Mga Elemento at Uri ng Maikling Kwento at Tula sa Filipino PDF

Document Details

TimeHonoredExtraterrestrial

Uploaded by TimeHonoredExtraterrestrial

Tags

Filipino literature short stories poetry literature analysis

Summary

This document discusses the elements of short stories and poems in Filipino, including the different types of short stories, elements of poetry like meter and rhyme, and provides different types and forms in Filipino literature. This document also explores the different elements that contribute to a work of literature, and explores the concept of "short stories" and "poems" in the Filipino language.

Full Transcript

maikling kwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. **Mga Elemento ng maikling kwento:** 1\. **Tauhan -** May pangunahing tauhan...

maikling kwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. **Mga Elemento ng maikling kwento:** 1\. **Tauhan -** May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan 2\. **Tagpuan/panahon** - Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba\'t ibang lugar, sa iba\'t ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari 3\. **saglit na kasiglahan** - Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4\. **suliranin o tunggalian** - paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya 5\. **Kasukduklan** - Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. 6\. **kakalasan** - kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan 7\. **wakas:** **-** Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. -Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan. **Mga uri ng maikling kwento:\ ** **Kwento ng tauhan** \- Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. **Kwento ng Katutubong Kulay** \- Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar **Kwentong bayan** \- kwentong pinag uusapan kasalukluyan ng buong bayan **Kwento ng kababalaghan** \- pinag uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. **Kwento ng katatakutan** \- naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak **Kwento ng madulang pangyayari** \- Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan **Kwento ng Sikolohiko** \- bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. **Kwento ng Pakikipagsapalaran** \- Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran. **Kwento ng Katatawanan** \- Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa. **Kwento ng pag-ibig** -tungkol sa pag-iibigan ng dalwang tao **TULA:** \- isang akdang pam panitikan na may natatanging damdamin na hinulma sa sukat at tugma. \- maituturing ding pinakamatandang uri ng sining sa kulturang pilipino. \- masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. **Elemento ng tula** **Sukat -** bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong **Mga uri:** Wawaluhin -- 8 pantig Lalabindalawahin -- 12 pantig Lalabing-animin -- 16 pantig Lalabingwaluhin -- 18 pantig **Saknong** - isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). **Tugma:** \- Tumutukoy ito sa magkakasintunog na huling pantig ng huling salita ng bawat linya. -Napapaganda nito ang pagbigkas sa tula sapagkat nakapagbibigay ito ng angkin himig at indayog. ![](media/image2.png)![](media/image4.png) ![](media/image6.png) **Kariktan** - pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito. **Talinhaga** - sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. **Nobelang panlipunan** -tumatalakay sa pamumuhay at pag-uugali ng mga mamamayan noon **Nobelang romansa** -- ukol sa iba't ibang uri ng pag-ibig **Nobelang poilitikal** -- tumatalakay sa mga isyung political **Nobelang tauhan** - binibigyan-diin ang katauhan ng mga karakter **Nobelang pagbabago** -- nag popokus sa mga pagbabago sa lipunan **Nobelang kasaysayan** -- nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng gma pangyayaring naganap sa nakaraan **DALAWANG URI NG NOBELA** 1. **NOBELANG PANLIPUNAN** - galaw ng mga tauhan ay hindi personal, bagkus kumakatawan sa hinaing ng lipunan o ekonomiya 2. **NOBELA NG PAG-IBIG** - nagbibigay diin sa mga suliranin ng puso. **3 bisa pampanitikan** 1. **Bisa sa Isip** -- gumaganyak (motivates)sa mambabasa upang alamin ang mga pahiwatig at tunay na kahulugan ng mga salita. 2. **Bisa sa Damdamin** - Tumutukoy sa naging epekto o panibagong naganap sa damdamin ng mambabasa 3. **Bisa sa Asal** - Nagtuturo ng wastong pag-uugali \- salaysay ng taong sanay o kwento ng taong mahusay. ![](media/image8.png)- Ayon kay "AGA" **Alejandro G. Abadilla** tinaguriang " Ama ng makabagong panulaang tagalog" **2 URI NG SANAYSAY:** **Pormal** - tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral. naglalaman ng mahahalagang kaisipan **Di-pormal** - tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang araw-araw at personal. nagtataglay ito ng opinyon, kuro-kuro at paglalarawan ng isang may akda. ![](media/image10.png) ![](media/image12.png) **Pagkakaiba ng pormal at di-pormal**: **Mga bahagi ng sanaysay:** 1. **Panimula** - madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay. 2. **Gitna** -- inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinatalakay na paksa 3. **Wakas** - pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawang akda. ![](media/image14.png)**ELEMNTO NG SANAY** **SAY** **Pangatnig --** ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap, parirala o sugnay **Mga uri ng pangatnig** 1. **Paninsay** -- gamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungat (ngunit, subalit, datapwat) 2. **Pantuwag** -- pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan (samantala, saka) 3. **Pananhi** -- nagsasaad ng kadahilan o pangangatwiran (kaya, dahil sa, palibhasa) 4. P**amukod** -- gamit upang ihiwalay ( o) 5. **Panubali** -- nagsasaad ito ng pag-aalinlangan (kung) 6. **Panlinaw** -- nagibibgay ng kalinawan sa isang kaisipian, bagay o pangyayari (kaya) 7. **Panapos** -- nagbabadya ng pagwawakas (sa wakas) 4. **Mapang-uroy --** nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay. **Patrocionio V. Villafuerte:** **-** kilalang makata, mananaysay, manunulat, at editor, -mga tula niya ay patuloy na ginagamit bilang mga piyesang pang isahan **Pakikipanayam o interbyu (interview)** \- isang direktang pamamaraang ng pangangalap ng mga information \- kinakailangan ng kooperasyon ng dalawa Interviewer(taga tanong) Interviewee (taga-sagot)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser