Modyul 1: Pagbasa at Pagsusuri PDF

Summary

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa mga kasanayan sa pagbabasa, ang ibat ibang uri at antas ng pagbasa, at ang iba't ibang uri ng teksto. Nakatuon sa mga konsepto at prinsipyo ng pagbasa at pag-unawa sa mga aklat at iba pang mga teksto sa Filipino.

Full Transcript

Kasanayan sa Pagbasa Pagbabasa - Pagtunghay at pag-unawa sa nakasulat (Ilokano- Sebuano). - Katumbas din ng “wika” (Meranaw). PAGBABASA Ayon sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (Virgilio Almario, 2001) ito ay isang ugaling nililinang at itinatanim sa isip ng tao. Ayon kay Lilia Quin...

Kasanayan sa Pagbasa Pagbabasa - Pagtunghay at pag-unawa sa nakasulat (Ilokano- Sebuano). - Katumbas din ng “wika” (Meranaw). PAGBABASA Ayon sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (Virgilio Almario, 2001) ito ay isang ugaling nililinang at itinatanim sa isip ng tao. Ayon kay Lilia Quindoza Santiago (1995), kailangang mapanday ang kakayahan ng bawat estudyante na maging bihasa sa pagbabasa at pagsulat sa wikang pambansa. Nadiskubre ni Domingo G. Landicho (1974) na ang pagkakaroon ng kakayahan sa pagbasa sa sariling wika, nakalaya siya sa uri ng edukasyong pagsasaulo lamang ng bagay-bagay na binabasa sa mga aklat. Ang Pagbasa ay Isang Makrong Kasanayan Dalawang uri ng Pagbasa 1. Intensibong Pagbasa 2. Ekstensibong Pagbasa Intensibong Pagbasa Ito ay pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura para maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang sulatin. Ekstensibong Pagbasa Ayon kay Brown ito ay isinasagawa para makakuha ng pang kalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. MGA ANTAS NG PAGBASA Antas ng Pagbasa - Mayroong 4 na pangunahing antas (Adlet at Van Doren, 1972). 1. Batayan 2. Inspeksiyonal 3. Analitikal 4. Sintopikal - Tinawag nila itong mga “antas” 1. Batayan Sa yugtong ito ng Pagbasa, nakikilala ang magkakahiwalay na salita sa pahina. Pokus nito ang mabilisan at mekanikal na pagbabasa. 2. Inspeksiyonal Kilala din bilang skimming o panimulang pagbasa. Binibigyang-diin nito na masulit ang pagbabasa sa takdang oras. Sinisiyasat ang pamagat ng aklat, panimula, talaan ng nilalaman, indeks, blurb, at iba pa. 3. Analitikal Sa yugtong ito, sinusuyod ang buong aklat. Isinasagawa ito para ganap na maunawaan ang binabasa, hindi lamang para sa impromasyon o libangan. 4. Sintopikal Tinatawag din bilang komparatibong pagbabasa. Ginagamit ito upang magkaroon o makabuo ang mambabasa ng sintesis at bagong pagsusuri sa paksa ng dalawang magkaibang basahin. Mga Uri ng Pagbabasa Uri ng Pagbabasa 1. Skimming 2. Scanning 3. Kaswal 4. Komprehensibo 5. Kritikal 1. Skimming Mabilis na paggalaw ng mata mula kaliwa pakanan (horizontal) sa pagbabasa (Ingles, Filipino, atbp). 1. Skimming Layunin nitong makuha ang pangunahing paksa ng bawat talata, malaman ang pangkalahatang kaisipan ng teksto, at magkaroon ng pahapyaw na kaalaman tungokl sa teksto sa maiksing oras. 2. Scanning - pababa (vertical) o pa-diagonal. - Mabilis dinadaan ng mata ang mga salita sa paghahanap ng detalye o datos. 3. Kaswal - Tinatawag bilang pagbasa - Pampalipas oras. ekstensibong 4. - Tinatawag bilang intensibong pagbasa Komprehensibo - Ginagamit sa pagsusuri at pagsasagawa ng sintesis. - Layunin na ibuod ang mga idea upang makuha ang pampanitikan o lingguwistikong kahulugan ng teksto. 5. Kritikal - - mahalaga dito ang nilalaman at katwiran ng binabasang teksto. - Bumubuo din dito ng mga kritikal na argumento ang nagbabasa at gumagawa ng paghatol sa binasa. Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa mga Teknik sa pagbabasa ang pamuling-basa (rereading), basing-tala (notetaking) , at pagbabalangkas (outlining) Iba't Ibang Uri ng Teksto TEKSTO Ano nga ba ang TEKSTO? Ito ay tumutukoy sa anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman. mahalaga ang mga teksto sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos na kaniyang isusulat. Ang anumang tekstong mababasa ay may layunin. May mga teksto na ang layon ay magbigay-impormasyon, maglarawan, magsalysay ng isang pangyayari, magturo ng proseso, manghikayat, o kahit pa magbigay-aliw. IBA'T IBANG URI NG TEKSTO Iba't AIbang uri ng Teksto 1. Tekstong Impormatibo 2. Tekstong Deskriptibo 3. Tekstong Persuweysib 4. Tekstong Naratibo 5. Tekstong Argumentatibo 6. Tekstong Prosidyural Tekstong Impormatibo Ito ay tinatawag ding ekspositori. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Sinasagot nito ang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pahayagan, Listahan (directory), Encyclopedia, Diksyunaryo, Posters, Ulat ng mga kamag-aral o guro, Talambuhay, Mga Legal na dokumento, Manwal na Panturo, Mga aklat na nailathala na, Mga Tala (notes), Internet. Ayon kay Jun Keir, sa kaniyang aklat na Informative Texts: Recognizing and creating procedures, explanation, recounts, and procedures(2009), ang tekstong impormatibo ay mga iba't ibang uri. 1.Tekstong Prosidyural nagbibigay ito ng mga panuto o hakbang kung paano isakatuparan ang isang gawain o kompletuhin ang isang proseso. Naglalaman ito ng mga salitang kilos, salitang nagsasaad ng pagkakasunod sunod, pang-abay na pamanahon, utos, at slaitang teknikal. 2. Tekstong nagpapaliwanag may dalawang anyo na nagpapaliwanag sa pagkakaganap ang isang bagay-yaong nagpapaliwanag kung (a) "bakit" at (b) "paano" naganap ang isang bagay. 1.Tekstong Prosidyural Inilalahad ng tekstong ito kung paano naganap ang isang pangyayari sa impormatibo o nakaaaliw na paraan. Inilalahad nito ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod, mula simula hanggang wakas. 4. Mga Ulat naglalahad ang ulat ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay sa paraang obhetibo. Nagbibigay muna ito ng pangunahing kaisipan tungkol sa paksa na sinusundan ng mga talatang nagbibigay ng karagdagang-paliwanag tungkol dito. Ang pinakamahalagang detalye nito gaya ng "ano", "sino", "saan", "kailan", at "bakit" ay nasa unang talata habang nasa hulihan naman ang mga detalyeng di- 5. Tekstong naglalarawan nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng isang bagay, gaya ng detalye ng pisikal na anyo, amoy, tunog, lasa, hatid na damdamin, at iba pa. Nag-uumpisa ito sa isang panimula na sinundan ng balangkas ng mga katangian ng bagay na inilalarawan. Nagtatapos naman ito sa isang kongklusyon na naglalagom sa mga paglalarawang ibinigay. MGA BAHAGI NG TEKSTONG IMPORMATIBO 1. Panimula naglalaman ito ng paksang pangungusap na tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa teksto. Maaari ring magbigay sa bahaging ito ng pahiwatig sa mga impormasyong tatalakayin sa kabuuan ng teksto. 2. Katawan dito inilalahad ang mga impormasyong nagbibigay ng tiyak na detalye tingkola paksa. Ito ang bahaging nagpapaliwanag o nagpapalawak sa paksa. Ang mga detalyeng binabanggit dito ay obhetibo at nakabatay sa pag-aaral. Maaari ring magpasok dito ng mga grapikong representasyon bilang bisuwalisasyon ng mga datos. 3. Kongklusyon nilalagom sa bahaging ito ang mahahalagang punto na nabanggit sa teksto. Dito rin maaaring talakayin ang halaga o implikasyon ng mga impormasyong natalakay. 4. Talasanggunian iniisa sisa rito ang mga sangguniang pinagbatayan ng teksto. Pinatitibay nito ang kredibilidad ng mga impormasyong inilahad. Kung hindi maglalagay ng hiwalay na talasanggunian, maaari ring nasa katawan mismo ng teksto ang mga sangguniang ginamit gaya ng pagtukoy sa isang aklat o dyornal na sinangguni, taon ng pagkakalimag, at pangalan ng may-akda.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser