IReview - Filipino 9 Q1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a Filipino 9 review for quarter 1. It covers elements of short stories, denotation, connotation, and conjunctions.
Full Transcript
FILIPINO 9 IREVIEW - QUARTER 1 ARALIN 1 - ANG AMA ( basahin ang maikling kuwento ), ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO, DENOTASYON KONOTASYON, PANGATNIG. ANG AMA - Ito ay MAIKLING KWENTO NG SINGAPORE pinamagatang “ ANG AMA “ na isinalin sa filipino ni Mauro R. Avena. KAHULUGAN NG MGA SA...
FILIPINO 9 IREVIEW - QUARTER 1 ARALIN 1 - ANG AMA ( basahin ang maikling kuwento ), ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO, DENOTASYON KONOTASYON, PANGATNIG. ANG AMA - Ito ay MAIKLING KWENTO NG SINGAPORE pinamagatang “ ANG AMA “ na isinalin sa filipino ni Mauro R. Avena. KAHULUGAN NG MGA SALITA: Kaluwang-palad - Mapagbigay Matiga ang loob - Matapang MAIKLING KWENTO - Ayon kay Edgar Allan Poe, ito ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan. - Kadalasang natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang. - Karaniwang nakabatay ang mga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari. - Kaya naman masasabing ito ay isang payak ngunit masining na salamin ng buhay ng isang tao. ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO: 1. TAUHAN - Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. - Maaring maging mabuti o masama. 2. TAGPUAN - Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento. - Maaring ito ay sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali, gabi, sa lungsod o lalawigan, sa bundok o ilog. 3. BANGHAY - Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. LIMANG BAHAGI NG BANGHAY: PANIMULA/SIMULA - Dito ipinakikilala ang mga tauhan gayundin kung saan at paano nagsimula ang kuwento. SAGLIT NA KASIGLAHAN - Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. KASUKDULAN - Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na pangyayari sa isang kuwento. - Dito nagaganap ang tunggalian ng dalawang magkaibang puwersa. KAKALASAN - Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang suliranin o problema at nagbibigay daan sa wakas. - Dito malalaman kung tagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. WAKAS - Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kuwento kung saan ang kahihinatnan o resoslusyon ng kuwento ay maaring masaya o malungkot. 4. SULIRANIN - Ito ay tumutukoy sa problema na haharapin ng mga tauhan sa kuwento. 5. TUNGGALIAN - Ito ay maaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao lanan sa lipunan, o tao laban sa kalikasan. KAHULUGAN NG SALITA nag-iiba ang kahulugan ng mga salita sa paglipas ng panahon dahil isa sa mga katangian ng wika ay dinamiko o nagbabago. DALAWANG PARAAN NG PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA SALITA: DENOTASYON/DENOTATIBO - Ang karaniwang kahulugan na mula sa diksyunaryo. - Ito ay salitang ginagamit sa pangkaraniwan o simpleng pahayag. KONOTASYON/KONOTATIBO - Higit pa sa literal ang kahulugan. - Ito ay hindi pangkaraniwan at may mas malalim pa na ibig sabihin. - Maaring pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. HALIMBAWA: PUSANG ITIM DENOTATIBO: Uri ng hayop na nangangalmot at kulay itim KONOTATIBO: Kamalasan NAGSUSUNOG NG KILAY DENOTATIBO: Sinusunog ang kilay KONOTATIBO: Nag-aaral ng mabuti BUWAYA DENOTATIBO: Mabangis na hayop KONOTATIBO: Sakim/korap na politiko PANGATNIG - Katagang nag-uugnay sa magkasunod na salita, sugnay o parirala. DALAWANG URI NG PANGATNIG: 1. Nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o payak na pangungusap. - ‘ at, saka, pati ‘ ginagamit kapag nais idagdag o isingit ang ikalawa o kasunod na salita, parirala, pangungusap o sugnay sa nauna. - ‘ o, ni, maging ‘ ginagamit kapag nais ibukod ang mga salita o kaisipang pinag- uugnay. 2. Nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na hindi magkatimbang. - ‘ kung, kapag, pag ‘ ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. - ‘ sapagkat, palibhasa, dahil sa ‘ ay nagpapakilala ng sanhi/dahilan. - ‘ kaya, kung gayon ‘ ay ginagamit upang linawin ang isang sitwasyon. ARALIN 2: PRINSESA MANORAH ( basahin ang alamat ) ALAMAT, PANG-ABAY ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH - Ito ay isang alamat ng thailand na pinamagatang “ ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH “ na isinalin sa filipino ni Dr. Romulo N. Peralta. KAHULUGAN NG MGA SALITA: Kinnaree- Babaeng kalahating sisne at kalahating tao Sisne- Isang uri ng ibon na kahawig ng bibe Nakakubli- Nakatago Kaaya-aya- Kaiga-igaya Panarasi- Kabilugan o laki ng buwan Ermitanyo- Taong naninirahan nang mag-isa at malayo sa kabihasnan Meditasyon- Pag-iisip nang malalim Napadako- Napapunta sa direksyong iyon Nagtatampisaw- Naglalaro sa tubig Namangha- Labas na nagulat Nakabibighani- Kahali-halina Pinakasulok-sulukan- Pinakatagong lugar Tinungo- Pinuntahan Naglalakbay- Naglilibot isa iba’t ibang dako Naakit- Nabighani Umusbong- Sumibol ALAMAT - Ito ay nagmula sa salitang legendus, na nangangahulugang “ upang mabasa “ - Isang uri ng panitiksn na nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay- bagay. - Kalimitang ito ay nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. - Ang karaniwang paksa nito ay ang katutubong kultura, mga kaugalian, at kapaligiran. ELEMENTO NG ALAMAT: 1. TAUHAN - Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. - Maaring maging mabuti o masama. 2. TAGPUAN - Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento. - Maaring ito ay sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali, gabi, sa lungsod o lalawigan, sa bundok o ilog. 3. BANGHAY - Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. LIMANG BAHAGI NG BANGHAY: PANIMULA/SIMULA - Dito ipinakikilala ang mga tauhan gayundin kung saan at paano nagsimula ang kuwento. SAGLIT NA KASIGLAHAN - Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. KASUKDULAN - Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na pangyayari sa isang kuwento. - Dito nagaganap ang tunggalian ng dalawang magkaibang puwersa. KAKALASAN - Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang suliranin o problema at nagbibigay daan sa wakas. - Dito malalaman kung tagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. WAKAS - Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kuwento kung saan ang kahihinatnan o resoslusyon ng kuwento ay maaring masaya o malungkot. 4. SULIRANIN - Ito ay tumutukoy sa problema na haharapin ng mga tauhan sa kuwento. 5. TUNGGALIAN - Ito ay maaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao lanan sa lipunan, o tao laban sa kalikasan. 6. PAKSANG DIWA - Ito ay ang kaisipang iniikiran ng may-akda. - Karaniwan itong isang pangungusap lamang at ito ay direktang tumutukoy sa paksang pinag-uusapan. HALIMBAWA NG ALAMAT: ALAMAT NG TANDANG ALAMAT NG PINYA ALAMAT NG BULKANG MAYON ALAMAT NI PRINSESA MANORAH PANG-ABAY - Salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang abay. URI NG PANG-ABAY: PANG-ABAY NA PAMANAHON - Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. DALAWANG URI NG PAMANAHON; MAY PANANDA - Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, kapag, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon. WALANG PANANDA - Ito ay ang mga walang pananda na gumagamit ng kahapon, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. PANG-ABAY NA PAMARAAN - Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. PANG-ABAY NA PANLUNAN - Nagsasaad kung saan nangyari o ginawa ang kilos ng pandiwa. LESSON 3: ISANG PUNONGKAHOY ( basahin ang tula ) TULA ISANG PUNONG KAHOY - Ang tula ay pinamagatang “ Isang Punongkahoy “ at ang nagsulat nito ay si Jose Corazon De jesus. TULA - Isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng isang tao gamit ang marikit na mga salita. Ito ay binibuo ng mga saknong at taludtod. ELEMENTO NG TULA: 1. SAKNONG - Binubuo ng mga taludtod at kadadalasang binubuo ng apat na saknong. 2. SUKAT - Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod. 3. TUGMA - Ito ay ang pare-parehong tunog sa hulihan ng bawat taludtod. 4. TALINHAGA - Ito ay mga salitang matatalinghaga na siyang nagbibigay sining sa tula. 5. KARIKITAN - Mga piling salita na ginamit sa tula upang maging maganda ito. 6. ALIW-IW - Ito ay indayog o ang pagtaas-baba ng tono sa tula. MGA ANYO NG TULA: MALAYANG TALUDTURAN- Walang sukat, walang tugma. TRADUSYUNAL- May sukat, may tugma. BLANGKO BERSO- May sukat na walang tugma, walang sukat na may tugma. LESSON 4: TAKIPSILIM SA DYAKARTA, NOBELA, KATOTOHANAN AT OPINYON TAKIPSILIM SA DYAKARTA - Ang “ takipsilim sa dyakarta “ ay isinulat ni Mochtar Lubis at isinalin ni Aurora E. Batnag. NOBELA - Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan. - Ito ay naglalahad ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ang hangarin ng katunggali sa kabila. - Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkaugnay. OPINYON - Pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo subalit maaring pasubalian ng iba. - Isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. Paniniwala ng isang tao sa isang particular na bagay at pangyayari Saloobin o damdamin Ideya o kaisipan Hindi maaring mapatunayan Paniniwala, paghuhukom, o paraan ng pag-iisip tungkol sa isang bagay Bunga ng iyong nararamdaman at kung paano mo naintindihan ang isang bagay GINAGAMITAN ITO NG MGA SALITA O PARIRALA TULAD NG: Sa tingin ko Sa aking palagay Sa pakiwari ko Kung ako ang tatanungin Para sa akin Sa ganang akin Pakiramdam ko Naniniwala ako Sa nakita ko POSITIBONG PANINIWALA: TOTOO, GANOON NGA, TALAGA, MANGYARI PA, SADYA. NEGATIBONG PANINIWALA: NGUNIT, SUBALIT, SAMANTALA, HABANG. TUNGGALIAN - ito ang pakikipaglaban, pakikipag-away, o pakikipag tunggali ng isang tauhan sa isang akda. MGA URI NG TUNGGALIAN: PANLOOB NA TUNGGALIAN; TAO LABAN SA SARILI - Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil mangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa desisyon, tama ba o mali. PANLABAS NG TUNGGALIAN; TAO LABAN SA TAO - Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na tunggalian. Sa tunggaliang ito, ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena. TAO LABAN SA KALIKASAN - Sa tunggaliang ito, ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Halimbawa, ang biglaang pagputok ng bulkan na maaring maglagay sa pangunahing tauhan sa panganib. TAO LABAN SA LIPUNAN - Ang pangunahing tauhan sa tunggalian na ito ay nakikipagbanggan sa lipunan. Halimbawa nito ay ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya pagtakwil sa kultura ng lipunan. - GOODLUCK GRADE 9, ISMAELIANS !! - PREPARED BY: Garrielen Sabiel N. Regino SSLG GRADE 9 REPRESENTATIVE APPROVED BY: Patricia Barja-Ausella GRADE 9 FILIPINO TEACHER