Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Asya PDF
Document Details
Tags
Related
- Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Silangang Asya
- Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya (AP-2nd Grading Prelim) PDF
- Aralin 6-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pangkapuluang Timog-Silangang Asya PDF
- AP7-Q2-Lesson-3-Pananakop-sa-Timog-Silangang-Asya PDF
- Imperyalismong Hapones sa Timog-Silangang Asya (AP 7 Week 3) PDF
- ARALING PANLIPUNAN 7: Mga Pananakop sa Timog-Silangang Asya (PDF)
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon patungkol sa ikalawang yugto ng Imperyalismo sa Asya, sinusuri ang mga dahilan at bunga nito, gayundin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa Tsina, tulad ng Isolationism, Digmaang Opyo, at Kasunduang Nanking at Tientsin.
Full Transcript
# Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Asya ## Sanhi - Kumpetisyon ng mga kanluranin sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa kalakalan - Napabilis ang antas ng produksyon dahil sa naimbentong makinarya at kagamitan - Mataas na pangangailangan sa mga hilaw na materyales - Kinailangan ng bansang M...
# Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Asya ## Sanhi - Kumpetisyon ng mga kanluranin sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa kalakalan - Napabilis ang antas ng produksyon dahil sa naimbentong makinarya at kagamitan - Mataas na pangangailangan sa mga hilaw na materyales - Kinailangan ng bansang Mapagdadalhan ng sobrang produkto ## Bunga - Pinamahalaan at kinontrol ng mga kanluranin ang mga ekonomiya ng mga Asyano - Ginamit ng mga kanluranin ang mga likas na yaman ng mga nasakop na bansa upang makagawa ng mas maraming produkto - Kinontrol ng mga kanluranin ang kalakalan at pinagtanim ang mga Asyano ng mga produktong kailangan sa kalakalan - Ipinagbili ang kanilang sobrang produkto sa mga kolonya nila sa Asya # China Isolationism - Ang paghiwalay ng China mula sa daigdig - Mataas nilang pagtingin sa kanilang kultura - Makakasira sa kanilang bansa ang impluwensiya ng dayuhan ## Kowtow - Ang pagluhod at pagyuko na nakasayad ang noo sa lupa bilang simbolo ng paggalang ## Opyo - Isang halamang gamot na kapag inabuso ay may masamang epekto sa kalusugan - Palihim na ipinasok ng mga British ang opyo sa China na naging dahilan sa pagkalulong sa bisyo ng maraming Tsino # Unang Digmaang Opyo (1839-1842) - Sumiklab noong 1839 nang kumpiskahin at sunugin ng mga Tsino ang nakuhang Opyo sa barko ng mga British. - Natalo ang mga Tsino sa digmaan dahil sa lakas ng puwersa ng mga British. - August 29, 1842 nang pirmahan ng China ang “Kasunduang Nanking” na opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Opyo. ## Mga Nilalaman ng Kasunduang Nanking (Nanjing) 1. Pagbubukas ng karagdagang daungan tulad ng Amoy, Foochow, Ningpo at Shanghai. 2. Pag-angkin ng England sa Hongkong 3. Pagbabayad ng China sa England ng $21M bilang bayad pinsala 4. Pagkakaloob sa England ng karapatang Extraterritoriality. # Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860) - Pinigilan ng mga Tsino ang pagpasok sa kanilang bansa ng barko ng mga British na may dalang opyo. - Sumali rin sa digmaan ang bansang France dahil sa di umano'y pagpapatay ng mga Tsino sa isang paring Pranses na si Jean Gabriel Perboyre ## Mga Nilalaman ng Kasunduang Tientsin (Tianjin) 1. Pagbubukas ng 11 pang daungan para sa kalakalan 2. Pag-angkin ng England sa Kowloon 3. Pagpapahintulot sa mga kanluranin na manirahan sa Peking 4. Legal na ang pagbebenta ng Opyo sa China # Sphere of Influence - Rehiyon o bahagi ng China na kung saan nangingibabaw ang Karapatan ng mga kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao naninirahan dito. ## Bansang nagkaroon ng Sphere of Influence - England - France - Germany - Portugal - Russia - Japan # United States of America Open Door Policy - Isinasaad sa polisiyang ito na mananatiling bukas ang bansang China sa pakikipag-kalakalan sa mga bansa na walang Sphere of Influence dito.