Mga Batas at Proklamasyon ng Pilipinas PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng iba't-ibang batas at proklamasyon ng Pilipinas hinggil sa wikang pambansa, mga patakaran sa edukasyon, at iba pang isyu. Nakapaloob dito ang mga mahahalagang petsa, tao, at mahahalagang kaganapan sa kasaysayan.

Full Transcript

BATAS KOMONWELT Blg. 570 Ang wikang pambansa ay isa nang wikang opisyal sa Pilipinas kasama ng Ingles at Español. Ito ay tatawaging “WIKANG PAMBANSANG PILIPINO”. PROKLAMASYON Blg. 12 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay na mag-uutos sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29- Abril 4 ayon sa mu...

BATAS KOMONWELT Blg. 570 Ang wikang pambansa ay isa nang wikang opisyal sa Pilipinas kasama ng Ingles at Español. Ito ay tatawaging “WIKANG PAMBANSANG PILIPINO”. PROKLAMASYON Blg. 12 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay na mag-uutos sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29- Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. PROKLAMASYON Blg. 186 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg 186 noong Setyembre 23, 1955 na nag- uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula 13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon (Agosto 19). Pangkawagaran Blg. 7 Noong Agosto 13,1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkawagaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon. Higit na binigyang halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Lahat ng tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Pilipino. Ang mga dokumentong panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad sa wikang Pilipino. Ginagamit rin ang wikang Pilipino sa iba’t-ibang lebel ng edukasyon sa panahong ito. Ginagamit rin ang wikang Pilipino sa mass media gaya ng telebisyon, radio, komiks, magasin at dyaryo. Sirkular 21 Noong Pebrero 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang awit sa mga paaralan. Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas,iniutos niya, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 96, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino. Tagapagpaganap Blg. 187 Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag- uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon. Pangkagawaran Blg. 25 Noong Hunyo 19, 1974 ang kagawaran ng Edukasyon sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng kautusang Pangkagawaran Blg. 25. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Memorandum Sirkular Blg. 80-86 and Kautusang Pangministri Blg. 102 Ipinalabas ng Minister ng Lokal na Pamahalaan ang Memorandum Sirkular Blg. 80-86 na nag-aantas na lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas ay isa-Pilipino ang mga Sagisag-Opisyal. Ang Kautusang Pangministri Blg. 102 ay nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay ng mga guro sa Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas tersyarya. Saligang Batas ng 1987 Pinagtibay ng Komisiyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino Artikulo XIV, Sekisyon 6 ng Saligang Batas 1987 “ Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa umiiral na mga wika ng Pilipinasat sa iba pang mga wika.”

Use Quizgecko on...
Browser
Browser