ESP 8 - Q1 W3-W4 SY 24-25 Past Paper PDF

Summary

This document discusses the role of the family in educating, guiding, and nurturing faith in children. It highlights the responsibilities of parents in providing education and guidance, and influencing the values of their children.

Full Transcript

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya Pagmasdan at suriing mabuti ang mga nasa larawan. Ilarawan kung ano ang ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya at anong misyon ang tinutukoy sa mga larawan. Ang mga magulang ay binigy...

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya Pagmasdan at suriing mabuti ang mga nasa larawan. Ilarawan kung ano ang ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya at anong misyon ang tinutukoy sa mga larawan. Ang mga magulang ay binigyan ng napakahalagang misyon na arugain, igalang at mahalin ang kanilang mga anak. Tandaan mo na isa kang napakahalagang regalo ng Diyos para sa iyong mga magulang, kulang ang mga salita upang mailarawan ang kanilang saya nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyong ina. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap nito. ❖Pagbibigay ng Edukasyon ▪ Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. ▪ Napakahalaga na magampanan ng mga magulang ang tungkuling ito dahil malaki ang maidudulot nito sa buong pagkatao ng kanilang anak. ▪ Ang pagbibigay ng edukasyon ang maghahanda sa kanila upang harapin ang maraming hamon sa buhay. ▪ Karapatan ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro sa tahanan. ❖Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya ▪ Mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito. ▪ Palagi nating tatandaan na ang tanging hangad lamang ng ating mga magulang ay kung ano ang mga makakabubuti sa atin. ▪ Madalas silang nagbibigay paalala tungkol sa mga mabubuting aral na dapat nating isabuhay at nagpapayo para maiwasang makagawa ng pagkakamali. ❖Paghubog sa Pananampalataya ▪ Ang matatag na paniniwala sa Diyos na Lumikha ay isang magandang pagpapahalaga na dapat nating taglayin habang tayo ay nabubuhay. ▪ Ito ay makatutulong sa atin upang magkaroon ng pananampalataya na mayroong Diyos na nagmamahal at gagabay sa atin sa pagharap ng mga pagsubok sa ating buhay. ▪ Ang pagiging mabuting halimbawa ng mga magulang sa aspetong ito ay malaki ang magiging impluwensya sa mga anak hanggang sa kanilang paglaki. Misyon ng pamilya Gagabayan ka upang na bigyan ka ng makagawa ka ng magandang isang mabuting edukasyon para sa pagpapasiya sa maliit iyong magandang man o malaking kinabukasan. problema na iyong kakaharapin. TANDAAN Higit sa lahat, ang pamilya ay nariyan upang hubugin ang iyong pananampalataya sa Diyos upang maging matatag ka pagharap sa anumang hamon sa buhay. BALIK-ARAL TAYO! SUBUKIN NATIN! Ang pamilya ay may misyon na magbigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya. Malaking kagalakan para sa mga magulang na maibigay ang mga pangangailangan na ito at magampanan ang kanilang misyon ngunit maraming balakid upang maisakatuparan ang mga ito. Sa panahon ngayon ay dumaranas sa maraming pagsubok ang pamilyang Pilipino. Pagsubok gaya ng paghihiwalay at problema ng mga kabataang naliligaw ng landas. Isa marahil sa mga banta upang hindi magampanan ang kanilang misyon ay kahirapan sa buhay. Dahil sa kahirapan, may mga bata na hindi nakakapag-aral nang maayos, pumapasok sa paaralan na kulang sa kagamitan upang matuto. Minsan naman ay pumapasok sila ng walang laman ang tiyan at nagtitiis na lamang sa gutom. Mas pinipili na lang ng iba na tumulong sa paghahanap buhay kaysa mag-aral. Isa na rin marahil ang nangyayari sa kasalukuyang panahon kung saan ang COVID- 19 ay nagiging banta upang mahadlangan ang epektibong pagkatuto ng mga bata dahil na rin sa takot na magkasakit. Mahalaga rin na maihanda ang mga kabataan dahil maraming sitwasyon o problema silang maaaring harapin. Ang pornograpiya, droga, hindi pagkakaunawaan sa gobyerno, peer pressure at iba pa ay ilan laman sa mga sitwasyon na maaaring kaharapin ng isang kabataan. Mahalaga na nakaagapay ang mga magulang ng kanilang mga anak kapag humaharap ito sa mga pagsubok sa kanilang buhay. Hindi sapat ang kakayahan at karanasan ng mga kabataan upang bumuo ng sariling pananaw sa buhay. Maaari silang makagawa ng desisyon na kanilang pagsisisihan sa bandang huli. Napakahalagang gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil ang mga pagpapasiyang isasagawa ng bata hanggang sa kaniyang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao siya magiging sa hinaharap at sa kung anong landas ang kanyang pipiliing tahakin. Ang sama-samang pagsisimba at pagdarasal ay malaking tulong upang mahubog sa pamilya ang pananampalataya sa Diyos. Mahalaga na ito ay dapat pangunahan ng mga magulang dahil sila ang magsisilbing mabuting halimbawa sa kanilang mga anak. Nagiging banta ang kawalan ng oras o interes ng mga magulang sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos at pananampalataya. Sa kabila ng mga banta o hadlang na ito ay marami pa ring magulang na pilit na tinutupad ang misyon ng kanilang pamilya dahil alam nila na ito ay mahalaga upang mahubog ang kanilang anak sa ikauunlad nito. Mahalaga na Maraming banta mapanatili ng bawat upang miyembro ang maisakatuparan ang positibong pag-uugali misyon ng pamilya. upang malampasan ang mga pagsubok na ito. TANDAAN Tandaan natin na pagkatapos humarap sa mga pagsubok, ay lalabas tayong mas matatag dala ang mga gintong aral na ating natutuhan. Ang mga magulang na kinagisnan natin ang nagbibigay gabay at siya ring umaaruga sa atin. Ang sapat na kakayahan ng pamilya ay importante upang maturuan ang mga anak sa paghahanda para sa kanilang buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay na tunguhin ng tao – ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao. Malaki ang papel ng iyong pamilya upang mahubog ka bilang isang tao. ❖Pagbibigay ng Edukasyon ▪ Kung misyon ng pamilya mo na bigyan ka ng magandang edukasyon, misyon mo naman na magtapos ng pag-aaral. ▪ Kung ang mga kuya at ate mo ay may mga trabaho na, misyon naman nila na tumulong sa iyong mga magulang. ▪ Ang pagsasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung anong mayroon siya ay maaaring magbunga ng iba pang pagpapahalaga katulad ng: ❖Pagbibigay ng Edukasyon a. Pagtanggap – paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin sa ano ang maaari niyang maibigay. b. Pagmamahal – paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal. c. Katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao. ❖Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya ▪ Ang karunungan at mabubuting pagpapahalagang naisapuso dahil sa pagtuturo ng magulang ang magiging gabay at magbibigay kakayahan para sa isang tao na makagawa ng mabuting pagpapasiya. ▪ Minsan ay mahalaga rin na bigyan natin ng sapat na kalayaan ang isang kabataan na gumawa ng sariling pagpapasiya basta nariyan ang mga magulang na walang sawang gumagabay at nagtuturo sa kaniya. ❖Paghubog sa Pananampalataya ▪ Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at ugnayan ng mga kasapi nito. ▪ Ang pananampalataya na naisasabuhay at nararanasan araw-araw ay makapagbibigay ng mas malalim na mensahe at aral sa buhay ng isang tao. ❖Paghubog sa Pananampalataya ▪ Ang paglapit ng kusang-loob at buong puso ay nagpapakita ng tunay na paniniwala at matatag na pananampalataya sa Diyos. ▪ Mahalin natin ang Diyos dahil sa kung sino Siya at hindi dahil sa kung ano ang makukuha natin kapag lumapit tayo sa Kanya. Karapatan at Sa kabila nito, tungkulin ng napakahalaga na mga pamilya masuklian mo ng pagmamahal at mo na ikaw ay pagiging bigyan ng responsable ang edukasyon ay mga ginagawa nila TANDAAN bukod-tangi. para sa iyo. Tandaan na magagampanan lamang ng bawat isa ang kanilang misyon kung buong puso ang pagtutulungan at may dalisay na pagmamahalan sa loob ng pamilya. Gamit ang Graphic Organizer, magbigay ng limang (5) kahalagahan ng pamilya sa paghubog ng isang responsableng kabataan. Ang pamilya ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi sa lipunan. Napakahalaga ang kanilang misyon mula sa Diyos na mahalin at palakihin ang kanilang mga anak na nakaukit sa kanilang puso at isipan ang mga mabubuting pagpapahalaga na magagamit nila hanggang sa kanilang pagtanda. Ito ay pinanggagalingan ng emosyonal, pisikal, espiritwal at pinansyal na suporta ng lipunan. ❖Pagbibigay ng Edukasyon Katulad ng sinasabi ng maraming magulang, tanging edukasyon lamang ang isang kayamanan na kaya nilang maipapamana sa kanilang mga anak. Kahit mahirap ay nagsusumikap ang mga magulang upang matugunan ang pangangailangan ng mga anak sa pag-aaral. Hindi man maibigay ang lahat, makikita natin na marami pa ring mga magulang ang handang magsakripisyo maihandog lamang ang pinakamaganda at pinakamabuting edukasyon para sa kanilang mga anak. ❖Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya Ang kauna-unahang modelo na maaaring gayahin ng mga anak ay ang kanilang mga magulang. Maaaring may positibo o negatibong epekto ang lahat ng ginagawa o sinasabi ng magulang na nakaiimpluwensya sa kanilang anak. Ang mga nakikita ng mga anak sa kanilang mga magulang ay magsisilbing pamantayan ng kanilang pag-uugali at pagkilos. ❖Paghubog sa Pananampalataya Ang ating bayan ay may mayamang kultura dahil sa kalayaan sa pagpapahayag ng pananampalataya. Ito ay nakatutulong upang maipamuhay natin araw- araw ang ating matibay na paniniwala mula sa Diyos. Narito ang ilang mga paraan na makakatulong upang mahubog ang pananampalataya ng bawat isa sa pamilya: 1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay- pampamilya. 2. Ituon ang pansin sa pag-unawa. 3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim na mensahe ng pananampalataya. Narito ang ilang mga paraan na makakatulong upang mahubog ang pananampalataya ng bawat isa sa pamilya: 4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto. 5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa pananampalataya. 6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol”. 7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. Bilang isang responsableng miyembro ng iyong pamilya na pinag-aaral ng iyong mga magulang, gumawa ng tatlong (3) hakbang kung paano mapapabuti ang iyong pag-aaral at paano mo ito maisasagawa. Ang pagsasagawa ng mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya ay mahalaga TANDAAN upang mahubog ang pagkatao ng isang kabataang katulad mo. Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagsisikap sa pag- aaral at matibay na paniniwala sa Diyos. MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 2 -Agosto 16, 2024 Pag-aralan: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya

Use Quizgecko on...
Browser
Browser