Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga halimbawa at paliwanag tungkol sa mga pangatnig sa wikang Tagalog. Nakapaloob ang iba't-ibang uri ng pangatnig at mga halimbawa para sa kanilang maayos na paggamit sa pangungusap.

Full Transcript

Life Performance Outcome Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. Essential Performance Outcome Pinag – iisipang mabuti ang pahayag, pasalita m...

Life Performance Outcome Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. Essential Performance Outcome Pinag – iisipang mabuti ang pahayag, pasalita man o pasulat, upang masuri ang kawastuhan, kalinawan at pagkamakatotohanan ng kanilang ibabahagi, at kung papaano ito dapat tanggapin at bigyang – kahulugan ng ibang tao. Intended Learning Outcome Pinag – iisipang kong mabuti ang pahayag, pasalita man o pasulat, upang masuri ang kawastuhan ng paggamit ng pangatnig na nag-uugnay sa aking ibabahagi, at kung papaano ito dapat tanggapin at bigyang – kahulugan ng ibang tao. PANGATNIG PANGATNIG Ano ang Pangatnig? Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap upang makabuo ng malinaw na diwa. Ginagamit ito kapag ang tanong ay nagsisimula sa bakit, dahil, sapagkat, mangyari at iba pa. Mga Halimbawa 1. ikaw o ako (mga salita) 2. mga minamahal na kamag-aral at mahuhusay na guro (mga parirala) 3. Kailangan ko nang umalis upang maabutan ko ang kaibigan ko. (mga sugnay) 4. Sina Julia at Gab ay tumutulong sa mga gawaing-bahay upang mapadali ang gawain ng kanilang ina. 5. Siya ay pinarangalan dahil sa pagiging matapat na bata. Maraming uri ang pangatnig 1.Pamukod - ginagamit upang itanggi ang isa sa ibang mga bagay o isipan tulad ng o, ni, man, maging, at kaya. Halimbawa: a.Sino ang mag-aalaga ngayon kay Nene, ikaw o ako? b.Huwag mong ikahiya ang trabahong marangal, maging ito man ay marumi sa kamay. c.Kahirapaan o maging kapansanan man ay hindi dapat maging sagabal sa pagkamit ng tagumpay. 2. Paninsay - ginagamit sa mga tambalang pangungusap kung ang unang parte ay salungat sa ikalawa. Halimbawa: datapwat habang maliban gayon man bago bagaman subalit samantala kung sabagay Halimbawa: a. Naniniwala akong maunlad na rin ang ating bansa, bagaman hindi maiiwasan ang mga kalamidad, subalit hindi naman nagpapabaya ang ating pamahalaan. b. Kailangang danasin muna ang kahirapan bago matikman ang tamis ng tagumpay. c. Si Apolinario Mabini ang utak ng rebolusyon samantalang si Emilio Jacinto naman ang utak ng katipunan. 3. Panubali - ginagamit sa kaisipang nagsasaad ng pasubali o pasakali. sakali kung pag kapag kung di sana saka-sakali Halimbawa: a.Malaki na sana ang mga alaga kong manok kung di dinaanan ng peste, sana’y may iuulam na tayo ngayon. b.Nagtagumpay sana si Hen. Gregorio Del Pilar sa pagtatanggol ng Pasong Tirad kung hindi natuklasan ng mga Amerikano ang lihim na daan. 4. Paninhi - tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaad ng kadahilanan. dahil kung kaya mangyari gawa sapagkat dangan paano kasi Halimbawa: a. Hindi na kita nahintay dahil kailangan kong makaalis agad sapagkat matrapik kapag ganoong oras. b. Dahilan sa hangarin ng taong bayan ang pagbabago kung kaya nahimok si Gng. Corazon Aquino na kumandidato bilang pangulo. 5. Panlinaw - ginagamit upang linawin ang nasabi na: anupat samakatwid kaya kung gayon Halimbawa: a. Nasa ibayong dagat si German, samakatwid hindi siya makadadalo sa papupulong bukas. b. Dahil watak-watak ang pag-aalsa ng mga Pilipino anupat lahat ng pagkilos ay agad na susugpo ng mga espanyol. c. Ayon kay Rizal, hindi pa handa ang mga Pilipino, kung gayon hindi pa napapanahon para sa isang rebolusyon. 6. Panulad - ginagamit sa pagtutulad sa gawa at pangyayari. Kung ano, siya rin kung saan, doon din Kung alin, iyon din kung gaano, gayun din Kung paano, gayun din Halimbawa: a.Kung gaano mo kamahal ang iyong anak, gayun din ang isusukling pagmamahal sa iyo. b.Kung ano ang iyong itinanim, siya mo ring aanihin. c. Kung saan ang hilig mo, doon din ang puso mo. 7. Panapos - ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita. at sa wakas sa bagay na ito upang sa lahat ng ito nang para kay Halimbawa: a.Tayo’y mag-impok upang may madukot. b.Igalang natin ang ating sarili nang igalang tayo ng iba. c. Sa lahat ng ito, tanggapin ninyo ang aking taos-pusong pasasalamat. Ano ang mahalagang gamit ng pangatnig sa pangungusap o pagsasalaysay? Bilang mag-aaaral, paano makatutulong sa iyo ang kaalaman tungkol sa mga pangatnig na nag- uugnay? Intended Learning Outcome Pinag – iisipang kong mabuti ang pahayag, pasalita man o pasulat, upang masuri ang kawastuhan ng paggamit ng pangatnig na nag-uugnay sa aking ibabahagi, at kung papaano ito dapat tanggapin at bigyang – kahulugan ng ibang tao. Essential Performance Outcome Pinag – iisipang mabuti ang pahayag, pasalita man o pasulat, upang masuri ang kawastuhan, kalinawan at pagkamakatotohanan ng kanilang ibabahagi, at kung papaano ito dapat tanggapin at bigyang – kahulugan ng ibang tao. Life Performance Outcome Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser