Wika 1: Paksa 1 - PDF
Document Details
Uploaded by CarefreeWalrus
Unibersidad ng Pilipinas Los Baños
Tags
Summary
These lecture notes cover the basics of Philippine language and fundamental concepts, particularly in Tagalog. Various perspectives and viewpoints on language are provided alongside key terminology and examples from Tagalog.
Full Transcript
PAKSA 1 Wika at mga Batayang Konsepto LAYUNIN NG TALAKAYAN: Inaasahang sa pagtatapos ng talakayan, kaya kong: a. mapalalim pa ng kaalaman hinggil sa batayang konsepto sa wika; at b. makasuri ng iba’t ibang sitwasyong pangwikang nagpapakita ng isang tiyak tampok na konsepto. c. makapagpapalalim...
PAKSA 1 Wika at mga Batayang Konsepto LAYUNIN NG TALAKAYAN: Inaasahang sa pagtatapos ng talakayan, kaya kong: a. mapalalim pa ng kaalaman hinggil sa batayang konsepto sa wika; at b. makasuri ng iba’t ibang sitwasyong pangwikang nagpapakita ng isang tiyak tampok na konsepto. c. makapagpapalalim ng kaalaman hinggil sa batayang konsepto sa wika. Noong asingkronikong sesyon… 1. Mga konseptong pangwika 2. Mga katangiang pangwika 3. Ang Filipino at ang konsepto ng linggwa frangka 4. Ang Filipino bilang wikang pambansa Ano nga ba ang WIKA? MGA KAHULUGAN NG ‘WIKA’ AYON SA MGA ISKOLAR ESTRUKTURAL “Ang wika ay sistem ng mga arbitraryong vokal-simbol. Ito ay may kaugnay na kahulugan at ang kabuoang pag- uugnayang ito ng simbol at kahulugan ang tinatawag na linggwistik-sayn (linguistic sign)” (Paz, Hernandez, at Peneyra, 2010) “Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.” (Sturtevant, sinipi sa Ramos, 2003) Paz, C. J., Hernandez, V. V., at Peneyra, I. U. (2010). Ang pag-aaral ng wika. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press. Ramos, J. F. (2003). Ilang impormasyon tungkol sa wika. Sa L. F. Antonio at L. Tiamson-Rubin (mga Pat.), Sikolohiya ng Wikang Filipino (mga pah. 3-14). Lungsod ng Quezon: C&E Publishing Inc. MGA KAHULUGAN NG ‘WIKA’ AYON SA MGA ISKOLAR KULTURAL “Wika ang nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng kultura.” (Salazar, 2016) “Wika ang sisidlan ng ating pambansang kaluluwa.” (David, 2015) David, R. (2015). Ang wika bilang instrumento ng pambansang pagpapalaya. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Espesyal na Isyu, 1, 98-101. Salazar, Z. A. (2016). Ukol sa wika at kulturang Pilipino. Sa P. C. Constantino at M. M. Atienza (mga Pat), Mga piling diskurso sa wika at lipunan (mga pah. 19- 46). Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press. MGA KAHULUGAN NG ‘WIKA’ AYON SA MGA ISKOLAR INTERAKSYONAL/ “Ginagamit ng tao ang wika sa kaniyang pag-iisip, sa kaniyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa sarili… behikulo ang wika ating SOSYAL ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.” (Paz, Hernandez, at Peneyra, 2010) “Ang wika ay isang behikulo at instrumentong ginagamit ng mga tao at institusyon sa lipunan – sa halos lahat ng ugnayan at talastasan ng mga ito.” (Constantino at Atienza, 2016) “Bilang isang panlipunang penomenon, pumapaloob ang wika bilang sangkap sa agham panlipunan at materyal sa pag-unawa at pag-aaral at kontradiksyon at tunggalian ng uri.” (Campoamor, 2015) Campoamor, G. A. (2015). Mga tala hinggil sa papel ng tunggalian sa pilosopiya ng wika at araling wika. Lagda: Journal ng U.P. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, 10(1), 39-72. Constantino, P. C. at Atienza, M. M. (2016). Mga piling diskurso sa wika at lipunan. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press. Paz, C. J., Hernandez, V. V., at Peneyra, I. U. (2010). Ang pag-aaral ng wika. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press. VARAYTI AT BARYASYON NG WIKA Binabanggit ni Rousseau (1950, sinipi sa Constantino, 2012) na naging panukat sa progreso (ekonomik) ng mga tao ang pagkakaiba-iba sa kultura at wika. Dikotomiya sa Pagtingin, Pananaw, at Atityud Superyor Imperyor1 Sibilisado Di-Sibilisado Barbaro Edukado Matatas Bulgar2 Estandardisado Di-estandardisado 1Calvert (1987) sa Williams (1992) 2de Brosse (1801) at Garvin nasa William (1992) Constantino, P. (2012). Varayti at Baryasyon ng Wika: Historya, Teorya, at Praktika. Sa Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. Unibersidad ng Pilipinas- Diliman: SWF. “IMAGES YOU CAN HEAR…” IDYOLEK (Idiolect) Ito ay barayti ng wikang taglay ng isang partikular na tao. Sa madaling sabi, speech identity ito ng sinuman. Tumutukoy ito sa personal na kakayahan ng taong makapagsalita (Liwanag, 2007). Bagaman itinuturing bilang permanenteng barayti, nagiging permanente ang idyolek kung may sapat nang gulang ang isang tao. Maituturing bang bahagi ng idyolek ang linguistic fillers (mmmh, ummm, so, atbp.)? Ipaliwanag. “It’s your girl, Mimiyuuuh!” “Drink your water, b*” Liwanag, L. (2007). Ang Pag-aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik. The Normal Lights 1(1): 229-245. DAYALEK (Dialect) Isinasaalang-alang sa pagbabago ng wika ang lokasyon (Hal. Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Makati, at iba pang barayti ng mula sa Tagalog-speaking communities). Kung may pagbabago o inobasyon, halimbawa, sa isang tunog, karaniwang apektado ang buong speech community ng wika. Pero kung may bahagi ng pamayanang ‘di nagbago ng pagbigkas ng nasabing tunog, masasabing nagkaka-split sa wika at nagkakaroon ng dayalek. Hindi biglaan ang pagbabago at maaaring ‘di rin kompleto kaagad ang split. Magkakaroon muna ng kompetisyon ang mga varyant ng fityur/form na nagbabago sa isang lugar. Ibig sabihin, parehong ginagamit ang varyant bago tuluyang di na ginagamit ang isa sa mga nagkukompetisyong form. Liwanag, L. (2007). Ang Pag-aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik. The Normal Lights 1(1): 229-245. Paz, C., Hernandez, V., at Peneyra, I. (2010). Ang Pag-aaral ng Wika. Lungsod ng Quezon: University of Philippines Diliman Press. DAYALEK (Dialect) Aysoglos (Isogloss) ang tawag sa ginuguhit na teoretikal na linya sa isang mapa na nagpapakita ng hanggahan ng pagbabago, inobasyon, o varyant. Kapag nagkukumpulan ang mga aysoglos sa isang lugar, masasabing hangganan ito na nagbubukod ng isang dayalek sa isa pang dayalek. Ang isang eryang naibukod ng mga aysoglos ay mga bayan ng Teresa, Morong, Cardona, at Baras. Ito ang tinatawag na Distrito Militar de Morong ng mga Kastila noong panahon ng pananakop (Huerta, 1865). Ang mga aspektong sosyal, historikal, at heyograpikal ang mga rason ng pagkakaroon ng mga komunidad ng loyalti sa wika (linguistic loyalty). Ibig sabihin, mas epektibo para sa pangangailangan nila ang kanilang dayalek. Paz, C., Hernandez, V., at Peneyra, I. (2010). Ang Pag-aaral ng Wika. Lungsod ng Quezon: University of Philippines Diliman Press. HALIMBAWA: Panuto. Basahin nang tahimik ang dalawang teksto, at tukuyin ang mga salitang di-pamilyar mula rito. Teksto A. Teksto B. Maysa nga aldaw adda maysa nga lalaki Itong si Pedring eh nakatira sa bundok. ‘Di gay-on, nga agburburas ti peras. Umuli ti kayo, ket may kaibigan siyang Taga-maynila. Umakyat ngay-on ibaba na dagidiay naburas na nga peras ken sa bundok ang sabi eh, “Pareng Pedring, ikaw ga’y di ikabil na diay basket. nagsasawa dine sa bundok at ikaw eh totoong mananatili dine. Aba’y ayaw mong pumasyal sa bayan?” Sabi ga ni Pedring eh, “Ay pare, wala naman akong pupuntahan ‘run, eh. Ay bakit ga ako’y isasama mo sa bayan?” Añoso, S., Notarte-Balanquit, L. Manzano, D., Marin, J. (2020). Wika 1: Wika, Kultura, at Lipunan. Dibisyon ng Wika, Departamento ng Humanidades, Kolehiyo ng mga Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños. MUTUAL INTELLIGIBILITY Ang mutual intelligibility ay mutwal na pagkakaintindihan ng mga mananalita ng isang wika bagaman magkakaiba ng varyant, o magkakaibang wika ngunit magkakakogneyt. Sitwasyong pangwikang nagaganap kung nagkakaintindihan ang dalawa o higit pang user ng mga wika (o ng mga magkakaugnay na wika). Nangangahulugang mahalagang salik nito ang eksposyur ng tao sa wika. Ito ay isang continuum, at tinatakdaan ng digri ng intelligibility. Nangyayari ang MI sa wika kung may pagkakatulad sa pagbigkas, bokabolaryo, at gramar nito. Nordquist, R. (2019, October 13). Mutual Intelligibility. ThoughtCo. Naaakses sa https://www.thoughtco.com/what-is-mutual-intelligibility-1691333. BAKIT ITO MAHALAGANG MABATID? Ilang importanteng salik ang ideolohiya, identidad at kapangyarihan. Minsan, ginagamit ang linguistic features ng ilang mananalita para malaman at makita ang kanilang kinabibilangang pangkat. Ang paggamit ng wika at dayalek ay hindi neutral na gawain. Ito ay nag-eenkowd ng identidad ng isang mananalita, nagpapakita ng kinabibilangang grupo ng mananalita at ang relatibong posisyon ng grupong ito sa kabuoang hirarkiya ng social groups sa isang lugar. Añoso, S., Notarte-Balanquit, L. Manzano, D., Marin, J. (2020). Wika 1: Wika, Kultura, at Lipunan. Dibisyon ng Wika, Departamento ng Humanidades, Kolehiyo ng mga Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños. Nordquist, R. (2019, October 13). Mutual Intelligibility. ThoughtCo. Naaakses sa https://www.thoughtco.com/what-is-mutual-intelligibility-1691333. Case analysis. Tingnan ang kasong ito. SOSYOLEK (Sociolect) Ang sosyolek ay varayti ng pagsasalitang nailalapit sa partikular na antas sa lipunan o okupasyonal na pangkat sa isang pamayanan. Kilala rin ito bilang social dialect, group idiolect, at class dialect (Nordquist, 2019). Nakatuon ito sa sociolinguistic thought ng mananalita (Holmes, 2001; Hudson, 1996; Romaine, 2000; Trudgill, 2003 sa Lewandowski, 2010). Argot naman ang tawag sa sikretong wikang inilalapit sa mga tiyak na panlipunang pangkat na naghahangad na maitago sa mga di-kasapi ang kanilang paraan ng pakikipagkomunikasyon (O’Grady at Dobrovolsky, 1997). Lewandowski, M. (2010). Sociolects and Registers – A Contrastive Analysis of Two Kinds of Linguistic Variation. Investigationes Linguiticae 20: 60-79. Nordquist, R. (2019). Social Dialect or Sociolect Definition and Example. ThoughtCo. Naakses sa https://www.thoughtco.com/social-dialect-sociolect-1692109. O’Grady, W. at Dobrovolsky, M. (1997). Contemporary linguistics. Bedfort, St. Martin’s. Sosyolek: Jejemon Umusbong at naging popular ang jejemon (portmanteau o pagsasama ng ‘jeje’ na tumutumbas sa tawa at ‘Pokemon’) matapos ang panahon ng text-typing (o pagpapaikli ng mga salita sa pakikipag-text dahil sa limitadong text characters na maaaring gamitin). Sa pag-aaral nina Ilao at Fajardo (2020), binanggit nila ang mga kapansin-pansing katangian ng jejemon: (a) nagpapalitang kapitalisasyon, (b) labis- labis na paggamit ng mga titik na H, X, at Z, (c) at haluan ng mga numero at titik. Ilao, A. at Fajardo, A. (2020). Sentipubliko: Sentiment analysis of repost jejemon messages using hybrid approach algorithm. IOP Conference Series: Materials Science and Engineering, 938, 1-13. Sosyolek: Jejemon Kategorisasyon ng Jejemon Pagpasok ng mga di-kailangang numero at titik phfu3 o p0w Kakaibang ortograpiya batay sa tunog ng salita eHyUoeW fPuoEh Di-kombensyonal na gamit ng mga bantas psenxa na ha!! Paggamit ng mga numero bilang panghalili sa mga titik bzt4h Nagpapalitang gamit ng maliliit at malalaking titik WE wnT 2 BE~ at P0wh. Paggamit ng leksis na onomatopoeic (batay sa tunog)/ wikang nagsasaad ng erosion tnx pfowh jejeje Pagpapahaba ng mga patinig at katinig TAMAAA! Panghalili sa pagbabaybay M@q Ilao, A. at Fajardo, A. (2020). Sentipubliko: Sentiment analysis of repost jejemon messages using hybrid approach algorithm. IOP Conference Series: Materials Science and Engineering, 938, 1-13. Sosyolek: Gay Lingo Tinatawag ang gay lingo bilang gayspeak, queerspeak, lavender language, beki language at bekimon sa ibang reperensiya. Ang bekimon ay mula sa “beki” na nangangahulugang “bakla” at “-mon” na hango sa “jejemon” na kilalang sosyolek na nagpapakita ng kakaibang paraan ng panulat o wikang ginagamit sa internet o pagte-text ng mga Pilipino (Hernandez, 2010). Hernandez, J. (2010). Pasok sa banga: Ang mga sosyolek bilang batis ng mga salita sa Filipino. Sa R. Añonuevo at R. Baquiran (mga Pat.) Sawikan 2010: Mga Salita ng Taon. University of the Press Philippines. Sosyolek: Gay Lingo Paraan sa Pagbuo ng mga Salitang Bekimon Ang “ano” ay naisasalin bilang “anek” at “anekwabum.” Walang nagiging Paglalapi o paggamit ng mga kahulugan ang mga hulaping “-ek” at “-ekwabum” ngunit ginagamit sa salita. panlapi na walang grammatical Gayundin ang sinusunod na tuntunin para sa “ano ito?” na napapalitan ng function “anitch itich” o “anetchiwa.” Ang “asawa” ay nagiging ”jowa,” “kyowa,” at “nyowa, ang “nakakaloka” ay Pagpapalit ng tunog ng mga salita. nagiging “nakakalerki.” Paggamit ng akronim. Ang GL ay “ganda lang” at ang OPM ay “Oh! Promise Me.” Pag-uulit ng salita o bahagi ng “Wit” o “wititit” para sa hindi, “chika” patungong “chika-chika.” salita. Pagkakaltas o pagpapaikli ng salita Sunog-baga patungong “suba” at ang malay ko at pakialam ko ay “ma at pa.” o parirala. Hernandez, J. (2010). Pasok sa banga: Ang mga sosyolek bilang batis ng mga salita sa Filipino. Sa R. Añonuevo at R. Baquiran (mga Pat.) Sawikan 2010: Mga Salita ng Taon. University of the Press Philippines. Sosyolek: Gay Lingo Paraan sa Pagbuo ng mga Salitang Bekimon Katunog o pagkapareho ng tunog. Noselift para sa “pagkaalam (knows),” gaya ng “noselift ko ang sagot.” Paggamit ng pangalan ng mga Carmi Martin (karma), Rita Avila (irita), Luz Valdez (loser), Wynona Rider sikat na tao o lugar. (winner), Jinet Jackson (mainit), Jumujulanis Morisette (umuulan). Panghihiram mula sa banyaga o Fly (aalis), flysung, warla o warlalu (war, away), daks (daku, malaki), watashi lokal na wika. (ako), otoko (lalaki) Pagbabago sa kahulugan ng mga Award – negatibong kahulugan kapag nagkamali o pagagalitan; Elbow, salitang hiram. Xjapan – Hindi natanggap o tinanggal. Hernandez, J. (2010). Pasok sa banga: Ang mga sosyolek bilang batis ng mga salita sa Filipino. Sa R. Añonuevo at R. Baquiran (mga Pat.) Sawikan 2010: Mga Salita ng Taon. University of the Press Philippines. Sosyolek: G-Words Ang G-Words ay isang paglalaro sa wikang nabuo sa kalye na nagpapasok ng “g” o pantig na may “g” sa bawat pantig ng orihinal na salita. 1. Naganogoogod kagamigi saga siginegehagan. (Nanood kami sa sinehan.) 2. Agaagaligis naga kagamigi bugukagas. (Aalis na kami bukas.) 3. Nagakagapigilaga naga kagamigi saga bigiligihagan. (Nakapila na kami sa bilihan.) 4. Bugumigiligi naga agakogo pagaraga saga agatiging ligimaga. (Bumili na ako para sa ating lima.) 5. Magagagandaga nagamagan agang pagalagabagas pegerogo bigitigin. (Maganda naman ang palabas pero bitin). Sosyolek: Tadbaliks Kategorya ng Tadbaliks (Maringal, David, Zamora, 2021) Pagdaragdag ng ponemang /s/ alaws (wala), amats (tama), olats (talo) Salitang binubuo ng dalawang pantig na lak-a (alak), lat-a (alat) ginagamitan ng gitling Salitang binubuo ng dalawang pantig na gatsu (sugat), lagbu (bulag), noypi (pinoy) binaligtad Salitang binubuo ng dalawang pantig na deins (hindi), lonta (pantalon), singlot may pagbabagong morpoponemiko (lasing) matsala (salamat), petmalu (malupet), Salitang binubuo ng tatlong pantig dabarkads (barkada) Maringal, M., David, A., at Zamora, N. (2021). Glosaryo batay sa ponema at morpemang anyo sa salitang tadbaliks sa facebook. The Normal Lights, 15(1), 24-50. Sosyolek: Conyo Tinukoy ni Reyes (2017) ang conyo bilang kontemporanyong iterasyon ng isang nagta-Tagalog na Pilipinong elit – na madalas ay mayaman at konsumerista. Itinuturing ang conyo bilang katukoy-tukoy na anyo ng Taglish (Tagalog at English) na ideolohikal na naiuugnay bilang kapansin-pansing tipo ng mga may-kaya at mayamang mestizo at mestizang kabataan sa Maynila (Reyes, 2015). Hindi na rin nakapagtataka ang puna ni Borlongan (sinipi sa Militar at Sierras, 2015) na mga primaryang salik ang pagtatagpo ng uring panlipunan at wika kaya umusbong ito bilang sosyolek. Reyes, A. (2017). Inventing post-colonial elites: Race, language, mix, and excess. Linguistic Anthropology 27 (2), 210-231. _________ (2015). Conyo: Ideologies of mixed race/ language in the Philippines. Lektura. Linguistic Society of the Philippines. Sosyolek: Conyo Ilan sa mga halimbawang linya ang: “Girl, let’s make tusok-tusok the fishballs over there in the kantoh (kanto) where Manong is standing.” “Like, this is nakakainis. The jeeps are so matagal. I’m so inip na.” “Dude ENGANAL (Engineering Analysis) is so hirap, pare.” Makikita sa halimbawa ang pagkakaroon ng: a. natatanging pagpili ng mga salita mula sa Ingles at Tagalog (o iba pang maaaring isangkot na wika) upang makabuo ng code mixed na pangungusap; b. debelopment ng mga bagong salita (o pagbabagong-bihis sa mga dating salita); at c. mga dati pang umiiral na kahulugan sa mga salitang ginagamit na nailalapat na lamang sa kontekstong conyo. Reyes, A. (2017). Inventing post-colonial elites: Race, language, mix, and excess. Linguistic Anthropology 27 (2), 210-231. _________ (2015). Conyo: Ideologies of mixed race/ language in the Philippines. Lektura. Linguistic Society of the Philippines. EKOLEK (Ecolect) Isang varayti mula sa isang tiyak na tiyak. Ito ay nagmula sa idyolek ng mga kasapi ng tahanan at kalauna’y natutuhan na rin ng lahat ng nakatira. Makikita rito ang mga prominente at kakaibang mga salita at pariralang di- gaanong ginagamit sa mas malalawak na komunidad-wika. MGA PANSAMANTALANG VARAYTI (REHISTRO, ESTILO, AT MODA) Mga Pansamantalang Varayti Rehistro Estilo (Tenor) Moda Ito ay varayting kaugnay ng Ito ay varayti na kaugnay ng Ito ang midyum ng panlipunang papel na relasyon ng nagsasalita sa komunikasyon (pasulat o ginagampanan ng mananalita kausap (formal, kolokyal, pasalita). sa oras ng pagpapahayag intimate, personal) (siyentipikong rehistro, panrelihiyong rehistro, akademikong rehistro) sitwasiyonal relasiyonal modal batay sa sitwasyon batay sa mga kasangkot batay sa paraan sa pagpapahayag Liwanag, L. (2007). Ang Pag-aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik. The Normal Lights 1(1): 229-245. PIDGIN at CREOLE Pidgin Creole pinasimpleng wika bunga ng matagal na naisistemang pidgin (may mga sinusunod pakikipag-ugnayan ng mga nang estruktura at iba pang tuntuning mananalitang walang komon na wika. pangwika) isang importanteng katangian ng pidgin ginagamit ng mga sumunod na ay walang sinuman sa grupo ng mga henerasyon sa mga unang gumamit ng mananalita na nakikipag-ugnayan sa pidgin isa’t isa ang natuto o may kayang magsalita ng wika ng kabilang grupo Chavacano (Kastila + Visayan language) Mga negosyanteng Chinese sa Pinas LINGGWA FRANGKA (Lingua Franca) Ang lingua franca (binibigkas bilang LING-wa FRAN-ka) ay isang wika o haluan ng mga wikang ginagamit bilang midyum ng pakikipagkomunikasyon ng mga taong ang mga natibong wika ay (posibleng) magkakaiba. Mula sa “language of the Francs,” Francs – terminong ginagamit sa mga Kanluraning Europeo na tumutuligsa sa mga Griyego. Kilala rin ito bilang trade language, contact language, international language, at global language. Bunga ang LF ng hindi pagkakaintindihan at pangangailangang makipagkomunikasyon sa isa’t isa ng mga mangangalakal at kruseyder. Nagbunga ang kanilang pagsusumikap na makalikha ng wikang komon at nauunawaan ng lahat. Nordquist, R. (2020). Definition and Examples of Lingua Franca. ThoughtCo. Naakses sa https://www.thoughtco.com/what-is-a-lingua-franca-1691237. FILIPINO BILANG LINGGWA FRANGKA Tindig ni Paz (2005) na Filipino ang pambansang linggwa frangka. Pinatitibay rin nito ang estado ng Filipino bilang wikang pambansa. Pinababatid pa niyang wikang komon sa lahat ng mga mananalitang Pilipino ang dapat gamitin bilang wikang pambansa. Nagpakita rin si Paz (2005) ng ebidensiyang linggwistik at ebidensiyang sosyolohikal-sikolohikal para sa pagturing sa Filipino bilang LF. Pinalutang dito ang Unibersal na Nukleyos (UN) - ang mga elementong pare-pareho sa lahat ng mga katutubong wika sa bansa. Paz, Consuelo. “Ang Filipino bilang Linggwa Frangka.” Nasa Wikang Filipino: Atin Ito, pinatnugutan ni Consuelo Paz, mp. 17-26. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. EBIDENSIYANG LINGGWISTIK Nasuri sa UN ng mga tunog ng mga katutubong wika ang mga sumusunod: Pagkakaroon ng lahat ng i, a, u, p, t, h, ?, l, b, d, g, s, m, n, ng, w, at y; Magkakaibang pagbigkas ng p sa lahat ng wika; May f at v na Ingles, Kastila, at iba pang wika sa Pilipinas; May karagdagang tunog na e, r, j, at z na mula sa maraming wika sa Pilipinas; Ang c at q ay mga simbolo sa ortograpiyang kumatakatawan sa higit sa isang tunog sa bawat isa, lalo na sa mga pangalan. Paz, Consuelo. “Ang Filipino bilang Linggwa Frangka.” Nasa Wikang Filipino: Atin Ito, pinatnugutan ni Consuelo Paz, mp. 17-26. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. EBIDENSIYANG LINGGWISTIK Prominente sa wikang Filipino ang estruktura ng silabol na Konsonant- Konsonant-Vawel (KKV-) at Konsonant-Vawel-Konsonant-Konsonant (KKVK-) dahil sa mga salitang galing sa mga banyagang wika. Klin-ex, klip, tren, nars, beys, eks-port, at taym. Paz, Consuelo. “Ang Filipino bilang Linggwa Frangka.” Nasa Wikang Filipino: Atin Ito, pinatnugutan ni Consuelo Paz, mp. 17-26. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. EBIDENSIYANG LINGGWISTIK Sa lebel ng mga salita, maraming Salita Mga Wika pareho o halos magkakaparehong Bibig Tagalog, Iloko, Ibanag, Buhi, Itawis, Aklanon at salita – sa tunog at sa kahulugan – Tausug na tinatawag na mga kogneyt. Bibil Pangasinan Bivih Itbayan Bibil Isinai Beh Yakan Bebey Iba Zambal Gbibig Subanon Paz, Consuelo. “Ang Filipino bilang Linggwa Frangka.” Nasa Wikang Filipino: Atin Ito, pinatnugutan ni Consuelo Paz, mp. 17-26. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. Iba pang Cognate Sets Wika Langit Araw Buwan Bituin Hangin Tagalog lá·ngit Araw Buwan Bituin Hangin Cebuano lá·ngit ád·law bú·lan Bituon há·ngin Ilokano lá·ngit Adlaw Bulan bi·tu·én Angin Hiligaynon lá·ngit ád·law bú·lan Bituon há·ngin Waray lá·ngit Adlaw Bulan Bituon há·ngin Kapampangan ban·wá al·dó Bulan bát·win á·ngin Itbayat Ganit Araw Vugan Ituin Sarawsaw Ivatan Hanit Araw Vohan Vitohin Salawsaw Pagtatala ni Yap (1997) sa Ambrosio (2010) sa hindi pa nailalathalang tesis nina Daza, Esma, Ingel, at Suan EBIDENSIYANG LINGGWISTIK Bukas ang Filipino sa pag-aambag ng mga gumagamit at bumabagay ito sa pangangailangan nila. Titser, guro, maestro/a; Iskul, paaralan, iskwelahan; Gobyerno, pamahalaan; Witness, testigo, saksi*; Mananakay, pasahero, commuter (komyuter)*; Apatnapu’t walong taong gulang, forty-eight years old, kuwarenta’y otso anyos* *Javier, J. (2020). Sosyolinggwistikong Pagsusuri sa Lexical Choice ng Kontemporanyong Gamit ng Wikang Filipino. Sa W. De la Peña, The Legacy of Consuelo J. Paz: A Festschrift, mp. 90-108. UP Center for International Studies. Paz, Consuelo. “Ang Filipino bilang Linggwa Frangka.” Nasa Wikang Filipino: Atin Ito, pinatnugutan ni Consuelo Paz, mp. 17-26. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. EBIDENSIYANG SOSYOLOHIKAL AT SIKOLOHIKAL Pinagtibay ni Paz (2005) na laganap na ang Filipino sa bansa. Isinaad ni Constantino (1985 sinipi sa Paz, 2005) na ang wikang Filipino’y ‘di lamang de facto, kundi, de jure pa. De facto dahil linggwa frangka at ginagamit sa buong bansa. De jure dahil dineklara sa Konstitusyon. Kung igigiit na pinalawak o nagtatagong Tagalog ang Filipino, hindi nakapagtatakang tutulan ito ng ilan bilang wikang pambansa/ pambansang linggwa frangka. Ang Filipino ay nakabase sa salita ng mga gumagamit ang pagpapasya sa porma/ anyo ng wika at hindi nakukuha sa pagpilit ng istandard ng iilan. Paz, Consuelo. “Ang Filipino bilang Linggwa Frangka.” Nasa Wikang Filipino: Atin Ito, pinatnugutan ni Consuelo Paz, mp. 17-26. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2005. PAKSA 1 Wika at mga Batayang Konsepto