Ekokritisismo at Higit Pa: Flora at Fauna Tagalog
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa _Flora_ at _Fauna_ Ekokritisismo at mga Hayop. Sinusuri nito ang mga uri ng halaman at hayop, pati na rin ang kanilang kahalagahan sa ekosistema. Kasama rin ang mga impormasyon sa mga batas pangkapaligiran.
Full Transcript
# Ekokritisismo at Higit sa Tao - Flora at Fauna Ekokritisismo at mga Hayop ## FLORA - mula sa salitang Latin na _Flora_ na diyosa ng mga halaman at bulaklak sa Mitolohiyang Romano. - Ang _Flora_ ay tawag sa mga halamang nabubuhay sa isang partikular na lugar o panahon. Ito ay ang mga pananim na k...
# Ekokritisismo at Higit sa Tao - Flora at Fauna Ekokritisismo at mga Hayop ## FLORA - mula sa salitang Latin na _Flora_ na diyosa ng mga halaman at bulaklak sa Mitolohiyang Romano. - Ang _Flora_ ay tawag sa mga halamang nabubuhay sa isang partikular na lugar o panahon. Ito ay ang mga pananim na kolektibong tumutubo sa isang lugar at pana-panahon din kung umusbong o yumabong. - May matatagpuang 3000 uri ng iba't-ibang puno sa bansa katulad ng Lumber, Tanguile, Yakal, Tindal at Kamagong; - Mayroong humigit kumulang 8,500 uri ng mga bulaklak; - 1,000 Ferns, 8000 uri ng Orchids, 800 na matatagpuan sa ating kagubatan. ### Pangkalahatang Uri ng Flora 1. Katutubo o _Indehinus_ - Pang-agrikultura – sinadyang itinanim ng mga tao para sa isang tiyak na layunin. - Garden o Horticultural – mga halamang pandekorasyon. 2. Weed Flora - mga halamang hindi kanais-nais #### Halimbawa ng Flora * Waling-Waling / Sander's Euanthe (Euanthe sanderiana) ## FAUNA - anak ni Faunus sa Mitlohiyang Romano. - Diyosa ng mga hayop, buhay sa ilang at kasaganaan. - Tawag sa lahat ng mga nabubuhay na hayop sa isang partikular na lugar at panahon. - Isa sa pinakasikat na Water Buffalo ay ang Kalabaw. - Marami ring uri ng ibon ang matatagpuan sa Pilipinas. - Ang Agila ang tinuturing na pamabansang ibon ng bansa. - May 2,000 uri ng mga isda na matatagpuan sa paligid ng Arkipelago ng Pilipinas. - May mga uri ng hayop na matatagpuan lamang sa Pilipinas katulad ng Tamaraw (Mindoro Dwarf Buffalo), Pilandok (Mouse Deer), Philippine Monkey Eating-Eagle o Great Philippine Eagel at Tarsier. ### Pangkalahatang Uri ng Fauna 1. Cytofauna – mga hayop na napakabihira. 2. Megafauna – mga karaniwang malalaking hayop #### Halimbawa ng Fauna * PHILIPPINE TARSIER * Rhinoceros ## Kahalagahan ng Flora at Fauna 1. **Pagpapanatili sa balanse ng ekolohiya** - Kung walang flora at fauna hindi mabubuhay ang tao. Ang flora ang naglalabas ng Oxygen na kailangan pareho ng tao at hayop upang makahinga. Kapalit naman nito ay ang inilalabas na Carbon Dioxide ng fauna na kailangan ng flora para sa photosynthesis. - Ito ay isang simbiotikong relasyon., Ang hanging nilalanghap (Oxygen) ng tao ay nagmula sa flora samantalang ang hanging ating binubuga (Carbon Dioxide ) ay mahalaga sa flora. - Napakalaking kapakinabangang idinudulot ng flora at fauna sa panganganilangan ng tao: pagkain, gamut at tubig. Ang pangunahing pagkain natin ang nagmula sa halaman at hayop. Mahigit 90% ng gamot na iniinom at ginagamit natin upang magamot ang ating mga karamdaman ay mula sa flora. Kung hindi dahil sa flora wala tayo ngayon sapagkat sa flora nanggagaling ang tubig na ating iniinom. - Pinananatili din ng mga hayop ang equilibrium across the board sa pagiging predator nila sa mga halama't ibang mga hayop kaya naiiwasan ang sobrang pagdami ng mga ito. Suplemental na mineral para sa mga halaman ang mga hayop kapag ito ay namatay, nagiging pataba ito sa mga halaman. 2. **Aesthetic value** - Ang bilang sa estadistika ang makapagpapatunay na bawat taon aabot ng hanggang kalahating bilyon ng tao ang bumibisita sa mga magagandang protektadong tanawin tulad ng mga: - national parks - indigenous forests - wildlife refuges - recreation areas - historic sites - wild and scenic rivers - Nagpapatunay lamang ito kung gaano kahalaga ng flora at fauna sa pang-araw-araw nating pamumuhay. 3. **Expands local economies** - Hindi matatawaran ang kontribusyon ng flora at fauna sa pandaigdigang ekonomiya lalo na sa turismo. ## ANG MGA BATAS PANGTERITORYO AT PANGKALIKASAN - Lipunan-Tawag sa pook kung saan bahagi ang tao, at ang kalikasan. - Maituturing na politikal na tawag sa pamahaalan mula pa sa panahon ng pananakop ng mga espanyol.-katawagan sa lipunan na pinamamahalaan kalakip nito ang pagbuo, at pagpapatupad ng batas. - Ekokritisismo- tumutukoy sa interdisiplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan. Sapamamagitan ng panitikan ay nakikita ang kung paano napapangalagaan o sinisira ng lipunan angkalikasa ### Ang mga Batas Panteritoryo at Pangkalikasan - Bakit kailangan ng Batas Pangkapaligiran? - Upang lubos na mapangalagaan ang kapakanan ng mga likas na yaman ng bansa. Nakasaad sapanimula ng Saligang-Batas ang katarunagng panlipunan at karapatang pantao, mga konsiderasyongpangekolohikal at ibang mga batas na tumatalakay sa pangangalaga nating mga Pilipino sa yamangtaglay ng ating bansa. ### Pangkalahatang mga Batas Pangkapaligiran - **P.D 1151** Philippine Envirnomental Policy na itinadhana upang magkaroon, mapaunlad, mapanatili, at mapabuti ang mga katayuan kung saan ang tao a kalikasan ay mabubuhay nang produktibo at magkaayon. - **P.D. 1152** The Philippine Environmental Code) pinagtutuunan ng pansin ang kalidad ng hangin, tubig,gamit ng lupa, pamamahala ng mga likas na yaman, pamamahala sa basura, balanse ng kapaligiran, populasyon at pangangalaga ng mga ito. - (1)Preserbasyon ng paligid, - (2)Environmental Education, at - (3)tax incentives sa mga gumagawa ng kagamitang laban sa polusyon ### Mga Batas Pangkagubatan - **P.D. 705** Binagong Forestry Code ng 1975 Binigyang kahulugan ang kagubatan, ang paggamit, kontrata, lisensya, Atbp. Kasama na ang mga Illegal Loggers - **Executive Order No. 263** Itinadhana ang paggamit ng community-based forest management bilangpambansang estratehiya upang masiguro ang pananatili ng mga kagubatan sa bansa. - **Republic Act (R.A.) 7586** (NIPAS Act) Kinikilala ang mga bahaging tubig at lupa na may kakaibang anyoat kahalagahang biyolohiko - **R.A. 9147** (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001) pagpaparami ng iba't ibang uring buhay-ilang, ang pag-aaral, pangongolekta, at paggamit ng mga biyolohiko at genetik namapagkukunan. ### Mga Batas sa Pagmimina - **R.A. 7942** (Mining Act of 1995) nakasaad na lahat ng mga yamang-mineral sa pampubliko atpambribadong lupa, at kagubatan ay bukas sa mga usaping pinansyal o teknikal - **R.A. 7076** (Peoples Small Scale Mining Law of 1991) tuon sa mas maraming trabaho sa industriya ngpagmimina - **Executive Order 270** (Revitalization of the Mineral Industries) Responsableng pagmimina ### Mga Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig - **Fisheries Administrative Order No. 155** Pagbabawal sa paggamit ng pinong lambat - **R.A. 9275** (Clean Water Act of 2004) inaalagaan ang katubigan ng bansa laban sa mga polusyon mulasa industriya at mga komunidad. - **Fisheries Administrative Order No. 144** regulasyon sa komersyal na pangingisda - **Executive Order No. 704, Section 33** pagbabawal sa paggamit ng dinamita, nakalalasong bagay, kuryente, at iba pang hindi legal na paraan ng pangingisda. - **Executive Order No. 1219 at 1688** nagbabawal sa pagbibili at paglalabas ng mga korales. ### Mga Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Lupa. - **Ε.Ο NO. 2151** Ipinagbabawal ang anumang Gawain sa mga pook na may tanim na bakawan - **R.A. 9003** (Ecological Solid Waste Mangement Act of 2004) Segregasyon (Nabubulok, Di-nabubulok,resiklo) - **R.A 6969** (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990) ninanais namapangalagaan ang kalusugan at kapaligiran laban sa banta ng kemikal na mula sa Pilipinas o sa labas nito