M2_Signed (2) PDF - Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan (2021-2022) Past Paper

Summary

This module discusses the relationship between ecocriticism and various disciplines, focusing on Filipino literature, particularly the connections between nature and society. It includes lesson plans, objectives, and activities related to the 2021-2022 academic year.

Full Transcript

MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City...

MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES DEPARTAMENTO NG FILIPINO Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022 KURSO FIL102 Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan (Subject) YUNIT Yunit 2: Ekokritisismo Bilang Interdisiplinaryo (Chapter) Ekokritisismo at Kultural-antrolohiya Interkoneksyon ng kalikasan at Sosyolohiya PAMAGAT NG Ekokritisismo at Araling Pampanitikan ARALIN Eko-Panitikan (Lesson Title) *Eko-alamat ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS NG BOHOL mula sa pananaliksik ni Fe Bermiso *Eko-Pabula PAGONG AT ELEPANTE (Pabula ng mga Manobo) Sa loob ng dalawang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod na layunin: 1. nakapagpapaliwanag sa ugnayan ng Ekokritisismo sa iba‟t ibang disiplina; 2. nakapagpapaliwanag at nakatutukoy sa uri/anyo ng Eko-Panitikan; LAYUNIN NG 3. nakapagsusuri ng Eko-alamat at Eko-Pabula; at ARALIN (Lesson Objectives) 4. nakagagawa ng editorial cartoon batay sa ginawang pagsusuri. Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 1 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL LAGOM NG Mababasa sa ikalawang modyul na ito ang ugnayan ng Ekokritisismo sa iba‟t PANANAW ibang disiplina at ang ugnayan ng kalikasan sa lipunan at kultura ng (Overview/ nasabing lipunan. Tatalakayin din dito ang mga anyo ng eko-panitikan. Introduction) Pagpapakita ng larawan at pagpapasagot ng mga tanong na nasa bahaging pagsusuri. PAGGANYAK (Activity) Mula sa http://mahalinanginangkalikasan.blogspot.com/2017/11/mahalin-ang-inang-kalikasan.html?m=1 1. Ano- ano ang ipinapakita ng larawan? PAGSUSURI 2. Ano ang ugnayan ng kalikasan sa lipunan at kultura ng nasabing lipunan? (Analysis) 3. Ano-ano ang mga mabubuti at di-mabubuting naidudulot ng kalikasan sa lipunan at ng lipunan sa kalikasan. 4. Bilang isang mag-aaral na bahagi ng isang lipunan, paano mo naipakikita ang pagpapahalaga mo sa kalikasan? Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 2 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL PAGLALAHAD EKOKRITISISMO BILANG INTERDISIPLINARYO (Abstraction) Ang panitikan ay repleksiyon ng isang lipunan. Karaniwan nang tumatalakay sa mga nagaganap at sa mga maari pang maganap sa isang komunidad. inilarawan niito ang mga nakaraan at ang mga panarap ng isang pamayanan kung paano namuhay ang mga tao sa nakaraang panahon at kung anong mga bagay ang nakakapag-pasaya sa kanila na ninanais nilang abotin sa hinaharap. Ayon kay Honorio Azarias Panganiban 1987, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao lalong pinakamarangal paraan hinggil sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha”. mababanaag ang sinabing ito ni Azarias sa mga obrang sining ng maraming manunulatng pampanitikan. Naroon ang mga akda na nagtuturo at nagpapadama ng kasiyahan sa mambabasa o di kaya‟y tagapakinig. Ang mga akdang nagtataglay ng ganitong epekto sa mambabasa ay umaayon sa prinspyo ni Horace c 13 B.C, Ara Poetica Epistula ad Pirones) hinggil sa panitikan, lalo na sa panulaan, na dapat magtaglay ng dulce at utile o kagandahan at kaalamang dala ng panitikan. Ang mga katangiang ito ay hindi rin nawawala sa mga akdang likha at ipinalaganap nang oralno pasalin-dila. Ang mga akdang nag-ugat sa kanunu-nunuan at nananatiling buhay sa bagong salinlahi ay tiyak na nagtataglay ng mga kaalamang nauukol sa lipunang pinag-ugatan nito at nagtataglay ng kariktan at may dalang kaalaman na kailangan ng lipunan sa patuloy nitong pakikipamuhay sa mundo. Ang kasiyahang madarama at kaalaman na matamo mula sa panitikan ay tiyak na madarama rin mula sa panitikang oral gaya ng mga panitikang matatagpuan saan mang dako ng bansa. EKOKRITISISMO AT KULTURAL-ANTROPOLOHIYA Ang ekolohikal na antropolohiya (ecological anthropology) ay ang pag- aaral ng relasyon sa pagitan ng mga tao at sa kanilang mga kapaligiran. Ito ay ang pag-aaral ng pagbagay ng kultura sa kapaligitan. Ang kaisipan na ito ay inilatag ni Julian Steward sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo. Inilatag ni Steward ang kaisipan ng ugnayan ng kultura at kalikasan at ang Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 3 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL kahalagahan ng konsepto at pag-unawa nito. Ito ay nakapokus sa pag-ukol kung papano ang mga kultural na paniniwala ay nakatulong sa pagpapanatili ng ekosistem. Nabigyan tuon rin ng mga kultural antropologo kung papani ang mga aspeto ng kultural na pag-uugali magpapanatili ng balance o „homeostasis‟ sa mga relasyon sa pagitan ng isang local na pangkat at kapaligiran upang itaguyod ang pagmatagalang pagpreserba ng buhay nito. Samatala, ang kultural na ekolohiya (cultural ecology) ay isang teoryang naglalayong ipaliwanag ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura sa kapaligiran. Maaring ikumpara rito ang ibat-ibang kultura upang mahinuha ang mga salik sa kultural na pag-unlad. Ang konspetong ito ay nagpapalagay na ang kultura ay superorganic. Ayon kay Steward, maiintindihan natin ang mga halaw sa pamamaitan ng: Pagsuri ng Spritual Core na kung saan ito ay ang pundasyon na may kaugnay sa abilidad ng isang kultura upang makaligtas. Ito ay binubuo ng teknolohiya, kaalaman, mga gawa, at mga pamilya na kumukuha ng mga yaman mula sa kalikasan. Pagsiyasat ng ugnayan ng mga gawi at ng cultural core. Pag-eksamin kung papano nakakaapekto ang mga institusyonal na lipunan at mga paniniwala sa pag-iral mga nakagawiang pag-uugali. Ukol sa Cultural Ecology School of Thought, ang pagkakapareho ng kultura ay mahihinuha sa parehong kondisyon ng kapaligiran. Ang pagbabago ng kultura ay sa dahilang pagbabago din ng kapaligiran. Ang pagbabago ng kapaligiran ay hindi nahuhulaan, ang kultura rin ay pumaparoon at pumaririto sa iba‟t-ibang direksyon. Maaring magkatulad ang kultura sa isang punto, ito ay nagbabago sabay ng paglihis ng kondisyn ng kapaligiran. MGA PAGBABAGONG HINAHARAP NG KAPALIGIRAN 1. Overpopulation o ang pagdami ng populasyon- Ang epidemya ng pagtaas ng bilang ng populasyon ay nakaapekto sa marawal na kalagayan ng kapaligiran na nakasira ng ating ekosistem. 2. Polusyon- Pagbabago ng hangin, lupa, tubig ng kapaligiran na nagdulot ng kapahamakan sa pamumuhay ng mga tao at hayop. 3. Global Warming- Pagkaranas ng pagtaas ng katamtamang temperature ng himpapawid at mga karagatan sa mundo. Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 4 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL 4. Climate Change- Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gas na nagpapainit sa mundo. 5. Genetic Modification- Organismong henetikong binago na kinabibilangan ng mga bakterya at yeast, mga insekto, mga halam, mga hayop, at mga mammal. INTERKONEKSYON NG KALIKASAN AT KULTURA Magkabuhol ang kalikasan at kultura na ibinabandila sa mga akdang pampanitikan. Tuon ng ekokritisismo ang interkoneksyon sa pagitan ng kalikasan at kultura, particular na sa kultural na artifacts na wika at panitikan. Ayon kay Glotfelty (1994), “As critical stance, ecocriticism has one foot in literature and the other on land; as a theoretical discourse, it negotiates between the human and nonhuman.” Ito ang mga mahihinuha sa interaksyon ng Kalikasan at Kultura: 1. Ang kultura ay masasalamin kung paano ang tao makipag-ugnayan sa kapwa tao at sa mga hindi tao. 2. Hindi maaring paghiwalayin ang panitikan at kultura. (Gesdorf at Mayer 2006) 3. Nailalahad sa mga panitikan kung anong ugnayan ang namamayani sa tao at kalikasan. INTERKONEKSYON NG KALIKASAN AT SOSYOLOHIYA Sosyolohiya Galing sa salitang greek na „socius‟ na nangangahulugang kasamahan (companion) o kabakas (associate). Ito ay sangay ng pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng tao sa mga pangkat, institusyon o samahan ng kanyang kinabibilangan. Ang agham na nag-aaral ng pag-unlad, instruktura at gawi ng mga pangkat ng tao sa lipunan. Ito ang sumusuri kung bakit gayon ang asal at gawi ng tao batay sa kultura ng mga ito. Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 5 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Ekokritisismo at Sosyolohiya Hindi na bago ang suliraning pangkapaligiran sa lipunan. O suliranin sa mundo sa kalahatan. Ano ba ang dahilan ng mga sakunang ito? Ayon kay Glotfelty (1996) sinipi ni Worster, “We are facing a global crisis today, not because of how our ecology system function but rather because of our ethical system function.” Ang krisis na natatamasa ng tao ay dahil sa hindi etikal ba pakikipag- ugnayan ng tao sa kalikasan. Ang tao ay nakikinabang sa kalikasan ngunit hindi ito pinapahalagahan. Sa halip, ito ay nilalapastanganan kaya nasira ang timbang ng ekolohiya at mundo. Ang paksang ito at nakababahala sa larangan ng agham, ekonomiya, politika, antropolohiya at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ng pamahalaan na may direktang tungkulin sa pangangalaga sa kalikasan. Gayunpaman, malaki ang maitutulong ng mga manunulat sa paglutas ng usaping ito ng kalikasan. Maipapaunawa sa mga tao ang etikal na pagkalinga sa kalikasan para na rin sa kanyang kapakanan. Gayunpaman, malaki ang maitutulong ng mga manunulat sa paglutas ng usaping ito ng kalikasan. Ayon kay Santos (2011), hindi gaanong napapansin ng literature ang pandaigdigang krisis ng ekolohiya kahit may mga malikhainh sulatin man gaya ng mga awit at tula na ukol sa kalikasan kahit sa sosyal midya. EKOKRITISISMO AT ARALING PAMPANITIKAN Ang pagiging interdisiplinaryo ng ekokritisismo ay nag-uungat sa pagiging malawak na saklaw nito sa pag-aaral ng panitikan. Ayon kay Barry 2009 -ang dulog na ito ay maaring unibersal na modelo. Mula sa pagsilang noong 1990 bilang disiplinang akademiko,ito ay patuloy na umuunlad. Mishra Sa kanyang papel na may pamagat na LITERATURE ADAPTED INTO FILM: AN ECOCRITICAL ANALYSIS OF CHANDER PAHAR( the mountain of the Moon) Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 6 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Tinuran nyang ; “Kahit ang ekokritisismo ay nabuo ng may ibat- ibang disiplina sa pag aaral ng literatura noong taong 1990’s Ang kasaysayan at heograpiya ay parehong may kontribyusyon sa ekokritisismo.” ANG EKOKRITISISMO AT MGA ANYONG PAMPANITIKAN Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik. Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Uri ng Panitikan 1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata. 2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong. URI NG EKO-PANITIKAN Nakasanayan nang sipatin ang pag-unlad ng panitikan sa isang bansa sa pamamgitan ng pagatatapat ng iba‟t ibang genre ng panitikan sa historical na kalagayan. Subalit dala ng pagbabago ng takbo ng panahon at sa walang tigil na paglikha ng mga teknolohiya, ang pagsisiskap na ipakita ang ugnayan ng manunulat ng panitikan sa bayan, sa kultua, sa mamamayan at sa kalikasan ay isang hamon. Isang reyalisasyon na napapanahon ang ganitong babasahin na tuwirang nagpapakita sa ugnayan ng panitikan at kalikasan. Sa madaling sabi, makikita na ang panitikan ay bunga ng mga particular na mga pangyayari na nag-uugat sa danas ng bayan. Dala ng konseptong binanggit, madaling sabihin na ang panitikang naglalarawan ng buhay ay makabuluhan kaysa sa amga akdang hindi lantarang nagiging representasyon ng buhay. Kung titingnan nbang ,mabuti, marami ang tungkuling ginagampanan ng panitikan at sa Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 7 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL pagbabago ng panahon nagiging mabigat ang papel nito sa buhay ng tao, bayan, lipunan, kultura at kapaligiran. Ayon kay Tolentino at Reyes (1984) ang panitikan ay isang likhang- isip, isang bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at ng maraming bagay. Magkagayun pa man, may itinuturo o ibinabalik ang iba‟t ibang sangay ng panitikan sa mga mambabasa. Ibig sabihin Malaki ang papel ng mga manunulat sa pagbibigay-anyo ng panitikan sapagkat siya ang aktibong nakikisangkot sa paggawa ng kanyang likhang-isip. Marami siyang tungkulin gayundin ang panitikan. Tungkulin nitong bigyan ng kaayusan ang kaguluhan ng buhay. At ang bawat sangay niyo ay may pinanghahawakan ring tungkulin hindi lamang bilang akdang-pampanitikan at hindi rin dokumentasyon lamang ng kasaysayan ng lipunan, kundi ang ipakita ang kapabayaan at kakulangan natin ng pagpapahalaga sa kalikasan. Ang pamamayani ng ganitong konsepto ang tinutugunan ng ekokritisismo sa mga akdang-pampanitikan o ang bahagi ng ekokritisismo. Ang pagturing sa panitikan bilang wika ng ekokritisismo ay analogo sa paghahanap ng representasyon ng kapaligiran ditto. Eksaminasyon ito sa ano ang depiksyon at paano ipinakilala ang kapaligiran sa mga nabanggit na bahagi ng ekokritisismo. Inilahad na ang tuon ng bahagi ng ekokritisismo sa aklat na ito ay nakasentro lamang sa eko-alamat,eko- pabula,eko-sanaysay,eko-tula, eko-awit at eko-pelikula subalit ito ay maaari pang madagdagan at lumawak depende sa tuon ng pag-aaral dito. Naglahad si Jimmy (2015,p.35) ng mga pamamaraan sa pagbasa ng teksto sa lente ng ekokritisismo. Sabi niya, sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga teskto, ang ekokritikal na mambabasa ay nakatuon sa pagbibigay ng tugon sa sumususnod na pagkilatis: Paano iniugnay ang mga tao sa kalikasan sa iba‟t ibang mga paraan at iba‟t ibang punto ng kasaysayan. Ano ang kaugnayan ng lahat ng ito sa nagbabagong mga teknolohiya, industriyalisismo, at post- industriyalisismo? Ano ang iba‟t ibang lapit o pamamaraang ginagawa natin sa ating likas na mundo, halimbawa pangangalaga at pagwasak? Pagpapanatiliat/o Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 8 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL preserbasyon? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kalikasan mismo? Ang mga tugon sa mga tanonmg na inilahad ay kasagkapan upang Mabasa ang isang teksto at makakuha ng kaugnayan na pangangalaga sa kapaligiran na may kaugnayan sa mensahe ng kapayapaan at pagkakaibigan ng bawat tao at nilalang sa kapaligiran. PAGTATANONG SA REPRESENTASYON AT PAGSULAT NG KALIKASAN Unang hakbang sa pagbasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan sa ekokritisismo na pananaw ay ang paglilinaw sa kaibahan ng kalikasan at kapaligiran. Hindi singkahuluigan ng kalikasan ang kapaligiran. Ayon kay Dobie, ang kalikasan ay tumutukoy sa kapaligiran bago ito nabahiran ng teknolohiya: ang kalupaan, flora at fauna nito, ang mga daluyan ng tubig, nabubuhay na nilalang, ata ng ekolohiya na nagpapaloob sa mga ito. Tinutukoy naman ng kalikasan ang mga btanawin sa palibot. Ang kalikasan at kapaligiran ay mabibigyan ng tuon sa pagbasa sa pamamagitan ng pagdukal ng representasyon o depiksyon nito sa mga akdang pampanitikan. Narito ang mga tanong na gagabay sapag-aaral ng teksto sa pagkuha ng representasyon at depiksyon: 1.Gumaganap ba ang tagpuan bilang kaligiran o background, o gumaganap ba ito ng tahas na papel sa salaysay o kuwento? 2.Kung ito ay gumaganap na tahas na tungkulin, gaano kahalaga ito sa pagbuo ng kuwento o salaysay? 3.Kung ang pisikal na tagpuan ang karakter ng teksto, paano mo ito ilarawan? 4.Paano naapektuhan ang kalikasan ng mga tao sa teksto? 5.Paano naapektuhan ang tao ng kalikasan? 6.Gaano ka responsable ang mga tao sa kanilang kapaligiran? 7.Anong tanong ang umusbong tungkol sa mga interaksyon ng mga tao sa kalikasan? 8.Ang mga teksto ba ang naghahatid sa mga mambabasa sa interes sa kalikasan? O sa mga taong karakter lamang? 9.Ang mga teksto ba ang nagpapaunlad sa kamalayan ng mga mambabasa sa likas na mundo at sa kanyang koneksyon dito? Ang tugon sa mga pagsisiyasat na ito sa isang teksto ay maghahatid sa pagbuo ng isang kritikal na pagsulat ng kalikasan. Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 9 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL EKO-PANITIKAN SA EKOKRITISISMO Tinatawag na eko-panitikan ag mga tekstong pampanitikan na tumatalakay ng kalikasan at kapaligiran. Hindi man lantad ang diksyun ng isang akda tungkol ditto, subalit taglay naman sa mga ito ang metapora o talinghaga para sa kalikasan at kapaligiran. Sa implikasyon ni Rigby (2002) mula sa kanyang pagsusuri sa akda ni Wordsworth, ang eko-panitikan ay greening o pagbeberde ng marami at iba-ibang mga lugar na ating tinitirhan. Pinalawug ang ideyang ito ni Dobie (2012) nang sinabi niyang ang ekokritisismo ay eko-panitikang naglalahad ng kaugnay ng akda at kalikasan bilang paraan ng pagbabago sa kamalayan ng mga mambabasa sa mundo ng hindi mga tao (nonhuman world) at kanyang responsibilidad ditto. Hindo lamang ito malikhaing pagpapahayag bagkus ito ay malikhain at taglay ang mapanuring katangian ng tungkulin ng tao at iba pang nilalang sa kalikasan at kapaligiran. Eko-Alamat. Salaysay ito tungkol sa pinagmulan at pinanggalingan ng isang bagay, lugar at tao. Taglay ng salysay na ito ang paglalarawan tungkol sa pagbuo ng bagay, lugar, at tao kaya nagpapaliawanag ito sa mga salik at sangkap tungkol sa pinagmulan. Ito ay ginagamit ng mga ninuno upang ipaliwanag at talakayin ang mga likas sa mundo na nasa kanilang palibot. Eko-Pabula. Salaysay o kuwento ito na ang pangunahing tauhan ay mga hayop. Bahagi ito ng kuwentong-bauayn na madalas ay ibinabahagi sa mga bata para aliwin at magbigay ng aral. Ang mga hayop na pangunahing tauhan ditto ay nagtataglay ng simbolo sa mga katangian at ugali ng tao. Ang pabula bilang anyo ng eko-panitikan ay magagamit rin bilang lunsaran ng representasyon ng kapaligiran. Ang paggamit ng mga hayop ay magsisilbing katangian ng kaliaksan na magsalita at magpahayag ng mga nangyayari tungkol at kaugnay sa kalagayan ng kaliaksan, kapaligiran at higit sa lahat ng ating mundo. Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 10 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Eko-Sanaysay. Ito ay malikhaing anyo ng paggamit ng wika na nagpapaliwanag o nagpapahayag ng sariling kaisipan tungkol sa isang pangyayari, bagay, tao at iba pa. Sa larang ng ekokritrisismo at mga ekokritiko, ang pagahhanap ng kabuluhan ng akda ay nakasentro sa talakay tungkol at para sa kaliaksan at kapaligiran. Nagpapaliwanag ito tungkol sa halaga at epekto ng palibot sa isang tao at ang epekto ng tao sa kanyang palibot. Eko-Tula. Sa uring ito pinapahalagahan ang mga taludtod, tauyutay, talinhaga at maging himig sa pagbigkas ang paraluman kalikasan. Bilang isang anyong pampanitikan nap uno ng talinhaga at imahe, ang eko-tula ay may kakayahang ipagbunyi ang mga kaganapan tungkol at para sa mga nilalang, tanawin, likas na yaman, kapaligiran at kaliaksan. Tulad ng sanaysay, mayroon itong tinig na higit na nililinaw ng mga imahe at simbolong napapaloob dito. Eko-Awit. Ang awit o kanta ay binubuo naman ng mga liriko- ang tawag sa pasulat na mga salitang ang tanging intensiyon ay awitin o kantahin. Ginagamit din ang awit upang ipagdiwang ang halaga at ganda ng ating kapaligiran; ang ipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng kalikasan mula sa mapangwasak na teknolohiya at pagbabagong panlipunan. Eko-Pelikula. Isa ang pelikula sa may pinakamaimpluwensyang anyo ng sining. Bahagi ito ng panitikan sapagkat taglay nito ang malikahaing pagpapahayag ng mga pangyayari. Ang ipinagkaiba lamang nito sa mga genre ng panitikan ay may katangian itong animasyon o gumagalaw ang mga tauhan, tagpuan at iba pang element. Ito ay ipinapakita sa telebisyon o sa sine. Eko-pelikula ang ipinangalan sa pelikulang maymalasakit sa pangangalaga sa kalikasan. Ginigising nito ang kamalayan ng ugnayan ng tao sa kaliaksan. Binubuhay nito ang pagkakarugtong-rugtong ng buhay sa planeta nating daigdig. Balanse o timbang ang kaganapan ng buhay kung may mayamang kaliaksan sa paligid ng tao. HALIMABAWA NG EKO-ALAMAT ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS NG BOHOL Mula sa pananaliksik ni Fe Bermiso Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 11 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Noong unang panahon sa probinsya ng Bohol, isa sa mga pulo sa kabisayaan, may lupang malawak. Subalit itoy napakatuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subalit kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababasa ang iyong mga dala kapag ikaw ay pumasok. Ngunit kung panahon ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook. Ayon sa matatanda noon, dumating ang isang araw sa magkabilang dulo ang dalawang higante sa magkabilang bahagi. Ang isa ay nagmula sa bahaging timog at ang isa naman ay sa bahaging hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangagamba na baka magkita ang dalawa. Kayat nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa di inaasahang pangyayari ay nagkita ang dalawang higante. “anong ginagawa mo sa aking nasasakupan! Itoy aking pag-aari at umalis kana! Galit na sinabi ng higanteng mula sa timog maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin. “aba! Ako yata ang nauna rito at itoy pag-aari ko na! Sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. “ikaw dapat ang umalis!” “hindi maari ito ay pag-aari ko! Sabay padyak ng higante mula sa timog at nayanig ang lugar na parang lumindol. “lalong hindi maari!” mas malakas ang padyak ng higanteng mula sa hilaga. Noong panahong iyon ay katatapos palang ng tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng isang putik at binato sa isa. Subalit gumanti din ang isa at humulma ng isang bilog na putik at siya ring binato ng kalaban, walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga tumumba ang dalawang higante na walang buhay. Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang mga naninirahan doon at bumungad sa paningin ng mga tao ang mala higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga higantrng sa pagbabatohan. Namuhay sila ng mapayapa at masagana dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate. Napakinabangan nila ang mga iyon nataniman ito ang pinagmulan ng chocolate hills ng lalawigan ng bohol. HALIMBAWA NG EKO-PABULA PAGONG AT ELEPANTE (Pabula ng mga Manobo) “Ang malakas ay nadadaig ng mapamaraan” Noong unang panahon, may isang Pagong na nninirahan sa may ilog. May butas ang gilid ng kanyang bahay sa dako ng kanyang buntot. Amg kanyang gusting gawin ay ang makipagkaibigan sa Elepante na isang malaking hayop. Napakalaking hayop na Elepante. Isang araw ay naisipan itong hamunin ni Pagong. “Ih!, Layuk magsukatan tayo kung sino sa ating dalawa ang mas malakas?”, hamon ng Pagong sa Elepante. “Ano ang gagawin natin?” “Maghilaan tayo ng lubid. May kasunduan tayo. Kung mahila kita pupunta sa dagat talo ka, kung mahila moa ko papunta sa lupa, talo ako”, wika ni Pagong. “ ah! Kasinungalaingan iyang plano mo. Alam mo namanng hindi moa ko matatalo dahil Malaki ang aking katawan at kung ihambing ang lakas mo sa akin ay wala yang binatbat”. Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 12 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL “Ah! Hindi, kailangang magsukatan tayo ng lakas”. At tinanggap ng Elepante ang hamon ng Pagong. “Sige, kumuha ka ng mga lubid doon sa Sabandar”, utos ng Pagong sa Elepante. Kumuha ng lubid ang Elepante sa Sabandar. Matigas na uri ng lubid ang kanyang kinuha. Tinalian ng mahigpit ang katawan ng Elepante at kalahati nito ay dinala sa dagat. “ Diyan ka lang Elepante at ako ay ditto sa tubig”, wika ng Pagong. Ang ginawa ng Pagong ay lumapit sa Pating. “kuwan, Layuk, magsukatan tayo kung sino ang mas malakas sa ating dalawa at para masukat mo rin kung hanggang saan ang iyong lakas”, wika ng Pagong sa Pating. “ Ano ang gagawin natin?”, usisa ng malakikng Pating sa Pagong. “Maghilahaan tayo ng lubid. Itatali ko sa iyong katawan ang lubid na ito at ang dulo nito ay itatali ko sab utas ng aking katawan papunta roon sa lupa. Pero may kasunduan tayo. Kung mahila kita papunta sa lupa, talo ka. At kung mahila mo ako papunta sa tubig ay talo ka:. “ah! Hindi makaya ng iyong katawana ng aking lakas. Wala ngang ibang dumadaan ditto, ikaw pa kaya na pagong lang, walang kuwenta”, pagmamalaki ng Pating. “Ih! Huwag muna, subukin muna natin kung sino sa ating dalawa ang mahihila papunta sa lupa”. “Ih! Kuwan, sige Pagong,. Talian mo ang kaing katawan.” Itinali ng Pagong ang lubid sa katawan at ilong ng Pating. “ ano man ang maging hudyat na simula na ng labanan? Bakla dayain mo lang ako”, sabi ng Pating. “Gagalawin ko ang lubid, tapos magsisimula ka ng humila”, paliwanag ng Pagong. Nagtago ang Pagong sa likod ng bato. Maya-maya ay gumagalaw na ang lubid. Ang Pating sa dagat ay handa na at ang Elepante sa lupa ay handa na rin. Ginalaw ng Pagong ang lubid bilang tanda na sisimulan na ang hilaan. Dahil sa sobrang lakas ng Pating ay muntik nang mahila papunta sa tubig ang Elepante. At dahil din sa lakas ng Elepante ay malapit na ring mahila ang Pating papunta sa lupa. “Aw! “Magkakaubusan tayo ng lakas nito”, wika ng Pating at Elepante sa sarili. Gumati sa paghila ang Elepante at muntik nang mahila ang Pating papunta sa lupa. “Ih! Malakas pala ito”, wika ng Pating na nagsususmikap makabawi. At ang Elepante ay malapit na rin sa dagat. “ah! Grabe pala itong si Layok, napakalakas pala nito, akala ko pa naman ay ako lang ang malakas”. Naghilaan sila ng lubid mula umaga hanggang sa hapon. Sa palaging pagkadikit ng lubid sa baton a parehong hinihila nina Pating at Elepante ay nagasgas ito na nagging dahjilan ng pagkaputol nito. “Ah! Wala palang natalo sa amin dahil ng pagkaputol nito. “Ah! Wala palang natalo sa amin dahil dhindi ako nahila papunta sa tubig, hindi rin natangay papunta sa lupa”, wika ng Elepante. Lumapit ang pagong sa Elepante. “Tingnan mo Layok”. “Malakas ka pala pagong, tingnan mo ang lupa pinalalim yan ng aking paa dahil sa pagpigil na hindi moa ko mahila papunta sa dagat”, wika ng Elepante. “Iyan nga Luyak, magsumikap ka”, umalis ang Pagong at pinuntahan naman ang Pating. “Layuk, ano ang nangyari?” “Ih,Ih! Tanda ng aking pagsisikap, nakaabot na sa tabing dagat ang aking ilong. Malaki nga ang katawan ko pero”. “ kung hindi lang naputol ang lubid Layuk, mahihila talaga kita papunta sa lupa at baka ngayon ay naroon ka na”. “ Oo nga Layuk, kanina grabe talaga ang pagsisikap ko na makabawi, Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 13 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL sige maging magkaibigan nalang tayo total pareho naman pala tayong malakas”, wika ng Pating sa Pagong. Bumalik na naman ang Pagong sa Lupa. “Layuk, ngayon mo nalaman ang aking galling, dahil kung hindi lang naputol ang lubid ay nahila na kita papunta sa dagat.” “Ih,Ih! Layuk huwag na nating ulitin ito para tayong mga bata sa gawaing ito. Maaari man tayong maligo sa dagat na hindi natin tahanan.” “Ah! Layuk, kung hindi lang talaga naputol ang lubid, patay ka na sa dagat.” “Oo nga”, sagot ng Elepante. At ditto nagwakas ang sukatan sa lakas. BASAHIN ANG FILE NA KASAMA NG MODYUL NA ITO BILANG DAGDAG NA BABASAHIN KAUGNAY NG PAKSA SA MODYUL NA ITO. Sanggunian: Dizon,Rosario.B et al. 2018. EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN. Mutya Publishing House. Malabon City. PANGKATANG GAWAIN PAGLALAPAT PANUTO I. Suriin ang eko-alamat na “ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS (Application) NG BOHOL” at eko-pabulang “PAGONG AT ELEPANTE”. Gawin ito sa nang patalata at Gamitin lamang bilang gabay sa pagsusuri ang mga tanong sa ibaba. 1.Gumaganap ba ang tagpuan bilang kaligiran o background, o gumaganap ba ito ng tahas na papel sa salaysay o kuwento? 2.Kung ito ay gumaganap na tahas na tungkulin, gaano kahalaga ito sa pagbuo ng kuwento o salaysay? 3.Kung ang pisikal na tagpuan ang karakter ng teksto, paano mo ito ilarawan? 4.Paano naapektuhan ang kalikasan ng mga tao sa teksto? 5.Paano naapektuhan ang tao ng kalikasan? 6.Gaano ka responsable ang mga tao sa kanilang kapaligiran? 7.Anong tanong ang umusbong tungkol sa mga interaksyon ng mga tao sa kalikasan? 8.Ang mga teksto ba ang naghahatid sa mga mambabasa sa interes sa kalikasan? o sa mga taong karakter lamang? 9.Ang mga teksto ba ang nagpapaunlad sa kamalayan ng mga mambabasa sa likas na mundo at sa kanyang koneksyon dito? Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 14 Approvedby:Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL PANUTO II: Gawaan ng editorial cartoon ang ginawang pagsusuri sa eko-alamat at eko-pabula. Gawing batayan ang rubric na ibinigay. MODIFIED RUBRIC SA EDITORIAL CARTOON mula sa www.coursehero.com/file/RUBRICS KRITERYA SA 0-5 9-14 15-19 20 EBALWASYON PATUNAY SA Hindi Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng PAG-UNAWA nagpapakita ng limitadong pag-unawa sa buong pag-unawa sa pag-unawa sa suliranin pag-unawa at suliranin suliranin pananaw sa suliranin NATUTUGUNAN Hindi Limitado ang Natutugunan ng Lubhang ANG ISYU natutugunan ng tugon sa isyu na cartoon ang isyu natunugan ng cartoon ang isyu ipinapakita sa cartoon ang isyu cartoon GRAPHICS Walang graphics Nakalilito ang Angkop ang Nakatutulong ang na ipinakita graphics sa halip graphics para sa graphics sa na makatutulong mensahe ng pagpapakiya ng sa pag-unawa cartoon mensahe ng cartoon PAGKAMALIKH Hindi Hindi masyadong Nagpapakita ng Lubhang AIN nagpapakita ng malikhain pagkamalikhain nagpapakita ang pagkamalikhain cartoon ng pagkamalikhain at orihinalidad KALINISAN Kulang sa may kulang parin Nagpapakita ng Nagpapakita ang kalinisan sa kalinisan katamtamang cartoon ng antas ng kalinisan at kalinisan kalidad Gamitin ang pangkalahatang template na nasa Google Classroom/VLE sa pagsagot ng mga tanong. Ang hindi paggamit at pagsunod ng pormat ay bawas puntos. PAGTATAYA Magkakaroon ng ikalawang pagsusulit (na bubuoin ng 25-30 na (Evaluation) puntos).Saklaw nito ang mga paksang tinanalakay sa Modyul I.Gagawin ito sa pamamagitan ng Moodle (VLE). Inihanda ni: MARY GRACE DELATORRE-VALLE Fakulti Prepared by: Prof.Valle Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 15 Approved by: Dr. Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department Cruspero

Use Quizgecko on...
Browser
Browser