KOMPAN REVIEWER Q1 PDF

Summary

This document is a Tagalog language review sheet, covering different definitions and aspects of language, including functions of language, and attributes of language. It may include definitions of certain linguistic terms or concepts and relevant information or examples.

Full Transcript

WIKA - Ito ang ***behikulong*** ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa. Ang salitang Latin na ***[lingua]*** ay nangangahulugang ["dila" at "wika"] o ["lengguwahe".] Ito ang pinagmulan ng salitang [Pranses] na *[langue]* na nangangahulugang [dila at wika.] Kalauna'y na...

WIKA - Ito ang ***behikulong*** ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa. Ang salitang Latin na ***[lingua]*** ay nangangahulugang ["dila" at "wika"] o ["lengguwahe".] Ito ang pinagmulan ng salitang [Pranses] na *[langue]* na nangangahulugang [dila at wika.] Kalauna'y naging *[language]* na siya ring gamit katumbas ng salitang [lengguwahe] sa [wikang Ingles]. **Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (203:1), ang WIKA** - Ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. - Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. - Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao; at maging sa pakikipag-usap sa sarili. **2. HENRY GLEASON\ **(Isang lingguwista at propesor emeritus sa University of Toronto) - ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng tao sa komunikasyon na kabilang sa partikular na kultura. **3. Cambridge Dictionary** - Ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain. **4. Charles Darwin** - Naniniwalang ang wika ay isang sining ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. - Hindi raw ito likas sapagkat ang isang wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. **5. Hudson** - Ang barayti ng wika ayon sa kanya ay isang set ng mga linggwistik aytem na may pagkakatulad na pamamahagi o distribusyon. **6. Edward Sapir** - ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. **7. Lachica (1993)** - matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay. **8. Caroll (1964)** - ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan. **9. Todd (1987)** - Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. - Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito'y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. **10. Bram** - ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito'y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao. **11. Archibald Hill** - ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao. - Malinaw na tinukoy sa pagpapakahulugan na ang wika ay pantao. **12. Brown (1980)** - ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo,pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao. **Katangian ng Wika** 1. May masistemang balangkas. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog. 3. Ito ay arbitraryo. 4. Nakabatay ito sa kultura. 5. Ang wika ay dinamiko - namamatay, nabubuhay. 6. Ito ay midyum sa komunikasyon. 7. Ito ay makapangyarihan. 8. May pulitika ang wika. 9. Walang wikang Superyor. **ANG WIKANG PAMBANSA** Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: **"Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."** probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg.2. **"Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kilalaning Filipino."** 7 Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K Halliday 7 Tungkulin ng Wika 1\. Instrumental - Tungkulin ng wika kung saan ginagamit sa wikang pamamaraan ng pakikipaginteraskyon sa pamamagitan ng pagkikipag-ugnayan sa iba Instrumental Halimbawa: Patalastas Liham 2\. Interaksyonal - Ginagamit sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa tao. Interaksyonal Halimbawa: Pakikipagbiruan Pormularyong Panlipunan 3\. Regulatoryo - Tungkulin ng wika na ginagamit sa paraan ng pagkokontrol sa isang asal ng mga tao. Regulatoryo Halimbawa: Mga Babala Pagbibigay ng Direksyon 4\. Personal - Tungkulin ng wika kung saan ginagamit ito sa paraang pagbibigay ng sariling saloobin kung saan ginagamit rin ito sa mga pangungusap na kuro-kuro sa isang paksang pinaguusapan. Personal Halimbawa: Talaarawan Pagbibigay ng Opinion 5\. Heuristiko - Tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap ng mga makabuluhang impormasyon. Heuristiko Halimbawa: Balita Ulat o Artikulo 6\. Impormatibo - Tungkulin ng wika na ginagamit upang isaad ang nakalap na impormasyon na ginagamitan ng pagsusulat kagaya ng thesis at iba pa. Impormatibo Halimbawa: Talaan ng nilalaman Panayam \"Seminar\" 7\. Imahinatibo - Tungkulin ng wika kung saan ginagamit ito sa pagamit ng mga may simbolong wika at nagbibigay hayag din ng imahinasyon sa pagiging malikhaing pamamaraan. Imahinatibo Halimbawa: Nobela Tula **Unang Wika** - ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. - Tinatawag din itong ***katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1.*** **Pangalawang Wika** - Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng ***exposure*** o pagkakalantad sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. **Ikatlong Wika** - Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. - Ang wikang ito ang kanyang magiging ***ikatlong wika o L3.*** **Monolingguwalismo** - ang tawag sa pagpapatupad ng **paggamit ng iisang wika sa isang bansa** tulad ng mga bansang **England, Pransya, South Korea at Hapon.** - Iisang wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. - May iisang wika ring umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay. - Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na ***multilingguwal*** kaya't mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging ***monolingguwal.*** **Bilingguwalismo** **1. Leonard Bloomfield (1935) (isang Amerikanong lingguwista)** - ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika. - Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring mai-kategorya sa tawag na ***" perpektong billinguwal"*** ay kinontra ng pagpapakahulugan ni **John Macnamara(1967) -- isang lingguwista** **Multilingguwalismo** - Ang Pilipinas ay isang bansang **multilingguwal.** - mahigit **150 wika at wikain sa Pilipinas kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal.** **Heterogenous at Homogenous\ na WIka** - Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. - Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz, et al.2003) - Heterogenous ang wika dahil sa mga ibinigay na salik at ang iba't ibang salik na ito'y nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't ibang **barayti ng wika**. **Barayti ng Wika** - **Diyalek - Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.** - Idyolek - Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Sa barayti ng wika na ito lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Marc logan, pabebegurl - Sosyolek - Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Gay linggo, conyo, jejemon - **jargon** o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. - **Etnolek - Barayti ng wika na mula sa mga etnolongguwistikong grupo.** **Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.** - **Register -Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.** - **Pidgin at Creole - Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na 'nobody's native language' o katutubong wikang di pag-aari ninuman.** ***creole*, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser