Pamilya Bilang Sandigan ng mga Pagpapahalaga PDF

Summary

This presentation discusses the family as a foundation for values in Filipino families. It explores different family structures and examines the challenges faced by single-parent families when instilling values. The presentation also highlights the dynamics of different family structures and how these influence the transmission of values to children.

Full Transcript

PAMILYA BILANG SANDIGAN NG MGA PAGPAPAHALAGA A. Pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga b. Impluwensiya ng iba’t ibang konteksto ng pamilyang pilipino sa pagkatuto ng pagpapahalaga c. Pagtukoy sa mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na nagsisilbing moral na kompas d. Pagsasabuhay...

PAMILYA BILANG SANDIGAN NG MGA PAGPAPAHALAGA A. Pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga b. Impluwensiya ng iba’t ibang konteksto ng pamilyang pilipino sa pagkatuto ng pagpapahalaga c. Pagtukoy sa mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na nagsisilbing moral na kompas d. Pagsasabuhay sa mga pangunahing pagpapahalagang natutuhan sa pamilya LAYUNIN Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng palagiang pagsangguni sa Mga magulang o tagapangalaga tungkol sa mga karanasan kaugnay ng mga natutuhang Pagpapahalaga. A.Naipaliliwanag na ang pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga ay may B.Gampanin na hubugin ang mga anak sa mga pagpapahalaga. C. Natutukoy ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na may impluwensiya sa kaniyang pagkatao. D. Nailalapat ang mga natutuhang pagpapahalaga sa mga situwasyong kinakaharap. Linilinang Na Pagpapahalaga (Values Learned) Maingat na Paghuhusga (Prudence) Pairalin ang imahinasyon habang binabasa ang mga pangungusap. Isulat sa kabilang hanay ang posibleng mangyari kung ang situwasyon ay maging makatotohanan. Ang mga bata ay ipinanganak at inaalagaan sa isang tahanan kasama ng kaniyang mga magulang o tumatayong magulang. Kailangan ng mga bata ang tagapag-alaga at tagapagturo ng tama at mali. Tatalakayin ang kahalagan ng pamilya sa paghubog ng pagkatao lalo na ng mga pagpapahalagang maaaring gabay sa paghusga at pagkilos sa bawat situwasyong kakaharapin sa buhay. Impluwensiya Ng Iba’t Ibang Konteksto Ng Pamilyang Pilipino Sa Pagkatuto Ng Pagpapahalaga Ang bawat bata ay sumasalamin sa kanilang pamilyang kinabibilangan. Inaasahan na ang bawat bata ay naturuang mabuti ng mga magagandang asal sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Kaya kung may bata na hindi kumikilos ayon sa kung ano ang tama, makakarinig ng mga komento gaya ng “Hindi ka ba tinuturuan sa bahay n’yo?” o kaya ay “Kaninong anak ba ‘yan?” Mahalagang malinang ang isip at puso mula pagkabata upang sa paglabas sa pamayanan ay maging magalang at kapaki-pakinabang. Iba’t ibang uri at konsepto ng pamilya sa paglipas ng panahon, maraming hamon ang kinakaharap ng pamilyang pilipino tulad ng pagbabago sa estruktura nito. Sa pananaliksik ng mga sosyologo, kinikilala nila ang pagbabago sa estruktura at komposisyon ng mga pamilyang pilipino dulot ng iba't ibang isyu tulad ng: a. urban at global migration b. pagbabago ng papel ng kababaihan, at iba pang mga isyung panlipunan (tarroja, 2010). IBA’T IBANG URI AT KONSEPTO NG PAMILYA SA PAGLIPAS NG PANAHON 1. Nukleyar na Pamilya- binubuo ng ama, ina at anak 2. Pinalawak (Extended) na Pamilya. Ito ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo't lola, mga magulang, mga anak, at apo sa tuhod. Ang mga pagpapahalagang itinuturo ng mga magulang ay maaaring palakasin ng mga lolo't lola. 3. Joint na pamilya. Ito ay pinalawak na nuclear na pamilya. Nagsasama ang mga magkakapatid sa isang bubong kasama ang kani- kanilang pamilya. Sa kontekstong ito ng pamilya, maaaring mapalakas ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa mga anak at maaari ring matuto ang mga anak sa mga pinsan, tiyo at tiya na kasama sa 4. Blended na Pamilya. Kapag ang mag-asawa ay may mga anak mula sa nakaraang relasyon at nagsama sa isang tahanan, maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagpapahalaga ng mga bata. Maaaring mas mapanghamon ang pagtuturo at mas mangailangan ng pagsisikap at komunikasyon ang bawat kasapi ng pamilya. Mga Pamilyang may Solong Magulang Ang ganitong pamilya ay humaharap sa karagdagang hamon sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa anak. Nahahati ang oras ng magulang sa kaniyang anak, trabaho, at iba pang responsibilidad dahil mag-isa niyang titinataguyod ang kaniyang anak. Maaari ring makaapekto sa epektibong pagtuturo ng pagpapahalaga ang hamon sa pinansiyal at emosyonal na stress. Ang mabuting dulot nito ay hindi naririnig ng bata ang magkasalungat na opinyon o pagtuturo dahil iisang magulang lang ang kaniyang nakakasama.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser