Aralin 1: Akademikong Sulatin, Ating Alamin PDF

Summary

This document is an instructional material on academic writing in Filipino. It covers introduction, elements, and processes of writing in the academic context.

Full Transcript

Aralin 1 Akademikong Sulatin, Ating Alamin Pambungad na Gawain  Humanap at magsaliksik ng anumang uri ng sulatin na nababagay sa iyong interes. Sumipi ng bahagi ng nakitang sulatin at punang ang gabay na organizer. Kaugnay na P...

Aralin 1 Akademikong Sulatin, Ating Alamin Pambungad na Gawain  Humanap at magsaliksik ng anumang uri ng sulatin na nababagay sa iyong interes. Sumipi ng bahagi ng nakitang sulatin at punang ang gabay na organizer. Kaugnay na Paksa Kaugnay na Paksa Paksa Kaugnay na Paksa Pangkalahatang Pangnilalaman Daloy ng Talakay Pangkalahatang Pagsusuri Kaalaman  Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pagsulat at ang wika ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe sa anumang isusulat.  Malaki ang gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng saloobin, pananaw, opinion, ideya, at anumang naiisip. Akademikong Pagsulat, Dapat Sapat at Lapat  hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon.  Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon.  Magkatambal ang pagsulat at pag-iisip  Imahinasyon ang pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng isang uri ng sulatin.  Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip. Mga tiyak na hakbang o proseso ng isang Akademikong Sulatin 1. Komprehensibong Paksa – batay sa interes ng manunulat. - nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa. 2. Angkop na Layunin – ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. - Mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad,suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon. 3. Gabay na Balangkas – upang organisahin ang ideya ng sulatin. Tatlong Uri ng Balangkas: a. paksa/papaksa – binubuo ito ng mga salita at parirala, nagsisilbing gabay upang tingnan sa kabuuan ang gagawing pananaliksik b. pangungusap/papangungusap – binubuo ito ng mga pangungusap na nagsasaad ng kumpletong ideya. Detalyado ito kaysa sa balangkas na papaksa. c. talata/patalata – gumagamit ang balangkas na patalata ng pariralang may maikling buod upang ipaliwanag ang bawat paksa at binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong talata ng sulatin. - Kadalasan ang balangkas din ay nagiging burador ng anumang sulatin. - Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin. Pormat ng Balangkas Ito ay may sinusunod na hierarchy. Mauuna muna ang Roman Numeral, na kasunod ay ang malaking letra, pagkatapos ay Arabic Numeral, at maliit na letra Hal. I. ____________________ A. ___________________ 1. _________________ a. ________________ Sa ibang balangkas naman, ginagamit din ang decimal na pormat. Magsisimula sa isang Arabic Numeral, na kasunod ay decimal. Hal. 1. _________________ 1.1 _______________ 1.1.1 _____________ 4. Halaga ng Datos – maituturing na pinamahalagang yunit ng pananaliksik ang dats ng anumang akda. -Nahahati sa dalawa ang pinagkukuhanan ng datos: a. Primarya o pangunahing sanggunian 1. talaarawan 2. pakikipanayam 3. liham 4. orihinal na gawang sining 5. orihinal na larawan 6. orihinal na pananaliksik 7. mga isinulat na panitikan b. Sekondaryang sanggunian  reaksiyon sa isang: 1. aklat 2. palabas 3. manuskrito 4. pahayag ng isang tao 5. buod ng anumang akda 5. Epektibong Pagsusuri – isang komprehensibong akademikong sulatin an pagsusuri. -Hindimakahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang lagpasan ang opinion at mapalutang ang katotohanan. -Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri ang mga tsismis o sabi-sabi. -Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan ng lalim ng kaniyang ginawang obra o akademikong sulatin. 6. Tugon ng Kongklusyon – taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin. -Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. -Nasaanyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. -Sakonklusyon huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy ng isinasagawang pag-aaral o akademikong sulatin. Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at kilos. Ang ugnayan ng ideya, nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilos ang batayan ng isang komprehensibo at epektibong pagsulat. Mga ilang paalala na dapat tandaan para sa susulat 1.Huwag magpasok ng bagong material - ang konklusyon ay iyong lugr upang tapusin ang sulatin, hindi magtapon ng karagdagang puntos na hindi nagawa sa katawan ng mga talata. 2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay na pinaliwanag na. - kung sinunod ng iyong sulatin ang lahat ng kumbensiyon ng akademikong pagsulat – kung nakalikha ka ng tesis at nakapagbigay ng ebidensiya upang patunayan ang posisyon – nasagot mo na ang inaasahan ng iyong mambabasa. 3. Huwag magtapos sa “Cliff hanger”, na iniiwang bitin ang mga mambabasa. - tandaan, na ang tagging layunin ng iyong sulatin ay magbigay ng katibayan para sa iyong tesis kung kayat ang konklusyon ay naglalayon na masagot ang lahat ng mga katanungan ng mambabasa.  Pakatandaan! PAGSULAT DAMDAMIN IDEYA NARARAMDAMAN TUGON KONSEPTO SALOOBIN AKSIYON ISIP KILOS G U A A T P L S Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong pinagbabatayan. Pundasyon ang isip na magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal, kritikal, maugnayin, at malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman ng akademikong sulatin. Hindi maihihiwalay sa isip ang damdami o puso ng akademikong sulatin. Bukod sa nararamdamang saya, lungkot, galit, at iba pang saloobin, litaw ang damdaming nais maiparating ng akademikong sulatin na lalong nagiging mabisa sa pamamagitan ng kaugnay ng mga tiyak na pagtugon o pagkilos batay sa layunin ng akademikong sulatin.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser