Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF

Summary

This is a module for the course of Communication and Research in Philippine Language and Culture. It focuses on the significance of language. It is targeted for senior high school students.

Full Transcript

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Unang Edi...

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Peña Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr. Leilanie E. Vizarra Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral Job S. Zape Jr. Eugenio S. Adrao Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Elias A. Alicaya, Jr. Ivan Brian L. Inductivo Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Josephine M. Monzaga Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: [email protected] Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Wika: Kahulugan at Kabuluhan ng Wika! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wika: Kahulugan at Kabuluhan ng Wika! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago ng panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago din dala ng makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang umaadap ng mga wikang banyaga na nakakaimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin. Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika. Tulad na lamang ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. May mga pagkakataon na maunawaan natin ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit ang wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon rin. Sinadya ng mga may-akda na palalimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika. Kung ang mga merito ng aklat na ito ay mamamaksimays, sa tulong ng matatalino at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may- akda na matatamo ang mga sumusunod. Kasanayang Pagkatuto : Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Layunin : 1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika, 2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan, 3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. 4. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa. Samakatuwid ang mga pangangailangan ng mga estudyante ay mas mapalalim pa ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa maging ang konsepto ng wika. Inaaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa pag-unlad ng wikang Filipino. 1 Subukin Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. 1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog 2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilinggwal 3. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal. a. Wikang Ladino b. Wikang Minoritaryo c. Wikang Opisyal d. Wikang Sardo 4. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas. a. Phil. Constitution 1977 b. Phil. Constitution 1997 c. Phil. Constitution 1987 d. Phil. Constitution 2007 5. Ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika. a. Lingua Franca b. Bilinggwal c. Multilinggwal d. Homogenous 6. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog. a. dayalek b. salita c. dila d. wika 2 7. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon. a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Barayti ng wika 8. Ang wika ay nagbabago. a. Masistemang balangkas b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Pinipili 9. Kahulugan ng salitang Latin na lingua a. Teorya b. Kamay c. Wika d. Dila 10. Makahulugang tunog ng isang wika a. Sintaksis b. Morpema c. Diskurso d. Ponema 11. Kinikilalang lingua franca ng mundo a. Mandarin b. Niponggo c. Filipino d. Ingles 12. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita a. Pantulong na wika b. Katutubong wika c. Ikalawang wika d. Unang wika 13. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino a. Filipino b. Tagalog c. Cebuano d. Ingles 3 14. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng edukasyon a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Naturalismo 15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika. a. Morpema b. Simbolo c. Sintaks d. Ponema Aralin Wika (Kahulugan at 1 Kabuluhan ng Wika) Basahin ang sumusunod na talata. WIKA Paano kaya kung walang wika ? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang lipunan ? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya ? Mapabibilis kaya ang pag-unlad ng komunikasyon ? Kung hindi ang sagot mo, samakatwid mahalaga talaga ang wika at komunikasyon. Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha sa tao sa kaniyang tahanan, paaralan , pamayanan , at lipunan. Kahit na sa anumang anyo , pasulat o pasalita , hiram o orihinal , banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa , kaisipan , at damdamin natin. Maging ang kultura ng isang panahon , pook , o bansa ay muling naipahahayag sa pamamagitan ng wika ( Lachica, 1998 ). Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin , lalim ng lungkot o pighati , ang lawak ng galak , ang kahalagahan ng katwiran , ang kabutihan ng layunin , ang nakapaloob sa katotohanan sa isang layunin , ang kaibuturan ng pasasalamat, at paghanga. DEPINISYON NG WIKA Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ayon naman kay 4 1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. Halimbawa : Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng mga tunog. Gayunman hindi lahat ng tunog ay makabuluhan o may hatid na makabuluhang kahulugan , hindi lahat ng tunog ay itinuturing na wika. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Mga tunog ito na mula sa paligid , kalikasan , at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao. 2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan. Halimbawa : Ang simbulo ay binubuo ng mga biswal na larawan , guhit , o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. Halimbawa nito ang simbolo ng krus, araw , ahas , elemento ng kalikasan ( lupa , tubig , apoy , hangin ) at marami pang iba na sumasalamin sa unibersal at iba’t ibang kahulugan mula sa sinaunang sibilisasyon hanggang ngayon. Nangangahulugan lamang na ang tanging layunin kung bakit may wika ay upang magamit ito sa pakikipagtalastasan. 3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. Halimbawa : Lumutang ang konseptong “ ponosentrismo “ na nangangahulugang “ una ang bigkas bago ang sulat “. Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng anumang wika ng tao. 4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. Halimbawa : Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema ( pinakamaliit na yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan ). Maraming uri ng tunog , maaaring ito ay galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig s abatis, langitngit ng kawayan , pagaspas ng mga dahoon, kulog at iba pa. Ngunit ang binibigkas na tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagbigkas ng tao tulad ng labi , dila , ngipin , galagid , at ngala- ngala. 5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao. Halimbawa : Ang mga ponema ( sinasalitang tunog ) ay pinili sa pamamaraang napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika o batay sa kapasyahan sang-ayon sa preperensya ng grupo ng mga tao. 6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag. Halimbawa : Pinakamabisang instrumento ang wika upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagamat maaaring makipag- 5 ugnayan sa pamamagitan ng mga senyas , pagguhit o mga simbulo , hindi pa rin matatawaran ang paggamit ng wika upang maisakatuparan ang malawak at mabisang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa. 7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Halimbawa : Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang mga tao. Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang kaibahan ng kanilang ibinubulalas na salita sa mga Pilipino. Balikan Wika ko. Hulaan Mo! Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga salita at isulat sa iyong sagutang papel. Salita Kahulugan 1. Lodi 2. Petmalu 3. Kalerki 4. Chaka 5. Waley Mga Tala para sa Guro Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito. 6 Tuklasin Ano ang Wika ? Binigyang kahulugan ni Henry Gleason ang wika bilang sistematikong balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang kultura. Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng kalayaan. Mga Katangian ng wika Taglay ng kahulugan ng wika ang mga pangunahing katangian nito ayon sa sumusunod : 1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita ( speech apparatus ) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na nagisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas at malambot na ngala-ngala. 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon ( Rubin, 1992 ). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na nagbiibigay ditto ng kolektibong pagkakakilanlan bilang isang pangkat o grupo. Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang magkatulad ang baybay at bigkas sa maraming wika subalit magkakaiba ng kahulugan. 3. Likas ang wika, ibig sabihin , lahat ay may kakayahang matutong gumamit ng wika anuman ang lahi, kultura, o katayuan sa buhay. 7 4. Ang wika ay dinamiko. upang mapanatiling masigla at buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng pananalita mg mga tao maging ang angking kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. 5. Ang wika ay masistemang balangkas. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong matutong kumilala ng tunog ( ponolohiya ). Itinuturing naakabuluhan ang isang tunog kung may kakanyahan itong makapagpabago ng kahulugan. Sinusundan ito ng pagsasama-sama ng tunog upang makabuo ng maliit nay unit ng salita ( morpolohiya ). Ang pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng payak na pahayag o pangungusap ang tinatawag na sintaks o palaugnayan. 6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa. 7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong masigla at buhay. Kailangang kalingain sa komunikasyon ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad. 8 Suriin Tukuyin ang kahulugan at kahalagahan ng konseptong pangwika ayon sa wikang panturo at wikang opisyal. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. “Hindi mo ba kilala ang taong yon?” Ang tanong ng may-ari ng tindahan. Siya si John Marshall, ang bantog na mahistrado rito ng Estados Unidos. Namula ang binata sapagkat di talaga sila magkaintindihan a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal at Panturo d. Wikang Bilinggwal 2. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca 3. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na sila habang nag-uusap sapagkat di sila magkaintindihan. a. Wikang Bilinggwal b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Hiram 4. Ang guro nila sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Filipino upang maunawaan ng kanyang mag-aaral ang aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal c. Wikang Panturo at Opisyal d. Wikang Bilinggwal 5. Sa isang komunidad , may mga mamamayan na nag-uusap-usap at ang wikang malawakang sinasalita ay ang nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang dimensyong heograpiko. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca 9 Pagyamanin Panuto : Punan nang angkop na kasagutan ang patlang upang mabuo ang ideya ng salaysay. Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba. Sa tulong ng aking guro at sa pamamagitan ng modyul na ito, lubos ko nang naunawaan ang 1.___________________________at 2. ____________________________ng konseptong pangwika. Nalaman ko din na ang wikang opisyal ay 3. ____________________ at ito ay napakaraming kabuluhan o kahalagahan. Samantalang ang wikang panturo naman ay ang 4. __________________________ na ginagamit sa paaralan. Nabatid ko rin na marami palang kahulugan ang 5. __________________ ayon sa iba’t ibang linggwistika at dalubhasa. Kahulugan Katangian Wikang naisabatas Wikang pagtuturo at pagkatuto Wika Tunog Isaisip Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kahulugan ng konseptong pangwika. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang. HANAY A HANAY B ____1. Lengua a. wikang ginagamit ng magkausap na may magkaibang katutubong wika ____2. Ipinalalaganap nito ang kultura ng b. wika bawat pangkat c. wikang opisyal ____3. Ginagamit sa pormal na edukasyon d. dila at wika ____4. Ginagamit naman ito ng mga tao e. wikang panturo sa isang bansa f. tagalog ____5. Lingua franca g. Filipino 10 Isagawa Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. 1. Bakit mahalaga ang wika sa: a. Sarili b. Lipunan c. Kapwa 2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika. Tayahin Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng wika. a. May maayos na pagkakasunod-sunod b. May hugis, anyo, kulay c. May paksa at tema d. Sinasalitang tunog 2. Ang nagbigay kahulugan na ang wika ay masistemang balangkas. a. Finnocchiaro b. Gleason c. Brown d. Hill 3. Ito ang pundasyon ng lahat ng wika ng tao. a. Sistema b. Simbolo c. Bigkas d. Tunog 11 4. Ito ang wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog 5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita a. Pantulong na wika b. Katutubong wika c. Ikalawang wika d. Unang wika 6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua a. Teorya b. Kamay c. Wika d. Dila 7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilinggwal 8. Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog. a. dayalek b. salita c. dila d. wika 9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal. a. Wikang Ladino b. Wikang Minoritaryo c. Wikang Opisyal d. Wikang Sardo 10. Kinikilalang lingua franca ng bansang Pilipinas. a. Wikang katutubo b. Pilipino c. Filipino d. Tagalog 12 11. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca 12. Ang wika ay nagbabago. a. Masistemang balangkas b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Pinipili 13. Kinikilalang lingua franca ng mundo a. Mandarin b. Niponggo c. Filipino d. Ingles 14. Makahulugang tunog ng isang wika a. Sintaksis b. Morpema c. Diskurso d. Ponema 15. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino a. Filipino b. Tagalog c. Cebuano d. Ingles Karagdagang Gawain Sa iyong sagutang papel, isulat ang kahulugan ng Wika at Wikang Panturo a. Wika -- b. Wikang panturo -- 13 Susi sa Pagwawasto Tayahin Isaisip Subukin Pagyamanin 1. D 1. D 1. C 1. kahulugan 2. B 2. B 2. A 2. katangian 3. D 3. E 3. B 3. wikang 4. C 4. C 4. C naisabatas 5. D 5. A 5. A 4. wika ng 6. D 6. D pagtuturo at 7. A 7. C pagkatuto 8. D 8. C 5. wika 9. B 9. D 10. C 10. D 11. B 11. D Suriin 12. C 12. D 13. D 13. B 1. D 14. D 14. A 2. B 15. B 15. B 3. C 4. A 5. D 14 Sanggunian Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio. Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 15 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser