Mga Paraan, Estratehiya at Teknik sa Pagtuturo ng Filipino PDF

Document Details

SaintlyNovaculite1559

Uploaded by SaintlyNovaculite1559

Colegio San Agustin - Bacolod

Tags

Filipino language teaching teaching strategies instructional methods education

Summary

This document discusses methods and techniques for teaching the Filipino language. It covers various theories and approaches to language pedagogy. It analyzes different techniques and strategies for teachers.

Full Transcript

MGA PAMARAAN, ESTRATEHIYA AT TEKNIK SA PAGTUTURO NG FILIPINO PANGKALAHATANG KONSEPTO AT IDEYA NA IBINIGAY NA DEPINISYON NI EDWARD ANTHONY (1963) : DULOG-SET NG MGA PAGPAPALAGAY HINGGIL SA KALIKASAN NG WIKA, PAGTUTURO AT PAGKATUTO PAMARAAN - PANLAHAT NA PAGPAPLANO PARA SA ISANG SISTEMATIKONG...

MGA PAMARAAN, ESTRATEHIYA AT TEKNIK SA PAGTUTURO NG FILIPINO PANGKALAHATANG KONSEPTO AT IDEYA NA IBINIGAY NA DEPINISYON NI EDWARD ANTHONY (1963) : DULOG-SET NG MGA PAGPAPALAGAY HINGGIL SA KALIKASAN NG WIKA, PAGTUTURO AT PAGKATUTO PAMARAAN - PANLAHAT NA PAGPAPLANO PARA SA ISANG SISTEMATIKONG PAGLALAHAD NG WIKA AT BATAY SA ISANG DULOG MGA PAMARAAN, ESTRATEHIYA AT TEKNIK SA PAGTUTURO NG FILIPINO ESTRATEHIYA - MGA HAKBANGING ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO TEKNIK - ALINMAN SA MGA GAGAMITING PAGSASANAY O GAWAIN SA LOOB NG SILID- ARALAN UPANG MAISAKATUPARAN ANG MGA ITINAKDANG LAYUNIN NG ISANG ARALIN ➤ ANGKOP SA BUNGA NG PAGKATUTO ➤ ANGKOP SA SITWASYON ➤ ANGKOP SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL ➤ ANGKOP SA ARALIN/ASIGNATURA ➤ SALIG SA MGA ITINAKDANG PAMANTAYANG PANGNILALAMAN AT PAMANTAYAN SA PAGGANAP NG KAUKULANG CURRICULUM GUIDE ➤ LUMILINANG SA MGA ITINAKDANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN ➤ HUMIHIMOK SA ISANG KOLABORATIBO, INTEGRATIBO, INTERAKTIBO AT KOOPERATIBONG GAWAIN AT PAGKATUTO ➤ LUMILINANG SA KASANAYANG 21ST CENTURY NG MGA MAG-AARAL ➤ NAGPAPAUNLAD SA LIMANG MAKRONG KASANAYAN NG MGA MAG- AARAL ➤ ALINSUNOD SA MGA SIMULAINNG PAGKATUTO AT PILOSOPIYA NG PAGTUTURO TEORYANG BATAY SA GAWI (BEHAVIORIST) NOONG 1968, BINIGYANG-DIIN NG BEHAVIORIST NA SI SKINNER (FINOCCHIARO, 1986) ANG KAHALAGAHAN NG PANGGANYAK, PAGSASANAY AT PAGPAPATIBAY UPANG MALINANG ANG INTELEKTWAL NA KAKAYAHAN SA WIKA NG MAG-AARAL. TEORYANG BATAY SA KALIKASAN NG MAG- AARAL (INNATIVE) NANINIWALA SI CHOMSKY (FINNOCHIARO, 1986) NA LIKAS SA MGA BATA ANG PAGKATUTO NG WIKA. NAGAGANAP ITO SA PAKIKIPAMUHAY NG ISANG BATA SA KANYANG SOSYAL NA KOMUNIDAD. TEORYANG KOGNITIB HABANG GINAGAMIT NG TAO ANG WIKA, NAKAGAGAWA SIYA NG PAGKAKAMALI AT NATUTUTO. SA PROSESO AY NAKABUBUO SIYA NG MGA TUNTUNIN SA GAMIT NG WIKA. TEORYANG MAKATAO (HUMANIST) DITO'Y ISINASAALANG-ALANG ANG PAYAPA AT POSITIBONG SALOOBIN NG MAG-AARAL SA KLASRUM UPANG MAGING LUBOS ANG PAGKATUTO NIYA NG WIKA. C. ANG LIMANG MAKRONG KASANAYAN ➤ PAKIKINIG ➤ PAGBASA ➤ PAGSULAT ➤ PAGSASALITA ➤ PANONOOD 1. PAKIKINIG ANG PAKIKINIG AY ISANG KOMPLEKS NA PROSESO KUNG SAAN GINAGAWA NG ATING ISIPAN NA LAPATAN NG PAGPAPAKAHULUGAN ANG ANUMANG PAGSASALITANG NAPAKINGGAN. ANG PROSESO SA PAKIKINIG AY MAY TATLONG BAHAGI: PAGTANGGAP, PAGLILIMIT O PAGBIBIGAY-TUON AT PAGPAPAKAHULUGAN (WOLVIN AND COAKLEY, 1979). ANG PAKIKINIG AY ANG KAKAYAHANG MATUKOY AT MAUNAWAAN KUNG ANO ANG SINASABI NG ATING KAUSAP (YAGANG, 1993). NAKAPALOOB SA KASANAYANG ITO ANG PAG-UUNAWA SA DIIN AT BIGKAS, BALARILA AT TALASALITAAN AT PAGPAPAKAHULUGAN SA NAIS IPARATING NG TAGAPAGSALITA (HOWATT AT DAKIN. 1974, BINANGGIT KAY YAGING). ANG MAHUSAY NA TAGAPAKINIG AY MAY KAKAYAHANG ISAGAWA ANG APAT NA ITO NANG SABAY- SABAY MGA TEKNIK NA MAGAGAMIT NG GURO SA PAGKATUTO SA PAKIKINIG A. PAGBASA NANG MALAKAS (READING ALOUD) ITO AY MAHALAGA AT MABISANG TEKNIK SA PAGLINANG AT PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN AT PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAGGAMIT NG WIKA. SA GANITONG TEKNIK DIN NAGAGAWANG MAPAUNLAD NG GURO ANG KAHUSAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG- AARAL NANG MAY PAGSASAALANG-ALANG SA WASTONG BIGKAS NG MGA SALITA, LAKAS AT LINAW NG PAGBASA. B. PAGBASA SA KLASE NG MGA AKLAT NA PIKSYON AT DI-PIKSYON SA PAGTUTURO NG PAKIKINIG, GAWIN ITONG ISANG KAWILI-WILI AT KAPANA-PANABIK NA KARANASAN PARA SA MGA MAG-AARAL. MAGING MASINING AT MALIKHAIN SA PAGBABASA NG MGA PILING-PILI AT MAHUHUSAY NA MGA KUWENTONG PAMBATA. MAAARI RIN NA MAGBASA NG MGA AKLAT NA DI-PIKSYON NAMAAARING ANG PAKSA AY HANGO SA IBANG LARANGAN O DISIPLINA. C. PANUBAYBAY NA PAGBASA, SABAYANG PAGBASA AT SABAY NA PAG-AWIT AT IBA PA. MAITUTURING NA EPEKTIBONG GAMITIN ANG TEKNIK NA ITO DAHIL MABISA NITONG NAPAPALAWAK ANG KASANAYAN SA PAKIKINIG NG MGA MAG-AARAL. MAKATUTULONG DIN NANG LUBOS ANG PAGBABASA NG ILANG MGA ARTIKULO MULA SA MGA PAHAYAGAN AT MAGASIN. MAAARING GUMAMIT NG IBA'T IBANG TEKSTONG PASALITA GAYA NG TULA, TALUMPATI, AWIT, BALITA AT IBA PA. D. MGA LARONG PAMPAKIKINIG ANG GANITONG MGA LARONG PAMPAKIKINIG AY NAKATUTULONG UPANG HIGIT NA MAGING TUTOK SA PAKIKINIG ANG MGA MAG-AARALDAHIL NAPUPUKAW ANG KANILANG INTERES AT KAWILIHAN SA GAWAIN. ANG HALIMBAWA NG LARONG PAMPAKIKINIG AY "IBUBULONG KO, IKUKUWENTO MO" 1.2 ANG SUMUSUNOD AY TSART NG ANIM NA ESTRATEHIYANG MAGAGAMITSA KOMPREHENSIV NA PAKIKINIG. (MORROW, 1993). ESTRATEHIYA GAWAING PANG- ELEMENTARYA GAWAING PANSEKONDARYA Paglikha ng Imahe Pagguhit ng mga bagay na ilalarawan ng Paglikha ng simbolong represntasyon o kapareha sa dyad likhang larawan ng pangkalahatang senaryo kaugnay ng isang balitang napakinggan o dulang napanood Pagkakategorya Pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral Pagtatala ng mga mag- aaral ng at pangkatang pagkakategorya ng mga impormasyong maririnig at maririnig na impormasyon pagkakategorya ng mga ito sa grapikong pantulong Pagtatanong Pagtatanong sa mga di narinig o di Pagtatanong sa mga kamag-aaral sa malinaw na impormasyon paraang bagyuhan ng utak (brainstorming) at pagtatala ng mga maririnig na detalye mula sa mga kasagutan Pag-oorganisa Pakikinig sa mensaheng naka-teyp at Pakikinig sa aktwal na demonstrasyon sa pag-aayos ng tekstong napakinggan paraan ng paggawa at pag- oorganisa ng ayon sa ibinigay na palatandaan; mga mahahalagang kaisipan salitang naghuhudyat ng pagkakasunud- sunod, sanhi at bunga at paghahambing Pagkuha ng Tala Pagtatala ng mahahalagang detalye Pagtatala ng mahahalagang detalye sa balitang binasa ng guro o kamag- sa aktwal na panayam aaral Pagbibigay-pansin Pagtatala ng biswal at berbal na Pagpapakahulugan sa itinalang hudyat mula sa tagapagsalita biswal at berbal na hudyat mula sa tagapagsalita Kritikal o mapanuring Pakikinig sa patalastas Pakikinig sa mga tekstong upang: upang suriin ang: Masuri ang mga salitang pakikinig Uri ng material na ginamit Epekto ng napakinggan may laman (pinabuti, nakahihigit ng Pagkiling ng impormasyon 100%, atbp) Makilala ang Layunin ng patalastas mapanlinlang na mga salita Pamamayani ng opinyon (eupemismo, hayperbole at may dalawang kahulugan) Mga gawain sa pakikinig Pagsasadula, masining na Pagsasadula Cghamber Theatre Pagkukuwento, Reader's Theatre, Sabayang Pagbigkas Debate Pagbabalita, Pagguhit sa larawan Paglalapat ng likhang sayaw sa mula sa mga maririnig na isang awiting napakinggan, atbpa. paglalarawan ng katangiang pisikal nito, atbpa. ANG PAGBASA AY PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN AT PAGKILALA NG MGA KAALAMANG NAKALIMBAG BATAY SA NAIS IPARATING NG MANUNULAT. ANG PAGBASA AY ISANG PROSESO DAHIL MULA SA PAGBASA, BINIBIGYAN NATIN ITO NG INTERPRETASYON UPANG MAUNAWAAN ANG MENSAHENG NAIS SABIHIN NG MAY-AKDA, KASAMA RIN DITO ANG DAMDAMIN NA ATING NARARAMDAMAN HABANG INUUNAWA ANG MENSAHE NG AKDA. AYON KAY SILVEY 2003, (MABILIN, ET AL., 2012). ANG MAY-AKDA AY NAGLALAHAD NG KANYANG KAALAMAN AT IKAW, BILANG MAMBABASA AY TUMATANGGAP NG MENSAHENG ITO SA TULONG NG IYONG PAG-UNAWA AT DATING KAALAMAN. AYON NAMAN KAY GOODMAN, ANG PAGBABASA ISANG PSYCHOLINGUISTIC GUESSING GAME NA BUMUBUO NG MGA KAISIPANG PANIBAGO MULA SA BINASA. MAY DIIN SA PAGHUHULA, PAGHAHAKA, PAGHIHINUHA AT PAGGAWA NG PREDEKSYON SA BINASA (BADAYOS: 2000) ANG PAGBABASA AT PAGSULAT KAPWA GINAGAMITAN NG ISIP AT DAMDAMIN. PINATUNAYAN SA TEORYANG ITO NI GOODMAN NA IKAW AY MAY KAKAYAHANG MAG-ISIP, MAGBIGAY NG IMPLIKASYON AT BUMUO NG PANIBAGONG KAALAMAN. BATAY NAMAN KAY COADY, PARA SA LUBUSANG PAG-UNAWA NG ISANG TEKSTO, KAILANGANG ANG DATING KAALAMAN O ISKEMA AY MALUGNAY SA KANYANG KAKAYAHANG BUMUO NG MGA KONSEPTO, KAISIPAN AT KASANAYAN SA PAGPO-PROSESO NG MGA IMPORMASYONG MAKIKITA SA TEKSTO. DAHIL DITO, HIGIT NA MAGIGING MABILIS ANG PAGKAUNAWA SA MGA TEKSTONG BINABASA. AYON KAY MCWHORTER, ANG PAGBASA AY PAGPAPAKILOS SA ATING MGA MATA NA MAY KAAKIBAT NA SAPAT NA PAG-IISIP AT PAG-UNAWA SA MGA SIMBOLONG NAKALIMBAG. DAHIL DITO, ANG PAGBASA AY MAITUTURING NA ISANG AKTIBONG PAMAMARAAN SA PAGTUKOY AT PAGKILALA NG MGAMAHAHALAGANG IMPORMASYON, PAGHAHAMBING SA DATING KAALAMAN O ISKEMA AT PAGBIBIGAY DIN NG REAKSYON, OPINION AT PANANAW HINGGIL SA BINASANG TEKSTO. SA MADALING SABI, WALANG PAGBASA KUNG WALANG PAG- UNAWA. SA ATING PAGBABASA, GINAGAMITAN NATIN NG MASUSING PAG-IISIP ANG ANOMANG BAGAY NA NAKALIMBAG BAGO NATIN ITO BINIBIGYAN NG KAHULUGAN UPANG PATUNAYAN NA ANG ATING BINABASA AY ATING NAUUNAWAAN. SA PROSESO NG PAGTUTOK SA SIMBOLO O TEKSTO MAY NAGAGANAP NANG BAHAGYANG PAGTIGIL UPANG KILALANIN AT UNAWAIN ANG NILALAMAN NG BINABASA. ANG PAGTIGIL NA ITO SA PAGBASA AY TINATAWAG SA INGLES NA "FIXATION" ANG MADALAS NA DAHILAN KUNG BAKIT NANGYAYARI ITO AY DAHIL SA DI PAMILYAR NA MGA SALITA AT KUNG MINSAN AY DAHIL SA GINAGAMITAN ITO NG MATATALINHAGA AT IDYOMATIKONG PAGPAPAHAYAG. KUNG GAYON, ANG PAGBASA AY NANGANGAILANGAN NG MAHUSAY NA PAGKILALA, PAGKUHA AT PAG-UNAWA SA MGA IDEYA NG MANUNULAT. ANG PAGBASA AY PANGANGAILANGANG DAPAT UGALIING GAWIN NG BAWAT TAO UPANG HINDI MAPAG-IWANANAN NG TAKBO NG PANAHON, LALO'T HIGIT SA KASALUKUYAN DAHIL MABILIS MAGBIHIS ANG PANAHON SANHI O DULOT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA. MAHALAGANG BIGYAN ITO NG PANSIN HINDI LAMANG BILANG PAMPALIPAS-ORAS NA MAAARING SOLUSYON SA PAGKABAGOT NGUNIT MAARING SUSI RIN ITO SA PAGTATAMO NG KARUNUNGAN NA MAAARING MAPAKINABANGAN SA HINAHARAP NG BAWAT ISA. ANG PAGBABASA RIN ANG TULAY SA MAAYOS NA KINABUKASAN AT MABISANG SANGKAP SA PAGPAPAUNLAD NG SARILI UPANG DUMATING MAN ANG HAMON NG HINAHARAP AY NAKAHANDA KA UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ITO. ANG PAGBABASA RIN AY MAARING MAGSILBING BEHIKULO NG PAGLUTAS SA MGA PROBLEMANG NANGANGAILANGAN NG TIYAK NA KATUGUNAN. HIGIT SA LAHAT ITO RIN ANG MAKATUTULONG SA PAGHUBOG NG ATING SARILI AT PAGKATAO. WIKA NGA SA INGLES, "READING MAKETH A MAN", MULA SA AKLAT NI TERESITA GALANG, ET.AL (2007). IBIG SABIHIN NA SA PAGBABASA AY NAGPAPAUNLAD SA PERSONALIDAD NG TAO. DITO NABUBUO ANG PAGKATAO NG BAWAT ISA. ANG PROSESO AY TUMUTUKOY SA PAMAMARAAN KUNG PAANO ANG PAGBABASA AY DAPAT GAWIN. AYON KAY WILLIAM S. GRAY, MAY APAT NA HAKBANGIN SA PAGBABASA: 1. PERSEPSYON NAKIKILALA NG MAMBABASA ANG MGA SALITANG NAKALIMBAG AT NABIBIGKAS ATO NAUUNAWAAN NIYA ITO DAHIL MAY PAMILYARIDAD ANG MGA ITO SA KANYA. 2. KOMPREHENSYON MALAKI ANG KAIBAHAN NG NABABASA LANG ANG MGA SALITANG NAKALIMBAG KAYSA SA TUNAY NA NAUUNAWAAN ANG KANYANG BINABASA. MAHALAGA ANG PAG-UNAWA DAHIL ITO ANG MAGIGING DAAN SA PAGKATUTO AT PAGLAGO NG KAISIPAN. 3. APLIKASYON ITO'Y PAGLALAPAT AT PAGPAPAHALAGA SA KAISIPAN MULA SA BINABASA NA AKMANG GAMITIN SA MGA TUNAY NA SITWASYON AT KAGANAPAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY NG ISANG TAO. 4. INTEGRASYON/ ASIMILASYON PAG-UUGNAY ITO NG BAGONG KAALAMAN AT IDEYANG NATUTUNAN SA DATI NANG KAALAMAN AT KARANASAN NG ISANG TAO. ANG DATING KARANASAN NG ISANG TAO AY NAPAKAHALAGA SA PAG-UUGNAY SA BAGONG IMPORMASYONG NATUTUNAN MULA SA BINABASA. DAHIL DITO, NABIBIGYAN NIYA NG HALAGA ANG DATI NANG KAALAMAN AT ANG BAGONG IDEYA O KONSEPTONG NATUTUHAN. ITO RIN ANG SANHI NG LALONG PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN NG ISANG TAO NA NAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON TUNGO SA PAGKAKAROON NIYA NG TIWALA SA SARILI. 1. TAHIMIK NA PAGBASA 2. PASALITANG PAGBASA 3. MASUSING PAGBASA / KRITIKAL NA PAGBASA 4. MASAKLAW NA PAGBASA 5. PAGBASANG MAY PAGPAPAHALAGA 1. BOTTOM-UP (BABA-PATAAS) BATAY ITO SA TEORYANG BEHAVIORIST NA NAGBIBIGAY DIIN SA PAGLINANG NG PAG- UNAWA O KOMPREHENSYON SA PAGBASA. ITO RIN AY PAG-UNAWA NA NAGMUMULA SA TEKSTO PATUNGO SA NAGBABASA. ANG TEKSTO ANG (BOTTOM) AT ANG MAMBABASA ANG (UP) KAYA TINATAWAG ITONG BOTTOM-UP. AYON KAY SMITH SA AKLAT NINA GALANG ET AL (2007), ANG TEORYANG ITO AY TINATAWAG DING OUTSIDE-IN O DATA-DRIVEN DAHIL ANG PAG-UNAWA SA BINABASA AY NAGMUMULA SA TEKSTO HINDI SA MAMBABASA. 2. TOP-DOWN (TAAS-PABABA) DITO ANG MAMBABASA AY NAKABUBUO NG IDEYA HANGO SA BINASANG AKDA. KAYA MAARING TAWAGIN NA ANG PAGBASA AY HOLISTIC DAHIL MALIBAN SA PAG-UNAWA, NAGAGAMIT DIN ANG DAMDAMIN UPANG MARAMDAMAN ANG DAMDAMING NAGINGIBABAW SA BINABASA AT ITO'Y NANATILI SA PUSO'T ISIPAN NG MAMBABASA. MASASABI RIN NATING ANG NAGBABASA AY AKTIBO DAHIL HINDI LAMANG PAG- UNAWA ANG KANYANG LAYUNIN SA PAGBABASA, SA HALIP, ISINASAALANG-ALANG DIN ANG MAAARING PAGGAMITAN NG MGA NATUTUNANG ITO SA HINAHARAP. TINATAWAG DIN ITONG CONCEPTUALLY DRIVEN O INSIDE-OUT DAHIL ANG DATING KAALAMAN NG MAMBABASA AY MAHALAGANG MAY PAPEL SA PAGGAMIT NITO UPANG MADALING MAUNAWAAN ANG BINABASA. ITO RIN ANG DAHILAN NG PAGBUBUO NG HINUHA O PALAGAY NA KANYANG MAIUUGNAY SA INILALAHAD NA DIWA NG TEKSTONG BINABASA. 3. INTERAKTIV ITO'Y PAGSASAMA NG BOTOM-UP AT TOP-DOWN. BUNGA ITO NG PAGBIBIGAY DIIN SA PAG- UNAWA SA PAGBASA BILANG ISANG PROSESO AT HINDI BILANG PRODUKTO. SA TEORYANG ITO NAGAGANAP ANG INTERAKSYON NG MAMBABASA SA MANUNULAT. DITO BINIBIGYAN DIIN ANG PAG-UUGNAY NG SARILING KARANASAN, KURU-KURO AT ANG ISKEMA O DATING KARANASAN. 4. ISKEMA ANG ISKEMA AY KUNG ANG SARILING KARANASAN NA PINATITINGKAD SA PARAANG PAGLILINANG, PAGPAPAUNLAD O PAGPAPALAWAK NG IDEYA UPANG MAGING BIHASA AT MATIBAY TUNGO SA PAGHARAP SA PAGSUBOK NG PANAHON. DAHIL DITO, MASASABING ANG BAGONG IMPORMASYON O ANG PAGKATUTO NG ISANG TAO AY NAPAPALITAN KAPAG ANG BAGONG IMPORMASYON AY NAIUUGNAY SA UMIIRAL NA ISKEMA.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser