KOMPAN 1st Summative Exam (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by UnboundVibraphone
Kompan
Tags
Summary
This document is a first summative exam on Philippine language concepts. It presents definitions and details on topics like Filipino as a national language, bilingual education and multilingualism.
Full Transcript
***D. IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA*** - **Wikang Pambansa** - **FILIPINO --** pambansang wika ng Pilipinas, - **INGLES --** wikang Pambansa Ayon kay **MERRIAM-WEBSTER DICTIONARY,** ang wikang Pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan...
***D. IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA*** - **Wikang Pambansa** - **FILIPINO --** pambansang wika ng Pilipinas, - **INGLES --** wikang Pambansa Ayon kay **MERRIAM-WEBSTER DICTIONARY,** ang wikang Pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. **WIKANG PAMBANSA** ay nagiisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan, nagiging batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito. - **DE JURE --** sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika. - Tinitiyak ng ating konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng isang pambansang wika. - Matatagpuan sa **Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyong 1987** ang mga tiyak na probisyong kaugnay ng wika. - **Seksyon 6 --** Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. - **DE FACTO -** filipino ang pambansang wika sapagkat aktuwal na itong ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamamayang Pilipino. - Ayon sa **Philippine Census** noon 2000, **65 milyong Pilipino o 85.5%** ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. - **Wikang Panturo** - wikang ginagamit na midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon. - **Bilingual Education Policy (BEP) --** ipinatupad noon 1987 bilang pagtupad sa mandato ng Konstitusyong 1987, nilalaman ng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng **Filipino** at **Ingles** bilang mga wikang panturo. - **Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB MLE) --** ipinatupad noong 2009 na nagbibigay-diin sa paggamit ng mga **katutubong wika** bilang unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. - **United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) --** tinukoy nila noong 2003 na isa sa pangunahing porma ng eksklusyon sa edukasyon ang suliranin sa wika. - **Wikang Opisyal** - ay ang wikang itinandhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. - kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento na may kinalaman sa korte, lehislatura, at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon. - **Seksyon 7 --** ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles. - **Sekyon 8 --** ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. - Bilingguwalismo -- ay tumutukoy sa kakayahan ng isag taong makapagsalita ng dalawang wika. Ayon kay **LOWRY (2011),** isang **Speech-Language Pathologist,** maraming kapakinabangan ag bilingguwalismo sa isang indibidwal. Ipinatupad ang **Bilingual Education Policy (BEP)** sa Pilipinas sa pamamagitan ng **National Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7 s.1973.** Noong 1973, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS **Department Order No. 26, s. 1974** na may titulong **Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.** Sa kabuuan naglalaman ito ng gabay kung paanong magkahiwalay na gagamitin ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na larangan ng pagkatuto sa mga paaralan. Ang **Pilipino/Filipino** ay gagamitin sa mga assignaturang may kinalaman sa **Araling Panlipunan/ Agham Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, Home Economics, at Values Education. Ingles** naman ang gagamitin sa **Syensya, Teknolohiya, at Matematika.** - **Multilingguwalismo** -- tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba't ibang wika. - **Stavenhagen (1990)-** iilang bansa na lamang sa buong mundo ang monoligguwal. Ibig sabihin ay mas laganap ang mga lipunang multilingguwal kung hindi man bilingguwal. - **Polyglot** -- purong bihasa na makaintindi at makagamit ng uba't ibang lenggwahe - **Homogenous at Heterogenous na Wika** Ang pagiging **homogenous** at **heterogenous** ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti. Ayon sa **MERRIAM-WEBSTER DICTIONARY,** ang salitang **HOMOGENOUS** ay nagmula sa salitang GRIYEGO na **HOMOGENES** mula sa **HOM** na nangangahulugang **URI O KLASE** at **GENOS** na nangangahulugang **isang klase** mula sa **iisang lahi o angkan.** - **HOMOGENOUS --** tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. - May iisang wikang ginagamit ang komunidad o may standard. - **LANGUAGE UNIFORMITY --** pagkakaroon ng iisang estandard ng paggamit ng isang partikular na wika. - **HETEROGENOUS --** pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika. - nakapaloob sa palagay na ito ang iba't ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika. - Hal: British English, American English, Filipino English, Singaporean English - **Lingguwistikong Komunidad --** isang termino sa sosyolingguwistik na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagmit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. - **YULE (2014) --** ang wika at pamamaraan ng pgagamit nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan. - **Unang Wika --** kadalasan ay tinatawag ding **katutubong wika o sinusong wika (mother tongue)** ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika. - **Ikalawang Wika --** ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika. - **MODELO / PROSESO NG PAGKATUTO NG IKALAWANG WIKA** Isa sa mga kinikilala si **KRASHEN (1982)** sa teorya ng **SECOND LANGUAGE ACQUISITION (SLA)** na nagpalawig sa pagkakaiba ng acquiring (likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ayon sa kanya ang **ACQUISITION o pagtatamo a isang natural na proseso** habang ang **LEARNING o pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aralan ang wika.** A. ***KAHALAGAHAN NG WIKA*** - **KAWIKAAN 11:11** - Dahil sa salita ng matuwid, ang bayan ay tumatatag, ngunit sa kasinungalingan ng masama, ang lunsod ay nawawasak. Mahalaga ang wika sapagkat kung walang wika ay matagal nang pumanaw ang sangkatauhanat ang sibilisasyong ating tinatamasa ngayon. 1. **Instrumento ng Komunikasyon --** ang WIKA, pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. - **MICRO LEVEL --** ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. - **MACRO LEVEL --** ang mga bansa ay nakakapag-ugnayan dahil sa wika. 2. **Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman --** maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. - Hal: ang mga nobela ni **RIZAL** ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napapakinabangan sa ating panahon dahil may wikang nagkanlong dito at nag-iingat hanggang sa kasalukuyan. 3. **Nagbubuklod ng Bansa --** ano mang wika, kung gayon, ay maaaring maging wikang pang-alipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya. 4. **Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip --** ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon, at kung gayo'y nalilinang ang ating malikhaing pagiisip. B. ***MGA TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA*** Ayon sa **WIKIPEDIA**, **language is a system of communication that enables humans to cooperate.** Sa pilosopiya ng wika, ang mga pananaw ng ito ay kadalasang iniuugnay sa mga akda ni **WITTGENSTEIN** at sa mga pilosopo sa wika tulad nina **MOORE, GRICE, SEARLE** at **AUSTIN**. Sa **LANGUAGE, CULTURE, AND SOCIETY ni SALZMANN (1993)**, tinutukoy niya ang mga ikinahihigit o ikinalalamang ng wika ng tao kaysa sa hayop. Tinukoy rin ni Salzmann ang gamit ng wika sa mga hayop, sinabi niya, **it is important to their survival. Sa tao, higit sa survival ang tungkulin ng wika** Sa **Explorations in the Functions of Language** ni **M.A.K Halliday (1973, sa Gonzales-Garcia, 1989),** binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling giangampanan nito sa ating buhay. - **PITONG TUNGKULIN** 1. **INTERAKSYONAL --** wikang ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili, at pagpapatatag sa relasyong sosyal sa kapwa tao. - **Hal.** pangungumusta/pagpapalitan ng biro - hi, hello Magandang umaga/gabi, kumusta ka? - Pakikipaginteract/pakikipagsocialize 2. **INSTRUMENTAL --** ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan - pakikiusap o pag-utos - application letter, liham-pangangalakas (business letter) 3. **REGULATORI --** ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. - pagbibigay ng direksyon, paalala, o babala - panuto sa pagsusulit, do's and don'ts 4. **PERSONAL --** ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. - pagsulat ng liham sa panutgot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa nito sa pasulat na anyo. 5. **IMAHINATIBO --** wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. - paggamit ng idyoma, tayutay, sagisag, at simbolismo 6. **HEURISTIK --** paghahanap o paghingi ng impormasyon - pagsasarbey, pagtatanong 7. **IMPORMATIB --** pagbibigay ng impormasyon - Pagsagot sa sarbey at tanong. Halimbawa : Tiga saan ka? (heuristik) Ako ay tiga Bulacan.(impormatib)