EPIKO Pag-aaral ng mga Epiko ng Pilipinas PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang panimula sa pag-aaral ng mga epiko ng Pilipinas. Ipinapakita rito ang kasaysayan, iba't ibang uri, at mga katangian ng mga mahahabang tulang pasalaysay na naglalarawan ng buhay at kabayanihan ng mga tao. Iba't ibang halimbawa ng mga epiko, tulad ng Ibalon, at ang mga kaugnay na tanong ay matatagpuan sa teksto.

Full Transcript

EPIKO Filipino 10 Kasaysayan ng Epiko EPIKO Griyegong salita - EPIKOS AT EPOS na nangangahulugang ''salita", "kuwento'', o ''tula''. Ito ay mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao(partikular sa isang la...

EPIKO Filipino 10 Kasaysayan ng Epiko EPIKO Griyegong salita - EPIKOS AT EPOS na nangangahulugang ''salita", "kuwento'', o ''tula''. Ito ay mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao(partikular sa isang lalaki) URI NG EPIKO 1. Oral poetry - mga sinaunang epiko na nabuo lamang sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga kuwento sa iba't ibang tao. 2.Oral Epic o World Folk Epic Ito ay mahahabang tula na iniuuri-uri (classifying) batay sa haba ng palabas, konsepto, interes at kahalagahan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo at pagtanghal nito sa entablado o sa harap ng maraming manonood. 3. EPYLLION mas maiikling epiko kumpara sa Oral poetry na nakilala noong Hellenistic Period dahil sa taglay nitong tema. Bukod sa kabayanihan ay ipinapakita rin dito ang pag-ibig at romansa. MGA KATANGIAN NG EPIKO 1. Nagsisimula muna sa isang imbokasyon o panalangin. 2. Sinusundan ng Medias Res. Ang medias res ay paraan o estilo ng pagsusulat kung saan ay nauuna munang isalaysay ang gitnang bahagi ng kuwento bago ang nakaraan. (flashback) 3. Ang tagpuan ay napakalawak, sumasakop sa maraming bansa, buong mundo man o kalawakan. 4. Naglalaman din ng mahabang listahan na tinatawag na epic catalogue.Ito ay listahan ng mga bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na nagpapakilala sa lugar kung saan ito nagmula o isinulat. 5. Nagsisimula rin sa pag lalahad ng tema ng epiko. 6. Ang mga pangalan ay sinasamahan ng paggamit ng mga epithet. Ang epithet ay mga pang- uri o salitang naglalarawan na ikinakabit sa pangalan ng tauhan o sa isang bagay. halimbawa: ''rosy-fingered dawn'', ''wine-dark sea at mighty Achilles mula sa akda ni Homer. 7. Naglalaman din ng mahahaba at pormal na mga talumpati o kawikaan mula sa mga tauhan. 8. Nagpapakita ng pangingibabaw ng mga Diyos o Diyosa sa mga tao. 9. Nagpapakilala ng mga bayaning tunay na nagpapahalaga o modelo sa sibilisasyon. 10. Kadalasan ding nagpapakita ng pagbaba ng pagkatao ng isang bayani mula sa matayog na katayuan nito. Homer Illiad Odyssey Epic of Gilgamesh Mga Epiko ng Pilipinas Bantugan (Epikong Mindanao) Darangan (Epikong Maranao) Ibalon(Epikong Bicolano) Lam-ang(Epikong Ilokano) A. Ano-ano ang B. Paano ba makatutulong sinasalamin ng mga sa iyo at sa iyong mga epikong ito sa bawat karehiyon ang pag-aaral pangkat o rehiyon kung ng epiko? saan ito nagmula o naisulat?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser