MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Kontekstong Walisado ng Komunikasyon sa Filipino PDF
- Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino PDF
- Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Yunit 2) PDF
- Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
- Kabanata 3 Modyul 1: Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino PDF
Summary
This document discusses communication methods and practices among Filipinos. It covers topics about gossip (tsismisan), and various types of discussions (umpukan, talakayan, etc.) It also touches on the role of social media in modern communication.
Full Transcript
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino? Sa interkultural na komunikasyon sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga dayuhan , hindi kataka-taka kung bakit ang kulturang panloob ay hindi madaling maunawaan ng m...
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino? Sa interkultural na komunikasyon sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga dayuhan , hindi kataka-taka kung bakit ang kulturang panloob ay hindi madaling maunawaan ng mga bagong salta sa Pilipinas kahit pa ang ating kulturang panlabas ay madali nilang masakyan lalo na sa unang tingin. (Maggay, 2002) TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay –Buhay ng mga Kababayan Sa karaniwang diskurso , ang tsismisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakilala o makapagpalagayang loob. Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o maaaring haka-haka , sadyang di-totoo, o inimbentong kuwento. TATLONG URI NG PINAGMULAN NG TSISMIS 1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarining sa itsinitsismis. 2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-puri sa kapuwa. 3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla. TSISMIS Ang salitang chismes ay halaw sa salitang espanyol na chimes. Kapag may usok , malamang may apoy. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON TSISMISAN vs. KATOTOHANAN MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON TSISMISAN vs. KATOTOHANAN Mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative facts’. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON TSISMISAN vs. KATOTOHANAN Kakaunti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON TSISMISAN vs. KATOTOHANAN Ang madalas na paggamit ng social media ay nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON TSISMISAN vs. KATOTOHANAN Ang mga tsismis na n a g l a l a y o n g makasakit ng tao at nakahahamak ng d i g n i d a d a y itinuturing na paninirang-puri. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON TSISMISAN vs. KATOTOHANAN May mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander. Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan : 1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba; 2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba; 3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang kaibigan; 4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba pangpersonal na kondisyon. Artikulo 353 Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang mga paninira ay pinaraan sa pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman kung ang gagamitin na midyum ay pasalita. UMPUKAN: USAPAN , KATUWAAN , AT IBA PA SA MALAPITANG SALAMUHAAN Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo. SALAMYAAN isang silungan kung saan ang mga Marikeño, partikular ang mga matatanda, ay nagsasama-sama upang magkuwentuhan, magkainan at maglibang upuan o pahingahan may mahabang mesa na gawa sa kawayan at makikitid na upuang kahoy na tinatawag na (Petras, 2010) tarima UB-UFON madalas itong ginagawa sa isang itinakdang lugar, ng pagsasama-sama ng mga magkapit-bahay para: magpakilala, magturo ng mga tradisyon sa nakababata, mag-usap hinggil sa mag-imbita sa mga okasyon, iba’t ibang isyu, at magbigayan ng payo, magtulungan sa mga problema magresolba ng mga kagaya ng pinansiyal na alitan, pangangailangan (Protectan, 2012) Talakayan Pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa, o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Dalawang Uri: -Pormal o Impormal -Harapan o mediated MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON URI NG TALAKAYAN IMPORMAL NA TALAKAYAN Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON URI NG TALAKAYAN PORMAL NA TALAKAYAN Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuro-kuro. MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON URI NG PORMAL TALAKAYAN PANEL DISCUSSION MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON URI NG PORMAL TALAKAYAN SIMPOSYUM (SYMPOSIUM) MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON URI NG PORMAL TALAKAYAN PANAYAM (LECTURE FORUM) MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON Bakit kailangan ng tao na makipagtalakayan? Ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali. Layon ng talakayan Pagbusisi sa isyu ng mga tao. Magkaroon ng linaw. Maresolba ang problema Makagawa ng aksyon. Ang pagbabahay-bahay ay di nalalayo sa kaugalian ng pangangapitbahay na matagal ng ginagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mg lugar na rural. Sa mga pamilya na magkakalipit ang bahay, ang pangangapitbahay ay nakapagpapalalim ng pagkakakilala at nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng isang komunidad. Kasama sa mga gumagamit ng pagbabahay-bahay at ilang halimbawa ng kanilang layon ang sumusunod: Mga pulitiko para mangampanya tuwing eleksyon Mga nahalal ng lider o kinatawan Mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno Mga organisadong grupo sa loob at labas ng pamayanan Mga grupong pangrelihiyon Mga pribadong institiusyon Mga mananaliksik Pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan. Isinasagawa kapag may mga programang pinaplano o isasakatuparan, may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipapatupad sa isang komunidad. MGA KALAHOK Kinatawan ng mga pamayanan Mga ulo ng kinatawan ng pamilya Residenteng apektado ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin LAYUNIN NG PULONG BAYAN Pagkonsulta sa mga mamamayan Paghimok sa kanila na sumuporta o sumama Pagpaplano kasama sila Paggawa ng isang desisyon na binalangkas nila Pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu Problema, Gawain o programang panlipunan, atbp. Komunikasyong Di-berbal: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan Ito ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samot-saring bagay maliban sa mga salita. Hitik ang kulturang Pilipino sa komunikasyong di- berbal na maoobserbahan sa mga taong kalahok sa pakikisalamuha mula sa mga bahagi ng katawan ng mga kalahok hanggang sa espasyo sa pagitan ng mga nakakasalamuha. Kahulugan ng galaw nga mga bahagi ng katawan Panlalaki ng mata Pagtaas ng isang kilay Pagkunot ng noo Kahulugan ng galaw nga mga bahagi ng katawan Pagnguso Pagkagat ng labi Pag-umang ng nakakuyom na kamao Kahulugan ng galaw nga mga bahagi ng katawan Pagngisi Pagkibit ng balikat Pagkuyakoy ng mga hita Gayundin, mababanaag ang pahiwatig sa magkakasama at makakasabay na galaw ng mga bahagi ng katawan tulad ng sobrang pagngangalit na karaniwa’y namamalas sa pinagsama-samang pagkunot ng noo, panlilisik ng mata, pagsasalubong ng kilay, panginginig ng katawan, at pagkuyumos ng kamao. Ang iba’t ibang piraso ng kasuotan ay nagbibigay rin ng iba’t-ibang pahiwatig, sa parehong katutubo o modernong pananamit. May ikinakabit na pagpapakahulugang kaugnay ng emosyon sa kulay ng damit. Hal: itim - pagdadalamhati Pula – may kaarawan Tanda ng Matingkad, Masigla at Makulay na Ugnaya’t Kuwentuhan Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay-kulay at sumasalamin, sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino. Sabi nga ni Walter Fisher, ang tao ay isang makuwentong nilalang at anumang anyo ng komunikasyon ng mga tao ay dapat tingnan bilang naratibo o kuwento. (Griffin,2012,p.308). Sa Timog Katagalugan at iba pang mga rehiyon, halimbawa ng mga palasak na ekspresyon ang “Nakupo!” at “susmaryosep!” – dahil sa pagkagulat, pagkabagabag o pag-aalala “Ewan!” at “Ewan sa’yo” – kawalan ng tiyak na sagot, sadyang pag-iwas na makapagbitw ng mga salitang posibleng makasakit “Isa” –pagbabanta para mahinto o masimulan ang isang ginagawa. Ang mga ekspresyong ito ay may kaakibat na paralengguwahe : diin, lakas o tinig ng boses, bilis o hina ng pagkakasabi ng isang kataga o salita “Nakupo” “Inakupo” “Naykupo” at “Naku” – nanggaling sa “Inay ko (po)” – nagpapahiwatig ng paghingi ng tulong o saklolo sa isang ina Malaki ang implikasyon ng ekspresyong ito sa pagpapatunay ng matingkad na papel ng kababaihan sa lipunang Pilipino. “Dyusko” at “Susmaryosep” – may bahid ng Katolisismo na ipinakilala sa mga Pilipino sa panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas “Ano ba yan!” sa Tagalog at “Anya metten” sa Ilocano – maaaring pagkadismaya, pagkainis o pang-uuyam. Ilocano “Alla!” – nagulat, nasorpresa o namangha “Gemas” – nasarapan “Agpanglaing sa met!” - nayabangan Kabikulan “Iyo man sana”- nagpapahayag ng pagtatapos o hangganan ng sinabi “Dios mabalos” – pasasalamat o “Diyos na ang magbabalik sa iyong kabutihang loob” “Garo ka man” – nagpapahiwatig ng pagkadismaya o pagkayamot “Inda ka saimo” - “Ewan ko sayo!” “masimut o lintian” – kapag ang isang Bikolano ay galit Kabisayaan “Ay tsada!” – naobserbahang bagay, lugar o pangyayari ay nakalulugod, ayos sa paningin. Cool sa Ingles “Samok ka!” – magulo ka!, sa mga maliligalig, magugulo o nakakaabala “paghilum” - manahimik/ Tumigil ka! Para sa mga maingay “Gabaan/ magabaan ra ka!” – pagbabanta ng kaparusahan o kapahamakan sa nakasakit, Di-tuwiran din ang pagpapahayag ng ekspresyon ng mga biro at pagpapatotoo kaya mayroon tayong birong totoo, birong may halong ilang hibla ng katotohanan at birong halos walang katotohanan. “joke lang” at “charot” – echos at charing, Mga Gawain Pagbati ng mga Pilipino; - Berbal – pagsasabi ng “Magandang ( umaga, tanghali, hapon, gabi o araw)”. - Di-berbal – gamit ang mga ekspresyon ( pagtango o pagtungo, pagtaas o pagkaway ng isang kamay) na sinasabayan pa ng “Uy” o “Kamusta.” Pag-aapir o nagkakamay. Ang pag-iwas sa nakasalubong naman ay nagpapahiwatig ng tampuhan o pag-aaway. Pag-aalok ng pagkain. Mga Gawain Kwento sa kainan. Sa ating kultura, ang madamot ay hindi kagiliwan. Pagkakaiba ng isa at dalawa o higit pang beses na pag-aalok. - kapag isang beses, walang kasiguraduhan kung gusto talaga ibahagi ang inaalok. - kapag dalawang beses o higit pa, sigurado raw na gusting mamigay ng pagkain. Komunikasyon at Wikang Filipino: Magkatahing Puwersa at Pag- uuganayan, Pagkakaunawaan, at Kaunlaran Ugnayan ng tsismis at umpukan, seryoso at malimang usapan ukol sa isyu, personal at impormal na katangian ng pagbahay-bahay, simbolik na kahulugan sa di-berbal na komunikasyon at ang makulay na ekspresyong lokal na nakaugat sa ating kaakulan at pagkakilanlan. Ang mga gawing pangkomunikasyon ay nakatahi sa ating mga katutubong wika. Bihirang-bihira ang nagsasalita ng purong Ingles sa tsismisan at umpukan. Tandaan na ang unang maniniwala sa inyo, ay ang inyong sarili. - Bb. Claus, Carine F. - LPT