Aralin 1: Mga Konsepto sa Wika (Tagalog) PDF
Document Details
Tags
Related
- Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa (KOMPA-PPT-2-UCP PDF)
- Singkroniko at Diyakronikong Linggwistiks PDF
- Kasaysayan at Pagkabuo ng Wikang Pambansa PDF
- Pinagmulan at Kasaysayan ng Wikang Filipino (PDF)
- Pag-aaral ng Wika, Mga Konsepto, at Kasaysayan (PDF)
- Unang-Paksa-Wika-Wikang-Filipino-Bilang-Konsepto PDF - Tagalog
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga konsepto sa wika, na inilarawan sa mga konseptong pangwika, kabilang ang mga halimbawa sa pormal at di-pormal, at kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Full Transcript
LESSON 1 : MGA KONSEPTONG PANGWIKA WIKA Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na inuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981) Ang sistema ng tunog ay binubuo ng mga sinasalitang tunog...
LESSON 1 : MGA KONSEPTONG PANGWIKA WIKA Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na inuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981) Ang sistema ng tunog ay binubuo ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry, Gleuson, 1981) Tinatawag na wika ang sistemang arbitraryo ng mga simbolo, kodipikadong paraan ng pag-uulat, at pagpapahayag ng galaw/kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon. (Bloch at Trager, 1942; Peng 2005) Daluyan ng Pagpapakahulugan 1. Tunog - Tunog na nagmula sa paligid, kalikasan, at mula mismo sa tunog na likha ng tao. 2. Simbolo - Biswal na larawan o hugis na kumakatawan sa isang bagay. 3. Kodipikadong Pagsulat - Sistemang pagsulat, tulad ng baybayin noong panahon ng mga Tagalog. 4. Galaw - Ekspresyon ng kumpas ng kamay at galaw ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan. 5. Kilos - Kung ano ang ipinapahiwatig ng isang tao sa kanyang kilos. Gamit ng Wika - Gamit sa talastasan - Saksi sa panlipunan pagkilos - lagayan / imbakan (Deposito ng kaalaman ng bansa) - Tagapagsiwalat ng damdamin - Gamit sa imahinatibong pagsulat Kategorya ng Kaantasan ng wika Pormal a. Opisyal na wikang pambansa at panturo - Pamahalaan - utak lang ; pangwika sa paaralan - wikang panturo - wikang ginagamit sa buong bansa b. Wikang pampanitikan - sa akdang pampanitikan - masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito Di-Pormal a. Panlalawigan / lalawiganin - salitang diyalektal - ginagamit sa partikular na pook/lalawigan - may pagkakaiba sa ibang salita b. Balbal - alang sa ingles - nababago sa pag-usad ng panahon - madalas marinig sa lansangan c. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap LESSON 2 : KONSEPTONG PANGWIKA Filipino - Wikang Pambansa - Karaniwang Salita na ginagamit sa aklat pang wika / pambarirala sa paaralan, pamahalaan - maaaring kumakatawan sa pambansang pagkakilanlan ng isang bansa/estado - maaaring maging isang tagapagtalata na ibinibigay sa isa o higit pang mga wikang sinasalita bilang unang wika sa territory ng isang bansa - wika ng isang bansa na ginagamit upang makipag-usap sa mga tao sa bansang iyon. Kasaysayan ng pambansang wika ng pilipinas (time stamps) 1934 - Naging isang paksang mainit na pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyonal ang magiging batayan ng wikang pambansa. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika ng Pilipinas. Sinang-ayunan ito ni Manuel L. Quezon, Pangulo ng Pilipinas, at napagdesisyunan na ibatay ang pambansang wika sa Tagalog dahil sa mga sumusunod na dahilan: 1. Maraming panitikan, libro, at akda ang nakasulat sa Tagalog. 2. Ginagamit ito ng karamihan. 3. May pinakamalawak/pinakamalayang talasalitaan. 4. Ginagamit ito sa sentrong kalakalan. 5. Madaling pag-aralan, bigkasin, at matutunan. 6. Kayang pag-isahin ang iba’t ibang wika sa ating bansa. 7. Ginagamit ito ng karamihan ng mga bayaning nag buwis buhay para sa bansa. - (30, 000 - salitang ugat ; 700 - panlapi = kabuuan ng wikang tagalog) 1935 - ang pagsusog na ito ni pangulong Quezon ay nagbibigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa artikulo XIV, Seksiyon ng Saligang batas ng 193 konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 - “ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wika ng pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang ingles at kastila ang patuloy na gagamiting wikang opisyal” Disyembre 30, 1937 - Pinili at prinoklama ni pangulong Manuel L. Quezon ang wikang tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. (kautusang tagapagpaganap blg. 134) 1940 - dalawang tao matapos mapagtibay ang kautusang tagapag paganap blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1946 - ipinahayag na ang mga wikang opisyal ay tagalog at ingles sa bansa, sa bisa ng batas komonwelt bilang 570. noong ipagkaloob ng mga amerikano ang ating kalayaan noong Hulyo 4, 1946 Agosto 13, 1959 - Nagsaad na kapag tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang “pilipino” ang gagamitin na ipinalabas ni Jose E. Romero (kalihim ng Edukasyon noon) —- Kautusang pangkagawaran blg.7 1972 - Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensiyong konstitusyonal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika sa saligang batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, blg.2 1987 (Saligang batas ng 1987) - pinagtibay ng komisyong konstitusyonal na binubuo ni dating pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino Nakasaad ang Artikulo XIV, seksyon 6 “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang ito at dapat ay pagyabungin at pagyamanin pa salig sa na umiiral na mga wika sa pilipinas at sa iba pang mga wika.” WIKANG OPISYAL - Ang komisyon sa wikang Filipino ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may katungkulang magsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. - Isang wika/lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang-batas ng mga bansa, estado, atbp. Teritoryo - Magiging wika ng talastasan sa pamahalaan - Ito ang wikang gagamitin sa lahat ng transaksyon / uri ng komunikasyon ng anumang sangay / ahensya ng pamahalaan - ginagamit/maaaring gamitin sa lehislatibo at iba pang mga importanteng dokumento, pampulitika, pang-edukasyon, pang-turismo, at marami pang iba. - Kailangan muna dumaan sa masusi at matinding proseso bago maaprubahan ang pagiging opisyal ng isang wika. (ilang buwan/minsan taon bago magkadesisyon) - Isa sa mga kategoryang tinitingnan upang maging opisyal ang wika ay ang bilang/dami ng nagsasalita nito sa isang bansa - Filipino ang opisyal na wika ng pilipinas WIKANG PANGTURO - Wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon sa mga paaralan. - Nagsimulang ipagamit ang wikang pambansa bilang wikang panturo sa panahong komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng wikang pambansa. - Bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, may mga gurong nagtuturo ng wikang pambansa. Unang Wika - tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unag itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinatawan din ng L1 Pangalawang Wika - habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang (mga) wika sa kanyang paligid. Maaaring magmula sa telebisyon, ibang tao - tulad ng tagapangalaga, kabao, kaklase, atbp. Ikatlong Wika - Nagagamit niya ang wikang ito sa pakiki-angkop niya sa lumalawak na mundong kaniyang ginagalawan. LESSON 3 : BARAYTI NG WIKA - Pagkaiba-iba ; variety - Sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan - Nilalaman batay sa ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, pangkat etniko. Sosyolek - Nalilikha’t ginagamit ng isang pangkat o uri ng lipunan - Pansamantala lang - May 4 na laman : Gay lingo - wika ng mga beki Conotic - baryant ng taglish, code switching Jejemon - pinauso’t ginamit ng isang sangay ng lipunan natin ; nakaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging Jargon - natatanging bokabularyo ng isang pangkat na may pagkilala sa propesyon/gawain Idyolek - Espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao - Nakikilala natin/ nagiging marka ito ng pagkakakilanlan ng isang tao Dayalek - Nalilikha ng dimensyon ng heograpiya - nagbabago/ nagbabago/ nagiging matatag dahil ginagamit itong mga taong iba ang rehiyon/lokasyon Etnolek - Etnolingguwistikong grupo - Ginagamit ng mga pangkat etniko Ekolek - Sa loob ng tahanan - Galing sa bibig ng mga bata at matatanda - Pang araw-araw na talastasan Pidgin - “Nobody’s Native Language” - Walang pormal na estruktura - Baryasyon ng wika na ginagamit upang magkaintindihan ang dalawang magkausap na magkaiba ang wika Creole - Nagmula sa isang pidgin, naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo. Register - Espiyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn 3 URI NG DOMEYN : Field/Larangan Mode/Nodo - paraan ng komunikasyon Tenor - relasyon ng mga nag-uusap LESSON 4 : GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Michael Alexander Kirkwood (M.A.K) Halliday - Lingguwistiko mula sa inglatera - Nakapagtapos ng batsilyer ng artes, major sa modernong wikang chinese sa unibersidad ng London. - Awtor ng maraming libro at sulatin ukol sa wika at gamit nito sa lipunan INTERAKSYONAL - Nagbubukas at nagpapanatili ng interaksyon o relasyong sosyal. - Pwedeng gamitin sa paghulog ng ugnayan sa isang lipunan. - Ginagamit sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal — tulad ng pagbati, panunuksa, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang isyu a. PASALITA - Pormulasyong Panlipunan - Pagbati, pagbiro, atbp. b. PASULAT - Liham : pasasalamat - Pakikiramay, pangkaibigan INSTRUMENTAL - Tumutugsa sa pangangailangan → pagpapahayag/panghihikayat → pagmumungkahi → pakikiusap/pag-uutos REGULATORI - kumokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba a. PASALITA - Pagbibigay ng panuto, direksyon, paalala o babala b. PASULAT - Resipe, panuto PERSONAL - Nagpapahayag ng sariling damdamin, sarili, kuro-kuro, opinyon, komento a. PASALITA - Pagtatapat ng damdamin sa isang tao b. PASULAT - Editoryal - Liham sa patnugot IMAHINATIBO - Nagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan a. PASALITA - Pagbigkas ng tula b. PAGSULAT - Pagsulat ng akdang pampanitikan HEURISTIKO - Naghahanap ng mga impormasyon / datos na magpapayamang kaalaman - Surveys, questionnaire, interview, research - Tayo NAKUHA ng info IMPORMATIBO - Nagbibigay impormasyon/ datos para mag-ambag sa kaalaman ng iba. - Nagbibigay TAYO ng info a. PASALITA - Pag-uulat, pagtuturo, paglalahad, pagbabalita b. PAGSULAT - Ulat, pananaliksik-papel Lesson 5 Monolingguawalismo - Paggamit ng iisang wika Bilingguwalismo - Paggamit ng dalawang wika Multilingguwaslismo - Tatlo o higit pang wika ang naisasalita - Galing sa ingles na “multi” na ibig sabihin ay marami - Mother tongue-based teaching —> MTB-MLE —> Ang gagamiting wika ng pantura mula grade 1-3 ay ang kanilang unang wika Monolingguwalismong Ingles 1901 - Dahil ayaw ng mga amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa wikang Espanyol; dahil wala silang makitang iisang katutubong wika na maari nilang gamitin sa kanilang ipinalaganap na pampublikong edukasyon - Unang Monolingguwaslismo Unang Bilingguwalismo 1939 - Inutos ni Jorge Bocobo, Kalihim ng pampublikong instruksiyon noong 1939 ang mga unang wika bilang auxiliary o wikang panturo Ikalawang Bilingguwalismo 1970 - Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko. Dahil nakasanayan nang gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo sa mababang baitang Ikatlong bilingguwalismo - Gamitin ang ingles at filipino at nag santabi naman ang unang wika Unang multilingguwalismo 1973 - Pumalit sa ikalawang bilingguwalismo na umiral lamang nang tatlong taon - Ang gagamitin pangturo ay tatlong wika na, ingles, filipino, at ang kanilang mother tongue Ikalawang Multilingguwalismo - Kinalala muli ang halaga ng unang wika sa edukasyon - Panungkulan ni Pangulong Corazon Aquino Ikatlong Multilingguwalismo - “Sistematikong multilingguwalismo” dahil pinag aralan at sistemakitong paniniliksik - Unang wika, Wikang Filipino, at ingles Jomer loreca 2016 - Fenomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinnguwistiks Estruktura ng wika Homogeneous - Wika na pareho ang babay ngunit iba ang meaning o pagbigkas Heterogeneous - Iba-ibang lugar, grupo o pangangailangan ng paggamit nito - Nagkakaroon ng maraming baryasyon ng wika. - Same word different meaning