AP7-Q2-Lesson-3-Pananakop-sa-Timog-Silangang-Asya PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Harvey T. Abadilla
Tags
Summary
This document provides an overview of colonialism and imperialism in Southeast Asia, focusing on its impact on Indonesia, Malaysia, Cambodia, Myanmar, and Vietnam. It details the methods of colonial rule and indigenous responses.
Full Transcript
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Ibang Bansa sa Timog Silangang Asya Aralin 2 Harvey T. Abadilla SST III, Araling Panlipunan Kasanayang Pampagkatuto Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolony...
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Ibang Bansa sa Timog Silangang Asya Aralin 2 Harvey T. Abadilla SST III, Araling Panlipunan Kasanayang Pampagkatuto Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nasusuri ang mga pamamaraan at patakarang kolonyal sa pangkapuluan at pangkontinenteng Timog Silangang Asya; at nasusuri ang iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin at pag-angkop) sa mga bansa ng pangkapuluan at pangkontinenteng Timog Silangang Asya Indonesia: Kolonya ng Dutch (Netherlands) Aralin 3 – Part 1 Pananakop sa Indonesia Ang Dutch East India Company ang pangunahing organisasyong nagpatupad ng kolonyalismo sa Indonesia mula noong ika-17 siglo Sa pamamagitan ng tinatawag na cultivation system, sapilitang pinagtanim ang mga lokal na magsasaka ng mga produktong agrikultural, tulad ng kape at pampalasa, na ipinagbibili sa pamilihang Europeo Pananakop sa Indonesia Kalaunan, nang bumagsak ang Dutch East India Company, direktang pinamunuan ng pamahalaang Dutch ang Indonesia Ipinatupad nila ang sistemang ethical policy noong 1901 na naglayong pagbutihin ang kalagayan ng mga lokal ngunit sa katotohanan ay nagsilbing pagpapalawak ng kontrol at pagbibigay ng limitadong edukasyon upang sanayin lamang ang mga lokal para sa mababang posisyon sa kolonyal na pamahalaan Tugon ng Indonesia Lumitaw ang mga kilusang nasyonalista tulad ng Budi Utomo (1908) at Sarekat Islam (1912), na nagtulak sa mga mamamayan na magkaisa para sa kasarinlan Noong 1940s, ang Indonesian National Party ni Sukarno ay nanguna sa pakikibaka hanggang sa makamit nila ang kalayaan noong 1949 Malaysia: Kolonya ng British (Great Britain) Aralin 3 – Part 2 Pananakop sa Malaysia Ginamit ng mga British ang indirect rule sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga sultang Malay bilang simbolo ng lokal na kapangyarihan, ngunit ang mga mahahalagang desisyon ay hawak pa rin ng mga mananakop na British Inilipat ng mga British ang mga Tsino at Indian sa Malaysia upang magtrabaho sa mga plantasyon ng goma at mga minahan ng lata. Naging magkahiwalay ang lipunan batay sa lahi at trabaho, at itinatag ang divide and rule policy na naglayong ihiwalay ang mga Malay, Tsino, at Indian sa ekonomiya, edukasyon, at tirahan Tugon ng Malaysia Nabuo ang Malay Nationalist Party at iba pang kilusan ng mga Malay, na humingi ng kasarinlan Noong 1946, tumutol ang United Malays National Organization sa Malayan Union na ipinanukala ng mga British Sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya, nakamit ng Malaysia ang kalayaan noong 1957 sa isang mapayapang paraan Cambodia: Kolonya ng French (France) Aralin 3 – Part 3 Pananakop sa Cambodia Isinama ang Cambodia sa French Indochina noong 1887, kung saan nakasentro ang pamahalaang Pranses sa pagpapalawak ng kanilang kultura at pagkontrol sa ekonomiya Nagkaroon ng direktang pamamahala kung saan may mga Pranses na gobernador na nagpapatakbo sa mga lungsod Hindi gaanong pinaunlad ng mga Pranses ang imprastruktura at edukasyon sa Cambodia, sa halip ay nakatuon lamang sa mga sentro ng kalakalan at relihiyosong makasaysayang pook tulad ng Angkor Wat bilang simbolo ng kanilang kapangyarihan Tugon ng Cambodia Naging malawak ang kilusang makabayan noong 1940s sa ilalim ng Democratic Party sa pamumuno ng mga makabayang monghe Naging inspirasyon nila ang mga Vietnamese at ibang bansa sa Indochina na tumutol sa Pranses Nakamit ng Cambodia ang kalayaan noong 1953 sa ilalim ni Haring Norodom Sihanouk Myanmar: Kolonya ng British (Great Britain) Aralin 3 – Part 4 Pananakop sa Myanmar (dating Burma) Matapos masakop ng British ang Burma sa tatlong digmaang Anglo-Burmese, idinagdag ang bansa sa British India noong 1886 Direktang pinamahalaan ang Burma bilang bahagi ng British Indian Empire, kung saan pinalitan ang tradisyunal na pamahalaang Burmese at sinanay ang mga lokal para sa mababang posisyon Ipinakilala ng British ang edukasyon at kanluraning sistema ng pamamahala ngunit nagpababa ng kapangyarihan ng mga lokal na lider at nagpatupad ng paghihiwalay batay sa etniko Tugon ng Myanmar (dating Burma) Nagkaroon ng malakas na kilusang nasyonalista sa Burma sa pangunguna ng mga grupong makabayan tulad ng Thakin Movement at Burmese Independence Army Sa kabila ng pagiging bahagi ng British India, natutong magkaisa ang mga Burmes na humantong sa kanilang kalayaan noong 1948 Vietnam: Kolonya ng French (France) Aralin 3 – Part 5 Pananakop sa Vietnam Ang Vietnam ay pinasok ng France noong 1884 bilang bahagi ng French Indochina Ipinatupad ang direktang pamamahala kung saan ang mga lokal na opisyal ay ginamit bilang kasangkapan sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng Pransya Sinikap ng Pransya na gawing kanluranin ang edukasyon at kultura ng Vietnam kung saan nagkaroon ng mga repormang pang- edukasyon ngunit limitado sa kaalamang magagamit para sa mga mababang posisyon sa pamahalaan Tugon ng Vietnam Naging inspirasyon ng Vietnam ang mga kilusan sa ibang bahagi ng mundo Si Ho Chi Minh ang isa sa mga pangunahing lider ng kilusang nasyonalista sa Vietnam, na nagtatag ng Viet Minh na lumaban sa Pransya at sa kalaunan ay sa Estados Unidos Matapos ang digmaang Indochina, nakamit ang kalayaan ng Vietnam noong 1954, na humantong din sa pagkakahiwalay ng bansa sa Hilaga at Timog bago tuluyang nagkaisa noong 1975