Karapatan at Tungkulin PDF

Summary

This document discusses rights and responsibilities in the Filipino context. It includes sections on fundamental rights, moral responsibility, citizen's duties and examples.

Full Transcript

QUARTER 2 – LESSON 1 KARAPATAN AT TUNGKULIN “WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY.” - SPIDERMAN - PAUNANG GAWAIN GAWIN ITO SA IYONG KWADERNO. ISULAT SA MGA DAHON ANG MGA ITINUTURING MONG KARAPATAN BILANG TAO. KARAPATAN Ang karapatan ay ang kapangyarihang mora...

QUARTER 2 – LESSON 1 KARAPATAN AT TUNGKULIN “WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY.” - SPIDERMAN - PAUNANG GAWAIN GAWIN ITO SA IYONG KWADERNO. ISULAT SA MGA DAHON ANG MGA ITINUTURING MONG KARAPATAN BILANG TAO. KARAPATAN Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral – hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa, na pakikinabangan rin lamang ng mga tao. May obligasyong akuin at tuparin ang kanyang mga tungkulin na nakaakibat sa mga karapatan. Nakabatay ang mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan sa Likas na Batas Moral. LIKAS NA BATAS MORAL Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan ng isang tao. TUNGKULIN Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo. TUNGKULIN BILANG OBLIGASYONG MORAL Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. “Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin. Moral na Gawain ito dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan. Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.” (DY, 2013) “Kailangan mong hubugin ang sarili mo tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan mo ang mga tungkulin ng paglinang ng pagkakatao.” (MAX SCHELER) MGA URI NG KARAPATAN AT MGA KAAKIBAT NA TUNGKULIN NITO KARAPATAN KAHULUGAN HALIMBAWA TUNGKULIN Pangalagaan and kalusugan Karapatang at sarili sa mga Pinakamataas na ipanganak panganib ng antas ng karapatan katawan at dahil kung wala ito, Mabigyan ng KARAPATAN kaluluwa hindi pagkain ang SA BUHAY mapapakinabangan lahat sa Paunlarin ang ang iba pang panahon ng talent at karapatan kalamidad o kakayahan giyera (katawan, isip at moral) “Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay – ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon.” PAPA JUAN XXIII KARAPATAN KAHULUGAN HALIMBAWA TUNGKULIN Kailangan ng tao ang ari-arian upang mabuhay Pangalagaan at nang maayos at palaguin ang makapagtrabaho ari-arian at KARAPATAN nang produktibo at gamitin ito SA Pagkakaroon ng nakikibahagi sa upang PRIBADONG negosyo lipunan makatulong sa ARI-ARIAN Magiging pang- kapwa at aabuso ito kung paunlarin ang may naaapi at pamayanan naaagrabyado ang mga manggagawa KARAPATAN KAHULUGAN HALIMBAWA TUNGKULIN Suportahan ang May karapatan ang pamilya at taong bumuo ng Pag-aasawa Karapatang gabayan ang pamilya sa kahit na may Magpakasal mga anak pamamagitan ng kapansanan upang maging kasal mabuting tao KARAPATAN KAHULUGAN HALIMBAWA TUNGKULIN Ito ay ang karapatang lumipat Kilalanin ang o tumira sa ibang limitasyon ng Karapatang lugar na may sariling Paglikas kung pumunta sa oportunidad tulad Kalayaan at may gyera ibang lugar ng trabaho o pribadong komportableng espasyo ng buhay o ligtas sa kapwa anumang panganib KARAPATAN KAHULUGAN HALIMBAWA TUNGKULIN May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na Karapatang makatutulong sa Igalang ang sumamba o kaniya upang Katoliko ang relihiyon o ipahayag mapaunlad ang magulang mo, paraan ng ang kanyang pagkatao Born Again ka pagsamba ng pananampa at pakikipag- iba lataya ugnayan sa Diyos at kapwa. KARAPATAN KAHULUGAN HALIMBAWA TUNGKULIN May obligasyon ang Magpunyagi sa lipunan o trabaho o pamahalaan na hanapbuhay at magbigay ng Karapatang magpakita ng trabaho o magtrabho Overseas kahusayan at disenteng o Filipino katapatan sa hanapbuhay sa mga maghanapb Workers (OFW) anumang mamamayan upang uhay gawain. mapakinabangan Maaaring mag- nila nag karapatang alsa kung may mabuhay inhustisya. ILANG KARAPATANG PANG-INDIBIDWAL ANG KINILALA SA ENCYCLICAL NA “KAPAYAPAAN SA KATOTOHANAN” PACEM NI TERRIS 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib 2.Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda) 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon ILANG KARAPATANG PANG-INDIBIDWAL ANG KINILALA SA ENCYCLICAL NA “KAPAYAPAAN SA KATOTOHANAN” PACEM NI TERRIS 3. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya 4. Karapatan sa pagpili ng propesyon 5.Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon) ILANG KARAPATANG PANG-INDIBIDWAL ANG KINILALA SA ENCYCLICAL NA “KAPAYAPAAN SA KATOTOHANAN” PACEM NI TERRIS 7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto 8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito PANGKALAHATANG PAGPAPAHAYAG NG MGA TUNGKULIN NG TAO (UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES) (1997) Ito ay binuo ng United Nations noong 1997 dahil naniniwala sila na ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may Kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pag bibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan ang lalaki at babae ay mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. May 19 na artikulo (articles) ito. Narito ang unang apat na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan (Fundamental Principles for Humanity) Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, laki, estado sa lipunan, opinyon sa mga isyung political, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao. Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng kapwa. Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay. Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan, at relihiyon nang may pagkakaisa. Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito at ang kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang mga tungkulin. GAWAIN 1 Gawin ito sa 𝟏 crosswise na 𝟐 papel. Ipapasa ngayon. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser