MODULE 1: Kahulugan at Kasaysayan ng Wikang Pambansa (2024) PDF
Document Details
Uploaded by ClearNihonium
De La Salle Lipa
2024
Tags
Summary
Ang mduyul na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa kahulugan, kasaysayan, at mga katangian ng wikang Filipino. Saklaw nito ang mga iba't ibang barayti at baryasyon ng wika, at ang mga tungkulin ng wika sa lipunan. Ito ay isang mahalagang sanggunian para sa mga mag-aaral.
Full Transcript
WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Kahulugan ng Wika Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa iisang kultura –Henry Gleason Masistemang kabuuan ng mga sa...
WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Kahulugan ng Wika Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa iisang kultura –Henry Gleason Masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita at binibigkas na pinagkaisahan o kinugalian na ng isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao – Hemphill Kahulugan ng Wika Likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog- Sapiro Isang Sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao – Edgar Sturvevent Kalipunan ng mga salitang ginagamit at nauunawaan ng isang maituturing na komunidad- Webster Pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawain ng tao – Archibald Hill Kahulugan ng Wika 1. Sistematik na balangkas Anumang wika ay nakaayos sa tiyak na balangkas Malalimang tinatalakay ang wika mula sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks at diskors. 2. Sinasalitang tunog Hindi lahat ng tunog ay wika dahil hindi lahat ng tunog ay may kahulugan ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nagpapaiba sa kahulugan ng salita Ponetik ang isang tunog na walang kakayahang makapagpaiba ng kahulugan Kahulugan ng Wika 3. Pinili at isinaayos Wastong pagpili at pag-aayos ng salita 4. Arbitrari Pinipili ang salita na gagamitin para sa layunin ng gagamit Pinili at isinaayos sa paraang napagkasunduan ng grupo ng taong gagamit ng wikang ito 5.Kapantay ng kultura Habang natutunan ng tao ang kanyang wika ay natutuklasan niya ang kanyang kultura Ang kabuuan ng leksikon ng wikang sinasalita ng isan tao ay dikta ng kanyang kultura Kahulugan ng Wika 6. Patuloy na ginagamit dapat gamitin ang wika, sapagkat ang wikang hindi ginagamit ay patay na wika 7.Daynamik - may mga salitang hindi na ginagamit at napapalitan ng mga bagong salita Katangian ng Wika A. Pansarili Napapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng mga pagtatamo ng kaalaman sa paligid B. Panlipunan Wika ang nagpapatatag ng pagkakaisa naiimpluwensyahan ng wika ang pag-iisip ng tao C. Global Pagkakaroon ng pagbabago sa ortograpiya upang makasabay sa Ingles Inilalapit ang Filipino sa wikang Ingles Tungkulin ng Wika A. Personal -naipapahayag ang sariling damdamin, pananaw, opinyon at personalidad ng indibidwal B. Imahinatibo Nailalapat sa pagsulat o pagbigkas ng akdang pampanitikan C. Interaksyonal Pinananatili ang relasyong panlipunan D. Impormativ/ Representasyonal -ginagamit upang magpaalam ng maraming katotohanan, datos o impormasyon, makapagpahayag ng detalye -formal ang gamit ng wika Tungkulin ng Wika E. Instrumental ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang nais gawin F. Regulatori Kumokontrol o gumagabay sa kilos ng iba Ginagamit ng taong may nasasakupan o taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kapwa Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon F. Heuristik tumutulong ang wika upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman sa mundo gamit kung nais matuto ng kaalamang akademik o propesyonal Antas ng Wika FORMAL -malawakang kinikilala ng pamayanan, ng bansa at ng mundo -tinatanggap ng nakararaming dalubhasa, nakapag-aral o nagtuturo ng wika A. Pambansa -kapag umabot na sa pagiging opisyal na wika - Itinuturo sa paaralan, gamitin maging ng pamahalaan at nararapat lamang na kumatawan sa lahat ng wikang matatagpuan sa siang bansa Antas ng Wika B. Pampanitikan Pinakamayamang uri ng antas ng wika Mayaman sa paggamit ng idyoma at tayutay Hindi literal ang kahulugan ng salita,nagtataglay ng talinghaga Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. INFORMAL -karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. A. Lalawiganin Dayalektal Palasak at natural na ginagamit sa isang partikular na lugar,ngunit maaaring hindi maintindihan ng iba Nahahaluan ng kakaibang punto at tono Antas ng Wika B. Kolokyal pang-araw-araw na gamit ng salitang hinalaw sa porma na mga salita Natural na penomenon ng pagpapaikli ng salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon C. Balbal -slang sa Ingles -pinakamababang antas ng wika, mga salitang nabuo sa impormal na paraan -karaniwang nabubuo mula sa grupo ng mga bakla na nagsisilbing koda sa pakikipag-usap Barayti at Baryasyon ng Wika KAHALAGAHAN: Nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika Napaparami ang iba’t ibang katawagan ng isang salita Natutulungan ang tao na makapamili ng salitang gagamitin sa pinakaangkop na paraan Napapalawak ang iskolarling pananaliksik Barayti at Baryasyon ng Wika A. Idyolek Inidibidwal na gamit ng wika taglay ng pansariling katangian Gamit ng wika na kaiba sa indibidwal B. Diyalekto wikain/wikang rehiyonal Wikang karaniwang ginagamit sa mga tao ng isang rehiyon o pook Nakikita ito paraan ng pagbigkas at pagbuo ng salita, tono at punto Barayti at Baryasyon ng Wika C. Sosyolek Pansamantalang barayti ng wika ng nadebelop sa sosyalisasyon at nananatili lamang sa isang tiyak na panahon Nabubuhay ayon sa pangkat o uri ng taong gumagamit D. Etnolek Wikang nadebelop mula sa etnolinggwistikong grupo E. Ekolek Nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay Taglay ang kaimpormalan sa paggamit ng wika Barayti at Baryasyon ng Wika F. Pidgin -wikang walang pormal na estruktura at nabuo lamang dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita G. Creole -produkto ng pidgin kung saan nagkakaroon ng formal na estruktura ang wika H. Rehistro -espesyalisadong wika na ginagamit sa isang partikular na larangan Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1935 – Sa saligang batas ng Pilipinas, nagtadhana tungkol sa wikang pambansa”….ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” (Seksyon 3,Artikulo XIV) 1936 – pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt blg 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa 1937 – Wikang Tagalog ang batayan ng wikang pambansa Tagalog – nagtataglay ng humigit-kumulang 5000 salitang hiram sa Kastila, 1500 sa Ingles, 1500 sa Intsik at 3000 sa Malay Kasaysayan ng Wikang Pambansa Dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayan ng Wikang Pambansa 1.Maraming nagsasalita ng Tagalog 2. Hindi nahahati sa iba pang wikain 3. May mayamang panitikan 4. Tagalog na wikang ginagamit sa Maynila 5. Tagalog ang wikang ginamit sa himagsikan at ng Katipunan Kasaysayan ng Wikang Pambansa Naging masigla ang pagsúlong ng isang Wikang Pambansa batay sa Tagalog noong 1940s hanggang 1950s—nailathala ang ortograpiya, gramatika, at diksiyonaryo para sa wikang ito. 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang opisyal na wika. Sa bisà ng atas pangkagawaran noong 13 Agosto 1959 ni Kalihim Jose E. Romero ay tinawag na “Pilipino” ang wikang pambansa. Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1973 – nagkaroon ng Constitutional Convention Nakasaad sa Konstitusyon ng 1973 ang pagbabago sa pagtawag sa wikang pambansa sa probisyong pangwika ng 1987 Konstitusyon, ganap nang binura ang “Pilipino” at iniluklok ang isang wikang “Filipino” na payayamanin at pauunlarin batay sa mga katutubong wika sa Filipinas. Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1987 – Artikulo XIV Seksyon 6-9 , ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas ay FILIPINO. Sek 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. F- simbolo ng protestang sosyo- pulitikal (1972) Wikang pambansa ay hindi puro (276 ethnic community) Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1987 - ipinalabas ang Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987 kung saan isinasaad na gagamitin sa mabisang komunikasyon sa paaralan ang wikang Filipino at Ingles Sa taon ding ito inilabas ang alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino 2001- Rebisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino- istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino Ang Wikang Filipino TAGALOG Dayalekto o wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan. Isang partikular na wika na sinasasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo Batayan ng wikang pambansa PILIPINO opisyal na wika ng Pilipinas noong 1959 nakabatay sa Tagalog at iba pang wikain sa Pilipinas at wikang Kastila FILIPINO Lingua franca na nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa batay sa maraming wikain sa bansa kasama ang mga salitang banyaga na naging at nagiging bahagi na ng ating kabihasnan (multi-based language) Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Wika ng internasyonalization at globalization ay Ingles WF di maaring gamitin sa pandaigdigang talastasan Ano mangyayari sa WF sa panahon ng internationalization at globalization? Pambansang lingua franca ang WF ay maiuugat sa wikang Austronesian (900 BC) Ang ibang mga wika sa kapuluan ay magkakapareho ng anyo at kahulugan na tinatawag na cognates Ilocano ay di nalalayo sa bisaya o wikang Kapampangan Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Paano naimuhon (naitakda) ang salalayan (pundasyon) ng WF? Pinakaunang ebidensya ay Laguna Copperplate inscription at nakasulat sa Kawi script (900AD) may halong lumang salita sa malay, Sanskrit, Java at Tagalog. Itinuturing na pinakamatandang dokumentong nakasulat sa kapuluan. Pinapatawad na ng pinuno ng Tundo ang utang nina Murawan na hindi na kailangang bayaran ng naiwang kaanak Baybayin - sinasabing matandang paraang ng pagsulat (14 siglo) Baybaying Tagalog ay mula sa kawi script- ang hugis ay galaw ng tubig sa ilog Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Iba ang baybayin sa Alibata---- galing sa alif-bata ng wikang Arabic Nang dumating ang Kastila ang salalayan ng WF ay makikita sa Vocabulario de la Lengua Tagala mula kay Fray Pedro de San Juan Buenaventura- kodipikasyon ng mga unang anyo ng WF sa panahon ng Kastila 16-19 siglo nakasulat sa Sucesos delas Islas Filipinas na mataas ang literasi ng katutubo dahil sa Baybayin Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon After 200 taon bumaba ang literasi ng katutubo dahil sa alpabetong Romano at matatanda na lang ang nakakasulat/gumagamit ng baybayin Kalakalang Galyon- unang anyo ng globalisasyon- 1600-1900- kalakalan mula Acapaulco Mexico at China at ang Pilipinas ang daungan at naging masigla ang palitan ng wika at kultura Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Dahil sa Kalakalang Galyon may Pilipino na nagpunta sa Mexico at dala ang wika at kultura Natagpuan sa Mexico na may Pilipinas district sa Mexico ; may Pilipinong sumabak sa digmaan noong 1810 Dahil sa Kalakalang Galyon nagbukas ang kapuluan sa pandaigdigang kalakalan (1843) sa pamamagitan ng mga Ingles (Inglatera). Nagsimula ang eksportasyon ng mga produktong local sa Britanya Palubog na ang Espanya at makapangyarihang bansa ang INGLATERA at nakita ang kapangyarihan at potensyal ng kalakal Indikasyon ito ng ugnayan ng Pilipinas sa global na merkado at kultura Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Matapos ang 100 taon, usapin sa bagong milenyo ang makabagong anyo ng globalisasyon at epekto nito sa institusyong pambansa at lokal Mundo ay multilingual at multicultural = green politics – ang pag- aaral ng kultura ay sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika Mentalidad ng marami ay wikang bakya, showbiz at panlansangan ang WF Tunay nga bang walang espasyo ang WF sa panahon ng internasyonalisasyon at globalisasyon? Homogenizing ang epekto ng englishization/mcdonaldization Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Ang kalaban ay hindi WF kundi mentalidad na tayo ay uunlad sa wikang Ingles Green politics itinutulak ito na ang linguistic at cultural diversity ang magpapaunlad sa kaalaman at karunungan ng bawat mamamayan ng mundo Mother Tongue Rights 2008 itinulak ng UN Magkapanabay ang internationalization at globalization sa larangan ng edukasyon Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Paano nagiging wikang global ang Filipino dahil sa internationalization? Sa pamamagitan ng MOA/ MOU at partnership ng isang unibersidad sa iba pang unibersidad Hindi nakakaligtaan ang pag-aaral ng wikang Filipino, kultura at kasaysayan ng Pilipinas, May mga dayuhang mag-aaral na dumadayo sa Pilipinas upang pag-aralan ang WF Mahalaga na matutunan ng dayuhan ang ating wika, kasaysayan at kultura Ang WF ay itinuturo sa iba’t ibang unibersidad sa mundo Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon Tayo ay nagsasalin na rin ng mga klasikong akda sa wikang Filipino- Mali ang pananaw na ang Filipino ay hindi makakaagapay sa internationalization at globalization sa larangan ng edukasyon Yumaman ang bokabularyo na salalayan ng WF maging ng kultura dahil sa pagpasok ng wikang Mexicano, Aztec, Ingles, Intsik, Kastila sa kasaysayan ng pakikipagkalakal Creolized ang WF at ito ay akomodasyon mula sa iba’t ibang salita mula sa ibang wika ng kapuluan Ang pagtuturo ng FILIPINO ay ginagamitan ng intercultural perspective Nagpakilala rin tayo ng ating salita at kultura sa ibang bansa partikular sa Mexico Sanggunian Arrogante, J.A. (2007). Sining ng komunikasyon sa akademikong Filipino. Metro Manila: National Book Store Bernales, R.A., et al. (2016). ). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Valenzuela City: JoEs Publishing House Inc Carpio,P.D.S., et al.(2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino.Malabon City: Jimczyville Publications. Flores, C. (w.p). UP TALKS: Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon,Inakses sa https://bit.ly/3pEQqD4 Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” Inakses sa:https://bit.ly/2LfIERe