayang pagpapahayag ngunit kaakibat ng kalayaang ito ay ang responsibilidad natin bilang mamamayan ng ating bansa at sa ating kapwa. Bilang isang mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral ng Akademikong Pagsulat, magbigay ng mga paalala sa iyong kapwa kabataan hinggil sa responsableng paggamit ng social media. Dahil ikaw ay tinaguriang 21st century learner o mag-aaral sa ika dalawamput-isang siglo inaasahan na ikaw ay magiging malikhain sa iyong post sa Facebook/Twitter/Instagram at lagyan ng #AkademikongPagsulat #ResponsablengPamamahayag #ResponsablengMag-aaral. Isulat ang iyong sagot sa isang bondpaper. GAWAIN 5 MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG AT KOOPERASYON!