MODYUL-4-ABSTRAK (1) Filipino Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Schools Division of Puerto Princesa City
2020
Tags
Summary
This Filipino study material is a module focused on the creation of abstracts. It includes sample questions and exercises for students to practice writing abstracts.
Full Transcript
11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kwarter I - Module 2 Abstrak CONTEXTUALIZED LEARNING-INSTRUCTION KIT SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12 Contextualized Learning-In...
11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kwarter I - Module 2 Abstrak CONTEXTUALIZED LEARNING-INSTRUCTION KIT SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12 Contextualized Learning-Instruction Kit (CLIK) Kwarter I – Modyul 2: Abstrak Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Manunulat: Jerson Q. Orbiso (Puerto Princesa City National Science HS) Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo, Jr. (Palawan National School) Editor: Luis R. Mationg, EPS – Filipino Tagasuri: Enrile O. Abrigo, Jr. (Palawan National School) Tagawasto: Enrile O. Abrigo, Jr. (Palawan National School) Tagalapat: Christine Poligrates (Puerto Princesa City National Science HS) Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS Mabel F. Musa, PhD, OIC – ASDS Cyril C. Serador, PhD, CID Chief Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager Luis R. Mationg, EPS – Filipino Eva Joyce C. Presto, PDO II Rhea Ann A. Navilla, Librarian II Panlabas na Tagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor College of Teacher Education Palawan State University Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS) Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City Tel. Phone no.(048) 434 9438 Email Address: [email protected] 11/12 Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kwarter I - Module 2 Abstrak Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro at mga program superbisor mula sa mga pampublikong paaralan ng Dibisyon ng Lungod ng Puerto Princesa. Hinihikayat namin ang ibang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Paunang Salita Para sa mga Guro: Inihanda ang modyul na ito upang magamit ng mga guro bilang karagdagang kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais ng modyul na ito na makatulong sa mga guro upang higit na maibigay ang pagkatutong inaasahan sa mga mag-aaral. Ang mga gawaing kalakip nito ay ipinapanukalang gamitin ng mga mag-aaral sa paggabay pa rin ng mga guro. Mahalaga ang gampanin ng mga guro sa pagpapatupad ng mga gawaing kalakip ng modyul na ito dahil nakasalalay sa kanila ang ikatatagumpay ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Para sa Mag-aaral: Ang modyul na ito ay sadyang ginawa at inihanda para sa iyo upang ikaw ay mas higit pang magkaroon ng kaalaman na iyong maaaring magamit sa pagtahak ng panibagong yugto sa pag-aaral. Sa araling ito, inaasahan na malinang ang iyong mga kaalaman at kakayahan sa pagsulat ng Abstrak bilang akademikong sulatin. Ang mga babasahin at gawain ay iniangkop sa iyong kakayahan at kasanayan upang higit na magkaroon ng interes sa pag-aaral ng aralin. Ikaw ay hinihikayat din ng modyul na ito na makapagbahagi ng iyong opinyon, suhestiyon, reaksyon, at ideya tungkol sa mga usapin sa paksa. Ang mga gawain sa modyul na ito ay binubuo ng sumusunod: Maikling paunang salita tungkol sa modyul, Alamin paglalahad ng layunin na dapat malaman sa modyul. Subukin Paunang pagsusulit upang subukin ang iyong kaalaman tungkol sa araling tatalakayin. Balikan Maikling balik-aral sa nakaraang aralin. Pagpapakilala sa bagong aralin sa paraang Tuklasin gawain o aktibiti. Suriin Magbigay ng mga teksto upang higit pang maunawaan ang aralin. Pagbibigay ng mga gawain na makatutulong Pagyamanin sa paghubog at pagbuo ng konsepto ng aralin. Isaisip Mga pagbubuod sa impormasyong natutuhan. Maaaring mga katanungan na magbibigay kasagutan sa natutuhan sa aralin o modyul. Isagawa Pagsasagawa ng iyong natutuhan batay sa modyul. Karagdagang Karagdagang aktibiti na may kaugnayan sa Gawain aralin o modyul. Tayahin Subukin ang iyong sarili kung lubos na naunawaan ang aralin. Gabay sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat Pagwawasto ng mga gawain sa modyul. Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito. Bilang wikang Pambansa, kailangang magamit ang wikang Filipino bilang wika ng komunikasyon at kaalaman sa iba’t ibang akademikong disiplina. Kapag nasa wikang Filipino ang pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang mga akademikong disiplina, mas nailalapat ito sa pagkato, karanasan at kalinangan ng mga tao sa pang- araw-araw na pamumuhay. Bilang isang mamamayang Pilipinong tulad mo, kailangang malaman mo ang gampaning papel sa gawaing pagsulat sa akademiko bilang paglalapat sa makabuluhang proseso. Ito ang mga layunin na dapat mong malaman sa modyul na ito. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sap ag-aaral sa iba’t ibang larangan Pamantayan sa Paggawa Nakas Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin Pamantayang Pampagkatuto Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko CS_FA11/12EP0a-c-39 Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang mga sumusunod: 1. Naiisa-isa ang kahulugan, kalikasan, at katangian ng Abstrak; 2. Nasusuri ang maayos na pagsulat ng Abstrak ayon sa ibibigay na rubric; at 3. Nakabubuo ng halimbawang Abstrak batay sa masinop na paghahanay ng mga kinakailangang impormasyon 1 Bago natin talakayin ang paksa ay subukin mo munang sagutin ang pagsusulit na ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. Handa ka na ba? Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka angkop na sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. ________ 1. Alin sa mga pahayag ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa abstrak? i. Ang abstrak ay talatang nagbibigay ng pagtanaw sa nilalaman ng isang pag-aaral o pananaliksik. ii. Ang abstrak ay dapat na binubuo ng 700 salita o higit pa at nilalagyan din ng mga susing salita sa hulihang bahagi nito. A. i C. i, ii B. ii D. wala sa nabanggit ________ 2. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng wastong impormasyon? i. May iba’t ibang kinakailangang impormasyon sa mga Abstrak sa iba’t ibang disiplina, mayroong dalawang uri nito: Abstrak ng Prosa at Siyentipikong Abstrak. ii. Ang abstrak ay ginagamit din bilang buod sa bawat kabanata ng isang nobela. A. i C. i, ii B. ii D. wala sa nabanggit _________ 3. Ito ay akademikong sulatin na nagbibigay ng kabuuang impormasyon at detalye sa isang pananaliksik. A. Katitikan ng Pulong C. Abstrak B. Lakbay-Sanaysay D. Talumpati ________ 4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mabisang Abstrak? i. May habang 100 -200 salita ii. Ito ay nagbibigay ng panimula para sa pananaliksik iii. Hindi nagdaragdag ng impormasyong wala sa pananaliksik A. i C. ii, iii B. ii D. i, ii _________ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng mabisang Abstrak? i. Naglalagay ng mga susing salita ii. May maayos na balangaks iii. Nagdaragdag ng katotohanan sa gagawing pananaliksik A. i C. i, ii B. ii D. i, ii, iii 2 _________ 6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kalikasan ng Abstrak? i. Ito ay isinusulat pagkatapos ng isang pananaliksik ii. Ito ay akademikong sulatin na para lamang sa pananaliksik iii. Ito ay ginagawa lamang ng mga mananaliksik A. i C. iii B. ii D. wala sa nabanggit ________ 7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kalikasan ng Abstrak? i. Hindi ito maaaring gawin sa mga binuong nobela, tula, at iba pang sangay ng panitikan. ii. Maaaring maglagay ng mga istadistikal na datos iii. Walang inilalagay na pansariling opinyon A. i C. i, ii B. ii D. i, ii, iii ________ 8. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng halimbawang paksa sa Abstrak ng Humanidades? A. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division. B. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. C. Ang mahahalagang ideya sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. D. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay ________ 9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng tesis ng pananaliksik sa Abstrak ng Humanidades? A. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. B. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay C. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division D. Ang mahahalagang katotohanan sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. 3 _________ 10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng pangunahing ideya sa pananaliksik sa halimbawang Abstrak ng Humanidades? A. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. B. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay C. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division. D. Ang mahahalagang katotohanan sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. ________ 11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng mga susing salita sa pananaliksik sa halimbawang Abstrak ng Humanidades? A. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. B. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay C. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division D. Ang mahahalagang katotohanan sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. _______ 12. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa mga Siyentipikong Abstrak? i. Ang layunin nito ay mabigyan ng impormasyon ang mga mambabasa tungkol sa proseso at hangarin ng eksperimento na isinagawa ng manunulat. ii. Isinusulat ito gamit ang mga pandiwang natapos na. iii. Ang unang pangungusap ay tumatalakay sa kung ano ang ginawa mo at bakit mo ito ginawa A. i C. i, ii B. ii D. i, ii, iii 4 ________ 13. Alin sa mga sumusunod ang mainam na unang pangungusap ng halimbawang Siyentipikong Abstrak? A. Ang unang ginawa sa palaka ay nilinis ito at hiniwa gamit ang scalpel bago kinuha ang mga laman at tinukoy isa-isa. B. Napag-alaman sa pananaliksik na may malusog na puso, atay, at bituka ang palaka. C. Ang palaka ay sumailalim sa dissection upang pag-aralan ang bituka nito. D. Dahil sa kumpleto at maayos ang lagay ng bituka, puso at atay ng palaka, masasabing malusog ito bago namatay. _________ 14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang sumasagot sa tanong na “Bakit kailangang basahin ng mga mambabasa ang halimbawang Siyentipikong Abstrak?” A. Ang unang ginawa sa palaka ay nilinis ito at hiniwa gamit ang scalpel bago kinuha ang mga laman at tinukoy isa-isa. B. Napag-alaman sa pananaliksik na may malusog na puso, atay, at bituka ang palaka. C. Sa pamamagitan ng pagususuri sa palaka, masasabi nating ang dissection ay mabisang paraan upang malaman ang kalusugan ng palaka bago ito mamatay. D. Dahil sa kumpleto at maayos ang lagay ng bituka, puso at atay ng palaka, masasabing malusog ito bago namatay. _________ 15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maaaring maging huling pangungusap sa halimbawang Siyentipikong Abstrak? A. Ang unang ginawa sa palaka ay nilinis ito at hiniwa gamit ang scalpel bago kinuha ang mga laman at tinukoy isa-isa. B. Napag-alaman sa pananaliksik na may malusog na puso, atay, at bituka ang palaka. C. Sa pamamagitan ng pagususuri sa palaka, masasabi nating ang dissection ay mabisang paraan upang malaman ang kalusugan ng palaka bago ito mamatay. D. Dahil sa kumpleto at maayos ang lagay ng bituka, puso at atay ng palaka, masasabing malusog ito bago namatay 5 Aralin Abstrak 1 Ang pananaliksik ay may malaking gampanin sa ating lipunan. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng maraming solusyon at matibay na pundasyon ng karunungan sa mga bagay-bagay. Dahil ang pananaliksik ay binubuo ng napakaraming impormasyon, mahalagang malaman ang pagsulat lamang ng buod nito. Sa bahaging ito sasamahan at tutulungan kang matutuhan ang mga panimulang kaalaman sa pagsulat nito. Mahalagang matandaan natin ang nagdaang aralin sapagkat dito ay maiuugnay natin ang mga kaisipan para sa bagong tatalakayin sa modyul na ito. Gawain: Pagbuo ng Picture Collage Panuto: Gumupit ng mga larawan sa mga magasin, diyaryo, at iba pang babasahin at bumuo ng Picture Collage bilang pagbabalik-aral sa nagdaang aralin. Idikit ito sa kahon at magbigay ng tatlong pangungusap na paliwanag. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 6 Sa bahaging ito ay aalamin natin ang mga batayang kaalaman sa paksa. Kailangan nating malaman ang mga panimulang kaalaman upang maging pundasyon mo ito sa pagpapalalim ng iyong matutuhan sa buong modyul. Gawain: Pagbuo ng Layunin sa Pagsulat Panuto: Sagutin ang hinihingi sa bawat kolum. Estratehiyang SCHEME Skills check (Ano ang mga kalakasan mo sa pagsulat? Ano ang mga dapat mo pang mapaunlad? Choose goals (Batay sa mga kahinaan at kalakasan mo sa pagsulat, ano ang gusto mong maabot sa bagong aralin?) Hatch a plan (Paano mo makakamit ang iyong layunin para sa bagong ituturong akademikong sulatin?) Execute the plan (Ano ang mga gagawin mo para maabot ang layunin mo sa bagong aralin?) Monitor Progress (Paano mo imo- monitor ang iyong kakayahan?) Edit (Anong magiging aksiyon mo kung hindi mo maabot ang magandang marka sa iyong sulatin?) 7 Ngayon naman ay iyong lilinangin ang kaalaman sa tulong ng mga teksto at mga gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon na maaari mong gamitin sa pagsagot sa mga gawain. Depinisyon ng Abstrak Ang Abstrak ay nangangahulugan bilang talatang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nilalaman ng isinagawang pananaliksik. Sa pagsulat nito, kailangang nasa pagitan lamang ng 100 at 200 na salita ang haba. Naglalaman din ito ng mga susing salita o key words sa hulihang bahagi upang matukoy ang mga pangunahing ideya sa pananaliksik. May iba’t ibang mga pamamaraan sa pagsulat ng Abstrak. Ito ay may dalawang uri: Mga Abstrak ng Humanidades at Mga Siyentipikong Abstrak. Sa modyul na ito ay tatalakayin kung papaano ka makabubuo ng dalawang uri ng Abstrak. Mga Katangian ng Mabisang Abstrak Maaaring magkaroon ng iba’t ibang nilalaman ang Abstrak depende sa tiyak na larang kung para saan ito isusulat ngunit ito ay dapat na magtaglay ng mga sumusunod: May habang 100-200 na salita Buod ng nilalaman o proseso ng isinagawang pananaliksik; hindi ito panimula Huwag magdagdag ng mga impormasyong hindi naman kasama sa isinagawang pananaliksik Sumusunod sa organisasyon o maayos na pagkakabalangkas Isinusulat lamang pagkatapos makumpleto ang isinagawang pananaliksik Isinasama ang mga susing salita; may mga guro na hindi na nagpapalagay ng keywords o mga susing salita ngunit nakatutulong ito upang matukoy ng mga mambabasa ang pangunahing kaisipan o ideya at maisama ito sa kanilang mga ginagawang artikulo at pananaliksik. 8 Kalikasan ng Abstrak Kapag naisulat na ang Abstrak, narito ang mga katanungan na maari mong maging gabay sa pagwawasto o mga pagbabago sapagkat ito ay tumutukoy sa kalikasan nito: 1. Naiintidihan ba ang aking isinulat na Abstrak? Kailangang maliwanag at madaling maintindihan ng mga mambabasa at iniiwasan ang paggamit ng maraming malalalim na salita o wikang teknikal. 2. Tiyak ba ang pagsulat ko ng Abstrak? Ang abstrak ay hindi dapat paulit-ulit o naglalaman ng masyadong maraming impormasyon. 3. Wasto ba ang pagsulat ko ng Abstrak? Ang Abstrak ay naglalaman ng katotohanang inilalahad sa nilalaman ng isinagawang pananaliksik. Dalawang Uri ng Abstrak I. Mga Abstrak ng Humanidades Layunin ng uri ng Abstrak na ito na maibigay ang nilalaman ng isinagawang pananaliksik sa maikli at walang paligoy-ligoy na pamamaraan. Isa sa mga mahahalagang dapat tandaan sa pagsulat ng ganitong uri ng abstrak ay ang pagsunod sa maayos na pagkakabalangkas ng pangunahing ideya at organisasyon. Isinusulat din ito sa ikatlong panahan. Sa ganitong uri ng Abstrak ay mayroong apat na mahahalagang bahagi: 1. Ang paksa ng pananaliksik Sa unang pangungusap ng Abstrak, kailangang ibigay ang pangkalahatang paksa ng pananaliksik. Halimbawa, “Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng Modular Instruction sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Palawan National School sa panahon ng Pandemya”. 2. Ang tesis (pananaw ng manunulat) ng pananaliksik Ang ikalawang pangungusap ay naglalahad ng tesis ng pananaliksik. Halimbawa, “Pinangangatwiranan sa pananaliksik na ito na ang Modular Instruction ang pinaka mabisang paraan upang matuto ang mga mag-aaral ng Palawan National School dahil sa mataas na partisipasyon ng mga ito at magandang pahayag mula sa mga magulang batay sa aktuwal na implementasyon”. 9 3. Ang mga pangunahing ideya sa pananaliksik Ang mga natitirang pangungusap sa abstrak ay dapat na nagbibigay ng detalye sa pangunahing ideya sa pananaliksik. Halimbawa, ang tatlong perspektibo sa pag-aaral ay ang mga sumusunod: Paghahambing sa epekto ng Modular Instruction at Online Instruction Analisis ng kabuuang implementasyon ng Modular Instruction Pagtalakay sa mga naging hamon at suliranin sa aktuwal na implementasyon ng Modular Instruction. 4. Mga Susing Salita Upang malaman ang mga susing salita, kailangang suriin ang paksa ng pananaliksik at pangunahing perspektibo ng tesis. Halimbawa, ang mga susing salita na tinalakay sa itaas ay tungkol sa: Modular Instruction, Epekto sa mga Mag-aaral, at Analisis II. Mga Siyentipikong Abstrak Layunin ng uri ng Abstrak na ito na mabigyan ng impormasyon ang mga mambabasa sa proseso at layunin ng isinagawang eksperimento ng mananaliksik. Ito ay isinusulat gamit ang mga pandiwang tapos na o naisagawa na at nasa ikatlong panauhan. Halimbawa, ang pangungusap ay “Inihalo ko ang substrate sa mixture,” na dapat isulat sa ganito, “Ang substrate ay inihalo sa mixture.” Narito ang limang katanungan na kailangang masagot upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa proseso at layunin ng eksperimento. Ang mga kasagutan sa katanungan ay maaring bumuo sa Abstrak. 1. Ano ang ginawa mo, bakit mo ito ginawa? Ito ang unang pangungusap sa Abstrak. Halimbawa, “Kinuha ang katas ng pinya (ano ang ginawa mo?) upang malaman kung maaari itong maging alternatibong gasolina sa pagpapaandar ng motor” (bakit mo ito ginawa?) 2. Paano mo ito ginawa? Ang sumusunod na pangungusap sa Abstrak ay nagbibigay ng detalye sa eksperimento o proseso. Halimbawa, “Una, binalatan at nilinis ang pinya, gumamit ng juicer upang makuha ang katas nito, inilagay sa motor at sinubukan kung aandar nga ito.” 3. Ano ang natuklasan mo? Ang sumusunod na pangungusap naman ay pag-uulat ng naging resulta mula sa isinagawang eksperimento. Halimbawa, “Napag-alamang sa dalawang set ng eksperimento na una, hindi tatakbo kung puro lang katas ng pinya ang gagamitin upang mapaandar ang motor. Ikalawa, umandar ang motor na may halong katas ng pinya at gasolina.” 10 4. Ano ang ibig sabihin nito? Sa dalawang susunod na pangungusap, sagutin ang katanungan na magbibigay interpretasyon sa datos. Halimbawa, “hindi kakayanin na tumakbo ang motor at katas lamang ng pinya ang gagamitin kaya naman naghalo ng gasolina ang mananaliksik upang mapatakbo ito.” 5. Bakit naman kailangang malaman ng mga mambabasa ang isinasaad na impormasyon sa Abstrak? Ang layunin ng huling pangungusap sa Abstrak ay upang maibigay ang impormasyon sa mga mambabasa kung bakit kailangang isagawa ang eksperimento o proseso ng pananaliksik. Halimbawa, “Sa pamamagitan ng pag-aaral sa potensiyal ng katas ng pinya bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya sa pagpapatakbo ng motor ay makatitipid ang mga motorista. Lumalabas sa isinagawang eksperimento na maaaring ihalo ang katas ng pinya sa gasolina upang makapagpatakbo ng motor.” (Pinagkunan:“How to Write an Abstract,” Courtesy of University of Hawaii, Accessed August 15, 2020, http://homepages.uhwo.hawaii.edu/~writing/position.htm.) Gawain: Pagsusuri ng Halimbawang Abstrak Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng Abstrak at punan ang hinahanap sa graphic organizer. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa mga pananaw ng mga guro tungkol sa kanilang kahandaang subukan ang kontemporaryong sistema sa pagkatuto – ang pagkatutong onlayn sa pamamagitan ng Massive Open Online Course. Tinukoy din sa pag-aaral na ito ang mga salik na posibleng makaapekto sa pakikilahok ng mga guro sa Filipino sa pagkatutong onlayn. Mula sa pinagsama-samang ideya at pananaw ng 20 mga guro mula sa sangay ng lungsod ng Puerto Princesa at sangay ng Palawan gamit ang Online Focus Group Discussion at mga istandardisadong talatanungan, binigyang-pansin ang mga ideya at hinimay-himay upang mabuo ang mga pitak ng pilosopiyang nagbunsod sa mga mananaliksik na makapagbalangkas ng Massive Open Online Course. Naging pamukaw-atensyong perspektibo sa pananaliksik na ito ay ang pag-angkla ng kahandaan at mga salik sa pagkatutong onlayn sa pagbabalangkas ng isang kurso sa para sa mga guro sa Filipino. 11 Anong uri ito ng abstrak? Tungkol saan ang abstrak? Ano ang tesis ng pananaliksik? Ano ang pangunahing ideya? Ano ang pangunahing ideya? 12 Sa bahaging ito ay palalalimin natin ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat ng abstrak. Sa pamamagitan ng mga gawain sa parteng ito ng modyul ay mas malalaman mo ang ideya o pangunahing balangkas sa pagbuo ng abstrak. Estratehiyang MPR (Model-Practice-Reflect) Gawain 1: Pagsusuri sa Halimbawang Teksto (Model) Panuto: Basahin ang halimbawa ng Abstrak sa iyong aklat. (Pahina 71) at suriin ang ibinigay na teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan. 1. Ano ang katangian at kalikasan ng halimbawang Abstrak na iyong nabasa? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _____________________ 2. Sa anong uri ng Abstrak papasok ang binasa mong halimbawa? Ipaliwanag. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _____________________ 3. Ano ang katangian at kalikasan ng halimbawang Abstrak na iyong nabasa? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ___________________________________ Gawain 2: Pagbuo ng Abstrak (Practice) Panuto: Humanap ng isang pananaliksik sa larangan ng Agham at isa ring pananaliksik sa Humanidades. Bumuo ng inisyal na draft batay sa format na ibinigay. A. Para sa Humanidades 1. Ang paksa ng pananaliksik ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 13 2. Ang tesis (pananaw ng manunulat) ng pananaliksik ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Ang mga pangunahing ideya sa pananaliksik ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 4. Mga Susing Salita ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ____________________________ B. Para sa Agham 1. Ano ang ginawa mo, bakit mo ito ginawa? ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Paano mo ito ginawa? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Ano ang natuklasan mo? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 14 4. Ano ang ibig sabihin nito? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 5. Bakit naman kailangang malaman ng mga mambabasa ang isinasaad na impormasyon sa Abstrak? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Gawain 3: Pagsasagawa ng Pansariling Kritik (Reflect) Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa nabuo mong mga Abstrak. 1. Nasunod mo ba ang wastong haba ng Abstrak at naglagay ng mga susing salita? Ilarawan at pangatwiranan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ____________________________ 2. Paano mo nabuo ang buod ang nilalaman ng pananaliksik? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ___________________________________ 3. Hindi ka ba nagdagdag ng mga impormasyong walang kinalaman sa pananaliksik at nasunod mo ba ang maayos na organisasyon ng iyong Abstrak? Ipaliwanag. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ___________________________________ 15 Binabati kita! nakarating ka na sa bahaging ito ng modyul. Dito ay bubuuhin moa ng pangkalahatang konseptong itinuro sa modyul na ito. Gawain: Pagbuo ng Simbolismo Panuto: Sa anong bagay mo maihahalintulad ang natutuhan mo sa naging aralin sa modyul na ito? Iguhit sa kahon at bumuo ng tatlong pangungusap na paliwanag. 1. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 16 Titingnan natin sa bahaging ito kung ganap mo nang natutuhan ang mga itinituro sa modyul na ito. Aalamin natin kung ang mga batayang kakayahan sa pagsulat ng Abstrak ay tumimo na sa iyong isipan. Gawain: Pagsasapinal ng Borador Panuto: Mula sa ginawa mong Abstrak, bumuo ng pinal na bersiyon nito at isulat sa kahon. Pamantayan sa 3 2 1 Paggawa Organisado Maayos ang May iilang ideya at Kailangang maging paglalagay ng mga impormasyong hindi tiyak sa ideya at kinakailangang ideya masyadong impormasyon at impormasyon. maayos. ilalagay at ihanay ng maayos sa ginawa. Wika at Gramatika Nasusunod ang May mga nakitang Tingnang muli ang wastong gamit ng kaunting wastong gamit ng mga salita, pagkakamali sa wika at gramatika. pagbabaybay, wastong gamit ng Isa-isahin ang pagbabantas at mga salita, wastong gamit ng istruktura ng mga pagbabaybay, mga salita, pangungusap. pagbabantas at pagbabaybay, istruktura ng mga pagbabantas at pangungusap. istruktura ng mga pangungusap. Kalinawan at Bisa Obhektibo ang Obhektibo ang Naglahad ng ng Pagpapahayag paglalahad ng paglalahad ng pananaw na hindi detalye at detalye ngunit kailangan. Malabo naiintindihan agad kailangang ayusin ang paglalahad ng ng bumabasa. ang iba pang ideya ideya dahil sa mga upang lubos na impormasyong hindi maunawaan. na dapat inilagay. Kaisahan ng mga Gumamit ng May mga cohesive Hindi nagamit nang Ideya wastong cohesive devices na hindi wasto ang mga devices o mga pang- wasto ang salitang pang-ugnay ugnay na mga salita pagkakagamit kaya at kailangang ipakita upang iugnay mga naapektuhan ang pa ang koneksyon kaisipan. kaisahan ng mga ng mga ideya. ideya. Pagsunod sa Nakabatay ang May ilang mga Hindi ibinatay sa Balangkas pagkakasunod- bahagi na hindi wastong pormat na sunod ng wastong nasunod ayon sa ibinigay ang pormat na ibinigay. wastong pormat na ginawang awtput. ibinigay. 17 18 Upang higit mong maunawaan ang posisyong papel, tingnan natin kung kaya mong bigyan ng kritiko ang sarili mong ginawa. Ito ay makatutulong sa iyo para mapalawak pa lalo ang iyong kaalaman. Gawain - Pagsusuring Pansarili Panuto: Bigyan ng sariling marka ang iyong ginawa sa sinundang gawain sa itaas at isa-isahin kung nasunod nga ang hinihingi sa rubrik na ibinigay. Tingnan ang mga deskripsiyon sa rubrik upang mas masuri mo ang iyong ginawa. Organisado (Hal. Ang iskor na ibibigay ko sa aking sarili ay 2 sapagkat….) Wika at Gramatika Kalinawan at Bisa ng Pagpapahayag Kaisahan ng mga Ideya Pagsunod sa Balangkas 19 Marami ka bang napulot na kaalaman? Tignan ang kabuohang natutuhan sa Gabay sa Pagwawasto. Binabati kita! narito ka na sa bahagi ng modyul na ito. Dito aalamin natin ang iyong antas ng natutuhan sa aralin. Paghusayin moa ng pagsusulit na ito! Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka angkop na sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. ________ 1. Alin sa mga pahayag ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa abstrak? i. Ang abstrak ay talatang nagbibigay ng pagtanaw sa nilalaman ng isang pag-aaral o pananaliksik. ii. Ang abstrak ay dapat na binubuo ng 700 salita o higit pa at nilalagyan din ng mga susing salita sa hulihang bahagi nito. A. i C. i, ii B. ii D. wala sa nabanggit ________ 2. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng wastong impormasyon? i. May iba’t ibang kinakailangang impormasyon sa mga Abstrak sa iba’t ibang disiplina, mayroong dalawang uri nito: Abstrak ng Prosa at Siyentipikong Abstrak. ii. Ang abstrak ay ginagamit din bilang buod sa bawat kabanata ng isang nobela. A. i C. i, ii B. ii D. wala sa nabanggit _________ 3. Ito ay akademikong sulatin na nagbibigay ng kabuuang impormasyon at detalye sa isang pananaliksik. A. Katitikan ng Pulong C. Abstrak B. Lakbay-Sanaysay D. Talumpati ________ 4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mabisang Abstrak? i. May habang 100 -200 salita ii. Ito ay nagbibigay ng panimula para sa pananaliksik iii. Hindi nagdaragdag ng impormasyong wala sa pananaliksik A. i C. ii, iii B. ii D. i, ii _________ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng mabisang Abstrak? i. Naglalagay ng mga susing salita ii. May maayos na balangaks iii. Nagdaragdag ng katotohanan sa gagawing pananaliksik A. i C. i, ii B. ii D. i, ii, iii 20 _________ 6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kalikasan ng Abstrak? i. Ito ay isinusulat pagkatapos ng isang pananaliksik ii. Ito ay akademikong sulatin na para lamang sa pananaliksik iii. Ito ay ginagawa lamang ng mga mananaliksik A. i C. iii B. ii D. wala sa nabanggit ________ 7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kalikasan ng Abstrak? i. Hindi ito maaaring gawin sa mga binuong nobela, tula, at iba pang sangay ng panitikan. ii. Maaaring maglagay ng mga istadistikal na datos iii. Walang inilalagay na pansariling opinyon A. i C. i,ii B. ii D. i, ii, iii ________ 8. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng halimbawang paksa sa Abstrak ng Humanidades? A. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division. B. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. C. Ang mahahalagang ideya sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. D. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay ________ 9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng tesis ng pananaliksik sa Abstrak ng Humanidades? A. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. B. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay C. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division D. Ang mahahalagang katotohanan sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. 21 _________ 10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng pangunahing ideya sa pananaliksik sa halimAbstrak ng Humanidades? A. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. B. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay C. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division. D. Ang mahahalagang katotohanan sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. ________ 11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng mga susing salita sa pananaliksik sa halimbawang Abstrak ng Humanidades? A. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagtatasa sa kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan. B. Ito ang mga salitang tinatalakay sa pananaliksik: kababaihan, karapatan, pagkakapantay-pantay C. Pinaninindiganan sa pananaliksik na ito ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkakapantay-pantay na binigyang-linaw ng mga dalubhasang sina Enrile O. Abrigo at Ariel Matchico ng Puerto Princesa City Division D. Ang mahahalagang katotohanan sa pananaliksik na ito ay ang kalagayan ng karapatan ng mga kababaihan, pagtalakay sa tulong ng mga matatagumpay na kababaihan sa iba pang kababaihan, at paghahambing ng kalagayan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkakapantay-pantay. _______ 12. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa mga Siyentipikong Abstrak? i. Ang layunin nito ay mabigyan ng impormasyon ang mga mambabasa tungkol sa proseso at hangarin ng eksperimento na isinagawa ng manunulat. ii. Isinusulat ito gamit ang mga pandiwang natapos na. iii. Ang unang pangungusap ay tumatalakay sa kung ano ang ginawa mo at bakit mo ito ginawa A. i C. i, ii B. ii D. i, ii, iii 22 ________ 13. Alin sa mga sumusunod ang mainam na unang pangungusap ng halimbawang Siyentipikong Abstrak? A. Ang unang ginawa sa palaka ay nilinis ito at hiniwa gamit ang scalpel bago kinuha ang mga laman at tinukoy isa-isa. B. Napag-alaman sa pananaliksik na may malusog na puso, atay, at bituka ang palaka. C. Ang palaka ay sumailalim sa dissection upang pag-aralan ang bituka nito. D. Dahil sa kumpleto at maayos ang lagay ng bituka, puso at atay ng palaka, masasabing malusog ito bago namatay. _________ 14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang sumasagot sa tanong na “Bakit kailangang basahin ng mga mambabasa ang halimbawang Siyentipikong Abstrak?” A. Ang unang ginawa sa palaka ay nilinis ito at hiniwa gamit ang scalpel bago kinuha ang mga laman at tinukoy isa-isa. B. Napag-alaman sa pananaliksik na may malusog na puso, atay, at bituka ang palaka. C. Sa pamamagitan ng pagususuri sa palaka, masasabi nating ang dissection ay mabisang paraan upang malaman ang kalusugan ng palaka bago ito mamatay. D. Dahil sa kumpleto at maayos ang lagay ng bituka, puso at atay ng palaka, masasabing malusog ito bago namatay. _________ 15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maaaring maging huling pangungusap sa halimbawang Siyentipikong Abstrak? A. Ang unang ginawa sa palaka ay nilinis ito at hiniwa gamit ang scalpel bago kinuha ang mga laman at tinukoy isa-isa. B. Napag-alaman sa pananaliksik na may malusog na puso, atay, at bituka ang palaka. C. Sa pamamagitan ng pagususuri sa palaka, masasabi nating ang dissection ay mabisang paraan upang malaman ang kalusugan ng palaka bago ito mamatay. D. Dahil sa kumpleto at maayos ang lagay ng bituka, puso at atay ng palaka, masasabing malusog ito bago namatay. 23 C 15. C 14.. C 13. D 12. B 11. D 10. C 9. B 8. D 7. D 6. C 5. B 4. C 3. D 2. A 1. Subukin at Tayahin Websites “How to Write an Abstract.” Courtesy of University of Hawaii. Accessed August 15, 2020. http://homepages.uhwo.hawaii.edu/~writing/position.htm. 24 FEEDBACK SLIP A. PARA SA MAG-AARAL Maraming salamat sa paggamit ng CLIK Modyul na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. 1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang modyul na ito? 2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad OPO HINDI para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto? 3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa pag-aaral gamit ang modyul na ito? 4. Mayroon bang bahagi sa modyul na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?) B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang modyul na ito? Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit) Wala Contact Number : __________________________________ PANGALAN NG MAG-AARAL: Lagda ng Magulang o Tagapatnubay: Petsa ng Pagtanggap ng Modyul: Petsa ng Pagbalik ng Modyul: Lagda ng Guro: 25 For inquiries or feedback, please write or call: Division of Puerto Princesa City Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City (02) 634-1054 o 634-1072 [email protected] 26