Mga Teorya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wikang Filipino PDF

Summary

This presentation outlines various theories related to teaching and learning the Filipino language, including linguistic and sociolinguistic perspectives. It discusses different approaches to classroom instruction, focusing on communication and interaction.

Full Transcript

# MGA TEORYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA SA FILIPINO ## MAKRON PAGSIPAT SA PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO * **Lingguwistika** - ang pagsipat kung nakatuon sa mga tuntuning pangwika gaya ng gramatika, retorika, estruktura ng isang wika. * Ito ang mga oryentasyong nakatuon sa kakayahang pa...

# MGA TEORYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA SA FILIPINO ## MAKRON PAGSIPAT SA PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO * **Lingguwistika** - ang pagsipat kung nakatuon sa mga tuntuning pangwika gaya ng gramatika, retorika, estruktura ng isang wika. * Ito ang mga oryentasyong nakatuon sa kakayahang panggaramatika ng isang bata. * Ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika. * Wastong gamit ng salita, tamang paglalagay ng bantas, paralelismo, tamang anyo ng mga pagbabagong aspekto ng pandiwa, morpoponomiko, pagpaparami, kasarian, ayos ng pagsunod-sunod ng salita sa isang pahayag, pangungusap, at * **Sosyolingguwistika** - makabagong phenomenon, kalakaran, isyu, o kairalang pangwika. Hindi ito nakakiling sa mga tuntuning pangwika. Bumabalikwas ito sapagkat gamit sa aktuwal at praktikal na buhay sa araw-pambalarila. Laging masyadong mas tinitignan ang araw lagpas at labas sa mga tuntuning isinasaalang-alang nito ang gamit ng wika sa mas malawak na lipunan. May pagsipat din ito sa kung ano talaga ang ginagamit ng nakakarami sa halip sa makitid na pagsunod sa mga tuntuning wala naming gumagamit o iilan lamang ang sumusunod sa patakarang ito. Mas deskriptibo ang oryentasyon wikang Filipino. ## Paano ba maaaaring ituro ang wikang Filipino sa mga silid-aralan? ## DALAWANG PANGUNAHING ATAKE SA PAGTUTURO NG FILIPINO * **Preskriptibong Pagtuturo** * Ito ang pagtuturong may sinusunod na tamang tuntunin. At ang hindi pagsunod sa mga tuntuning pangwika ay ituturing na mali. Sinasabi sa estilong ito na dapat may tumpak na baybay sa isang salita, may tamang bantas na gagamitin sa isang pangungusap, may balarila bilang pamantayan ng kawastuhan. * Nagpapasunod ang atakeng ito sa pagtuturo ng wikang Filipino. * "Ortograpiyang Pambansa" at ang "Manwal sa Masinop na Pagsulat" mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. * **Deskriptibong Pagtuturo** * Sa pagtuturo sa ganitong estilo, hinahayaan ang batang gumamit ng wikang mas ginagamit niya sa aktuwal at parktikal na pakikipagtalastasan sa ibang tao. Maaring sabihing ito ang tama o istandard na tuntunin sa usaping pangwika subalit bukas ito sa baryasyon o kung bakit may iba at kakaiba ## MGA PAGDULOG SA KLASE NA MAGAGAMIT SA FILIPINO * **Inter-aktibo** * Buhay na buhay * Kitang-kita, at * damang-dama * May nagaganap na ditong usapan, tanunga n, at ugnayan ng lahat ng * Walang maiiwan sa laylayan * Lahat ng estudyante ay dapat na kasali * Malayang nagkakaroon ng inter-aksiyon ang guro at mag-aaral at mag-aaral sa kapwa mag-aaral * Tandaang isa sa katangian ng mahusay na pagtuturo ay kung nasasangkot sa mahalagang Gawain ang mga mag-aaral. * **Kolaboratibo** * Pangkatang-gawain * Pagtutulungan sa klase * Kooperasyon upang maisakatupar an ang anumang task * Hindi nakakapanaig sa dulog na ito ang indibidwalistiko * Dapat lahat may ginagawa * Tandaang isa sa katangian ng mahusay na pagtuturo sa Filipino ay kung mas marami ang Gawain ng mga mag-aaral kaysa sa guro. Mas nililinang ang pakikipag-ugnayan sa iba kaya may dalawahan, trayad, at paggugrupo-grupo. Mas nakikillaa ng batang mag-aaral ang kanyang sarili sa * **Tematiko** * Hindi dapat tiwalag sa ibang larang ang asignaturang Filipino * Kailangang maipakita ang konsepto ng multidisiplinaryo at interdisiplinaryo * Nag-uugnay ng mga konsepto sa Filipino sa ibang disiplina lalo na sa totoong nangyayari sa buhay at lipunang Filipino * Mahalaga sa dulog na ito ang pagsasalikop, ang ugnayan, ang koneksiyon ng paksa sa mga nangyayari sa paligid at mismong buhay ng mga mag-aaral. * **Komunikatibo** * **Kakayahang Lingguwistika** * Ito ay kakayahan at kaalamang pangkomunikasyon na naipapakita sa kasanayan sa gramatikal at kaalamang * Kakayahang umunawa, at makabuo ng estruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika * Ito rin ang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin sa wika at hindi sa kahusayan sa pagsasabi sa tuntunin nito. * Ito ang unang hakbang sa mabisang pakikipagkomunikasyon * **Kakayahang Diskorsal** * Kakayahan itong pangkomunikasyon na naipapakita sa kasanayan at pagpapahayag ng idea sa loob ng isang kontekstong pasulat, pasalita, biswal, at birtuwal * Kailangang mahasa at masanay ang mga mag-aaral na magsalita at magsulat na may wastong balarila at kaya itong gawin nang tuloy-tuloy. * Hindi dapat mananatiling blangko o malinis ang papel matapos ang 30 minutong ibinigay para palawakin ang isang paksa sa paraang pasulat. * **Kakayahang Estratehiko** * Ito ang kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa kaalaman sa angkop, wasto, at mabisang estratehiya upang magpatuloy ang komunikayson sa kabila ng problema o aberya * Dapat magpatuloy ang komunikayson sa kabila ng mga sagabal at magagawa ito nh isang mag-aaral na may kakayahang estratehiko. ## MGA SANDIGANG TEORYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO * **Beheybyorismo** * Gurong mahilig sa gantimpala * Laging isinaalang-alang ang kapaligiran sa pagkatuto * Kung may parusa ka sa bawat pagkakamali, sakto ka sa bangang ito. * Mahalaga sa teoryang ito ang pagkontrol sa kilos ng mga mag-aaral * Mahilig akong magbigay ng papuri sa klase gaya ng: Magaling! Kahanga-hanga! Tama ang sagot mo! * Mahilig akong magbigay ng drill o mga Gawain para mabilis na maintindihan ng mga estudyante ang aralin. * Pinipili ko ang mga salitang may kaugnayan sa kanilang antas ng pag-iisip. * Mahilig ako magbigay ng gantimpala gaya ng candies, sertipiko, bituin, at iba pa. * Agaran kong itinatama ang pagkakamali ng isang bata * Dapat nga bang parusahan ang mga nagkakasala sa pagkatuto at pagtuturo ng wika? * Ano ang tatlong maaring gantimpala sa mabisang pagkatuto at pagtuturo ng wika? * Tama bang ginagawang laro ang mga bata sa pagkatuto at pagtuturo ng wika sa gamit ang teoryang ito? * Paano matitiyak na tama o likas ang papuri s amga nagagawa ng mga mag-aaral? * **Inatismo** * Ito ang nagsasabing likas na matuto ang isang bata kahit hindi lantaran at aktuwal na turuan. * Sinasabing ang utak ng ng tao ay tila may Language Acquisition Device (LAD) ayon kay Noam Chomsky para matuto ng wika * May paniniwalang hindi dapat sapilitang ituro ang wika sa bata. * Hindi kailangang sapilitang ituro turuan ang bata ng wika sapagkat ang mismong pangangailangan at konteksto ang maglulundo sa kaniyang matuto ng bagong wika. * Hinahayaan kong makabuo ng sariling pangungusap ang mga bata batay sa talasalitaang kanilang nalalaman. * Sa gawaing pangwika, hindi ko sinasabi ang tamang sagot. * Nailalantad ko ang mga mag-aaral kung paano aktwal na ginagamit ang wika. * Hinahayaan ko ang mga mag-aaral na magkaroon ng Gawain tungkol sa paggamit ng wika sa komunidad. * May Kalayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng sarili * May likas nga bang talino ang lahat ng tao? Paano ang common sense? Naituturo ba ang common sense? * Kailan nakakasagabal ang iskema (dating alam) sa pagkatuto at pagtuturo ng wika? * Ano pang ibang teorya sa pinagmulan ng wika ang kaugnay sa inatismo? * Paano ito nauugnay o hindi sa dalumat ng "tabula rasa?" * Paano ang naaksidente at na-comatose? Ang may sakit * **Kognitibismo** * May paniniwalang 24 oras ay nag-iisip ang batang mag-aaral * May kakayahan ang isip ng bata upang iproseso ang mga datos o impormasyong itinuturo ng isang guro * Nananalig sa teoryang ito sa apat na hakbang ng pag-iisip ng isang tao ayon sa sikologong si Jean Peaget. * Nakasanding sa teoryang ito sa pananaw na may tamang panahon din para matuto ang isang mag-aaral batay sa development ng kaniyang utak. * May tamang panahon upang matutuhan ang isang bagay o konsepto bago ang iba pa. * Ang matuto ang mag-aaral sa kanilang pagkakamali ay bahagi ng aking pagtuturo. * Madalas akong gumamit ng matataas na level na tanong upang mag-isip nang mag-isip ang mag-aaral. * Madalas akong magbigay ng tanong o tuntunin at hinahayaang mag-aaral ang tumuklas ng tamang sagot. * Ibinibigay ko ang sagot sa isang tanong at hinahayaan kong mag-aaral ang tumuklas kung paano ito nakuha. * Ilarawan ang apat na hakbang sa teoryang ito (nasa aklat ni Badayos na "Metodolohiya".) * Paano ito naugnay sa Minds That Matter School? Ano ang kulang kapag laging nakasalig sa teoryang ito? * Dapat ba o hindi ang paniniwala sa teoryang ito na "Hindi masama ang magkamali?" Bakit? * Paano nauugnay sa teoryang ito ang "brainstorming?" * **Humanismo** * Nagtatampok ng silid-aralang kaaya-aya at may respeto sa bawat isa. * Ito ang pagtuturong may pagpapahalaga lagi sa damdamin ng mga mag-aaral * Madalas na ang gurong nagsasabuhay ng teoryang ito ay madaling lapitan, kausapin, at hingan ng payo ng mga mag-aaral. * Pinagtutuonan dito ang pagiging komportable ng mga * Isinaalang-alang ko lagi ang kaayusan ng silid-aralan. * Binibigyang-diin ko ang mararamdaman ng aking mga mag-aaral sa loob ng klase. * Mahalaga sa akin ang pagpapahalaga sa sarili ng aking mga mag-aaral. * Palagay na palagay sa akin ang aking mga mag-aaral. * Naniniwala akong magiging matagumpay ang aking pagtuturo kung may positibong saloobin ang aking mag-aaral sa ano mang paksang tatalakayin * Bakit madalas naabuso ang guro sa ilalim ng pagsasapraktika ng teoryang ito? At paano maiiwasan ang mga pang-aabusong ito? * Angkop ba nag kapaligiran ng kasalukuyang konteksto ng inyong pagkaklase?Pangatwiranan ang sagot. * Bakit mahalaga ang ang positibong saloobin sa isang pagkaklase? * Paano nalalamang nadadala ang pansariling problema ng isang guro sa kaniyang kalse? * Paano magaganap ang isang kalaseng walang pananakot? Maginhawa ang pakiramdam? ## POKUS SA PAGTUTURO SA ASIGNATURANG FILIPINO * Teacher-centered * Student - centered * Learning-centered * Content - centered * Task-based ## MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO * Balarilang transpormasyonal (Noam Chomsky) * Monitor Model (Krashen) * Whole Language Education * Brain-Based Learning (Caine at Caine, 1991)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser