Grade 5 GMRC 2Q RUQA Final Questions PDF

Document Details

FastestHolly

Uploaded by FastestHolly

REGION X-NORTHERN MINDANAO

Tags

Filipino GMRC Filipino Exam Grade 5 Questions Education

Summary

This document contains a set of questions from the Grade 5 GMRC 2Q RUQA final exam. The questions test understanding of social issues and moral values. The exam is part of an education program in the Philippines.

Full Transcript

Republic of the Philippines Department of Education Iskor REGION X-NORTHERN MINDANAO Regional Unified Quarterly Assessment...

Republic of the Philippines Department of Education Iskor REGION X-NORTHERN MINDANAO Regional Unified Quarterly Assessment Ikalawang Markahan GMRC 5 Pangalan:_______________________________________Petsa: ___________________ Seksyon: _______________________________________Sangay:__________________ Paaralan: ________________________________________________ Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Ang Batang Maparaan Si Mark ay isang mag-aaral. Isang araw, nakaranas ang kanilang lugar ng malakas na bagyo na nagdulot ng pagbaha. Maraming residente ang nangangailangan ng tulong. Bilang isang batang lider, nagpasiya si Mark na tumulong sa abot ng kaniyang makakaya. Sinimulan niyang mag-organisa ng relief operations sa tulong ng kaniyang mga kamag- aral at nakalikom sila ng mga laruan, damit, de-latang pagkain at iba pang mga bagay na maaaring magamit ng mga nasalanta. Dahil sa kaniyang pamumuno, marami silang natulungan at ikinagagalak ito ng mga biktima ng bagyo. 1. Ano ang ginawa ni Mark upang makatulong sa mga nasalanta? a. Nag-organisa ng relief operations b. Tumanggap ng relief goods c. Ipinagsawalang bahala ang nangyari d. Naghintay ng ayuda mula sa barangay 2. Ano ang katangian ni Mark ang ipinakita sa kaniyang ginawang pagtulong? a. Pagkamakasariling mag-aral b. Pagkamabuting lider c. Pagkamahiyaing bata d. Pagkamatatakuting residente 3. Paano isinagawa ni Mark ang pag-organisa ng relief operations? a. Hinikayat niya ang kaniyang mga kamag-aral b. Pinilit niya ang mga kamag-aral c. Itinago ang mga naipon na mga relief goods d. Humingi ng payo sa Sangguniang Barangay 4. Kung ikaw si Mark, gagawin mo ba ang ginawa niya? a. Oo, dahil gusto kong makatulong sa mga nangangailangan b. Oo, dahil ito ay nagpapakita ng katangian ng isang mabuting lider c. Hindi, dahil may ibang paraan para makatulong d. Hindi, dahil kulang ang aking kakayanan Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO 5. Paano nakatutulong ang pagiging batang lider ni Mark? a. Lahat ay nakatanggap ng ayuda b. Naging organisado ang pagbibigay ng tulong c. Lumala ang kalamidad d. Nagkagulo ang mga tao 6. Ano ang epekto ng isinagawang relief goods operation ni Mark? a. Walang naitulong b. Naging masaya ang mga biktima ng nasalanta c. Nakapagbigay ito ng pag-asa at ginhawa sa mga nasalanta d. Kaunti lang ang nakatanggap ng ayuda 7. Bilang mag-aaral sa ikalimang baitang, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong gamit ang iyong kakayahan sa pamumuno? a. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga proyekto na ikaw lang ang nakikinabang b. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang sa pagtulong sa mga nangangailangan c. Sa pamamagitan ng paglahok sa mga di kanais-nais na mga aktibid. Sa pamamagitan ng pananahimik d. Sa pamamagitan ng pananahimik Billy na Binubully Si Billy ay isang batang lalaki na palaging kinukutya ng kaniyang mga kaklase. Tuwing recess at tanghalian, itinutulak siya, tinatakpan ng papel ang kaniyang mukha, at pinagtatawanan nila. Dahil dito, palaging malungkot at natatakot siya. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga ginagawa sa kanya. Isang umaga, nakita ni Freya na kaklase niya ang nangyayari kay Billy at agad siyang kinausap nito. Tinanong niya kung ano ang nangyari at kung bakit siya palaging malungkot. Sa una, hindi siya sumagot pero sa huli ay umamin na siya na kinukutya siya ng kaniyang mga kaklase. Ipinagtanggol siya nito at ipinagtapat niya sa kanilang guro at agad itong kumilos. Sa tulong ng kanilang punong-guro at ng mga guro, nagsagawa sila ng mga awareness campaign laban sa bullying. Pinag- uusapan din nila ang mga epekto nito at kung paano ito mapigilan. Dahil sa nangyari, nahinto na ang pangugutya kay Billy. Sa tulong ni Freya, mga guro at ng kanilang punongguro ay natutunan niyang maging matatag at lumaban sa anumang uri ng pang-aapi. Sa huli, natapos din ang kanyang pinagdaanan at muli siyang naging masaya. Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO 8. Anong klaseng kaklase mayroon si Billy? a.Maunawain b.Mapagkutya c.Makasarili d.Magiliw 9. Ano ang katangian ni Freya na ipinakita sa kuwento? a. Pagmamalasakit sa kapuwa b. Pagkamaunawain sa kaklase c. Pagkamatulungin sa kaibigan d. Pagkamakasarili 10. Ano ang ginawa ni Freya upang matulungan si Billy? a. Agad na nagsumbong sa punongguro b. Ipinagtanggol niya at ipinagtapat sa kanilang guro c. Kinausap si Billy d. Hinayaan lang si Billy 11. Ano ang mahihinuha mo sa karakter ni Billy? a. Mahinahon b. Masayahin c. Mahina ang loob d. Matapang 12. Ano ang maaaring mangyari kay Billy kung hindi siya tinulungan ni Freya? a. Patuloy siyang kukutyain b. Hihinto sa pag-aaral c. Magiging matapang d. Magiging masaya 13. Anu-ano ang mga hakbang na ginawa ng mga kinauukulan sa kanilang paaralan hinggil sa pangungutya? a. Sinuspende ang batang nangungutya b. Nagsagawa ng campaign awareness laban sa bullying c. Binigyan ng kaukulang parusa d. Iminungkahi ang paglipat sa ibang paaralan 14. Kung ikaw si Billy, ano ang gagawin mo sa mga kaklaseng nangungutya sa iyo? a. Hayaan mong aapihin ka b. Isumbong sa guro c. Patawarin sila d. Makipagsuntukan 15. Batay sa kuwento, paano mo haharapin ang situwasiyon ni Freya nang makita niya ang pambubully kay Billy ng kanilang mga kaklase? a.Tutulong na walang pag-aalinlangan b. Tutulong kahit takot din na masaktan c. Tutulong kung may kasama d. Hihingi agad ng tulong sa aming guro o kinauukulan Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO 16. Ano ang ipinakitang pag-uugali ng mga lokal na mamamayan sa pagdating ng mga turista? a. Ang pagpapakita ng ngiting kay ganda b. Ang pagtutulungan ng mga Pilipino c. Ang malugod na pagtanggap ng Mayor d. Ang mainit na pagtanggap nila sa mga turista at maging sa mga katutubo 17. Paano mo mapatunayan ang mabuting pagtrato o pagtanggap ni Mayor Carlos sa mga dayuhan at mga katutubo? a. Tinanggap niya ng may pag-aalinganan b. Tinanggap niya ng mabigat sa loob c. Tinanggap niya ng may paggalang d. Tinanggap niya ng may pagdududa 18. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Mayor Carlos sa mga turista at mga katutubo? a. Hindi, dahil magastos ang paghahanda sa pagtanggap ng mga turista b. Hindi, dahil isa itong paraan upang manalo sa susunod na eleksiyon c. Oo, para magkaroon ng maraming kaibigan d. Oo, dahil likas sa mga Pilipino ang pagiging magalang 19. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagtanggap sa mga dayuhan? a. Hihingi ng pasalubong b. Malugod na pagtanggap at may paggalang c. Balewalain ang mga dayuhan d. Hingan ng donasyon para sa personal na pangangailangan 20. Ano ang pangkalahatang epekto ng mabuting pangtanggap ni Mayor Carlos sa mga turista? a. Umuwing may galak at may pasasalamat ang mga turista b. Nakakaramdam ng pighati ang mga turista c. Nakakaramdam ng pagkadismaya ang mga turista d. Nakakaramdam ng pagkabagot 21. Bakit kailangan nating igalang ang mga paniniwala ng mga dayuhan? a. Dahil iyon ang sabi ng guro b. Dahil ang bawat isa ay may kani-kaniyang pag-iisip, paniniwala at opinyon tungkol sa mga bagay o gawain c. Upang magkaroon ng maraming kaibigan d. Upang makahingi ng donasyon sa mga dayuhan Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO Ang debate ay nagpatuloy ng ilang oras, ang bawat panig ay nagbibigay ng kanilang mga argumento. May mga kaibigan na kumampi kay Angela, habang ang iba naman ay sumuporta kay Jake. Naging tensyonado ang kapaligiran dahil sa nag-uumapaw na mga emosyon. Nang tila walang patutunguhan ang usapan, isang matandang lalaki, si Mang Jose ang pumagitan. Siya ay nanirahan sa nayon sa loob ng maraming taon at nakakita ng maraming ideya na epektibo. Sa isang malumanay na ngiti, sinabi niya, "Mga bata, huwag nating kalimutan na narito tayong lahat para matuto sa isa't isa. Maaaring magkaiba tayo ng opinyon, ngunit iyon ang nagpapayaman at nagpapahalaga sa ating mga talakayan. Sa halip na kumbinsihin ang isa't isa, makinig tayo sa bawat pananaw at opinyon ng iba.” Natahimik ang grupo at pinag-isipan ang mga sinabi ni Mang Jose. Napagtanto nila na ang kanilang mga kasalungat na ideya ay hindi tungkol sa pagkapanalo o pagkatalo, ngunit tungkol sa paghahanap ng pinakamahusay na solusyon para sa nayon. Mula noong araw na iyon, nakilala ang nayon sa pagiging bukas sa isipan at kahandaang makinig sa mga pananaw ng bawat isa. Ang magkakaibigan ay nagpatuloy sa talakayan at debate, ngunit ngayon ay ginawa nila ito nang may paggalang at pag-unawa sa isa't isa. 22. Ano ang pinag-usapan ng magkakaibigan sa kuwento? a. Paraan ng pag-ani b. Makabagong makinarya sa pagsasaka c. Makalumang pamamaraan sa pagsasaka d. Debate sa pinakamahusay na paraan sa pagsasaka 23. Bakit naging tensiyonado ang kapaligiran nang magsagutan si Angela at Jake? a.Dahil nagalit sila sa isa’t isa b.Dahil nag-uumapaw ang kanilang emosyon c.Dahil nagalit si Angela d.Dahil nagalit si Jake 24. Ano ang pinakamainam na gawin nina Angela at Jake sa pagpapahayag ng kanilang mga opinyon? a. Magsigawan b. Maging mahinahon at may paggalang c. Umiwas sa pakikipagtalo d. Sumang-ayon sa kabilang panig Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO Ang Walang Pag-iimbot na Sakripisyo ni Amihan Si Amihan ay isang nars na walang sawang nagtatrabaho sa pediatric ward ng isang lokal na ospital. Siya ay palaging nakatuon sa kanyang trabaho, ngunit kamakailan lamang, siya ay nakakaramdam ng pagod at pagkabagot. Sa kabila ng kanyang pagod, patuloy siyang nagpapakita sa trabaho araw-araw, na inuuna ang mga pangangailangan ng kanyang mga pasyente bago ang kanyang sarili. Isang araw, isang malakas na bagyo ang tumama sa kanilang bayan, na nag-iwan ng mapinsalang bakas. Ang ospital ay napuno ng mga pasyente, at si Amihan ay inatasang mag-asikaso sa isang pasyenteng kritikal - isang batang lalaki na si Perry na nasugatan sa bagyo. Sa sobrang pagod, napansin niya ang panghihina ng kanyang katawan. Pinagpapahinga muna siya ng kanyang head nurse pero tumanggi siya. Alam niyang mas maraming pasyenteng tulad ni Perry ang nangangailangan ng kanyang pangangalaga, at hindi niya kayang iwan sila. Nakatanggap siya ng pasalamat mula sa pamilya ni Perry sa pagligtas sa buhay ng kanilang anak at niyakap siya ng mahigpit. Napagtanto ni Amihan ang tunay na halaga ng kanyang pagiging hindi makasarili. 25.Alin sa sumusunod ang ugaling taglay ni Amihan? a. Makasarili b. Madaling maawa c. Madaling mapagod d. Mapagpaubaya 26. Bakit tumanggi si Amihan sa sinabi sa kaniya ng head nurse? a.Dahil nais niyang sumikat sa ospital b.Dahil alam niyang marami ang nangangailangan ng kaniyang tulong c.Dahil siya ay magiging head nurse d.Dahil magkakaroon ng maraming pera 27. Paano mo mailalalarawan ang kabutihang taglay ni Amihan sa kanyang inalagaang mga pasyente? a.Inuuna niya ang mga pasyente b.Inuuna muna niya ang kanyang sarili c. Pamilya muna bago ang kanyang mga pasyente d. Kaibigan muna bago ang mga pasyente 28. Sa anong paraan mo mapatutunayan ang pagpapaubaya ng pansariling kapakanan ni Amihan? a.Nagtratrabaho siya kahit may iniinda siyang karamdaman b. Lumiban siya sa trabaho dahil may sakit siya c. Lumiban siya ng trabaho kahit wala siyang sakit d. Inihiwalay niya ang trabaho sa sariling kapakanan Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO 29. Kung ikaw ang ina ni Perry, ano ang iyong masasalamin sa ugaling taglay ni Amihan? a. May dedikasyon sa kanyang trabaho b. May malasakit sa iba c. May pagmamahal sa bayan d. Nagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa 30. Kung ikaw si Amihan, handa ka bang ipaubaya ang iyong sariling kalusugan para sa iyong tungkulin? a. Hindi, dahil kailangan kong magpahinga b. Hindi, dahil kailangan kong unahin ang aking sarili c. Oo, dahil tungkulin kong gampanan ang aking trabaho d. Oo, dahil may matatangap na parangal 31.Bakit dapat nating igalang ang karapatan ng iba? a. Dahil iyon ang nararapat b. Dahil kaalinsabay ng pansariling karapatan ay ang pagkakaroon din ng karapatan na dapat tamasahin ng iba c. Dahil iyon ang palaging sinasabi ng guro d. Dahil iyon ang itinuturo sa paaralan Ang Pangarap ni Kara Si Kara ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Siya ay isang batang mabait at masipag. Gusto niyang maging doktor kaya pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral. Sa kabila ng kahirapan, itinaguyod ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag-aaral para makamit ang kaniyang pangarap. Dumaan ang maraming taon, nakapagtapos sa kursong medisina si Kara at naging ganap na doktor. Lubos na ikinagagalak ng kaniyang mga magulang ang kaniyang tagumpay. 32. Ano ang maaring mangyari kay Kara kung tumigil siya sa pag-aaral? a. Maaga siyang maghanap-buhay b. Maaga siyang makapag-asawa c. Magkakaroon siya ng maraming pera d. Magiging masaya si Kara 33. Ang sumusunod ay naglalarawan sa mga magulang ni Kara, MALIBAN sa isa: a. May pagmamahal sa anak b. May malasakit sa anak c. May pag-aalala sa kinabukasan ng anak d. May pangangamba sa anak Republic of the Philippines Department of Education REGION X-NORTHERN MINDANAO 34. Paano sinuklian ni Kara ang ginawa ng kaniyang mga magulang? a. Sa pamamagitan ng paggawa ng gawaing bahay b. Sa pamamagitan ng paglalaro ng kompyuter c. Sa pamamagitan ng pagsusumikap sa pag-aaral d. Sa pamamagitan ng pamimilit sa siya ay mag-aral 35. Bakit kailangan isaalang-alang ng mga magulang ang pag-aaral ni Kara? a. Dahil karapatan ni Kara bilang bata ang makapag-aral b. Dahil siya ang aahon sa kaniyang pamilya mula sa kahirapan c. Dahil miyembro sila ng 4Ps d. Dahil tungkulin nilang tulungan si Kara 36. Bilang mag-aaral, paano mo maisaalang-alang ang karapatan ng iba? a. Ipamahagi ang baon sa mga kaklase b. Tumulong sa pagdala ng bag ng guro c. Pakopyahin tuwing may pasulit ang kaklase d. Tulungan ang kaklaseng nahihirapan sa aralin 37. Bakit kailangan nating isaalang-alang ang karapatan ng iba? a. Dahil nararapat nating isipin ang ikabubuti, ikasisiya at ikapapanatag ng iba bago ang ating sarili b. Dahil ito ay magdudulot ng kaguluhan c. Dahil ito ay ang magbibigay saya sa bawat isa d. Dahil ito ay magbibigay ng kasikatan sa iyo Halika na, Kaibigan! Tula ni JY Monterola Kaibigan, ikaw ba ay nalulungkot? Walang makakalaro at nababagot. Kaibigan, halika’t, sumama Sapagkat may saya sa pakikipagkapuwa. Kaibigan, ikaw ba ay nalulumbay? Walang kumakausap at umaagapay. Kaibigan, halika’t sumali Sapagkat kawili-wili ang mga palaro, paligsahan sa klase. Kaibigan, halika’t makiisa Sapagkat may pag-asa sa mga pampaaralan na programa. 38. Ano ang maaring mangyari kung lalahok ka sa patimpalak sa paaralan? a. Matututo ka ng maraming laro. b. Magiging malakas. c. Sasaya ang mga kaibigan. d. Magkakaroon ka ng mga kaibigan. 39. Ano-ano ang dapat pahahalagahan kung makikilahok sa patimpalak? a. Ang pagiging mabait at masipag. b. Ang pagiging masayahin at matulungin. c. Ang pagtanggap ng pagkakatalo at pagkakapanalo. d. Ang pagpapanatiling kaibigan sa mga kalahok manalo man o matalo. 40. Ano ang mahihinuha mo sa nagsasalita sa tula? a.Isang batang masungit b.Isang batang mapanlinlang c.Isang batang palakaibigan d.Isang batang sumpungin

Use Quizgecko on...
Browser
Browser