PANIMULANG LINGGWISTIKA MIDTERM REVIEWER PDF

Summary

This document is a reviewer for a midterm exam about introductory linguistics, specifically covering the Tagalog language. It includes discussions of linguistic concepts, processes, theories, and historical perspectives. The review touches upon the different approaches in teaching Filipino, including the use of grammar and literature.

Full Transcript

KABANATA 1: ANG LINGGUWISTIKA AT GURO NG WIKA Lingguwistika – isang maka agham na pag aaral ng wika Theoretical Lingguistics - pag-aaral ng mga estruktura, patakaran, at prinsipyo na bumubuo sa wika. Sa madaling salita ay ang konsepto Applied Lingguistic- ginagamit na ang konsept...

KABANATA 1: ANG LINGGUWISTIKA AT GURO NG WIKA Lingguwistika – isang maka agham na pag aaral ng wika Theoretical Lingguistics - pag-aaral ng mga estruktura, patakaran, at prinsipyo na bumubuo sa wika. Sa madaling salita ay ang konsepto Applied Lingguistic- ginagamit na ang konsepto sa pag aaral Linggwista- tawag sa isang taong na nagsasagawa ng maka agham nap ag-aaral ng wika Polygot- maraming alam na wika ngunit hindi ito sinusuri Anawnser- bihasa sa pagsasalita subalit hindi naman sinusuri ang wikang ginagamit Impormante- katulong ng linggwista Balarila- grammar Guro ng Wika- isang tagapagturo na espesyalista sa pagtuturo ng isang wika LIMANG PROSESO SA PAGTUKLAS NG IMPORMASYON 1. Ang proseso ng pagmamasid o obserbasyon 2. Ang proseso ng pagtatanong 3. Ang proseso ng pagklasipika 4. Ang proseso ng paglalahat 5. Ang proseso ng pagberepika, at pagrebisa Alfonso Santiago- isang doctor na nadpad sa isang malayong kumunidad. Albularyo- tawag sa takbuhan ng mga tao tuwing may sakit o dinaramdam. Ang pagtuturo ng wika ay kakailanganin ng isang guro ng source material at ito ay maaring lunasan ng mga linggwista. Narito ang mga aklat pang-wika na nagsilbing hanguan: Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos A Manual of the Philippine National Language ni Cecilio Lopez Tagalog Text ni Leonard Bloomfield Tagalog Grammar ni Frank Blake Tagalog Reference Grammar ni Schachter at Otanes May dalawang prinsipal na pamamaraan sa pagtuturo ng wika na ginamit ang mga paaralan at maging dalubhasaan para mapaunlad ang wikang Filipino: Sa pamamagitan ng pagtuturo ng panitikan, at Sa pamamagitan ng pagtuturo ng gramatika o balirala nito. Isa sa mga patunay ng kabiguan ng pagpapaunlad sa wika at pagkaiwan nito ay ang hindi pagpapasok ng anumang mga pagbabago sa aklat ni Lope K. Santos noong 1941. Paraluman Asperalla- anak ni Lope K. Santos, sinabi ni Santos na ang kanyang aklat ay hindi gawang Diyos kaya sa paglipas ng 10 taon ay makikita na ang mga kakulangan nito, subalit ayon sa aklat ni Santiago1979, humigit kumulang ng 36 na taon ang lumipas ay hindi pa rin narerebisa ang aklat. Resulta ito di-umano ng kakulangan ng dalubhasa sa wika na dapat sana ay katuwang sa pagrebisa nito. Maraming mga taon dahil sa oryentasyong Ingles ang pagtuturo ng pangungusap ay nakatuon lamang sa ayos na: Ang bulaklak ay maganda. The flower is beautiful. Kitang-kita na oryenatsyong maka-Ingles ang sinusundan sa pangungusap na binubuo ng Simuno, Pandiwang Pantulong, at Panaguri. Kamakailan lamang napagtanto na hindi ito ang tuwirang ayos kundi. Maganda ang bulaklak. (Panaguri-Simuno) at ang “ay” naman ay isang pangawing. Sa kasalukuyan ay dalawa ang itinuturing na ayos ng pangungusap: Karaniwan: (Panaguri-Simuno) Mabilis lumangoy ang isda. Di-Karaniwan: (Simuno-Panaguri) Ang isda ay mabilis lumangoy. Panaguri-Simuno-Panaguri (P+S+P) Lumangoy ang isda nang pagkabilis-bilis sa ilog. *Pansinin ang kakanyahan na ito ng wikang Filipino na hindi makikita sa wikang Ingles. 3 MALALAKI AT MAHAHALAGANG AMBAG NG LINGGWISTIKA SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA AYON KAY SANTIAGO: 1. Sa pagpaplano at paggawa ng mga Patakarang Pangwika 2. Sa paghahanda ng mga Kagamitang Panturo 3. Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wika KABANATA II: ANG WIKA AT KAUGNAY NA IMPORMASYONG PANGLINGGUWISTIKA Antropologo- isang pag aaral ng tao, kultura at iba pa. Ayon sakanila: ✓ -ang kauna-unahang wika ng tao sa daigdig ay kahalintulad sa mga hayop ✓ -subalit dahil sa katalinuhang taglay ng mga tao ay naging madali para sa kanila na malinang ang kanilang wika at kultura ✓ dahil dito madali nilang naibukod ang kanilang sarili sa mga hayop TEORYA KUNG PANO NABUO ANG WIKA Teoryang Tore ng Babel/ Ayon sa bibliya- Ang wika ng mga tao ay iisa lamang, subalit ginulo ng Diyos ang wika nila upang ang mga tao ay hindi magkaunawaan para hindi matapos ang ginagawa nilang tore na simbulo ng kapalaluan at pagkalimot sa kadakilaan ng Diyos. Matatagpuan ito sa aklat ng Genesis 11:1-9 Teoryang bow-wow- ang wika ng tao ay nagmula sa panggangaya ng tunog mula sa kalikasan Teoryang Yum-Yum- nagmula sa pagtugon sa mga bagay na nangangailangan ng paggalaw at ginagaya ito ng tao sa pamamagitan ng kanilang bibig Teoryang Pooh-pooh- pagbulalas ng masidhing damdamin Teoryang Yo-he-ho- pwersang pisikal Teoryang Dingdong- bagay sa paligid Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay- tunog na nililikha ng ritwal AYON SA EKPERIMENTO Haring Psammitichus - ng Ehipto ay nagpakuha ng dalawang sanggol at pinaalagaan ito sa isang malayong pook na walang maririnig na anumang usapan mula sa mga tao. Ito ay para alamin kung anong wika ang matutunan ng mga ito. Ang unang salita na nabigkas di-umano ng dalawang bata ay “bekos” salitang Phrygian ng Indo Europeo na ang ibig sabihin ay tinapay. 13 NA ANGKAN NG WIKA NI HENRY GLEASON 1. Indo-Europeo (Pinakamatandang Wika) 2. Finno-Ugrian 3. Altaic 4. Caucasian 5. Afro-Asiatic 6. Korean 7. Japanese 8. Sino-Tibetan ng Silangang Asya 9. Malayo-Polinesyo 10. Papuan 11. Dravidian 12. Australian 13. Austro-Asiatic Malayo-Polinesyo- isang sangay ng Austronesian language family, na binubuo ng maraming wika napinaniniwalaan ring ang mga wika ay mag-kakaanak Dahil sa paniniwalang ito ay higit na kapani-paniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuloan. Marahil kung nagkaroon man ng pagkakaiba ay bunga ito ng maraming taon ng paglilinang at pagkakahiwalay ng mga pulo. Sinasabi na ang unang sistema ng pagsulat o tinatawag na baybayin ay nagmula sa Alifbata ng Arabia at nang lumaon ay naging Alibata. Nakaabot ito sa Pilipinas, daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya. Ang ganitong pagpapalagay ay maaarin ngang totoo dahil sa Bahasa Melayu. Ayon sa kasaysayan ang Bahasa Melayu ay pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata at naging lingua franca pa sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng A.D. 700 at A.D. 1500. Nangyari ito sa panahon ng Imperyong Madjapahit sa Java. David and Healey (1962)- ng Summer Institute of Linguistics ay nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap ang iba’t ibang wikain sa Pilipinas. Sila ay naniniwala na mahahati sa tatlong panahon ang malakihang paglaganap ng mga wika mula sa angkang Malayo Polinesyo ANG PHILIPPINE STOCK AY PINANINIWALAANG NAHAHATI SA TATLO Northern Philippine Family Southern Philippine Family Pangasinan Noong 200 B.C. ang “Northern Family” di-umano ay muling nahati sa hindi kukulangin sa tatlo: ang mga wika sa bulubundukin; Ifugao, Kankanai, Bontoc. Ilocano at ang mga wikang lumaganap sa ilog Cagayan; Kalinga, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, Agta. At Pangatlo ay ang Inibaloi. Samantala ang “Southern Philippine Family” noong 100 B.C. ay nahati sa mga sumusunod; Sambal, Tagalog, Kapampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Magindanao, Binukid, Dibabaon, Western at Southern Bukidnon, Manobo, Subanon atbp. Noong 1100 B.C. ang “Philippine Superstock” ay nahati sa “Philippine Stock” at iba pang wika sa timog Luzon tulad ng Ivatan, Ilongot, Baler Dumagat, atbp. At noong 1300 B.C. ang mga malalaking pangkat ng wikang kilala sa uring Proto Indonesian ay nahati sa “Philippine Superstock”, “Southern Mindanao Family” (Bilaan, Tagabili, kasama ang Tiruray) at “Chamic Family” ng Vietnam. GUMAMIT NG PITONG PANGALAN SINA DAVID AT HEALEY SA PAGPAPANGKAT- PANGKAT NG MGA WIKA SA PILIPINAS: 1. Southern Philippine Family 2. Northern Philippine Family 3. Southern Mindanao Family 4. Chamic Family 5. Philippine Stock 6. Malay Stock 7. Philippine Superstock Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano at Bicol. Conklin 1952. Pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa: ✓ Iloko-type ✓ Tagalog-type Ang wikang Ilocano at Pangasinan ay isinaman niya sa pangkat ng Iloko-type, samantala ang Tagalog, Bikol, Hilagayanon at maging Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng Tagalog-type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang tipo. FOX, SEBLEY, EGAN (1953) Lexicostatistics- Ito ay isang pamamaraan ng pagtataya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika mula sa inang wika, at kung anong petsa rin nagkawatak-watak ang mga anak na wika. Ang isa pa sa pagtatangka ng klasipikasyon ng mga wika sa Pilipinas na ginamitan ng pamamaraang lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Egan 1953. Sa pag-aaral na ito ay gumawa sila ng panimulang glottochronology para sa Katimugang Luzon. Ayon sa kanila halos lahat ng wika sa Katimugan Luzon ay mapapangkat sa isa liban sa Ilongot, ang Northern Luzon Type na nahati rin sa 4. 1. Northern Division 2. Central Division 3. Southern Division 4. Southeastern Division DYEN Samantala, sa isinagawa namang pag-aaral ni Dyen na kinikilalang pangunahing linggwista ng wikang Malayo-Polinesyo, sa mga wikang Austronesian ay mababanggit na ginamit niya ang pamamaraang lexicostatistical sa 60 wika sa Pilipinas. Nahahawig ito sa isinagawang pag-aaral nina David at Healey ang naging resulta ng pag-aaral, liban sa isa. Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog at Kapampangan. Ayon sa kanya higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyonon kaysa Kapampangan. ALFONSO SANTIAGO 1997 “Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang ginagamit sa pagdukal ng karunungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Sa wika ipinahahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, galit, pag-ibig” Hindi siya isang polyglot liban na lamang kung ang isang polyglot ay magpapakadalubhasa sa wika. Dahil ang linggwistika ay isang agham ng pag-aaral ng wika, natural lamang na tawaging syentipiko ang isang tao na nagsasagawa nito. Gumagawa ng maaagham na pagsusuri ang dalubwika sa palatunugan, palabuoan, palaugnayan, at talasalitaan ng isang wika. Mahalaga ang kanyang obserbasyon sa pagbuo ng kongklusyon ukol sa mga penomena na nagaganap sa isang wika. WIKA AT KULTURA Ang kultura at wika ay dalawang bagay na hiyas ng isang pook na hindi maaaring paghiwalayin. Sapagkat kaya may wika ay dahil may kultura, saan gagamitin ang wika kung wala ang kultura. Iba ng kultura na kabuhol ng Ingles. Liberal ang Ingles, samantala konserbatibo ang Filipino. May kultura ang Ingles na hayag sa wika, samantala sa Filipino ay hindi maaari. KABANATA III-A: ANG KASAYSAYAN NG NG LINGGUWISTIKA SA DAIGDAIG Ang wika ay mula sa Diyos. Tulad ng nabanggit sa Bibliya, kaya dumami ang wika ng mga tao ay dahil ginulo ito ng Diyos noong panahon na ginagawa pa lamang ang Tore ng Babel Subalit ang mga palaaral tulad nina Plato at Socrates ay hindi kumbensido sa ganitong paliwanag ng simbahan Mambabalirang Hindu- unang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika Sang-ayon sa kasaysayan naniniwala ang mga tao noon na wika ng Diyos ang ginamit sa matandang banal na himno ng Ebreo. Ebreo- ina ng lahat ng wika sa mundo Sinasabi na sa mga wika tulad ng Latin at Griyego unang nagkaroon ng anyo ang linggwistika sa tunay na kahulugan nito, sapagkat ang mga wikang ito ang unang nalinang at naging kasangkapan sa malaganap na sibilisasyon sa Europa. ✓ Tunog ✓ Palabuoan ✓ Ugnayan ARISTOTLE Isa sa mga linggwista na nagsuri ng wika at nagpaliwanag nito sa maagham na pag-aaral. Kasama rin sa hanay ng pantas ang pangkat ng “Stoics” na itinuturing na nagsipanguna sa larangan ng agham-wika. Subalit dahil simula pa lamang ito ay hindi maituturing na sopistikado. ❖ Sa pagpasok ng Kalagitnaang Siglo ay hindi rin gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat ang napagtuonan ng pansin sa mga panahong ito ay kung paano mapananatili ang Latin bilang wika ng simbahan. ❖ Subalit sa pagdating ng panahon ng Pagbabagong Isip dahil sa mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon sa iba’t ibang ng Gresya at Roma ay nagbigay daan ito sa masusi at puspusang paggamit ng linggwistika sa pagsusuri ng wikang Griyego at Latin. ❖ Nakaimpluwensya ito sa iba’t ibang wika maging sa pagpapalagay na Ebreo ang unang wika na ina ng mga wika sa mundo sapagkat sinasalita sa Paraiso. ❖ Sa pagpasok ng ika-19 na siglo ay nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang agham-wika. Nagkaroon ito ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng mga wika, mga pagpapangkat-pangkat ayon sa angkan tulad ng ginawa ni Gleason. ❖ Sa panahong ito hindi na lang nakatuon sa paglalarawan ang pagsusuri sa wika, kundi sumasagot pa rin sa tanong na bakit. Dulot nito ay maraming mga nagsisulputang mga disiplina ang kaugnay na ng linggwistika. Maihahanay rito ang theoretical at maging applied. Kasama rin ang historikal at matematikal. IBAT IBANG DISIPLINA UKOK SA LINGGUWISTIKA Linggwistikang Historikal Itinuturing ito na kauna-unahang disiplina ukol sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang angkan. Ginamit na dulog sa pagtukoy ng angkan ang pag-alam sa mga palatunugan, palabuoan, palaugnayan, talasalitaan at maging ang cognates o salitang ugat na magkakatulad at heograpikal na lokasyon. Naging matagumpay ang disiplinang ito kaya sinasabi noong taong 1970 ay napangkat na halos ang lahat ng wika sa daigdig. Linggwistikang Estruktural Ito ang sumunod sa linggwistikang historikal. Binigyang diin nito ang pagsusuri sa estruktura ng salita na kung saan ay hinihimay ito mula sa tunog o ponema, kasunod ay ang morpema o palabuoan, at susundan ng ugnayan ng mga salita sa pangungusap. Malaki ang naitulong ng disiplinang ito sa pagsusuri ng mga diyalekto sa Asya, Australya, at maging sa Amerika. Ang Transformational o Generative Grammar at Linggwistikang Sikolohikal Dahil sa pangangailangang teknikal ng mga dalubhasa ay lumitaw ang tinatawag na logical syntax na pinagbuti at pinagyaman pa ni Zellig Harris at di-nagtagal ay nakilala sa tawag na transformational generative grammar. Ang disiplinang ito rin ang nagbigay daan sa pagsilang ng linggwistikang sikolohikal upang makatugon din ang wika pagdating sa pag-unawa ng sikolohiya. Linggwistikang Antropolohikal Ang disiplinang ito ay nakilala rin sa pagkakaroon ng Modelong Tagmemiko na ang tuon ay pagbibigay pansin sa ugnayan ng anyo at gamit na makikita sa wika ng isang komunidad. Kinilala sa larangang ito si Kenneth Pike. Sinasabi na ang Modelong Tagmemiko ay itinuturing na isang yunit na may puwang sa alinmang wika. Binubuo ito ng iba’t ibang antas mula sa antas ng tunog, morpema, salita, parirala, sugnay, pangungusap, at talakay. Linggwistikang Matematikal o Computational Linguistics Ito ang inaasahang disiplinang panlinggwistika na maaaring maging palasak sa mga panahong ito at sa darating pa dulot ng pag-unlad ng teknolohiya at paggamit ng computer. Sa kasalukuyan ay marami nang nagsisupultang mga bagong impormasyon ukol sa linggwistika. Maging ang palasak na A.I o Artificial Intelligence at Digital Humanities ay hindi na rin mapipigilang maghatid ng bagong kaalaman sa linggwistika. KABANATA III B: ANG KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS Panahon ng Kastila Nagsimulang pag-aralan ng mga Kastila ang wika sa kapuloan noong ika-16 na siglo at nagtapos noong ika-19 na siglo na simula naman ng panahon ng Amerikano at nagtapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naging simula naman ng panahon ng Kalayaan. Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas, ayon kay Scheerer ay pinasimulan ng mga misyonerong paring Kastila. Nahahati sa apat na orden ang mga pari sa iba’t ibang lugar ng kapuloan: Pangkat ng mga Heswita sa Kalahati ng Kabisayaan Pangkat ng mga Dominikano sa Pangasinan at Cagayan Pangkat ng mga Agustino sa Kalahati ng Kabisayaan, Ilocos at Pampanga Pangkat ng Pransiskano sa Camarines o Kabikulan Malaki ang naitulong ng pag-iimprenta upang mapabilis ang pagpapalaganap ng mga aklat sa Pilipinas. Sa tulong nito ay nakapaglimbag ang mga pari ng aklat pangwika tulad ng diksyunaryo. Maraming pag-aaral ukol sa gramatika at bokabularyo sa iba’t ibang wikain ang ginawa ng mga prayle. Nagkaroon ng malaking kontribusyon ang mga ito sa pag-aaral ng wika sa Pilipinas. Nagsilbing unang hakbang ang mga ito sa syentipikong pagsusuri. Maituturing ang panahong ito bilang simula ng linggwistika sa Pilipinas. Narito ang ilan sa mga ginawang aklat at pag-aaral ng mga prayle ukol sa wika: Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1560-1614) ni Francisco Blanca de San Jose Compendio de la Arte de la Lengua Tagala ni Francis Blanca de San Jose Arte de la Lengua Tagala ni Agustin de la Magdalena, binubuo ito 75 pahina Compendio del Arte de la Lengua Tagala (1650-1724) ni Gaspar de San Agustin. Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1668-1742) ni Tomas Ortiz binubuo ito ng 136 pahina Arte de la Lengua Tagala (1745) ni Sebastian de Totanes Gramatica de la Lengua Tagala (1850) binubuo ng 171 pahina Nueva Gramatica Tagalog (1872) ni Joaquin de Coria Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalog (1841-1904) ni Jose Hevia Campomanes Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (1878) ni Toribio Minguella Ayon kay Phelan hindi kukulangin sa dalawampu’t apat na aklat ang nalimbag tungkol sa Tagalog, samantala lima lamang sa wikang Bisaya. Marahil sa iba rin ay kagyat ang bilang. Itinuturong dahilan at nakikitang dahilan ayon kay Phelan ay ang pagiging sentrong wika ng Tagalog at malaganap na paggamit nito sa Pilipinas. Kaya hindi rin nakapagtataka kung ito ang napili ng Surian ng Wikang Pambansa bilang batayan ng Pilipinas sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser