MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN (CSSH-ABFIL) PDF

Document Details

JudiciousAquamarine9475

Uploaded by JudiciousAquamarine9475

Mindanao State University – General Santos

2021

CSSH-ABFIL

Tags

Filipino Anthropocene Ekokritisismo Kalikasan

Summary

This document is a past paper for a Filipino subject. It contains details of a unit on Anthropocene, covering topics like the concept of Anthropocene, human-nature relations, and industrialization vs nature. The paper encompasses questions and objectives for the unit. The document dates back to the academic year 2020-2021.

Full Transcript

MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES...

MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES DEPARTAMENTO NG FILIPINO Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021 KURSO FIL102 EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN (Subject) YUNIT YUNIT 2: (Chapter) ANTHROPOCENE: TAO VS KALIKASAN AT KAPALIGIRAN ANTHROPOCENE: TAO VS KALIKASAN AT KAPALIGIRAN PAMAGAT NG Ano ang Anthropocene? ARALIN (Lesson Title) Tao vs Kalikasan Industriyalisasyon vs Kalikasan Ecomafia Sa loob ng dalawang linggo (Mayo 4-15, 2021), ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga sumusunod na layunin: 1. nakatutukoy sa komplikado at iba-ibang presentasyon ng kalikasan; LAYUNIN NG 2. nakapagpapaliwanag sa iba-ibang panlahat at pormal na paraan ARALIN ng pagbubuo ng diskurso ng kalikasan gaya ng representasyon ng (Lesson Objectives) ekolohikal na sakuna at banta, mga pahayag/pagtingin, iba’t ibang ideya sa kalikasan at kapaligiran; 3. Makatutukoy ng ugnayan ng tao, kalikasan, at industriyalisasyon at interkoneksyon ng mga ito sa ekokritisismo; at 4. Makapaglalahad ng iba’t ibang konsepto batay sa iba’t ibang babasahin. LAGOM NG Tatalakayin sa yunit na ito ang iba’t ibang presentasyon ng kalikasan, PANANAW panlahat at pormal na paraan ng pagbubuo ng diskurso ng kalikasan (Overview/ Introduction) gaya ng representasyon ng ekolohikal na sakuna at banta, mga pahayag/pagtingin, iba’t ibang ideya sa kalikasan at kapaligiran, MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL ugnayan ng tao, kalikasan, at industriyalisasyon at interkoneksyon ng mga ito sa ekokritisismo, at iba pang konsepto ng kalikasan batay sa mga iba’t ibang kaugnay na babasahin. 1. Sino-sino ang itinuturing na ecomafia? Magbigay ng halimbawa ng kanilang mga gawain. PAGSUSURI 2. Ano ang ugnayan ng anthropocene at kalikasan? May tungkulin ba (Analysis) ang bawat isa? Patunayan. 3. Paano nagkakaroon ng suliranin (vice versa) ang ugnayan ng tao at kalikasan? Maglahad ng sitwasyon. 4. Ano ang kalagayan ng kalikasan ngayon habang patuloy lumalawak ang epekto ng industriyalisasyon? 5. Ano ang konsepto ng sustainability sa ugnayan ng kalikasan, tao, at industriya? KAHULUGAN AT KONSEPTO NG ANTHROPOCENE Tinatawag tayong mga nabubuhay sa panahon ngayon bilang Anthropocene. Ang mga tayo ay isa sa may malaking impluwensyang species sa daigsig kung saan nagdudulot ng global warming at iba pang nakapagpapabago sa kalikasan, lupa, tubig, organism maging ng atmospera. Ang salitang Anthropocene ay hango sa salitang Griyego na tumutukoy sa humans o mga tao (anthro) at bago (cene), ngunit ang depinisyong ito ay kontrobersyal. Nabuo ang salitang ito noong 1980 at naging tanyag PAGLALAHAD lamang noong 2000 dahil sa atmospheric chemist na si Paul J. Crutzen at (Abstraction) diatom researcher na si Eugene F. Stoemer. Iminungkahi ng dalawang dalubhasa na tayo ay nabubuhay sa sa new geological epoch. Malaki ang impak at impluwensya ng Homo Sapiens o mga tao sa daigdig maging ng kinatitirhan nito na kalikasan, sistema at proseso, at biodaybersidad. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Ang daigdig ay 4.5 bilyong taong gulang at ang mga modernong indibidwal ay namumuhay sa loob ng 200,000 taon. Subalit sa mga taong ito ay nabago na rin ang pisikal, kemikal, at biolohikal na sistema ng daigdig kung saan ang bawat organisma at iba pang may buhay ay nakasalalay. Sa lumipas na 60 taon, nagdulot ng malaking impak at impluwensya sanhi ng pagtaas at pagdami ng mga pagbabago sa daigdig. Ang panahong ito ay tinawatag na Great Acceleration. Ito ay tumutukoy sa carbon dioxide emmisions, global warming, ocean acidification, habitat destruction, ekstinksyon, at malawakang pagkasira ng mga likas na yaman. Ang lahat ng ito ay sinyales ng pagbabago o pagmomodipika sa ating daigdig. Sa kabila nito, hindi lahat ay sumasang-ayon sa mga pagbabagong ito bilang patunay sa new formal geological epoch na Anthropocene. May pagtatalo pa rin ang mga dalubhas sa buong daigdig hinggil dito. MGA SIGNOS NG ANTHROPOCENE Malinaw na hindi na matatag ang ating klima at nagsisimula na itong mabilis na uminit ang kapaligiran. Ang mga dalubhasa ay sumasang-ayon na ang pangunahing dahilan ng mabilis na global warming ay ang mga aktibidad ng mga tao at hindi ng natural na progreso nito. Ang patuloy na pag-aagrikultura, urbanisasyon, deforestasyon, at polusyon ay may malaking dulot sa pagbabagong ito sa daigdig. Ayon sa artikulo ni Sam Wong na Marks of the Anthropocene: 7 signs we have made our own epoch, naglahad siya ng 7 mga signos ng Anthropocene. Ito rin ang tinutukoy ng mga dalubhasa na ang mga pagbabagong nagaganap sa daigdig ay dahil sa kagagawan ng tao at hindi sa natural na pamaraan ng kalikasan. Sinang-ayunan ito ng naunang pahayag ni Glotfelty na ang lahat ng nararanasang sakuna ngayon ay dahil sa ethical system functions at hindi dahil sa ecosystem functions. Dagdag pa ni Wong, kahit na ilang milyong taon man mawala ang tao ay kababakasan pa rin ng mga sinyales kung anong dulot ng paraan ng pamumuhay natin sa daigdig na matutuklasan sa mga geological records. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Mayroon nang malinaw na patunay na maaaring iugnay sa impak ng mga tao sa daigdig simula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Narito ang pitong marka o signos na dulot ng Anthropocene Epoch na maaaring gamitin ng mga geological scienteist sa hinaharap. 1. Nuclear Weapon. Isang pinakadelikado at mapinsalang kagamitan sa buong daigdig. Maaari itong makasira sa isang buong lungsod at pumatay ng milyong-milyong tao at sumira sa kalikasan maging sa hinaharap. Nag-iiwan ito ng mapaminsalang epekto. Ang halimbawa nito ay ang pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945 na pumatay sa libo-libong tao. 2. Fossil Fuels. Tumutukoy sa anumang klase ng mga materyal na may hydrocarbon na maaaring pagsimulan ng enerhiya. Ang Fossil fuels na mga produkto na karaniwang kilala at ginagamit natin ngayon ay ang coal, petroleum, natural gas, , bitumens, tar sands, at heavy oils. Ang gasoline na bahagi ng industriya ay isang fossil fuel. Humigit sa 80% ng enerhiya ang kinokunsumo ng industriya sa iba-t ibang bansa. Kaya hindi nakapagtataka na patuloy ang global warming dahil sa walang tigil na paglabas ng carbon dioxide dulot ng fossil fuels. Ang simpleng pagsusunog ng basura ay nagdudulot ng carbon dioxide na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer. 3. New Materials. Isa sa mga malaking kontribusyon ng tao sa pagbabago sa kapaligiran ay ang presensya ng paggamit ng aluminum, concrete, at plastik. Ang aluminum ay hindi pa alam ang elemental na gamit nito hanggang sa ika-19 siglo. Sa ngayon ay nakakapagprodyus na ng 500 milyon tonelada nito. Ang concrete naman ay naimbento ng mga Romano ngunit naging tanyag lamang ito bilang materyales sa paggawa ng mga gusali noong ika-20 siglo na umaabot na ng 50 bilyong tonelada na ang napoprodyus ngayon na maaari nang iaklat sa bawat square meter ng daigdig. Ang plastik naman ay inisyal na nadebelop noong 1900s ngunit dumami lamang ito noong 1950s. Ngayon, nasa 500 milyong tonelada na ito kaya hindi nakapagtataka na ito rin ang pinakamaraming uri ng basura. 4. Changed Geology. Tumutukoy ito sa mga pagbabagong nagaganap MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL sa pisikal na istruktura ng daigdig o geological changes. Sa tuwing sinira natin ang ilang bahagi ng kagubatan ay nagbabago rin ang hinaharap na kalagayan ng pisikal na istruktura ng daigdig. Ngayon, 50% ng bahagi ng daigdig ay tuluyan ng nagbago dahil sa Anthropocene gaya farming, drilling, mining, landfills, dam-building at coastal reclamation na nagdudulot ng pagputok ng bulkan, landslides, pagbaha, tsunami, at iba pa. 5. Fertlizers. Tumutukoy ito sa mga patabang ginagamit partikular sa larangan ng agrikultura. Ang layuning matugunan ang pangangailangang pangkalasugan at nutrisyon ng lumulubong populasyon ay nagkakaroon din ng malaking epekto sa kalikasan. Ang pagtaas ng lebel ng nitrogen at phosporus sa lupa sa nagdaang siglo ay dumoble pa dahil sa paggamit ng mga pataba. Nakakapagprodyus ng 23.5 milyong tonelada ng phosporus sa bawat taon. 6. Global Warming. Isa sa mga aspeto ng pagbabago ng klima na tumutukoy sa pangmatagalang pag-init ng temperature ng daigdig. Ito ay dulot ng walang tigil na paggamit ng mga kagamitang nagbubuga o naglalabas ng carbon dioxide gaya ng pagsusunog ng fossil fuels, deforestation, at farming na nagdudulot ng greenhouse effects sa atmospera. 7. Mass Extinction. Malawakang pagkawala o pagkamatay ng mga organism. Ang mass extinction na ito ay dulot ng global changes. May iilan na ipinapalagay na nasa ika-6 na yugto na tayo ng mass extinction ng kasaysayan ng daigdig na ¾ ng mga organism at species ay maaaring mawala sa susunod na siglo. ANTHROPOCENE AT INDUSTRIYAL NA REBOLUSYON Iminungkahi ng iilan na ang Anthropocene ay nagsimula nang magsimula rin ang Industrial Revolution noong ika-18 siglo, kung saan nalikha ang kauna-unahang fossil fuel economy sa daigdig. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Ang pagsunog sa organikong karbon ng foosil fuel ay naging sanhi ng malawakang produksyon at pagtaas ng bilang ng pagmimina, pabrika, at mills na sinundan ng maraming bansa sa daigdig. Ang demand ng coal ay mas lalong tumaas na siya ring pagtaas ng carbon dioxide emission na sumisira sa kalikasan. Nakikipagtunggali naman ang iilan ang Anthropocene ay maagang nagsimula nang ang mga tao ay nagsimula na ring magsaka o farming. May iilan naman na nagsabi na lumaganap ang industriyal na rebolusyon noong 1950 dahil sa nuclear weapon na nagdulot ng radioactive sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang ibang mga bansa, rehiyon, komunidad at industriya ay may malaking kontribusyon sa planetary pollution at climate change. Ang industriyalisado at bago pa man naging industriyalisadong lipunan ay proportional na nagpoprodyus ng emisyon at gumagamit ng mga pinakukunang yaman kaysa sa mga umuunlad na bansa. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG REBOLUSYON INDUSTRIYAL Ang Rebolusyong Industriyal ay isang transisyonal na panahon (c. 1760 – 1840) sa Europa at Amerika na nakatuon sa pagbabago sa mga proseso ng paggawa, mula sa pagbuo ng mga produkto sa pamamagitan ng kamay papunta sa paggamit ng mga makinariya at awtomisasyon. Ito ay mas mailalarawan sa mabilis na pag-unlad sa iba’t ibang industriya dahil sa mga makabagong makinarya, paggamit ng steam engine, at bagong paraan ng paglikha ng mga kemikal at mga proseso sa pagkuha sa bakal. Ang unang rebolusyong industriyal ay nagsimula sa Britanya dahil sa iba’t ibang salik. Una, ang pagsisimula ng rebolusyong agrikultural na naglatag ng daan para mangyari ang maagang industriyalisasyon sa Britanya. Isa naging epekto nito ay ang pagkakaroon ng surplus sa suplay ng pagkain, ang mga tao ay hindi kinakailangan ng gumastos ng malaki para mapanatiling busog ang kanilang pamilya. Ang labis na pagkain ay MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL nangangahulugan na ang isang pamilya ay maaaring makapagtabi pa ng sobrang salapi upang bumili ng mga produkto na mula sa siyudad. Pangalawa, ang migrasyon ng mga tao mula rural papunta sa urban na lugar para maghanap ng dagdag na kita ay nagdulot ng paglaki ng lakas- paggawa para sa mga bagong mga industriya. Pangatlo, maraming negosyateng Briton ang handang sumugal sa pagtatayo ng mga pabrika. Pang-apat, may malaking mina ng coal sa loob ng bansa ng Britanya. Dahil sa maliit na bansa din ang Britanya mas madali paghahatid ng mga hilaw na materyales sa iba’t ibang panig ng bansang ito. Panghuli, sa panahon na ito ang Britanya ay may malaking emperyo sa iba’t ibang dako ng daigdig. Sila ay may mga kolonya na maaaring kuhaan ng mga karagdagang hilaw na materyales at ang mga kolonya na ito ay kadalasan ang konsumer din ng mga produkto na nililikha sa Britanya. EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL SA IBA’T IBANG INDUSTRIYA AGRIKULTURA. Ang Europa ay may malaking populasyon sa labas ng mga siyudad dahil ang pangunahing hanapbuhay noon ay ang pagsasaka. Matapos ang ilang mga inobasyon at mga inbensyon na nakatulong sa mabilis na pagtatanim ng mga butil, ito ay ang dulot ng ekponensyal na paglaki ng surplus sa agrikultura at sa hindi na pangangailangan ng madaming tao para sa pagtatanim at pag-aani. Ito ay nagdulot ng pagkaunti ng mga manggagawa sa bukirin at pagsisimula ng pagtingin ng mga tao sa siyudad bilang lugar kung saan makakakuha ng karagdagan na kita kung hindi permanente na hanapbuhay. Nagsimula ang migrasyon ng mga tao mula sa mga rural na pamayanan papunta sa urban na siyudad. TEXTILE. Ang industriya ng tela at sinulid ang pangunahing naapektuhan ng rebolusyong industriyal. Ang paggawa ng textile noon ay isang mano- manong gawain na nangangailang ng mahabang oras para matapos lamang ang isang hakbang ng proseso (hal. Pagtatanggal ng buto sa bulak, pagpusod nito papunta sa pagiging hibla ng sinulid, paghahabi ng tala atbp). MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Ang mga kagamitan ng mga manggawa noon ay mga simpleng makina para lamang mapadali ang manwal na gawain ng mga mangagawa. Sa pagpasok ng rebolusyong industriyal, dumating ang iba’t ibang makinarya na nagbigay daan sa pagpapabilis sa paggawa ng mga sinulid, tela at mga damit. Ilan sa mga makina na ito ay: Ang cotton gin o ang “cotton engine” – ito ay isang makina na nilikha ni Ely Whitney na nagpadali sa proseso ng paghihiwalay ng mga hibla ng bulak sa buto nito. Ito’y batay sa isang makina na ginagamit sa India ngunit ito ay mas pinahusay ni Whitney sa pamamagitan paglalagay ng mga maliliit na kalawit at mga screen wire upang maiwas ang pagbara ng bulak at mas paladali ang paghiwalay ng buto nito. Ang Spinning Jenny – ito’y makina na nilikha ni James Hangreaves. Ito ay nagpabilis sa paggawa ng mga sinulid at paglalagay nito sa mga basyo nito. Bago ang spinning jenny nangangailan ng isang tao para makalikaha ng isang bungkos ng sinulid ngunit sa pagdating nito biglang bumilis ang produksyon. Isang tao na lang ang kailangan para makagawa ng walong basyo ng sinulid. Ang mga sinulid na lihak ng spinning jenny ay madalas na mababa ang kalidad at magaspang kumpara sa gawa ng kamay ngunit dahil sa mas mura ito at mas nakakatipid ang mga may-ari ng pabrika, 20000 na makina ang sabay sabay na ginagamit noong panahon na iyon. Flying Shuttle – ang imbensyon na ito ay nagpabilis sa paghahabi ng mga sinulid upang maging tela. Sa tulong ng imbensyon ni John Kay, isang tao na lamang ang kailangan na gumamit ng isang habian. Bukod sa mas bumilis ang proseso ng paghahabi, nabawasan din ang kailangan na lakas paggawa ng mga may-ari ng negosyo. Ang industriya ng textile na dating isang cottage industry ay nagtransisyon sa factory system dahil sa pag-unlad sa mga kasangkapan sa pagprose ng bulak at tela. Ito ay nag dulot ng kawalan ng trabaho at mahabang mga oras ng pagtatrabaho sa loob ng mga paggawaan. Mas naging mayaman ang mga may-ari ng mga pabrika ng textile dahil sa pagbabawas ng mga tauhan dahil sa malawakang paggamit ng mga mas epektibong makina sa paggawa MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL ng tela at dahil sa mabilis na pagtaas ng demand sa damit na direktang epekto na rin ng paglaki ng populasyon sa loob ng mga urban na lugar. TRANSPORTASYON. Ang naging tagumpay ng rebolusyong industriyal ay nakasalalay sa kakayahan na ihatid ng mga negosyante ang hilaw na materyales at ang mga tapos na produkto sa mga lugar na patutunguhan nito. Maaaring hindi naganap ang rebolusyong industriyal kung nanatiling primitibo ang paraang paglalakbay ng mga tao sa lupa at sa tubig. Sa mga panahon na ito ang pinakamurang paraan upang maihatid ang mga hilaw na materyales ay sa pagbaybay sa mga ilog kung kaya mas pinalawak at pinalalim ang mga canal na dinadaan ng mga barko para mapadali ang paglalakbay nito. Sa panahon na ito mas pinipili ng mga tao ang maglakbay sa ilog kaysa sa riles, nagbago lang lahat ng ito nang maimbento ni James Watt noong 1769 ang isa sa mga unang epektibong modelo ng “steam engine”. Ang steam engine ay ginamit upang mas lalong mapabilis sa paglalakbay ang mga tao. Sa gitna ng 1800’s matagal nang ginagamit ang steam power sa mga barko ngunit nang unang ginamit ang steam engine sa mga locomotive ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa transportasyon ng mga tao. Noong 1928, nilikha ni John Stephenson ang unang gumaganang steam engine locomotive na tinawag nilang “Rocket”. Ito ay nagdulot ng pagsikat ng pagamit ng tren sa Europa at sa America. EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL SA LIPUNAN Nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao ang rebolusyong industriyal. Karamihan sa mga pagbabagong ito ay nararamdaman pa rin ng mga tao sa modernong panahon. Isa sa idinulot nito ay ang pagbibigay tuon ng mga tao sa kahalagahan ng industriyalisasyon sa pag- unlad ng mga bansa. Ang populasyon ay nagsimula lumipat sa mula sa mga rural na probinsya papunta sa urban na siyudad. Ito ay nagdulot ng maraming mga MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL komplikasyon sa pamumuhay ng mga taong nakatira sa parehong lokasyon. Maraming mga panlipunang isyu ang nagsimulang makita sa pagbabago ng paraan ng pamumuhay ng mga taong lumipat ng tirahan. Isa sa mga naging epekto nito ay ang mabilis na paglaki ng populasyon sa mga urban na lugar. Ang laki ng mga siyudad at ang mga imprastraktura ng mga sinaunang siyudad sa Europa ay hindi sapat para biglang pagbuhos ng mga migrante mula sa mga rural na lugar. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay nagdulot ng kakulangan sa trabaho sa loob ng siyudad. Hindi rin nakatulong na nagsimula magbawas ng mga trabahador ng mga may-ari ng pabrika dahil sa mas mura na palitan ang mga tao ng mga makabagong makina na kayang magtrabaho ng mas matagal, mas mabilis at mas epektibo. Sa panahon din ito naging laganap ang child labor o ang paghahanap buhay ng mga bata sa mga pabrika. Maraming pabrika din mga panahon na ito ang nagbibigay ng mga hindi makataong kondisyon ng pagtatrabaho. Mahaba ang mga oras ng trabaho (umaabot ng 10 hanggang 12 oras ang trabaho), madalas pa ay delikado ang mga trabaho na ito. Hindi rin kadalasan sapat ang pasahod ng mga may- ari sa kanilang mga tauhan. Ito ay nagresulta sa lumalawak na agwat sa pagitan ng mahirap at ng mga mayayaman. Ang kondisyon ng kalikasan ay hindi rin maganda sa loob ng mga siyudad. Ang usok sa mga pabrika ay makapal at madalas na humahalo pa sa ulan, hamog at nyebe. Ang mga ilog ay naging tapunan ng mga kemikal at mga latak ng mga pabrika. Ang rebolusyong industriyal ay nagtulak sa mga tao sa landas ng industriyalisasyon. Kung hindi dahil sa rebolusyong ito ay hindi natin mararanasan ang mga ginhawa ng modernong panahon. Ngunit kailangan pa din tignan ang mga naging negatibong aspeto na nagsimula sa panahon na ito. Karamihan ng mga isyu kinakaharap ng mga tao ngayon ay nagsimula dito at lalo pa nito lumalala sa kasalukuyan, tulad nang di pantay na distribusyon ng yaman at mabilis na pagkasira ng kalikasan. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL TAO AT KALIKASAN Mauunawaan ang usaping pangkalikasan kung titignan at aaralin natin ang saligang relasyong ng tao at ng kalikasan at ang kaugnay na relasyon ng tao sa tao sa isang lipunan. Ang kasaysayan ng sangkatauhan, nakapaloob ang paggana ng relasyon ng tao at ng kalikasan, ay makikita sa kasaysayan kung papaano pinapa-unlad ng mga tao ang produksyon sa lipunan at gayundin ng pag-unlad ng mga lipunan Hindi hiwalay bagkus integral ang tao sa kalikasan. Ang tao ay ang mismong kabuuan ng mga sangkap na nagmula sa kalikasan at, sa huli, kapag sya ay namatay ay muling magbabalik sa kalikasan. Gayundin, ang tao ay ang sentral na bahagi ng kalikasan. Ang tao ang pinaka-abante at pinakamulat sa mundo. Di tulad ng hayop, ang tao ang syang mas nakakapagtakda sa kalikasan. Ang hayop ay gumagamit lamang sa kanyang paligid at nagdudulot ng pagbabago dito sa simpleng presensya nito subalit ang tao ay binabago ang kapaligiran at patuloy na pinag-aaralan ang mga batas ng kalikasan upang gamitin o pagsilbihin ito sa kanyang kagustuhan. Ito ang pinal at esensyal na pagkakaiba ng tao sa hayop. Sa paglahok sa produksyon, kinukuha ng tao sa kalikasan ang kanyang mga pangangailangan upang mabuhay tulad ng pagkain, hangin, tubig, bahay at gamot. Ang produksyon o ang paglikha ng tao ng yaman mula sa kalikasan ang pangunahing batayang kondisyon upang mabuhay ang tao Nakabatay sa antas ng pagsulong ng produksyon sa lipunan ang kabuang antas ng pag-unawa ng tao sa kalikasan at lipunan. Sa paglahok sa produksyon, nagkakaroon ang tao ng saligang ugnayan sa kalikasan at sa kanyang kapwa-tao. Dito pangunahing nagmumula ang kaalaman at pag- unlad ng kaalaman ng tao. Sa patuloy na paglahok ng tao sa produksyon, natututunan nya ang mga katangian ng mga bagay, ang mga ugnayan nito sa ibang bahagi ng MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL kalikasan at ang mga batas sa pagbabago nito. Dahil dito patuloy nyang napapayaman ang kanyang kaalaman sa syensya at napapataas ang antas ng kanyang teknolohiya na muli ay nagagamit sa pagpapa-unlad ng kanyang produksyon. Bago matutong magsaka at mag-alaga ng hayop, mahabang panahon na umasa sa pangangaso at pangangalap ng pagkain mula sa kapaligiran ang tao gamit ang pinakasimpleng kasangkapan tulad ng bato o buto ng mga hayop. Ang mga produkto tulad ng GMOs, kompyuter, robot at satelyt ay resulta na ng pagkadalubhasa ng tao sa kalikasan, produkto ng modernong produksyon na gumagamit ng modernong teknolohiya at makinarya. Sa bawat pag-unlad ng syensya at teknolohiya kasabay ang pag-unlad ng sistema ng kanyang produksyon. Nagiging mahusay at mas matipid ang produksyon. Napapahusay niya ang kanyang mga kasangkapan at tumataas ang kalidad at kantidad ng mga produkto na nagagawa niya mula sa kalikasan. Halimbawa, ang ensayklopidya na naglalaman ng napakaraming impormasyon ngayon ay makukuha mo na lamang sa maliliit na CDs (compact discs) na mas higit ang mura at kalidad kaysa dati nitong pakete ng serye ng makakapal na libro. UGNAYAN NG TAO, KALIKASAN, AT LIPUNAN Ang kalikasan ay likas na tirahan ng mga organismo, hindi artipisyal na nilikha ng mga tao. Sa isang mas malawak na kahulugan, ang kalikasan ay isang buhay na mundo na pumapaligid sa atin saan man. Ang mundong ito ay walang hanggan at magkakaiba. Ang kalikasan ay isang layunin na katotohanan na umiiral anuman ang kamalayan ng tao. Ang lipunan ng tao ay bahagi ng kalikasan att hindi ito nangangailangan ng espesyal na patunay. Pagkatapos ng lahat, ang natural na kemikal, biological at iba pang mga proseso ay nagaganap sa katawan ng bawat tao. Ang katawang tao ay gumaganap bilang likas na batayan ng kanyang aktibidad sa lipunan sa larangan ng paggawa, politika, agham, kultura, atbp. Bilang isang patakaran, ang mga natural na proseso na nagaganap sa lipunan ay nakakakuha ng isang pormang panlipunan, at ang natural, MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL pangunahin na biological, mga regularidad ay kumikilos bilang biosocial. Masasabi ito tungkol sa kasiyahan ng natural na pangangailangan ng mga tao para sa pagkain, init, pagbubuhos at iba pa. Ang lahat sa kanila ay nasiyahan sa isang pormang panlipunan sa tulong ng naaangkop na nakahandang pagkain (halos lahat ng bansa ay may sariling "kusina"), isang built na tirahan na madalas na nakakatugon sa ilang pamantayan ng Aesthetic, at sa pamamagitan din ng komunikasyong pampamilya na organisado ng lipunan. Ang mga batas sa biosocial ay nagpapahiwatig ng impluwensyang mutual ng mga simulain ng biyolohikal at panlipunan sa pag-unlad ng lipunan. Ang papel na ginagampanan ng kalikasan sa buhay ng lipunan ay palaging may katuturan, sapagkat ito ay gumaganap bilang isang likas na batayan para sa pagkakaroon at pag-unlad. Ang mga tao ay nasiyahan ang marami sa kanilang mga pangangailangan sa kapinsalaan ng kalikasan, pangunahin ang panlabas na natural na kapaligiran. Mayroong tinatawag na pagpapalitan ng mga sangkap sa pagitan ng tao at kalikasan - isang kinakailangang kondisyon para sa pagkakaroon ng tao at lipunan. Ang pag- unlad ng anumang lipunan, ng lahat ng sangkatauhan ay kasama sa pag- unlad ng kalikasan, sa patuloy na pakikipag-ugnayan dito, at sa huli ay sa pagkakaroon ng uniberso. Ang organikong koneksyon sa pagitan ng tao at kalikasan ay ginagawang kinakailangan upang ganap na isaalang-alang ang natural na mga kadahilanan sa pag-unlad ng lipunan. Iyon ang dahilan kung bakit palaging ang pansin ng kalikasan. Ang paglabas sa sinapupunan ng kalikasan, bilang pinakamataas at tukoy na pagpapakita nito, ang lipunan ay hindi mawawalan ng ugnayan dito, kahit na malaki ang pagbabago nito sa kanilang karakter. Ang mga koneksyon ng mga tao sa kalikasan ay isinasagawa pangunahin sa batayan at sa loob ng balangkas ng kanilang mga aktibidad sa lipunan, pangunahin sa produksyon, na may kaugnayan sa larangan ng materyal at espiritwal na produksyon. Ang kalikasan ay at nananatiling isang likas na kapaligiran at isang paunang kinakailangan para sa pagkakaroon at pag-unlad ng lipunan. Kasama sa MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL natural na kapaligiran nito ang pang-lupang tanawin, kabilang ang mga bundok, kapatagan, bukirin, kagubatan, pati na rin mga ilog, lawa, dagat, karagatan, atbp. Ang lahat ng ito ay bumubuo ng tinatawag na geographic environment ng buhay ng tao. Gayunpaman, ang likas na kapaligiran ay hindi limitado dito. Kasama rin dito ang mga bituka ng mundo, ang himpapawid at kalawakan, sa huli lahat ng mga likas na kalagayan ng buhay ng tao at pag-unlad ng lipunan - mula sa microcosm hanggang sa macro- at megaworld. Ang kahalagahan ng kapwa walang buhay at pamumuhay na kalikasan para sa lipunan ay dumarami. Ang likas na pamumuhay ay bumubuo sa biosphere ng daigdig: flora at fauna, ang pagkakaroon ng kung saan ay objectively kinakailangan para sa pagkakaroon ng tao at lipunan. Sinusuri ang kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng lipunan, ang ilang mga nag-iisip ay napagpasyahan na ganap nitong natutukoy ang pag-unlad nito. Itinuturo ang pagkakasundo at kagandahan ng kalikasan, isa sa mga kinatawan ng pilosopiko romantismo - Pinagtalo ni J.J. Rousseau na ang paghihiwalay ng sangkatauhan mula sa kalikasan at paglipat nito sa sibilisasyon (na kinatukoy niya bilang masama) ay ang mapagkukunan ng lahat ng mga problema at kasawian ng mga tao. Ang pangangalaga ng organikong pagkakaisa sa kalikasan ay ang garantiya ng kagalingan ng lipunan, ng bawat tao. Ang katotohanan at halaga ng mga hatol tungkol sa pagkakaisa ng lipunan at kalikasan ay lalong malinaw sa atin ngayon. Ang mapagpasyang papel ng kalikasan sa pag-unlad ng lipunan ay itinuro ng sinaunang nag-iisip na si Herodotti, ang mga nag-iisip ng New Age C. Montesquieu, A. Turgot, at iba pa. Ang huli ay bumuo ng mga pananaw na tumanggap ng pangalan ng determinismong heograpiya. Ang kakanyahan nito ay nakasalalay sa pagpapahayag na ang kalikasan, na binibigyang kahulugan bilang heograpikal na kapaligiran ng buhay ng lipunan, ay gumaganap bilang pangunahing sanhi ng mga phenomena na nagaganap sa lipunan. Tinutukoy nito hindi lamang ang direksyon ng buhay pang- ekonomiya ng mga tao, kundi pati na rin ang kanilang pampaganda sa pag- iisip, pag-uugali, ugali, kaugalian at pamatasan, mga pananaw sa aesthetic at maging ang mga anyo ng pamahalaan at batas, sa isang salita, ang kanilang buong buhay panlipunan at personal. Kaya't sinabi ni C. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Montesquieu na ang klima, lupa "at ang posisyon na pangheograpiya ng bansa ang dahilan para sa pagkakaroon ng iba't ibang anyo ng kapangyarihan ng estado at batas, matukoy ang sikolohiya ng mga tao at ang bodega ng kanilang karakter. Sinulat niya na" ang mga tao ng mainit na klima ay nahihiya bilang mga matandang tao, ang mga tao ng malamig na klima ay matapang bilang mga kabataang lalaki. "Sa kanyang palagay, tinutukoy ng klima at kapaligirang pang-heyograpiya ang" katangian ng pag-iisip at pagnanasa ng puso, " na hindi maiwasang makaapekto sa sikolohiya ng mga tao, ang likas na katangian ng kanilang sining, kaugalian at batas. Kaya, ang papel na ginagampanan ng kalikasan ay ang mga sumusunod: 1. Ang kalikasan ay pangunahin sa isang kapaligiran sa pamumuhay. 2. Ang kalikasan ay mahalaga din sa ekonomiya. Ito ay mula sa kalikasan na iginuhit ng tao ang lahat ng kinakailangang mapagkukunan para sa pagpapaunlad ng kanyang aktibidad na pang-ekonomiya; upang maitaguyod ang yaman na materyal. 3. Ang pang-agham na kahalagahan ng kalikasan ay sumusunod mula sa katotohanang ito ang mapagkukunan ng lahat ng kaalaman. 4. Ang pang-edukasyon na halaga ng kalikasan ay nakasalalay sa ang katunayan na ang pakikipag-usap dito ay may kapaki-pakinabang na epekto sa isang tao sa anumang edad, bubuo ng isang sari-saring pananaw sa mundo. 5. Ang aesthetic na halaga ng kalikasan ay napakalaking. Ang kalikasan ay palaging naging inspirasyon para sa sining, pagkuha, halimbawa, isang gitnang lugar sa gawain ng mga pintor - mga pintor sa tanawin at hayop. Ang kagandahan ng kalikasan ay umaakit sa mga tao at may kapaki- pakinabang na epekto sa kanilang kalagayan. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL ANG DOKTRINA NG NOOSPHERE Ang doktrina ng noosphere ay pinagsasama ang maraming mga tularan mula sa tila kaunti sa mga karaniwang disiplina: pilosopiya, ekonomiya, geolohiya. Ano ang natatangi sa konseptong ito? Ang siyentipikong Pranses-Matematiko na si Edouard Leroy ay unang nagsabi sa mundo kung ano ang noosfir noong 1927 sa kanyang mga publikasyon. Ilang taon bago iyon, dumalo siya ng maraming mga lektura ng natitirang siyentipikong Ruso na si Vladimir Ivanovich Vernadsky, tungkol sa mga problema sa larangan ng geochemistry (pati na rin ang biogeochemistry). Ang noophere ay isang espesyal na estado ng biosphere, kung saan ang isip ng tao ay may mahalagang papel. Ang tao, na gumagamit ng kanyang talino, ay lumilikha ng isang "pangalawang kalikasan" kasama ang mayroon nang isa. Gayunpaman, sa parehong oras, ito ay mismo bahagi ng kalikasan. Samakatuwid, ang noosphere ay resulta pa rin ng ebolusyon na nagpapatuloy sa sumusunod na kadena: ang pag-unlad ng planeta - ang biospheres - ang hitsura ng tao - at, sa wakas, ang paglitaw ng noosphere. Sa parehong oras, sa mga konsepto ng V. I. Vernadsky, ayon sa mga mananaliksik, walang malinaw na sagot sa tanong na: "Mayroon na bang noospehe, o malapit na lamang lumitaw?" Sa parehong oras, iminungkahi ng siyentista na sa oras na ang kanyang apong babae ay naging isang may sapat na gulang, ang isip ng tao, ang kanyang pagkamalikhain, malamang, ay yumayabong at ihayag ang kanilang mga sarili nang buo. Ito ay maaaring isang hindi direktang pag-sign ng paglitaw ng noosfera. Ang doktrina ni Vernadsky ng noosphere, ayon sa mga siyentista, ay naiugnay sa seksyon lamang na "ebolusyon" nang ang biosphere ay naging noosphere. Sinulat ni Vladimir Ivanovich sa kanyang librong "Siyentipikong Kaisipan bilang isang Planetang Penomena" na ang paglipat mula sa biospeher patungo sa noosphere ay posible kapag ang prosesong ito ay naiimpluwensyahan ng kaisipang pang-agham. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Bilang karagdagan, tandaan ng mga mananaliksik, nakilala ng Vernadsky ang maraming mga kondisyon para sa paglitaw ng noosphere. Kabilang sa mga ito, halimbawa, ang kumpletong populasyon ng planeta ng mga tao (at sa kasong ito, walang simpleng lugar para sa biosphere). Ito rin ay isang pagpapabuti sa mga paraan ng komunikasyon at pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng planeta (at mayroon na ito salamat sa Internet). Ang noosphere ay maaaring lumitaw kapag ang heolohiya ng daigdig ay higit na aasa sa mga tao kaysa sa kalikasan. Ang mga konsepto ng mga tagasunod na pang-agham. Ang mga siyentista ng iba't ibang larangan, na natutunan ang mga aral ni Vernadsky at ng kanyang mga kasama tungkol sa kung ano ang noosos, ay lumikha ng ilang mga konsepto na bumuo ng paunang postulate ng Russian researcher. Ayon kay A. D. Ursula, halimbawa, ang noosphere ay isang sistema kung saan ang kadahilanang moral, mga halagang nauugnay sa talino, ang humanismo ay magpapakita ng kanilang sarili bilang isang bagay na dapat unahin. Sa noosphere, ayon kay Ursul, ang sangkatauhan ay nabubuhay na konsepto ng kalikasan, sa isang mode ng magkasamang pakikilahok sa mga proseso ng ebolusyon. Kung ang doktrina ni Vernadsky ng noosphere ay nagpapahiwatig ng nangingibabaw na pagkawala ng biosphere, kung gayon, tulad ng naitala ng mga modernong mananaliksik, ang mga konsepto ng mga may-akda ngayon ay naglalaman ng mga thesis na ang noosphere at ang biosphere ay malamang na magkakaroon ng sabay-sabay. Ang isa sa mga posibleng pamantayan para sa pagkakaroon ng noosphere - ayon sa mga modernong siyentipiko - ay maaaring ang pagkamit ng hangganan ng kaunlaran ng tao, ang maximum na antas ng pagpapabuti ng mga institusyong sosyo- ekonomiko. Mayroong isang pautos sa pinakamataas na moral at kulturang halaga. Ang tao at ang noosaur ay konektado sa pinaka direktang paraan. Ito ay kaugnay sa mga kilos ng tao at sa direksyon ng kanyang isipan na lumitaw ang noosphere (ang mga aral ni Vernadsky ay tiyak na nagsasalita tungkol dito). Ang isang espesyal na panahon ay lumitaw sa pagbuo ng geologyng planeta. Ang tao, na lumikha ng isang tukoy na kapaligiran para sa kanyang sarili, ay kumukuha ng bahagi ng mga pagpapaandar ng biosfera. Pinalitan ng mga tao ang natural, kung ano ang mayroon na sa likas na katangian, MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL ng artipisyal. Ang isang kapaligiran ay umuusbong kung saan ang teknolohiya ay may mahalagang papel. Lumilitaw din ang mga landscape, nilikha sa tulong ng iba't ibang uri ng mga makina na hinihimok ng mga tao. Totoo bang sabihin na ang noosphere ay global ng pag-iisip ng tao? Ang bilang ng mga mananaliksik ay naniniwala na ang aktibidad ng tao ay hindi palaging nakasalalay sa kanyang pag- unawa sa kung paano gumagana ang mundo. Ang mga tao ay may posibilidad na kumilos sa pamamagitan ng pag-eksperimento, paggawa ng mga pagkakamali. Dahilan, kung susundin mo ang konseptong ito, sa halip ay magiging isang kadahilanan sa pagpapabuti ng teknolohiyang tulad, ngunit hindi isang kondisyon para sa nakapangangatwiran na epekto sa biosphere upang gawin itong noosphere. Kasabay ng konsepto ng "noosphere" mayroong isang term na nauugnay sa isang espesyal na uri ng pag-iisip. Lumitaw ito kamakailan. Ito ay tungkol sa pag-iisip ng noospheric. Ito, ayon sa isang bilang ng mga mananaliksik, ay nailalarawan sa pamamagitan ng maraming mga tukoy na tampok. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang mataas na antas ng pagiging kritikal. Sinusundan ng panloob na oryentasyon ng isang tao upang mapabuti ang biosphere, upang lumikha ng mga materyal na benepisyo na nag-aambag dito. Ang isang mahalagang bahagi ng pag-iisip ng noospheric ay ang priyoridad ng publiko kaysa sa personal (lalo na sa paglutas ng mga problemang pang-agham). Ito ang pagnanais na malutas ang mga hindi pangkaraniwang at hindi nalulutas na mga problema. Ang isa pang bahagi ng pag-iisip ng noospheric ay ang pagnanais na maunawaan ang kakanyahan ng mga proseso na nagaganap sa kalikasan at lipunan. Mayroong isang opinyon sa mga siyentista na hindi bawat tao ay natural na predisposed sa noospheric na pag-iisip. Maraming mga tao ang hindi alam kung ano ang noosphere. Gayunpaman, naniniwala ang mga mananaliksik na ang isang tao ay maaaring turuan ng sining ng mastering ang ganitong uri ng pag-iisip. Dapat itong maganap sa loob ng balangkas ng tinatawag na noospheric na edukasyon. Ang pangunahing diin sa pagtuturo dito ay sa mga kakayahan ng utak ng tao. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Ayon sa mga teorya ng edukasyon sa noosphere, ang mga tao ay dapat matuto upang pasiglahin ang paglitaw ng mga positibong adhikain sa kanilang sarili, isang pagnanais para sa pagkakaisa sa mundo sa kanilang paligid, isang pagnanais na maunawaan ang layunin na kakanyahan ng mga proseso na nagaganap sa lipunan. Kung ang mga positibong hangarin, tulad ng paniniwala ng mga tagalikha ng konseptong ito, ay dinala sa politika at solusyon sa mga problemang pang-ekonomiya, kung gayon ang sangkatauhan ay gagawa ng isang malaking hakbang pasulong. Sa pahayag na "The Pinitensya ng Tao", ang siyentipikong Pranses na si Pierre Teilhard de Chardin ay naglagay ng ilang mga konsepto ng pilosopiko na nakakaapekto sa isang hindi pangkaraniwang bagay na tulad ng noosphere. Maaari silang mailarawan nang maigi tulad ng sumusunod: ang tao ay naging hindi lamang isang bagay ng ebolusyon, kundi pati na rin ang makina nito. Ayon sa mga konsepto ng siyentista, ang pangunahing mapagkukunan ng dahilan ay ang pagmuni-muni, ang kakayahan ng isang tao na malaman ang kanyang sarili. Ang teorya ni Teilhard de Chardin at ang konsepto ni Vernadsky ay pinag-isa ng teorya ng hitsura ng tao. Ang parehong mga siyentipiko ay naniniwala na ang mga tao ay naging espesyal at naiiba mula sa iba pang mga nabubuhay na nilalang dahil sa kamalayan ng kanilang sarili bilang mga indibidwal. Ang pangunahing pagkakaiba sa pag-unawa sa noosphere ayon kay Teilhard de Chardin ay siya ay nagpapatakbo ng mga nasabing kategorya bilang "superman" at "space". Ang doktrina ni Vernadsky ng noosaur ay seryosong naiimpluwensyahan ang pag-unawa sa mga proseso ng sibilisasyon sa mga mananaliksik ng iba't ibang mga propayl. Ang mga modernong siyentipiko ay mayroon sa kanilang pagtatapon ng isang mahalagang tool na nagpapahintulot sa kanila na bumuo ng mga modelo ng pag-unlad ng planeta sa hinaharap. Humigit-kumulang kung paano ito ginawa ni Vernadsky, na talagang hinulaang ang hitsura ng Internet at ilang mga nakamit na socio-economic. Ang mga konsepto tungkol sa noosphere noong unang bahagi ng ika-20 siglo ay nagbibigay sa mga modernong siyentipiko ng susi sa pag-unawa sa ebolusyon. Ang mga kauna-unahang palatandaan na nagsasaad ng posibleng paglitaw ng noosphere ay nasa daigdig na sa panahon ng Paleolithic at Mesolithic. Simula noon, ang aktibidad ng tao na nauugnay MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL sa impluwensya sa biosphere ay tumaas lamang. Ang rebolusyong pang- industriya noong ika-19 na siglo ay naging isang malakas na lakas para sa pagbabago ng biosphere tungo sa noosphere; ngayon ang Internet ay isang mabisang impluwensyang kadahilanan. Posibleng-posible na ang mas advanced na mga komunikasyon at teknolohiya ay naghihintay sa sangkatauhan. IMPLUWENSIYA NG KALIKASAN SA MGA TAO Sa kabila ng pag-unlad ng industriya at teknolohikal, ang tao ay walang kontrol sa kalikasan. Sa antas ng biological, nakakaimpluwensya ito sa pamamagitan ng pagbabago ng presyon ng atmospera, mga bagyo ng magnetiko, at iba pa. Ang mga natural na proseso sa crust at himpapawid ng daigdig, na pumupukaw ng mga lindol at tsunami, bagyo at mapanirang puwersa ng mga bagyo, ay nagdudulot ng malaking pinsala sa mga itinayong lungsod at pamayanan, bukirin, hardin, at aba pa. Sa kabila ng pag-unlad ng pag-unlad na panteknikal at pang-agham, ang sangkatauhan ay obligadong magbilang sa kalikasan. Sa isang hindi marunong magbasa at magsulat ng mga mapagkukunan, ang pinsala ay ipapataw muna sa kanya at pagkatapos nito ay makikita ito sa mga tao. Ang global warming ay isang kapansin-pansin na paglalarawan ng naturang pagliko. Ang mga makabuluhang pagpapalabas ng carbon dioxide sa himpapawid at ang hitsura ng mga butas ng ozone ay pumukaw ng unti- unting pagtaas ng temperatura at dahil dito ang pagkatunaw ng mga glacier, isang pagtaas sa antas ng tubig sa mga karagatan ng mundo. Ang bilang ng mga bagyo at kalamidad sa panahon ay tumaas, na naging sanhi ng pagkasira ng materyal at humahantong sa malaking pinsala sa tao. Ang isa pang nakakapinsalang kadahilanan ay ang pagkalbo ng kagubatan, na pumupukaw ng polusyon sa atmospera at isang namaluktot na balanse ng oxygen / carbon dioxide patungo sa huli. Ang pagpuksa sa mga halaman MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL at hayop ng maliit na populasyon ay humahantong sa kanilang kumpletong pagkawala. Upang maiwasan ang mga hindi balance sa ekosistem na maaaring humantong sa mapaminsalang kahihinatnan, ang mga dalubhasa na nauunawaan ang mga isyu ng karampatang pamamahala sa kalikasan ay lumilikha ng mga samahan na tumatawag sa sangkatauhan na matalino na gumamit ng likas na yaman. Para sa mga ito, ang mga gobyerno ng mga estado at mga mamamayan na aktibo sa lipunan ay lumilikha ng mga reserbang kalikasan at mga reserbang nagtatanim ng mga bagong kagubatan at hardin. Bago ang pagkuha ng mga mineral, isang masusing pagsusuri ng mga deposito ay isinasagawa na may isang pagtataya ng kanilang epekto sa kapaligiran, napapailalim sa pag-unlad. Ngayon, ang kasanayan na ito ay nauugnay lamang para sa mga maunlad na bansa. Ang tinaguriang mga bansa sa ikatlong daigdig, kung saan ang karamihan sa populasyon ay naninirahan sa hanay ng kahirapan, ay patuloy na nauubusan ng mga likas na yaman, sabay na dumudumi sa lupa at tubig na may mga lason, at sa kabila ng pagiging hindi makatuwiran ng pamamaraang ito. KONSEPTO NG ECOMAFIA Marahil bago lamang sa pandinig ng iilan ang salitang ecomafia. Ang salitang ito ay unang pinagtambal ng Ligambiente, isang samahan ng mga Italyano na nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan. 20 taong na ang humigit nang ikonsidera ng mga pulis ng Italya at Opisyal ng Kustom na bayani ang mga narcotics nang mamataan nila ang mga ito na nagsilbing boys scout. Lumabas noong 1990, ang mga Italyano ay nag- organisa ng crime- syndicates o mafia. Napag-alaman ng mga ito na sa papamagitan ng pagtulong at pag-alis ng mga toxic waste ng mga industriya ay kikita sila ng malaking pera o profit. MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL Nagpatuloy ang imbestigasyon ng Legambiente nang magsimula silang mag-imbestiga noong 1993 nang mamataan at madiskubre nila ang toxic waste na nasa NATO Military Base ng Italy. Dahil dito, nabuo nila at pinagtambal ang salitang ecomafia. “The mafia saw toxic waste as a huge business opportunity. They noticed how industries faced difficulties in safely disposing of their waste, and offered a turn-key solution: a cheaper and faster way to get rid of the waste, avoiding costly investments and bureaucratic procedures,” ayon kay Antonio Pergolizzi ng Legambiente. Dahil sa ecomafia, ang mga nagmamay-ari ng mga industriya, pabrika, at iba pang pagawaan ay mas ninanais na lumapit sa mga ecomafia dahil mas mura ito kaysa sa proper waste. Maaaring bagong sibol lamang ang salitang ecomafia sa Italya ngunit hindi nab ago ang konsepto nito sa iba’t ibang bansa kung saan laganap ang industriyalisasyon gaya ng Pilipinas. Sa Pilipinas, mayroon nang iba’t ibang batas at mga patakaran alinsunod sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan. (Tingnan ang kalakip na Powerpoint Presentation para sa tala ng mga batas pangkalikasan.) ___________________________________________________________ Mga Sanggunian: “Ano Ang Rebolusyong Industriyal?” Aralipunan, aralipunan.com/ano-ang-rebolusyong- industriyal. Accessed November 1, 2020. Gunawardene, Nalaka. “When Mafia ‘Goes’ Green, Nobody Is Safe.” When the Worlds Collide, Ceylon Today, 24 Nov. 2013, collidecolumn.wordpress.com/2013/11/24/when-worlds-collide-92-when-mafia- goes-green-nobody-is-safe. Accessed November 1, 2020. Pavid, Katie. “What Is the Anthropocene and Why Does It Matter?” Natural History Museum, www.nhm.ac.uk/discover/what-is-the-anthropocene.html. Accessed 1 Nov. 2020. Waters, Colin, et al. “The Anthropocene Is Functionally and Stratigraphically Distinct from the Holocene.” Science, vol. 351, no. 6269, 2016, science.sciencemag.org/content/351/6269/aad2622.full. Accessed 1 Nov. 2020. Wong, Sam. “Marks of the Anthropocene: 7 Signs We Have Made Our Own Epoch.” New Scientist, 7 Jan. 2016, www.newscientist.com/article/dn28741-marks-of-the- anthropocene-7-signs-we-have-made-our-own-epo“Ugnayan Ng Tao, Kalikasan, MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL at Lipunan.” Iaa-Rf, iia-rf.ru/tl/kids/priroda-v-nashei-zhizni-bolshuyu-rol-igraet-rol- prirody-v-zhizni. Accessed 1 Nov. 2020. http://philenvisit.blogspot.com/2006/08/ang-tao-at-ang-kalikasan.html KOLABORATIBONG GAWAIN PAGLALAPAT “The mafia saw toxic waste as huge business opportunity. (Application) They noticed how industries faced difficulties in safely disposing of their waste, and offered a turn-key solution: a cheaper and faster way to get rid of the waste, avoiding costly investements and bureaucratic procedures.” -Antonio Pergolizzi of Legambiente, Ceylon Today Batay sa siniping pahayag ni Lagambiente sa kanyang artikulo na When Mafia “Goes” Green, Nobody is Safe! na nailathala sa Ceylon Today noong 2013, humanap ng mga larawan na angkop at maiuugnay sa nabanggit na siniping pahayag. Sa pamamagitan ng larawang napili, ipaliwanag ito batay rin sa siniping pahayag. Gawing batayan sa pagbubuo ng gawain ang krayterya sa ibaba. KAHINGIAN PUNTOS Kaangkupan ng larawan sa 15 siniping pahayag Nilalaman ng pagpapaliwanag 20 Teknikal na kaayusan at 15 gramatika IKAAPAT NA PAGSUSULIT PAGSUSULIT PAGTATAYA (Evaluation) Magkakaroon ng isang ikaapat na mahabang pagsusulit. Saklaw nito ang mga paksang tinanalakay sa Modyul IV. Itatakda ng guro ang iskedyul ng pagsusulit na gagawin sa pamamagitan ng Moodle (VLE). Inihanda ni: Fakulti

Use Quizgecko on...
Browser
Browser