Modyul-8.1-Epiko-Akdang-Pampanitikan PDF
Document Details
Manuel S. Enverga University Foundation
Tags
Summary
This module from Manuel S. Enverga University Foundation discusses Filipino epics and their characteristics. It covers topics such as the definition of epic, its features, and various examples of Philippine epics. Includes learning objectives and topics.
Full Transcript
1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES NAME OF THE General Education PROGRAM COURSE TITLE Panitikang Filipino COURSE CODE FILI101 PREREQUISITE/ CO- None COURSE UNIT 3 units REQUISITE...
1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES NAME OF THE General Education PROGRAM COURSE TITLE Panitikang Filipino COURSE CODE FILI101 PREREQUISITE/ CO- None COURSE UNIT 3 units REQUISITE COURSE OUTCOME CO3: Makapag-analisa ng mga akdang sulatin sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. MODULE 8 MGA KARAGDAGANG AKDANG PAMPANITIKAN, KAHULUGAN AT MGA HALIMBAWA LESSON LEARNING After successful completion of this module, you should be able OUTCOME/S to: a. Nakapagsuri ng mga pagkakaiba ng bawat akda sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. TOPICS Akdang Pampanitikan Ano ang Epiko? Mga Katangian ng Epiko Mga Elemento ng Epiko Mga Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas WEEK / INCLUSIVE 10 DATE October 17-21, 2022 MODALITY Synchronous, Asynchronous (MS Teams, Zoom, or RingCentral) ▪ LESSON PROPER Pangkalahatang Ideya Ang Epiko ay isang kwento ng noong panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan lalo na pagdating sa Epiko. Ang bawat rehiyon sa ating bansa ay mayroong maipagmamalaking sarili nilang kwento ng kabayanihan. Sa araling ito ay tatalakayin ang kahulugan ng epiko, mga katangian na gagabay sa mambabasa upang mas madaling mabatid ang akdang kanilang binabasa at element na bumubuo sa isang epiko. ________________________________________________________________________ PAGTALAKAY Ano ang Epiko? Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila- gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko. ________________________________________________________________________ Mga Katangian ng Epiko Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa mambabasa upang mas madaling mabatid na ang akdang kanilang binabasa ay nabibilang sa epiko. Narito sa ibaba ang ilan sa mahahalagang katangian na dapat makikita sa isang akda o kwento: 1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng bayani. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang epiko ay tumatalakay sa pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga makapangyarihang nilalang. 2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan. Karaniwang dinadagdagan ng “epithet” ang mga pangalan ng tauhan upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang epithet ay pang-uri na naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty Achilles mula sa akda ni Homer. 3. May malawak na tagpuan. Hindi lamang sa iisang tagpuan at oras naganap ang kwento. Maaring maganap ang istorya nito sa iba’t ibang parte ng mundo o maging sa buong kalawakan at ibang mundo. 4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga tauhan. 5. Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari. Hindi mawawala sa epiko ang mga kabulabulalas na mga pangyayari tulad ng pakikisalamuha ng diyos sa mga tao. Naglalaman din ito ng mga hindi kapanipaniwalang mga pangyayari. 6. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga mortal na tao. Sa pakikisalamuha ng mga diyos sa mga tao, laging pinapakita ang kalamangan ng mga ito sa mga kayang gawin ng mga tao. 7. May mga bayahing nagsisilbing modelo at huwaran sa mga mamayan. Ang epiko ay ginawa upang maging inspirasyon ng mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang mga bayani sa uri ng panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangian tulad ng pagiging matapang at pagkakaroon ng paninindigan na nagiging dahilan upang tularan sila ng mga tao. 8. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Isa rin sa mga katangian ng epiko ang pagkakaroon ng matatalinhagamg salita kung saan napapagana ang isip ng mga mambabasa sa kung ano ba talaga ang ibig ng mga salitang nakapaloob sa akda. ________________________________________________________________________ Mga Elemento ng Epiko Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko: Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang banghay ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan. o Halimbawa: ▪ Balat sibuyas – mahiyain ▪ mapaglubid ng buhangin – sinungaling Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig. Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento. Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking kapangyarihan. Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita. _____________________________________________________________ Mga Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas Narito ang ilan sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas. Ang mga kwentong ito ay nagpapakita ng mga kabulabulalas na pangyayari at nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan. EPIKO NG LUZON REHIYON Biag ni Lam-ang Ilocos Hudhud: Kwento ni Aliguyon Ifugao Ibalon Bicol Kudaman Palawan Manimimbin Palawan Ullalim Kalinga EPIKO NG VISAYAS REHIYON Hinilawod Panay Humadapnon Panay Labaw Donggon Bisayas Maragtas Bisayas 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES EPIKO NG MINDANAO REHIYON Bantugan Darangan Maranao Indarapatra at Sulayman Maguindanao Agyu Bidasari Olaging Bukidnon Sandayo Zamboanga Tudbulul Tuwaang Ulahingan Ulod ▪ SUPPLEMENTAL LEARNING MATERIALS Biag ni Lam-ang Buod (Epikong Ilokano) https://pinoycollection.com/lam-ang/ Hudhud: Epiko ni Aliguyon Buod (Epiko ng Ifugao) https://pinoycollection.com/epiko-ni-aliguyon/ Ibalon (Epiko ng Bicol) https://pinoycollection.com/ibalon/ Kudaman (Palawan) Manimimbin (Palawan) Ullalim (Kalinga) https://pinoycollection.com/epiko-ng-pilipinas/ Hinilawod Buod (Epiko ng Panay) https://pinoycollection.com/hinilawod/ Humadapnon Buod (Epiko ng Panay) https://pinoycollection.com/humadapnon/ Labaw Donggon Buod (Epikong Bisaya) https://pinoycollection.com/labaw-donggon/ Maragtas (Epikong Bisayas) https://pinoycollection.com/maragtas/ Bantugan (Epiko ng Mindanao) https://pinoycollection.com/bantugan/ 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Darangan (Epikong Maranao) https://pinoycollection.com/darangan/ Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao) https://pinoycollection.com/indarapatra-at-sulayman/ Agyu Buod (Epiko ng Mindanao) https://pinoycollection.com/agyu/ Bidasari Buod (Epikong Mindanao) https://pinoycollection.com/bidasari/ Olaging (Bukidnon) Sandayo (Zamboanga) Tudbulul Ulahingan Ulod https://pinoycollection.com/epiko-ng-pilipinas/ Tuwaang Buod (Epiko ng Mindanao) https://pinoycollection.com/tuwaang/ ▪ ACTIVITY/ EXERCISE/ ASSIGNMENT Pangalan: Petsa: Taon at Kurso: Iskor: PANGKATANG GAWAIN A. Pagbasa ng napiling epiko ng Pilipinas at pumili ng isang estratehiya na gagamitin sa pagpre-presenta. 1. Mungkahing Estratehiya: SOCO (Scene of the Crime Operatives) Ilahad ang layunin ng napakinggang epiko. 2. Mungkahing Estratehiya: THE SINGING BEE Piliin at bigyang kahulugan ang mga talinhagang ginamit sa epiko. 3. Mungkahing Estratehiya: Game Show (Who wants to be a Millionaire? Ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga piling salita sa epikong binasa. 4. Mungkahing Estratehiya: MANEQUIN CHALLENGE Ipakita ang magkakaugnay na pangyayari sa epiko sa pamamagitan ng mga manequin. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES RUBRIK SA PANGKATANG GAWAIN Batayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan Mahusay ng Pagpapabuti Nilalaman at Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating ang Organisasyon ng naipahatid ang ang nilalaman naiparating nilalaman o kaisipan mga Kaisipan o nilalaman o o kaisipan na ang nilalaman na nais iparating sa Mensahe (10) kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na manonood (5) iparating sa sa manonood nais iparating manonood (10) (8) sa manonood (6) Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang (10) kasiningan ang ang kasiningan pamamaraang pamamaraang pamamaraang ang ginamit ng pangkat ginamit ng ginamit ng pamamaraang sa presentasyon (5) pangkat sa pangkat sa ginamit ng presentasyon presentasyon pangkat sa (10) (8) presentasyon (6) Kaisahan ng Lubos na Nagpapamalas Di-gaanong Di nagpapamalas ng Pangkat o nagpapamalas ng pagkakaisa nagpapamalas pagkakaisa ang Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa (10) ang bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain. (5) miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain. (8) kanilang gawain. (10) gawain. (6) B. Analisis 1. Ano kaya ang nais iparating o layunin ng epiko sa mamamayang katulad mo? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Paano ipinakita o inilahad ang mga pangyayari mula sa akda? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. Ipaliwanag ang aral na napulot mo mula sa epikong nabasa. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ ▪ REFERENCES Garcia, E.M. & Ramboyong, R.T.G. (2021). Panitikang Filipino. Lucena City Pinoy Collection (2022). Epiko: Kahulugan, Katangian at mga Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas. Retrieved from https://pinoycollection.com/epiko/ Pinoy Newbie (2018). Ano ang Epiko? Kahulugan, Elemento, Katangian at mga Halimbawa. Retrieved from https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/