Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Kabanata 3, Modyul 2) PDF
Document Details
Uploaded by StainlessVector
NEUST
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga paraan ng komunikasyon sa mga Pilipino. Tinatalakay dito ang mga uri ng diskurso, elementong naratibo, at argumentasyon.
Full Transcript
KABANATA 3 Modyul 2 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO Mga Paksa: H. Mga Batayang Uri ng Diskurso I. Mga Elemento ng Naratib J. Argumentasyon, Kahingian ng Epektibong Argumentasyon at Uri ng Maling Pangangatwiran H. Mga Batayang Uri ng Diskurso 1. DESKRIPTIB/PAGLA...
KABANATA 3 Modyul 2 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO Mga Paksa: H. Mga Batayang Uri ng Diskurso I. Mga Elemento ng Naratib J. Argumentasyon, Kahingian ng Epektibong Argumentasyon at Uri ng Maling Pangangatwiran H. Mga Batayang Uri ng Diskurso 1. DESKRIPTIB/PAGLALARAWAN Ito ay pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, o damdamin upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan. Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa upang maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat. 2. NARATIB/PAGSASALAYSAY Pangunahing layunin ng pagpapahayag na ito ay maikuwento ang isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari na maaaring hinango sa mga karanasan, sa mga narinig, sa mga nabasa, sa mga nakita, at iba pa. 3. EKSPOSITORI/PAGLALAHAD Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman upang magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao. Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon. Nagpapaliwanag: Halimbawa teksbuk, dokumentaryo, balita sa telebisyon. 4. ARGUMENTATIB/ PANGANGATWIRAN Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. I. Mga Elemento ng Naratib 2. Tagpuan at 1.Tauhan Panahon 3. Banghay 4. Paksa o Tema Mga Elemento ng Naratib 1. Tauhan a. Pangunahing Tauhan – ang bida sa kuwento. Sa kanya umiikot ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa katapusan ng kuwento. b. Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. c. Katunggaling Tauhan – ang kontrabida na siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Dalawang Uri ng Tauhan Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng: Tauhang Bilog (Round Character) Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tauhang Lapad (Flat Character) Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento. 2. Tagpuan at Panahon Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran 3. Banghay Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo. KASUKDULAN SAGLIT NA KASIGLAHAN KAKALASAN PANIMULA WAKAS Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula- gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na Anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo: c. Ellipsis May mga puwang o a. Analepsis b. Prolepis (Flash patlang sa (Flashback) Forward) pagkakasunod-sunod Dito ipinapasok ang Dito nama’y ipinapasok ng mga pangyayari na mga pangyayaring ang mga pangyayaring nagpapakitang may naganap sa magaganap pa lang sa bahagi sa nakalipas. hinaharap. pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama. 4. Paksa o Tema Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang magagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa. J. Argumentasyon, Kahingian ng Epektibong Argumentasyon at Uri ng Maling Pangangatwiran ARGUMENTASYON Isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang mahikayat ang mambabasa o tagapakinig. Kahingian ng Epektibong Argumentasyon Ayon kina Bernales et al. (2009), ang mga sumusunod ay ilan sa mga bagay na dapat isaalang-alang upang makalikha ng mabisang argumentasyon: 1. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap ng datos ukol dito. 2. Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa upang matiyak ang angkop na argumentong gagamitin. Proposisyon - Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang proposisyon ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Mga halimbawa: Ang pagpapatupad ng death penalty ay makakatulong para mabawasan ang kriminalidad sa bansa. Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon at kahirapan 3. Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng argumentasyon kaugnay ng napiling proposisyon. 4. Pagkalap ng impormasyon upang mapagtibay ang argumento. 5. Pag-iwas sa maling pangangatwiran. Itinala nina Bernales et al. (2006), ang uri ng maling pangangatwiran. Sa ating marubdob na pagnanais na maisulong ang ating paniniwala, may mga pagkakataong tayo ay nahuhulog sa maling pangangatwiran. Ang pagkilala sa mga maling pangangatwiran ay makatutulong sa pag-iwas na mauwi sa ganitong argumentasyon. URI NG MALING PANGANGATWIRAN A. Argumentum ad hominem - isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan. Halimbawa – Ano kaya ang mangyayari kapag ibinoto ninyo ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay? Balita ko’y under de saya pa yata. B. Argumentum ad baculum - puwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu. Halimbawa – Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap mo! C. Argumentum ad Misericordiam - upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan. Halimbawa – Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang mga damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom? D. Ignoratio elenchi - gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya. Ito ay kilala sa Ingles na "circular reasoning" o paliguy- ligoy. Halimbawa – Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon. E. Maling Paglalahat - dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan. Halimbawa – Ang artistang iyan ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista! F. Maling Paghahambing - karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon. Halimbawa – (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa! G. Maling saligan - nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan. Ipinagpatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran. Halimbawa- Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan. H. Maling Awtoridad - naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot. Halimbawa – Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx. I. Dilemma- naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo. Halimbawa - Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong. MARAMING SALAMAT!