Kabanata 3 Modyul 1: Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document details the different communication practices in the Philippines, including gossip (tsismisan), gatherings (umpukan), discussions (talakayan), house calls (pagbabahay-bahay), townhall meetings (pulong-bayan), non-verbal communication, and local expressions.
Full Transcript
KABANATA 3 Modyul 1 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO Mga larawan mula sa Google MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA PAKSA: A. Tsismisan B. Umpukan C. Talakayan D. Pagbabahay-bahay...
KABANATA 3 Modyul 1 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO Mga larawan mula sa Google MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA PAKSA: A. Tsismisan B. Umpukan C. Talakayan D. Pagbabahay-bahay E. Pulong-bayan F. Komunikasyong Di -Berbal G. Mga Ekspresyong Lokal A. TSISMISAN Ang tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. Uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob. Maaaring manggaling din minsan sa hindi kakilala lalo Ito ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na katotohahan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka- haka, sadyang di totoo o naimbentong kuwento lamang. Ang tsismisan ay isa sa mga gawaing pangkomunikasyon na bahagi ng kulturang Pilipino. Sa katunayan, ang gawaing ito ay makikita sa bawat barangay sa ating bansa. Tila isa itong gawaing hindi maiwas-iwasan ng mga Pilipinong tinatawag na tsismis na nagmula sa salitang Espanyol na chismes na tumutukoy sa isang kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. Ang mga taong kalahok sa ganitong gawaing pangkomunikasyon ay itinuturing na kapalagayang-loob na ang isa’t isa sapagkat ang tsismisan ay relasyonal. B.UMPUKAN Ang Umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga magkakakilala para magkausap ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o nagaganap lamang sa bugso ng pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay kusang lumalapit para makiumpok, mga sadyang nagkakalapit-lapit o mga niyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumalapit siya ay masasabihang isang usisero. Ang paksa sa usapan sa umpukan ay hindi planado o Sa lipunang Pilipino, ang madalas na magkakaumpukan ay magkakamag-anakan, magkakaibigan at magkakapitbahay na palagay na ang loob sa isa’t isa. Samakatwid, ang ganitong anyo ng gawing pangkomunikasyon ay maituturing na relasyonal. Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang kultura ng salamyaan sa Lungsod ng Marikina. Sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ay kanyang binalikan ang kasaysayan ng salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag niya ang bisa nito bilang talastasang bayan. (2010), ang salamyaan ay isang silungan kung saan ang mga Marikenyo, partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukuwentuhan, nagsasalusalo, at namamahinga. Ang salamyaan ay walang dingding at tangi ang mahahabang mesa na nagsisilbing papag- pahingahan at tarima o maliit na upuang kahoy ang mayroon na itinuturing ng mga taga-Marikina bilang sapat at angkop na slideserve.com C. TALAKAYAN Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nagkakaroon nang tukoy na paksa. Ito ay maaaring pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o gumagamit ng anumang midya. Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan o buong bansa. Ang pormal na talakayan ay PORMAL NA TALAKAYAN karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radyo kung saan pinipili ang mga kalahok. Sa pormal na talakayan, karaniwang may itinatalagang tagapagdaloy (facilitator) na titiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon at asal ng mga Ilan sa mga halimbawa ng pormal na talakayan ang: panel discussion lecture forum (panayam) simposyum IMPORMAL NA Ang impormal na talakayan ay TALAKAYAN madalas nangyayari sa umpukan at minsan sa tsismisan o di sinasadyang pagkikita kaya may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili. Sa impormal naman, ang kalahok mismo ang kusang nagmamaneho ng diskusyon. D. PAGBABAHAY- BAHAY pagdalaw o pagpunta ng isang tao o isang grupo sa isang bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya, komunsulta sa mga miyembro ng pamilya, hinggil sa isyu o programa, mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan o maghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya. Gumagamit ng pagtatanong-tanong nito ay ang pagsasagawa ng pag- aaral na may kinalaman sa pag-alam ng bilang ng populasyon at kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino na kadalasang isinasagawa ng Philippine Statistics Authority at pagtatanong-tanong pt-br.facebook.com E. PULONG BAYAN Ang pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mamamayan sa itinakdang oras at lulan upang pag- usapan nang masinsinan at pagdesisyunan kung maaari ang mga isyu, problema, programa at iba pang usaping pampamayanan. Sa pulong-bayan ay malayang nagpapalitan ng kuro-kuro ang mga kinauukulan at mamamayan ng bayan ukol sa mga usapin tungkol sa bayan gaya ng kalagayan ng mamamayan, kalikasan, trabaho at seguridad. Ang kalayaang makapagpahayag ng opinyon o saloobin ng bawat kalahok sa pulong na ito ay isang instrumento upang ganap na matugunan ang problema gayundin ito ay tanda ng isang bayang may matatag na demokrasya. F. KOMUNIKASYONG DI- BERBAL Ang KOMUNIKASYONG komunikasyong DI-BERBAL di-berbal ay paraan ng pagpapabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samo’t saring bagay maliban sa mga salita. Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng salita. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL Ang komunikasyong di-berbal ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod: 1. Paggalaw ng kahit isang bahagi lang ng katawan. 2. Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi ng katawan. 3. Panahon ng pagsasalamuha, bagal o bilis, kawalan o dalas at oras o araw ng interasyon. 4. Pook o kaligiran ng pagsasalamuhaan. 5. Kasuotan o burloloy sa katawan. 6. Iba pang simbolismo gaya ng kulay. IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI BERBAL 1. KINESIKA Pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng katawan. 2. PROKSEMIKA Pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng espasyo. 3. VOCALICS Komunikasyong naipararating gamit ang tono ng pagsasalita. 4. CHRONEMICS Komunikasyong nakabatay sa panahon o oras. 5. HAPTICS Komunikasyong nakabatay sa pandama. 6. SIMBOLO (ICONICS) 7. KULAY May pagkakaiba ba ang… PAGTATAMPO (TAMPO) PAGMUMUKMOK (MUKMOK) PAGMAMAKTOL (MAKTOL) PAGDADABOG (DABOG) PAGTATAMPO (TAMPO) Damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan, o kaibigan. PAGMUMUKMOK Ito ay(MUKMOK) komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo. Ito ay bunga ng pagkasuya at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan. PAGMAMAKTOL Akto (MAKTOL) ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag- ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong-bulong na sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe. PAGDADABOG (DABOG) Paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay-bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog. Bunsod ito ng paghihimagsik sa sapilitang pagsunod na nagpapahiwatig ng pagkainis, pagkayamot, galit, at poot. Narito naman ang kahulugan ng ilang komunikasyong ‘di berbal sa lipunang Pilipino na nilikom ni Maggay( 2002), na may kaugnayan sa galaw ng mata (oculesics) at iba pang galaw o kilos ng katawan (kinesika): KOMUNIKASYONG ‘DI BERBAL KAHULUGAN Salubong ang kilay Galit, mainitin ang ulo; masungit;naiinis Isang kilay ang nakataas Suplado, isnabero, mapagmataas, tumututol, nanlalait Taas noo Matibay ang paninindigan; walang ikinahihiya Kunot noo Mabigat ang suliranin; naguguluhan; inis; malalim ang iniisip Malagkit ang tingin Nang-aakit Pagbaba ng tingin Nahihiya; gumagalang kung nakatatanda Malayo ang tingin Nag-iisip; may dinaramdam Di makatingin ng diretso May itinatagong lihim; may kasalanan Kindat Preskong paghanga; lihim na pagkakaunawaan Matang nanlilisik Papatay ng tao; nawalan ng bait G. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ganito ang paglalarawan nina San Juan et al. (2018) sa bagay na ito: Ang mga ekpresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, takot, dismaya, tuwa o galak. Likas sa ating mga Pilipino ang bumulalas ng iba’t ibang ekspresyong may iba’t ibang kahulugan depende sa konteksto ng komunikasyon, pamamaraan ng pagkakasabi o taong pagsasabihan ng nasabing ekspresyon. Sa ating lipunan, madalas nating marinig ang mga salitang: Manigas ka! Susmaryosep! Ina ko po! Bahala na! Hay Naku! D’yos ko po! Ano ba yan! Charot! Echos! Char! Eh di wow! Ikaw na! Grabe! Grabe! MARAMING SALAMAT!