Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto PDF
Document Details
Uploaded by RestoredMoldavite1493
Tags
Summary
This document provides foundational knowledge and skills in critical reading. It explores the concepts of reading and different types of texts, emphasizing the importance of understanding and applying these concepts. It also discusses various techniques for reading comprehension.
Full Transcript
Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto 01 Pagbasa Ano ang pagbasa? “Dinadala siya ng pagbasa sa bagong daigdig” - ROADL DAHL Ano ang pagbasa? “Walang pagbabasa kapag walang pang- unawa. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pa...
Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto 01 Pagbasa Ano ang pagbasa? “Dinadala siya ng pagbasa sa bagong daigdig” - ROADL DAHL Ano ang pagbasa? “Walang pagbabasa kapag walang pang- unawa. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pang-unawa sa pagbasa.” - TUMANGAN et. al Ano ang pagbasa? “Ang pagbasa nang walang nauunawaan ay katulad sa kumain na hindi natutunawan.” - Manuel L. Quezon Ang pagbasa ay isa sa apat na makrong kasanayan na patuloy dapat na nililinang. Dahil sa pagbabasa... Patuloy na nadaragdagan ang mga inimbak na kaalaman ng tao. Nakararating siya sa ibang lugar na maaaring hindi pa niya nararating o hindi na mararating. Nakapagpapawala ito ng kabagutan. Nakalulutas ng problema. Hindi man ito sinasadya, nakahuhubog ito sa pagkatao ng bumabasa. Sina Vacca at Vacca (1996) ay nagpahayag ng palarawang katuturan ng pagbasa... Literal. Eksplisit na pagkuha ng impormasyon. Sina Vacca at Vacca (1996) ay nagpahayag ng palarawang katuturan ng pagbasa... Interpretatibo. Pagsasama-sama ng mga impormasyon, pagtukoy sa pagkakaugnayan, paghinuha. Sina Vacca at Vacca (1996) ay nagpahayag ng palarawang katuturan ng pagbasa... Aplayd. Paggamit ng impormasyon upang maglahad ng opinyon at lumikha ng bagong ideya. PROSESO NG PAGBASA Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay- kahulugan ng mga simbolo at salita. ilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray (1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa“ Persepsyon Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ngmga tunog Komprehensyon Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita. Reaksyon Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga atpagdama sa teksto Integrasyon Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag- uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang da atmga bagong karanasan sa tunay na buhay. Uri ng Pagbasa Suriin ang dalawang halimbawa sa ibaba. Paano mo ipaliliwanag ang pagkakaiba ng dalawa ayon sa paglalapat ng kasanayan sa pagbasa? Halimbawa 1: Halimbawa 2: Ang sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Mayaman ang batayan nito sa kultura, wika, diwa, pananaw, lipunan at kasaysayang Pilipino. Ang sikolohiyang Pilipino ay sistematiko at siyentipiko sa pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng mga katutubong metodong naaangkop sa karanasan ng mga Pilipino. Scanning o Pahapyaw na Pagbasa Mabilisang pagtingin sa mga tala o teksto na may layuning kuhanin ang impormasyon o detalye, bagay na kailangan. Skimming o Pinaraanang Pagbasa Mabilis na pagtingin sa teksto upang makuha ang punong ideya o ang importanteng impormasyon. Ekstensibong Pagbasa Ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabasa na karaniwang ginagawa ng mga mananaliksik. Intensibong Pagbasa Ito ay masidhing pagbasa. Maingat at masusi ang pagbasa upang matiyak ang mga detalyeng kinukuha mula sa teksto. 02 Uri ng Teksto Impormatibo Ano ang tekstong impormatibo? babasahing di-piksyon. magbigay ng impormasyon at magpaliwanag nang walang pagkiling nakabase sa katotohanan Elemento ng Tekstong Impormatibo Pangunahing Ideya Sa tekstong impormatibo dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. Matutukoy ito sa paglalahad ng isang tiyak at malinaw na pamagat. Elemento ng Tekstong Impormatibo Pangunahing Ideya Maaari ding maglagay ng pamagat sa bawat bahagi ng teksto- ito ay tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. Elemento ng Tekstong Impormatibo Pantulong na Kaisipan o Ideya Upang mapagtibay at masuportahan ang pangunahing ideya sa teksto, mahalagang matiyak, masuri, at maisa- isa ang mga pantulong na kaisipan/ideya/impormasyon na hango sa pananaliksik. Elemento ng Tekstong Impormatibo Estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na bibigyang- diin a. Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita/terminolohiya sa teksto c. Pagsulat ng mga talasanggunian Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Impormatibo 1. Sanhi at Bunga - Estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay nagig resulta ng mga pangyayari. - Ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon ng dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga). Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Impormatibo 2. Paghahambing - Ang ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari. Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Impormatibo 3. Pagbibigay-depinisyon - Ipinapaliwang ang kahulugan ng isang salita, termino, o konspeto. - Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang kongkretong bagay. - Mahalagang maisaalang-alang dito ang konotatibo at denotatibong pagpapakahulugan. Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Impormatibo 4. Pagkaklasipika - Ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay. Deskriptibo Ano ang tekstong deksriptibo? Ito may layuning maglarawan Ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan Tandaan: Karaniwang bahagi lamang ng ibang teksto ang tekstong deskriptibo. Maaari itong kabahagi ng tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang tauhan, tagpuan, damdamin, tono ng pagsasalaysay, at iba pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan o ipinaglalaban sa isang tekstong argumentatibo. Gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib. O kaya sa paglalahad kung paano magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay sa tekstong prosidyural. Ang paglalarawan sa isang tekstong deskriptibo ay maaaring karaniwan o masining. (1) Karaniwan kung gumagamit lamang ng payak na anyo ng pananalita sa paglalarawan. Nakakalbo na ang ilang kabundukan sa Luzon. Malakas ang hagupit ng hanging dala ng bagyo. Buhat-buhat ng inang Aeta ang kaniyang anak habang naglalakad sa kapatagan. (2) Masining kung matayog at mabubulaklak ang pamamaraan ng paglalarawan. Magkasalo tayo sa hapag. Sapat nang sulyapan ka samantalang ngumunguya ka. Sapat nang mapagsalo natin ang simpleng biyaya para sa ating dalawang may pusong tumutugma sa kalikasan ng pagmamahal. Tatlong Katangian ng Tekstong Deskriptibo 1. Ito ay may isang malinaw at pangunahing impresyon. Halimbawa: Uulan mamaya, naiisip ni Tano habang nakatayo sa pilapil at nakatingala sa langit. Hindi siya kalakihang lalaki ngunit matipuno at siksik ang kanyang katawan. Namumula ang kanyang kayumangging balat, halos nagkukulay-tanso. Hawak sa kaliwang kamay ang isang bigkis ng punla; sa kanan naman, nakaipit sa tatlong daliri, ang isang punlang handa nang itundos. Mahaba ang manggas ng kanyang kupasing gris at may bahid ng natuyong putik ang kanyang lampas-tuhod na kutod. mula sa nobelang "Dugo sa Bukang-Liwayway" ni Rogelio R. Sicat 2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o subhetibo. Obhetibo ang paglalarawang direktang nagpapakita ng katangiang makatotohanan at 'di mapasusubalian. Halimbawa, kung ilalarawan ang isang kaibigan, maaaring ibigay ang taas, haba ng buhok, kulay ng balat, o kursong kinukuha. Subhetibo naman ang paglalarawang nakabatay lamang sa opinyon o imahinasyon at walang naibigay na anumang pagpapatunay. Kinapapalooban ito ng matatalinghagang paglalarawan at personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan. 3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Mahalagang maipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa nainilalarawan. Persuweysib Alam Mo Ba? Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat masusing pinag-iisipan. Ang mga eksperto sa likod ng mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin na nakapupukaw atensyon ay ginagamitan ng propaganda devices. Alam Mo Ba? Narito ng iba't ibang propaganda devices: ○ Name-Calling - Ito ay nagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. ○ Glittering Generalities - Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahayag ng mambabasa. Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong _______. Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa _________ puting-puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian. Alam Mo Ba? ○ Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. - Grace Poe ; Manny Pacquiao gumagamit ng _______ kapag nasasaktan. ○ Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto. ○ Plain Folks - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. Alam Mo Ba? ○ Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. ○ Bandwagon - Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag-peso padala na. Ano ang Tekstong Persuweysib? Ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda. Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Tatlong Paraan ng Panghihikayat Ayon kay Aristotle 1. ETHOS - Salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "karakter". Panghihikayat gamit ang mapagkakatiwalaang karakter o kredibilidad ng isang tao. 2. PATHOS - Salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "karanasan" o "paghihirap.“ Panghihikayat gamit ang emosyon (awa, tuwa, galit, paghahangad). 3. LOGOS - Salitang Griyego na ang ibig sabihin ay "isang salita" o "rason". Panghihikayat gamit ang lohikal na ideya o kaisipang nakabatay sa katotohanan, figure, at statistics. Ikaw ang boses ng mga kabataan sa inyong barangay. Hinikayat ka ng kapwa mo kabataan na hikayatin ang lahat ng botante sa inyong barangay na pumili ng tamang ibobotong pinuno sa darating na Mayo. Paano mo sila makukumbinsi na pumili ng tama at nararapat na pinuno? Sumulat ng maikling talumpati na hihikayat sa mga botante sa inyong lugar na pumili ng karapat-dapat. "Ang mahusay maghabi ng salita ay hindi mahihirapang manghikayat ng madla." Anonymous