Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya (AP-2nd Grading Prelim) PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya. Binabalangkas nito ang mga dahilan, proseso, at epekto ng mga pananakop. Ang mga keywords na dapat isaalang-alang ay Kolonyalismo, Imperyalismo, at Timog-Silangang Asya.

Full Transcript

AP -- 2^nd^ Grading -- Preliminary **KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA** **KOLONYALISMO** - Ang tuwirang pananakop ng ibang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito. - Ito ay nagaganap sa pamamagitan ng pisikal na pagkontrol ng makapangyarihang bansa...

AP -- 2^nd^ Grading -- Preliminary **KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA** **KOLONYALISMO** - Ang tuwirang pananakop ng ibang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito. - Ito ay nagaganap sa pamamagitan ng pisikal na pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa hanggang sa ito ay tuluyan nang maimpluwensyahan at madominahan - Tumutugon sa gawaing pagtatamo, pagtatakda ng paninirahan, at pagsasamantala ng isang makapangyarihang bansa. PAANO NAGANAP ANG KOLONISASYON? - Pagpapadala ng mga kolonyalista sa bansa upang manirahan. - Sapilitang pagpapatanggap ng kultura, wika at pamantayang panlipunan - Pananamantala ng kolonyalista sa ating mga katutubo at likas na yaman. ASIMILASYSON - Proseso ng pagtanggap sa wika at kultura ng dominenteng pangkat ng tao o bansa EPEKTO NG KOLONYALISMO - Pagsasamantalang Pang-Ekonomiya- Hinango ng mga Europeo ang mahahalagang mineral at produktong mineral. - Sapilitang pagtratrabaho at pang-aalipin - Pagkagambala ng Lipunan bunga ng pagpapasunod ng kulturang dayuhan - Panunupil sa kapangyarihang political ng mga katutubo. - Hindi matatawarang epektong pangkalusugan. - Pagpapaunlad ng impraestruktura. TUWIRANG KOLONYALISMO - Tumutukoy sa tuwirang pagkontrol ng isang kolonyalistang bansa sa teritoryo at estrukturang administratibo o pamahalaan na sinasakop. - Sinikap nila na maimpluwensyahan ang mga katutubo ng kolonya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga opisyal, hukbo at maninirahan sa kanilang mga yamang likas, populasyon at ekonomiya. HINDI TUWIRANG KOLONYALISMO - Minamanipula ng kolonyalistang bansa ang ekonomiya, politika, at kultura ng kolonya upang mapakinabangan ang yamang likas at tiyak na makuha ang hinahangad na inters. - Pamahalaang Puppet -- Pamahalaang tila Malaya ngunit sa katotohanan ay kontrolado ng isa pang bansa. - Tumutukoy sa alituntunin o ideolohiya ng pagpapalawak ng kapangyarihan at impluwensiya ng isang bansa sa iba pang bansa. - Tumutukoy sa paglikha ng isang imperyo na binubuo ng ilang teritoryo. - Pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng kalakalan, pamumuhunan o pagpapautang; paggamit ng military sa pagkontrol ng isang lokasyon. - Sapilitang panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa ekonomiya, political at buhay-lipunan ng isang umuunlad na bansa. - Karaniwan ang pagpapalawak ng isang bansa sa higit na mahina o umuunlad pa lamang na bansa - Kombinasyon ng mga salik pang ekonomiya at heograpiyang proyekto kaugnay ng pandaigdig na kalakalan. - Panlabas na heograpiyang direksyon ng isang estado kung saan itinutuon ang hangad na maipakita ang kapangyarihan o kakayahang military sa pakikipag-ugnayan nito. 1. KOLONYA - ang isang makapangyarihang bansa ay nagtatalaga ng sariling pamahalaan at nagpapanatili ng tuwirang control sa teritoryong naangkin. - Pinapangisawaan ng mga opisyal na padala ng Mother Country - Ang mga katutubo ay walang boses sa batas, pagbubuwis o anumang alituntunin na itinalaga ng dayuhang makapangyarihan. - Nagdudulot ito ng matinding paghihirap sa bahagi ng katutubong populasyon (second class citizen) 2. PROTECTORATE - Tumutugon sa isang bansang may sariling pamahalaan ngunit kontrolado ng isang panlabas na kapangyarihan - Pinapayagan ang mga local na opisyal na pamahalaan ang kanilang sarili sa kondisyong nakabatay sa estruktura ng pamahalaang Europeo. - Ang isang Protectorate na basa ay pinagkakalooban ng makapangyarihang bansa ng proteksyon laban sa mga panlabas na hamon. 3. SPHERE OF INFUENCE - Tumutugon sa pag-angkin ng isang panlabas na kapangyarihan ng pribilehiyong pamumuhunan at pangangalakal sa isang lugar o rehiyon. - Karaniwan din itong nagaganap sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na sumasang-ayon sa hindi pakikialam ng magkabilang teritoryo. **DAHILAN NG KOLONYALISMONG KANLURANIN** 1. Pang-ekonomiya 2. Pampolitika 3. Pangmilitar 1. PANG-EKONOMIYA - Dahil sa konsepto ng rebolusyong industriyal, kung kaya't nag-unahan ang mga Europeo sa pag-angkin ng mga kolonya. 2. PAMPOLITIKA - Hinangad ng makapangyarihang bansa na manguna at makilala bilang pinakamakapangyarihan sa Daigdig. - Masmaraming kolonya mas malakas. 3. PANGMILITAR - Kinakailangan nila ng mga kolonya upang magsilbing estasyon ng gasoline para sa kanilang barko. - Sinamay nila ang mga katutubo bilang bahagi ng kanilang hukbo. **UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO** - **AGE OF DISCOVERY** - Panahon ng panggagalugad, pagpapalawak at pagtatatag ng mga kolonya sa iba't ibang bahagi ng daigdig - Naganap noong 15-17 siglo - Nahimok ang mga Europeo namagtamo ng yaman at katanyagan, kasabay ng pagpapalaganap ng Katolisismo. - Nagkolonisa sa mga bansa sa North at South America Naganap ang pagsulong sa kaalaman sa nabigasyon. Paggawa ng barko Paglaganap ng kaalaman tungkol sa Heograpiya na nagbigay ng lakas ng loob sa mga Europeo Saklaw din sa yugtong ito ang pagkakatatag ng mga Europeo ng mga kolonya sa India Pagkakatatag ng Portugal ng kaunaunahang kutang marino sa Timog- Silangang Asya ng masakop ang sultanato ng Malacca. Bukod sa paglalatag ng pundasyon ng pagkakaugnayan ng mga bansa Naglatag din ng batayan sa pagtatatag ng na malalawak na imperyo sa daigdig. Nakatulong sa pagpapalaganap ng wika, relihiyon at kulturang Europeo. **IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO** - **HIGH IMPERYALISMO** - Pinasigla ng magkahalong tunggaliang political, mga dahilang ideolohiya, pangangailangang pang-ekonomiya at pag-unlad ng teknolohiya. - Kasagsagan ng imperyalismo bunsod ng pagpapaligsahan ng mga bansang kolonyal sa pag-angkin ng mga lupain - Nag-unahan ang mga dayuhan sa paghahati-hati sa mga lupaing bahagi ng Pacific Rim para sa pagpapatuloy ng kanilang kalakalan. KOLONISASYON NG TIMOG-SILANGANG ASYA - Ang Timog- Silangang Asya ay nakolonisa ng mga Europeo noong 19-siglo maliban sa Thailand - Noong 1886, ang rehiyon ay nahati-hati sa pagitan ng mga British, Pranses, Dutch, at Espanyol na hindi naglaon ay napalitan naman ng mga Amerikano. - Nanatili naming kontrolado ng Portuguese ang Timog- Leste PACIFICATION CAMPAIGNS - Mga Digmaang kolonyal sa Burma (Myanmar), Vietnam, Pilipinas at Indonesia hanggang 20- siglo - Noong 1815, pinalitan ng pamahalaang Neatherlands ang Dutch East India Company sa pamamahala ng East Indies (Indonesia) Sa Loob ng 100 taon Ay agawang makontrol ang kabuuang kapuluan kasama ang Sumatra Bali. - Naangkin naman ng Britain ang Burma (Myanmar) at naisama sa imperyong India. Unti-unti din nakontrol ng Britain ang Malaysia noong 1874 Nakolonisa ng France ang Vietnam, Laos at Cambodia noong 1887 Iprinoklama bilang FRENCH INDOCHINA UNION Sinakop naman ng mga German ang Marshall Islands at iba pang bahagi ng New Guinea at Solomon Islands. Ang Pilipinas ang kolonya ng Espanya mula 1565 hanggang 1898 Napasakamay ang Pilipinas ng Estados Unidos noong 1898 sa bisa sa Treaty of Paris Ito ay naganap sa pagtatapos ng digmaang Espanyol-Amerikano sa halagang \$20 milyon. **ANG THAILAND BILANG MALAYANG BANSA SA PANAHON NG IMPERYALISMO** Kawalan ng interest ng mga Europeo sa Lokasyong heograpikal ng Thailand. Ang Thailand ay nasa pagitan ng Burma na kontrolado ng mga British at Indochina na kontrolado ng mga Prances na nagsilbing Buffer Zone ang mga bansang nabanggit. BUFFER ZONE - Teritoryo o bansa sa pagitan ng dalawang Upang maiwasan ng Britain at France ang Hindi pagkakaunawaan, minabuti nilang mapanatiling Malaya ang Thailand. HARING CHULALONGKORN O RAMA V Namuno mula 1868-1910 Anak ni Haring Mongkut Ipinagpatuloy ang modernisasyon ng kanyang ama Inalis ang Sistema ng pang-aalipin Pag-unland ng transportasyon at komunikasyon **PILIPINAS SA TIMOG-SILANGANG ASYA** **ANG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMONG KANLURANIN SA PANGKAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA** **Ang Liberalismo bilang batayan ng pananakop ng Britain at Estados Unidos** **LIBERALISMO** - tumutugon sa pilosopiyang politikal at moral na nakabatay sa pagpapaunlad ng karapatan ng isang indibidwal, kalayaan, pahintulot ng pamahalaan, at pagkakapantay-pantay sa batas ng pamahalaan - Ideya na pinaunlad ni **John Locke**. - Ikinalat naman ng mga Amerikano ang kanilang **\"White man\'s burden\"** na tungkulin: ang ikolonisa at gawing moderno ang papaunlad na mga bansa. - Hangad nila ang pagpapalaganap ng kahalagahan ng kultura at institusyong Kanluranin. **KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA PILIPINAS** **Representative colonial** ang ginamit na pamamahala ng mga espanyol sa Pilipinas. **REPRESENTATIVE COLONIAL** - ay pamahalaan na ipinatupad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng gobernador sa kolonya bilang puno ng administrasyong kolonyal. - Ang Pilipinas ay tuwirang pinamahalaan ng mga Espanyol **simula noong 1565**. - Dahil sa malayo naman ang Espanya, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng **Viceroy o Gobernador ng Mexico** na noon ay kolonya rin ng Espanya. **ROYAL AUDIENCIA** - korte ng espanya pati na ng imperyo nito **REDUCCION** - sapilitang paglipat ng maliliit at magkakahiwalay na tirahan sa isang higit na malaking bayan **PLAZA COMPLEX** - **Kinakatawan nito ang isang pamayanan** at karaniwang nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan ng isang pamayanan kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pilipino sa pang-araw-araw na interaksiyon o espesyal na pagdiriwang. **Pag-aalsa laban sa polo y servicio at pang-aabuso ng mga Espanyol:** 1.**Pag-aalsa na pinamunuan ni Dagami (1565)** na naganap sa Leyte. 2\. **Pag-aalsa ng mga Kapampangan (1585)** na Pinamunuan ni Don Nicolas Panganiban. 3\. **Pag-aalsa laban sa tributo (1589)** na naganap sa mga kasalukuyang lalawigan ng Cagayan, llocos Norte, at llocos Sur. 4. **Pag-aalsa ni Palaris (1762-1765)** na pinamunuan ni Juan de la Cruz Palaris naganap bilang protesta sa pagpataw ng tributo sa nga katutubo 5. **Pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy (1649-1650).** Ito ay naganap sa Palapag, hilagang Samar na ibinunsod din ng hindi makatarungang pagpapatupad ng sistemang polo y servicio. Ipinapadala ang mga Katutubo sa Cavite upang gumawa ng barko **Pag-aalsa laban sa pag-aangkin ng mga Espanyol ng lupain ng mga katutubong Pilipino:** **1. Agraryong Pag-aalsa (1745-1746)** na naganap sa kasalukuyang CALABARZON. **2. Pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ladia (1643),** isang Moro mula Borneo na itinuring ang sarili bilang isa sa Angkan ni Lakandula. **Pag-aalsa Kaugnay ng Relihiyon:** **BABAYLAN** - indibidwal na may kakayahang mamagitan sa daigdig ng mga espiritu na may sariling gabay at kakayahang makapanggamot,manghula at makabatid ng hinaharap o pangyayari. **Pag-aaklas ni Tamblot (1621-1622)**, isang babaylan, sa Bohol. Ito ay kaagad ding ipinagbawal ng mga Espanyol. **Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)** laban sa tangka ng mga Espanyol na gawing Kristiyano ang mga Igorot sa hilagang Luzon. **Pag-aalsa ni Bancao (1621-1622**), isang datu mula sa Carigara, Leyte. Ito ay pag- aalsa laban sa pagpupumilit ng mga Espanyol na mapabago ang pananalig ng mga mamamayan sa kanilang lugar. **Pag-aalsa ng mga Itneg (1625-1627)** na pinamunuan ni Miguel Lanab at Akabahan Sila ay nagmula sa tribo ng Mandaya ng Capinatan, hilagang-kanluran ng Cagayan. **Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas** Ang Pilipinas ay napasakamay ng Amerikano bunga ng **Kasunduan sa Paris** noong **Disyembre 10, 1898** nang naisalin ng pamamahala ng Pilipinas sa mga amerikano sa halagang \$20 milyon. Gamit ang mga ideyang **\"Manifest destiny\"** at **\"White man\'s burden,\"** ipinalaganap ng Estados Unidos na ito ay itinadhana ng Diyos na magmumulat sa mga tao na kabilang sa mga kabihasnan sa labas ng kanilang hangganan. Noong **Hulyo 4, 1901**, itinatag ng Philippine commission, na pinamunuan ni William Taft, ang PAMAHALAANG SIBIL sa Pilipinas. Ang **PAMAHALAANG BUREAUCRATIC** ay tumutukoy sa pamamahala kung saan ang pinakamahalagang desisyon ay isinasagawa ng hindi halal na opisyal o pangkat ng mga opisyal ng pamahalaan na may matatag o pirmihang tungkulin. **Ipinatupad din ng mga Amerikano ang umusunod na batas:** **Sedition Act (1901)** - Sa batas na ito, ipinagbawal ang Ekspresyon ng suporta para sa kalayaan, kasarinlan, o pagsasarili ng Pilipinas. **Brigandage Act (1902)** - Sa batas na ito, ang mga Pilipino ay pinagbawalang bumuo ng samahan o kilusang Makabayan **Reconcentration Act (1903**) - Sa pamamagitan ng batas na ito, naglabas ng patakaran ang mga Amerikano na naglayong ilipat ang mga Pilipinong taga-nayon sa iisang nakahiwalay na lugar upang hindi makapagbigay ng Impormasyon o suporta sa mga rebelde laban sa mga amerikano. Ang maitatag ang **Philippine Assembly**, ito ang nagsilbing lower house o mababang kapulungan at ang **Philippine Commission** naman ang nagsilbing mataas na kapulungan o upper house ng sangay lehislatibo mula 1907 hanggang 1916. Noong 1916, sa bisa ng **Spooner Amendment**, ang lehislatura ng pamahalaang Pilipinas ay pinamahalaan na ng mga Pilipino. Sa pagkakataong ito, si **Manuel Quezon** ay nahalal na pangulo ng senado at si **Sergio Osmeña** naman ay nahalal bilang tagapagsalita ng kapulungan o speaker of the house. Noong **Hunyo 12, 1898**, kaagad idineklara ni **Heneral Emilio Aguinaldo** ang Kalayaan ng Pilipinas. **Noong Enero 22, 1899**, ipinroklama ng **Asamblea ng Kongreso sa Malolos ang Unang Republika ng Pilipinas**, na kinilala bilang rebolusyonaryong kongreso**. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang naging pangulo ng pamahalaang ito.** Naganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano mula **1899 hanggang 1902**. Ang pagsisimula ng Digmaang Pilipino- Amerikano ay inihudyat ng unang putok na naganap sa panulukan ng Silencio at **Sociego, Sta. Mesa noong pebrero 4, 1899.** Agad na ipinag utos ni **Heneral Arthur Mc Arthur** ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa. Noong Marso 31, 1899, hinabol ni Heneral Arthur MacArthur Jr. si Aguinaldo sa Malolos, ngunit hindi na niya dinatnan ang pangkat ni Aguinaldo. Sa pagkakataong ito, ginamit ng mga Pilipino ang **ESTRATEHIYANG GERILYA** -estratehiya upang makaipon ng lakas o mapilitan ang kalaban na makipagkasundo na higit namakabubuti sa mga gerilya sa pakikipaglaban. **Macabebe scouts** - kinikilalang gulugod o lakas ng hukbo ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol at Amerikano na hindi naglaon ay Siyang naging konstabularyo ng Pilipinas; Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Dutch at Indonesia Ang panahong kolonyal sa Indonesia ay hindi kaagad nagsimula sa unang pagdating ng mga Dutch. Naitatag lamang ng Dutch United East India Company (**Vereenigde Oost-Indische Compagnie o VOC)** **Ang sistema ng pamamahala ng mga Dutch sa Java ay direkta at dalawahan** - ang namumunong Dutch ay may katumbas na lokal na pinuno na mga aristokrata Dito nagsimulang pagpasiyahan ni Gobernador-Heneral **Van den Bosch** ang cultivation system noong 1830 **cultivation system o culture system** - sistema ng pagsasakang nilikha ng mga Dutch noong ikalabinsiyam siglo na sapilitang pagpapagamit ng porsiyon ng lupain ng mga magsasaka para sa pagtatanim ng mga produktong pang-eksport. **Tugon ng mga Indones sa Pamamaraan at Patakaran ng mga Dutch** ** Rebelyong Javanese (1825-1830)** - Ang rebelyong Javanese ay kilala ring Digmaang Java, ang pinakamalaking labanang naganap sa pagitan ng mga Dutch at lokal na katutubong Indones. Ito ay pinamunuan ni Diponegoro, isang lider na Javanese na kilala ring Raden Mas Ontowirjo ** Digmaang Acehnese (1873-1904)** - Ang digmaang Acehnese ay ang kilalang labanan sa pagitan ng mga Dutch at sultanatong Muslim na Aceh. **Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga British sa Malaysia** Sinubukang sakupin ng Britain ang Borneo noong 1771 ngunit naganap lamang ang layon nito noong 1786 nang mabili ng British ang East India Company ang pulo ng Penang. Sa pagsisimula, iniwasan ng mga British na makialam sa mga estado ng Malay ngunit nabago ang sitwasyong ito nang maganap ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga aristokratang sultan na namumuno sa mga estado ng peninsula. Nakipagkasundo **si Sultan Abdullah Perak** sa mga British upang matulungan siya laban sa kaniyang mga katunggali. Ang **PAMAHALAANG PARLAMENTARYO** ay isang demokratikong pamahalaan kung saan ang partido na may pinakamalaki o malakas na representasyon ang siyang bubuo sa lehislatura ng pamahalaan at ang namumuno naman dito ang tatayong punong ministro o chancellor ng bansa. Noong 1910, ang disenyo ng pamamahala ng Britain sa lupaing Malay ay naitatag na ng mga British. Ang **Strait Settlements** ay pinamahalaan na ng gobernadora o residence sa ilalim ng pangangasiwa ng Colonial Office mula sa London. **Tugon ng mga Malaysian sa Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga British** Hindi naganap ang pag-aalsa ng mga Malayan sa pamamaraan ng mga British sa Malaysia. Ang **Malayan Emergency** na kilala rin bilang Anti-British National Liberation War at digmaang gerilya sa pagitan ng mga komunistang pangkat ng Malayan National Liberation Army na pro-independence at puwersang militar ng Federation of Malaya, Imperyong British, at Commonwealth.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser