Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a set of lecture notes about communication in the Philippines. It covers various aspects of communication, such as different types and elements of communication, along with the reasons why people communicate.
Full Transcript
Mga Gawing Pangkomuni kasyon ng mga Filipino ARALIN 2 ARALIN 3 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO Layunin 1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang ma...
Mga Gawing Pangkomuni kasyon ng mga Filipino ARALIN 2 ARALIN 3 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO Layunin 1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstuwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa. 3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. 4. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino. ARALIN 3 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 5. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto. 6. Makagawa nang makabuluhan at mabisang materyales sa komunikayson na akma sa iba’t ibang konteskto. 7. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. 8. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya. Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino ARALIN 2 UNANG BAHAGI Komunikasyong Filipino at Sitwasyong Pangwika Ayon kay Cover (1988; sa Mangahis, 2011), upang lalong maunawaan ang Filipinolohiya-sistematikong pag-aaral ng Filipinong kaisipan (psyche) at Filipinong kultura at Filipinong lipunan – iminumungkahi na masusing pag-aaralan ang teorya sa Filipinolohiya. Sa ganitong punto, sinipat ang aralin sa pag-aaral ng komunikasyon na ginagawa ng mga Pilipino at sa kung saan nagkakaiba-iba ang gawaing ito sa kahulugan ng Pilipino. KOMUNIKASYON Ang komunikasyon ay isang paraan upang tayo ay magkaunawaan. Isa ito sa pinakamahalagang sangkap ng pagkakaintindihan sa isang lipunan. Dito naipapahayag natin ang ating mga saloobin ukol sa isang lipunan. Ang lipunang kulang sa komunikasyon ay kadalasangg nagkakagulo at hindi magkakaintindihan. KOMUNIKASYON Komunikasyon – communis (latin) o common (English) o karaniwan (Filipino) Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang pagpapakahulugan sa komunikasyon batay sa mga sumusunod na eksperto: Kahulugan ng Komunikasyon Ayon kay Merriam-Webster, ng salitang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communicate”, na nangangahulugang “magbahagi” o “magbigay”. Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng ideya o opinion, paghatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telepono, telegram, kompyuter, radio, telebisyon at iba pa. Bukod sa etimolohikal na kahulugan ng komunikasyon, sa libro ng komunikasyon sa Akademikong Filipino ni Aguilar (2014), maraming eksperto ang may iba pang kahulugan nito: Komunikasyon “Ito’y ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkakaunawaan.” – Dale (1969) “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya , pag-uugali, o damdamin at kasanayan… sa paggamit ng simbolo” – Berelson at Steiner (1964) “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali o damdamin mula sa isang tao o pangkat ng mga tao patungo sa kaniyang kapuwa…karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng mga simbolo.” – Theodorson ( 1969) Maliwanag na batay sa kahulugan ng komunikasyon, ang kaisipang ipinahihiwatig nito ay makipag-ugnayan sa kapwa, pakikipagpalitan ng nais ipahayag sa iba at makapagbahagi ng impormasyon. ETIMOLOHIYA NG SALITA Louis Allen (1958) Ang komunikasyon ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa. Keith Davis (1967) Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa. Newman at Summer (1977) Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso. ETIMOLOHIYA NG SALITA Birvenu (1987) Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang. Keyton (2011) Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito. MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO a. Pangangailangan upang makilala ang sarili - komunikasyon – malaking tulong upang mahubog ang pagkatao b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo bukod pa daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap. c. Pangangailangang praktikal - maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung walang komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo pa napuntahan at iba pa. MGA TIPO, ELEMENTO AT ANTAS NG KOMUNIKASYON 1. Tipo ng Komunikasyon a. Pormal at impormal na komunikasyon. Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring tayain batay sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sino- sino at paano maisasagawa ang prosesong ito. Mga salik na dapat isaalang-alang; 1. Uri ng wikang gagamitin ( pormal- pino, matalino at ayon sa rehistro ang wika ng mga partisipant) -Direkta o di-maligoy na at seryosong tono na pagpapahayag. (pormal at impormal) 2. Balangkas ng komunikasyon Tumutukoy ang balangkas sa pagkakasunuod-sunod ng mga segment ng komunikasyon. Pormal – depinido o tiyak ang balangkas Impormal – may laya 2 Uri ng komunikasyon 1. Berbal – ginagamitan ng salita ( sa mga rally – mga nakasulat sa banner) Mga Sangkap o Elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon A. Sender (Nagpapadala) o tagahatid/encoder B. Mensahe 2 URI NG MENSAHE (binubuo dimensiyon) 1) mensaheng pangnilalaman (Content) 2) mensaheng relasyunal o di-berbal C. Daluyan D. Reciever (Tagatanggap). O decoder E. Sagabal / mga hadlang/ barriers Mga Uri ng Sabagal 1. Semantikong sagabal 2. Pisyoslohikal na sagabal 3. Pisikal na sagabal Mga Uri ng Sagabal 4. Teknolohikal na sagabal 5. Kulturang sagabal 6. Sikolohikal na sagabal F. Tugon o feedback Nauuri sa 3: a. tuwirang tugon b. di-tuwirang tugon c. naantalang tugon G. Epekto H. Konteksto o sitwasyon Antas ng Komunikasyon INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON Ito ay komunikasyong nagaganap sa sarili lamang. Kabilang dito ang personal na pagmumuni-muni, pagsasaulo ng mga ideya, pag-aanalisa o kaya naman ay pagsusulat para sa sarili lamang. INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON Ang komunikasyong ito ay nagaganap sa pagitan ng higit sa isa na maaaring kinasasangkutan ng nagsasalita at nakikinig o nagbabasa at nagsusulat. Mga Anyong Interpersonal na komunikasyon A. Dayadikong Komunikasyon Ito ay komunikasyong nagaganap sa dalawang tao lamang. Halimbawa Pakikipagchat (hindi group chat), pakikipag-usap sa telepono at counseling B. Pangkatang Komunikasyon Ito ay binubuo ng higit sa dalawang tao na sangkot sa komunikasyon. Maaaring magkasindami ang bilang ng nakikinig at nagsasalita sa pangkatang komunikasyon. Halimbawa: Pagpupulong, inuman, kumperensiya Mga Anyong Interpersonal na komunikasyon C. Pampublikong Komunikasyon Sa komunikasyon ito, mas marami ang bilang ng nakikinig kumpara sa nagsasalita Halimbawa Misa, pagtuturo, talumpati gaya ng SONA D. Komunikasyong Pangmadla Ito ay kategorya ng komunikasyon na ginagamitan ng midya. Kabilang sa mga midyang ginagamit sa ganitong uri ng komunikasyon ang radio, telebisyon, dyaryo o pahayagan at social media. E. Pangmasa komunikasyon nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radio, tv, internet, pahayagan, atbp. KOMUNIKASYONG DI- BERBAL Dalawang Uri ng komunikasyon 2. Komunikasyong Di-Berbal Ito ay komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Kabilang sa komunikasyong ito ang kilos, amoy, kulay at iba pa na nagbibigay ng kahulugan. Komunikasyong Di-Berbal Ito ay gumagamit ng ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at salitang hindi maiintindihan ng taga-pagkinig. Mahalaga ang di- berbal na komunikasyon sapagkat: 1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao, 2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe, at 3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe. Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 1. Oras (Chronemics). Mahalaga ang oras. Ito ay ang isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay maaaring kaakibatan ng mensahe. 2. Espasyo (Proxemics). Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. a. Public Distance (12 ft or more) b. Social Distance (4-12 ft) c. Personal Distance (1 ½- 4 ft) d. Intimate Distance (up to 1- ½ ft) Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 3. Kinesika (Kinesics). Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating mga bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language. Ito ay maaaring Makita sa ating mga mata. Hindi rin maitatago ang ating mga damdamin at tunay na intensyon sa ating mukha. Makikita sa mukha ng tao kung siya’y masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan o galit. Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita para sa atin. Maaaring ang kumpas ng kamay din (1) regulative, (2) descriptive, at (3) emphatic. Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 4. Pandama (Haptics). Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe sa ating wika, may iba iba tayong tawag sa paraang paghawak sa tao o bagay at sa bawat paraan may iba ibang kahulugan. Ito ay ang mga: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos, at hipo. Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 5. Simbolo (Iconics). Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo na may malinaw na mensahe. 6. Kulay (Colorics). Ang kulay ay maaaring magpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Sadyang ang ang kulay ng mga bagay-bagay ay nilalapatan natin ng kahulugan. Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 7. Objectics tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang dito ang mga elektronikong ekwipment tulad ng celfone, mikropono, telepono, radio at iba pa. 8. Kapaligiran. Malinaw na ipinapakita sa ating kapaligiran ang kahulugan kung ito ay malinaw, maayos, hindi magulo, o di kaya’y magandang bakasyonan o puntahan. Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 9. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Halimbawa nito ay ang pagsasalita ng isang pipi. Hindi masyadong maiintindihan ng isang tagapagkinig ang mensahing ibinabahagi ng isang pipi, maliban na lamang kung ika’y isang eksperto o may kaalaman sa mga pananalita o kumpas ng kamay ng isang pipi. Mga Iba’t ibang uri ng komunikasyon di-berbal 10. Oculesics – tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe may kahulugan ang panliliit ng mata, panlalaki at kahit pagkindat. 11. Olfactorics – komunikasyong gumagamit ng pangamoy sa pagpaparating ng mensahe. 12. Vocalics – paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi sakop sa komunikasyong ito ang mga tunog na pasalita. Halimbawa ay pag-ehem o kaya ay pag-tsk-tsk. Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod: a. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o kaibigan. b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan. Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod: c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe. d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog. Sitwasyong Pangwika Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Sa komunikasyon, maraming pamamaraan upang ibahagi ang kaalaman, ideya, damdamin at iba pa gamit ang wika. Sa ibaba, makikita ang iba’t ibang sitwasyong pangwika na kasalukuyan nating ginagamit. KOMUNIKASYONG PILIPINO Kailan nga ba maituturing na oo ang Oo at hindi ang Hindi kapag ang Pilipino ang nagsasabi nito? Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino 1.Pahaging – isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis, kumbaga parang isang balang dumaan ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin. 2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o masanggi nang bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na sumagi at nag-iwan lamang ng kaunting galos. Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino 3. Parinig – isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid. 4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng pula, puna, paratang at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan. Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino 5. Paramdam – isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu, sa pamamagitan ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam 6.Papansin – tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon , kadalasang ginagawa kapag pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat na pansin. 7.Paandaran – isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling may pagkakataon. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon Filipino ang karaniwang ginagamit na wika bilang midyum sa telebisyon sa bansa. Sa mga local channel, karaniwang palabas ay gumagamit ng wikang Filipino. Sinasabing ang telebisyon ang pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang nakaaabot nito. (Dayag at Del Rosario, 2016) Ang paggamit ng wikang Filipino Ang mga nangungunang estasyon sa telebisyon gaya ng GMA 7 ABSCBN TV5 Mula sa mga programang It’s Showtime ni Vice Ganda Eat Bulaga D’Barkads Sitwasyong Pangwika sa Social media at Internet Mga Popular na social media account na ginagamit ay: Karaniwang nagaganap ang code switching bilang lengguwahe sa social media. Ang CODE SWITCHING” ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag. Madalas nagaganap ito sa salitang pagpapahayag (Carpio at Castillo, et.al., 2012) Sa internet, bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa Filipino o Tagalog, nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang pangunahing website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig at mapapanood sa internet ay nananatiling Ingles ( Dayag at Del Rosario, 2016) Sitwasyong Pangwika sa Text Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o Short Messaging System (SMS) gamit ang mobile/cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan. Dahil ang teknolohiya ay patuloy na nagbabago at bahagi ito ng kultura, Malaki ang impluwensiya nito sa wika particular sa paraan ng pagsusulat ng tao. Isa ang Pilipinas sa mga bansa na nangunguna sa paggamit ng cellphone o pagpapadala ng mensahe kaya kapansin-pansin din ang dami ng tao na naiimpluwensiyahan ng wika sa text kapag sila ay nakikipagpalitan ng mensahe. Mga halimbawa paraan ng pagsulat K mula sa pinaikling Okay Nand2 o d2 mula sa nandito o dito Ilan pa sa mga halimbawa ay gaya ng mga: LOL – Laughing out Loud BRB – Be Right Back SKL – Share Ko Lang G na G – Go na Go o Game na Game SML – Share Mo Lang SLR – Sorry Late Reply OTW – On the Way OMG – Oh My Gosh o Oh My God SYL – See you Later MOMOL – Make Out Makes Out Lang Ayon kay Labrador (2018) Hanggang sa muli Salama t sa Pakikini g! Panimulang Gawain sa Aralin 3 Ikalawang bahagi Pakinggan ang awit na “Pitong Gatang” ni Fred Panopio. Pagkatapos ay sagutan ang ilang tanong ukol dito. 1. Hinggil saan ang pinakinggang awit? 2. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng “Kasaysayang nalaman” na binanggit ng awit. Mayroon din bang ganito sa inyong lugar? Isalaysay. 3. Batay sa awit, sino-sino ang nasa lugar na tulad ng Umbuyan at Kalye Pitong Gatang? 4. Ano-ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa ganitong lugar? Magbigay 5 ng halimbawa. 5. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na: “Imposible ang manglihim, kung ikaw ay mayroong secret sa Pitong Gatang lahat naririnig At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik magpatay-patayan ka bawat saglit” 6. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o matigil ang tulad ng mga nangyayari sa Kalye Pitong Gatang? Maglahad ng mga paraan at ipaliwanag.