Aralin 6-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pangkapuluang Timog-Silangang Asya PDF
Document Details
Tags
Related
- Mga Aralin sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Ikalawang Markahan Grade 7 PDF
- Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Silangang Asya
- Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya (AP-2nd Grading Prelim) PDF
- AP7-MATATAG-Q2-Week-1-Kolonyalismo-at-Imperyalismo-with-Unang-Misa PDF
- Aralin 2: Ang Kolonyalismo at Imperyalismo (PDF)
- Ang Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo - Pag-aaral ng Kasaysayan
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Mayroon din itong mga gawain upang suriin ang mga detalye ng paksa.
Full Transcript
Kolonyalismo at imperyalismo Pangkapuluang TSA INTRODUKSYON Sa panahon ng kanilang pananakop, ginamit ng British at Amerikano ang ideyang liberalismo upang mahikayat ang mga katutubong sumunod sa kanilang kagustuhan. Ang liberalismo ay tumutugon sa pilosopiyang politikal at m...
Kolonyalismo at imperyalismo Pangkapuluang TSA INTRODUKSYON Sa panahon ng kanilang pananakop, ginamit ng British at Amerikano ang ideyang liberalismo upang mahikayat ang mga katutubong sumunod sa kanilang kagustuhan. Ang liberalismo ay tumutugon sa pilosopiyang politikal at moral na nakabatay sa pagpapaunlad ng karapatan ng isang indibidwal, kalayaan, pahintulot ng pamahalaan, at pagkakapantay-pantay sa batas ng pamahalaan. aCTIVITY #1 “Analyze Natin!” analyze natin! Bilang panimulang gawain, sa pamamagitan ng larong “Analyze Natin!” ay aalamin ng mga mag-aaral ang mensaheng maaaring ipinapahiwatig ng larawan. Magbibigay ang mga mag-aaral ng dalawang salita na may kaugnayan sa larawan. Pagkatapos ay sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan. analyze natin! analyze natin! 1. Naibigay mo ba ang mensahe na nais iparating ng larawan? 2. Sa inyong palagay, ano ang sinasagisag ng agila sa cartoon o larawan? analyze natin! Ano ang iyong maipapakahulugan sa kapsiyong “Ten Thousand Miles from Tip to Tip” ng cartoon na may kaugnayan sa kolonyalismo at imperyalismo? Pamamaraan at patakarang kolonyal pamamaraan at patakarang kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas Representative Colonial ginamit na pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay pamahalaan na ipinatupad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng gobernador sa kolonya bilang puno ng administrasyong kolonyal. Ang Pilipinas ay tuwirang pinamahalaan ng mga Espanyol simula noong 1565. Gabay ng patakarang asimilasyon,ipinangaral ng mga misyonerong Espanyol ang kanilang relihiyon. sining, eskultura, pagpipinta, musika, at pati na pang-araw-araw na gawi at pamumuhay. Dahil sa malayo naman ang Espanya, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng viceroy o gobernador ng Mexico na noon ay kolonya rin ng Espanya. Ang viceroy ay nanungkulan sa ngalan ng hari ng Espanya. Ang Pilipinas ay pinamahalaan sa pamamagitan ng mga batas na likha at mula pa sa Espanya para sa kabutihan lamang ng mga kinatawan nito sa kolonya. Ang mga Pilipino ay umaakopa lamang ng mababang posisyon at walang benepisyong makapag-aral. Sinimulan din ng mga Espanyol ang sistemang reduccion at plaza complex kung saan ang mga katutubong naniniraham sa maliliit at magkakahiwalay na pamayanan ay sapilitang inilipat sa mga tirahang malapit sa simbahan, na naging mga bayan o poblacion. Reduccion - Sapilitang paglipat ng maliliit at magkakahiwalay na tirahan sa isang higit na malaking bayan. Plaza Complex - Kinakatawan nito ang isang pamayanan at karaniwang nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan ng isang pamayanan kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pilipino sa araw-araw na interaksiyon o pagdiriwang. Pinasimulan din ang sistemang encomienda, isang sistemang piyudal kung saan ang isang bahagi ng lupain kasama ang mga naninirahan at yamang likas nito ay ipinagkaloob sa mga Espanyol bilang gantimpala sa kanilang serbisyo sa hari. Ang pangyayaring ito ay nagkaloob ng karapatan sa mga Espanyol na sapilitang pagtrabahuhin ang mga Pilipino ng 12 oras sa isang araw sa loob ng anim na araw sa isang linggo at tuloy mangolekta ng tributo. Pinamahalaan ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Gayunpaman, sa loob ng mahabang panahong ito, sinikap ng mga Pilipino ipaglaban ang kalayaang hangad hanggang sa sumiklab ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898. “Pagsusuri ng Historikal na Pangyayari” Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 173. Gamitin ang iyong aklat bilang sanggunian. “Pagsusuri / Pagbuo ng Fishbone Diagram” Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 176. Gamitin ang iyong aklat bilang sanggunian. Tugon ng mga Pilipino sa kaayusang kolonyal ng mga espanyol sa pilipinas Dahil sa labis na paniniil ng mga Espanyol, pag-angkin sa mga lupain ng mga katutubo, at sapilitang pagpapaangkop sa mga relihiyong Katolisismo, ang mga Pilipino ay nag-alsa laban sa mga dayuhan. Ang mga pag-aalsang ito ay ibinunsod ng paghahangad na makalaya upang mapamahalaan ang sarili gayundin ng mithiing mapanatili ang nakagisnang kultura at gawi ng pamumuhay. Pag-aalsa laban sa polo y servicio at pang- aabuso ng mga Espanyol. 1. Pag-aalsa na pinamunuan ni Dagami (1565) na naganap sa Leyte. 2. Pag-aalsa ng mga Kapampangan (1585) na pinamunuan ni Don Nicolas Panganiban. Pag-aalsa laban sa polo y servicio at pang- aabuso ng mga Espanyol. 3. Pag-aalsa laban sa tributo (1589) na naganap sa mga kasalukuyang lalawigan ng Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Pag-aalsa laban sa polo y servicio at pang- aabuso ng mga Espanyol. 4. Pag-aalsa ni Palaris (1762-1765) na pinamunuan ni Juan De la Cruz Palaris. 5. Pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy (1649-1650). Pag-aalsa laban sa pag-aangkin ng mga Espanyol ng lupain ng mga katutubong pinoy 1. Agraryong pag-aalsa (1745-1746) na naganap sa kasalukuyang CALABARZON. 2. Pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ladia (1643). Pag-aalsa kaugnay ng relihiyon: 1. Pag-aaklas ni Tamblot (1621-1622) 2. Pag-aalsa ng mga Igorot (1601) 3. Pag-aalsa ni Bancao (1621-1622) 4. Pag-aalsa ng mga Itneg (1625-1627) Bagama’t lokal at hiwa-hiwalay ang mga pag- aalsang ito, malinaw na naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang paglaban sa hindi makatarungang pamamalakad ng mga kolonyalistang Espanyol. pamamaraan at patakarang kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas Ang Pilipinas ay napasakamay ng Amerikano bunga ng Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898. Palihim na isinaayos ng gobernador-heneral ang pagsuko sa Pilipinas matapos ang pakunwaring pakikipaglaban ng mga Amerikano. Gamit ang mga ideyang “Manifest Destiny” at “White man’s burden”, ipinalaganap ng Estados Unidos na ito ay itinadhana ng Diyos na magmumulat sa mga tao na kabilang sa mga kabihasnan sa labas ng kanilang hangganan. Manifest Destiny - idea na itinalaga ng “maykapal” ang mga Amerikano na magpalaganap, kontrolin, at panahanan ang alinmang bansa kung kinakailangan Ang pamahalaang bureaucratic ay tumutukoy sa pamamahala kung saan ang pinakamahalagang desisyon ay isinasagawa ng hindi halal na opisyal o pangkat ng mga opisyal ng pamahalaan na may matatag o pirmihang tungkulin. Dahil sa hindi kaagad pagtanggap ng mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano, maraming Pilipino ang nanlaban sanhi ng pagnanais na matupad ang pangarap na kalayaan. Naganap ang malupit na panunupil ng mga hukbong Amerikano sa pamamagitan ng pagsira at pagsunog ng anumang bagay sa isang lugar na nanlalaban. Noong 1916, sa bisa ng Spooner Amendment, ang lehislatura ng pamahalaang Pilipinas ay pinamahalaan na ng mga Pilipino. Ito ay binuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan o House of Representatives. Sa kabila ng umunlad na partisipasyon ng mga Pilipino sa pamahalaan sibil, ang gobernador- heneral na Amerikano pa rin ang makapangyarihan sa likod ng pamahalaan. Tugon ng mga Pilipino sa kaayusang kolonyal ng mga amerikano sa pilipinas Noong Hunyo 12, 1898, kaagad idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit ang inaasahang kalayaan para sa bansa ay naantala nang pormal na angkinin ng Estados Unidos ang Pilipinas. Naganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano mula 1899 hanggang 1902. Ang pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano ay inihudyat ng unang putok na naganap sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. MEsa noong Pebrero 4, 1899. Noong Marso 31, 1899, hinabol ni Heneral Arthur MacArthur Jr. si Aguinaldo sa Malolos. Ito ang nagtakda ng pagbagsak ng Kongreso ng Malolos. Noong Nobyembre 1899, ang pamahalaang Pilipino ay lumikas pahilaga at patuloy na naghimagsik laban sa mga Amerikano. Bunga ng malalakas na sandata ng mga dayuhan at sa tulong ng Macabebe Scouts, ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang pagsisikap na mapagkalooban ng kasarinlan hanggang sa ito ay matapos sa pagkabihag kay Heneral Emilio Aguinaldo noong Marso 23, 1901. pamamaraan at patakarang kolonyal ng mga Dutch sa Indonesia Ang panahong kolonyal sa Indonesia ay hindi kaagad nagsimula sa unang pagdating ng mga Dutch. Sa halip, ito ay naging mabagal na proseso ng pagpapalwak. Naitatag lamang ng Dutch United East India Company sa kapuluan ang kapangyarihan nito noong ikalabinwalong siglo sa Java, Indonesia. Ang sistema ng pamamahala ng mga Dutch sa Java ay direkta at dalawahan. Ibig sabihin, ang namumunong Dutch ay may katumbas na lokal na pinuno na mga aristokrata o dati ring mga pinunong Indonesian. Bunsod ng magastos na pakikipaglaban, naging mahirap para sa mga Dutch na ipagpatuloy ang pakikipagkalakalan dahil sa kakulangan sa pondo. Dahil dito, nagpasya si Gobernador-Heneral Van den Bosch ang cultivation system. Cultivation System - sistema ng pagsasakang nilikha ng mga Dutch noong ika-19 na siglo na sapilitang pagpapagamit ng porsiyon ng mga lupain ng mga magsasaka para sa pagtatanim ng mga produktong pang-eksport. Ang walang patumangging pagsasamantala sa mga katutubong magsasaka ay naging sanhi ng kagutuman at paglaganap ng epidemyang cholera noong 1840 sa gitnang Java at Cirebon sa hilagang-kanluran ng Java. Ang sistemang ito ay naging matagumpay para sa mga Dutch sa dahilang sa pagitan ng taong 1832 at 1852, ang 19% mula sa kabuoang kita ng Netherlands na bansa ng mga Dutch ay nagmula sa kolonyang Java. Tugon ng mga indones sa pamamaraan at patakaran ng mga dutch Tulad ng mga Pilipino, matapang ding hinarap ng mga katutubong Indones ang pananakop ng mga Dutch. Nilabanan ng mga lokal na pinuno ng Indones ang tangkang pananakop ng mga Dutch sa iba’t ibang paraan. Rebelyong Javanese (1825-1830) - kilala ring Digmaang Java, ang pianakamalaking labanan na naganap sa pagitan ng mga Dutch at mga lokal na katutubo. Ito ay ibinunsod ng hinaing na panlipunan, pang- ekonomiya, pampolitikal na tumagal ng 5 taon. Digmaan Acehnese (1873-1904) - kilalang labanan sa pagitan ng mga Dutch at sultanatong Muslim na Aceh na matatagpuan sa hilagang Sumatra. Ang mahabang panahong pakikipaglaban ng mga Acehnese sa mga Dutch ay patunay ng kanilang pagsisikap na mapanatiling malaya ang kanilang teritoryo. Maliban sa pisikal na pakikipaglaban, ipinakita rin ng mga Indones ang kanilang paglaban sa mga Dutch sa pamamagitan ng pagtanggi sa maraming kulturang Dutch at pinangalagaan ang maraming elemento ng kanilang kultura na humubog sa pagkakakilanlang Indones. Liham ko! para sa bayan ko! Activity #2 Ngayong natalakay na natin ang mga pamamaraan at mga patakarang kolonyal ng mga Kanluraning bansa at ang mga naging tugon ng mga bansang nasakop nila. Bilang isang Bridgetine, kayo ay aatasan na lumikha ng isang liham para sa mga pinuno ng ating bansa na nagpapahayag ng iyong damdamin tungkol sa mga patakaran at kalagayan ng ating lipunan. Ipapaalala mo sa mga pinuno natin ang naging tugon ng ating mga ninuno sa pananakop ng mga dayuhan at paalalahanan ang kasalukuyang pamahalaan na ingatan at alagaan ang ating kasalukuyang kapayapaan na nararanasan.