GMRC 1 Q3 W1 PDF
Document Details
Uploaded by CleanestFibonacci
Southpoint School
Tags
Summary
This document contains GMRC (Good Moral Character) materials for Filipino students in Quarter 3, Week 1. It includes various exercises and activities. The document focuses on values such as respect, gratitude, and compassion.
Full Transcript
GMRC 1 Mahal Ko Ang Aking Kapwa Petsa ng Kabuuang QUARTER 3 Pangalan ______________________________ Pagkakaloob Puntos UNANG LINGGO Baitang _______________________________ ___...
GMRC 1 Mahal Ko Ang Aking Kapwa Petsa ng Kabuuang QUARTER 3 Pangalan ______________________________ Pagkakaloob Puntos UNANG LINGGO Baitang _______________________________ ________ _________ Magalang Ako, Sa Pamilya at sa Kapwa Ko Layunin: Nakikilala ang iba’t-ibang gawain na nagpapakita ng paggalang sa pamilya Ang paggalang ay pagpapakita ng respeto sa mga nakatatanda at sa kapwa bata. Naisasabuhay ang pagiging magalang sa kilos at sa pananalita. Ang bawat isa sa atin ay may karapatang igalang at tungkuling gumalang. Sa ganito magkakaroon ng mapayapa, maayos at tahimik na pagsasamahan at pagsusunuran ang bawat isa. Maaaring maipakita ang paggalang sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng: a. Pagmamano o paghalik sa kamay b. Pakikinig habang may nagsasalita c. Pagsunod sa utos nang maluwag sa kalooban d. Palaging gagamit ng “po” at “opo”. Ang paggalang ay maipakikita rin sa kapwa bata sa pamamagitan ng pagrespeto, gaya ng pakikinig sa kanilang opinyon , pagtulong sa mga gawain sa paaralan at pamayanan, at sa pagsali sa kanila sa anumang samahan sa paaralan. Pagsasanay 1: M a n g a n g a k o Ak o Panuto: Punan ng wasto at angkop na salita ang patlang upang mabuo ang pangako Tatahimik Magmamano po at opo Makikinig Susundin 1._________________ ako sa Lola at Lola, at sa mga nakakatanda sa akin. 2.______________ ako sa aking guro upang maintindihan ko ang aming pinag-aaralan. 3. Gagamit ako ng ________ at _______ kapag kinakausap ko ang aking mga magulang. 4. _________________ ako kapag nagpapahinga o natutulog ang nanay ko. 5. ______________ ko ang mga payo at pangaral ng mga magulang ko. 20 Pagsasanay 2: Magpapasya Ako! Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek ang hanay kung anong paraan ng pagpapakita ng paggalang (pagmamano, pagpapasalamat, pakikinig) ang gagawin. Sitwasyon/Pangyayari Pagmamano Pagpapasalamat Pakikinig 1. Isang Linggo ng umaga, binigyan si Clarise ng aso ng tatay niya. 2. Pumasyal ang ninang at ninong mo sa inyong bahay. 3. Nagkwento ng masayang karanasan si ate. 4. Nagsasalita sa harap ang iyong kaklase. 5. Dumating ka sa bahay at nakita mo ang iyong nanay at tatay sa sala. 21 Pagpapakita ng Malasakit sa Kapwa Layunin: Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kasapi ng paaralan at pamayanan sa iba’t ibang paraan Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa ay isang mahalagang bahagi ng ating pagiging makatao at pagmamahal sa isa't isa. Ito ay nangangahulugang pagiging sensitibo sa kalagayan ng ibang tao at pagtulong sa kanila sa abot ng ating makakaya. Narito ang ilang mga paraan kung paano natin maipapakita ang malasakit sa kapwa: 1. Pagtulong sa mga nangangailangan: Maaaring magbigay tayo ng oras, pera, o anumang bagay na makakatulong sa mga taong may pangangailangan, tulad ng mga mahihirap, mga may sakit, o mga nawalan ng trabaho. 2. Pagpapakita ng Empatiya: Ang pakikinig ng buong puso sa mga problema ng iba, at pag-unawa sa kanilang pinagdadaanan, ay isang malakas na paraan ng pagpapakita ng malasakit. Minsan, ang simpleng pakikinig at pagbibigay ng suporta ay makakatulong na. 3. Pagtulong sa mga gawaing bahay o komunidad: Minsan, ang pagtulong sa mga maliliit na gawain tulad ng paglilinis, pamimili ng mga pangangailangan, o pagpapalakas ng mga proyekto sa komunidad ay nagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ating mga kababayan. Pagsasanay 1: Magpapasya Ako! Tingnan ang mga lawaran sa ibaba. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang ng mga larawan kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at lagyan ng ekis ( x ) kung hindi. 3. _________ 2. _________ 1. _________ 4. _________ 5. _________ 22 Pagsasanay 1:Isulat sa loob ng puso ang mga katangian na nagpapakita ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, at isulat naman sa loob ng kahon ang mga katangian na hindi nagpapakita ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa. Madamot Makasarili Mapagbigay Magagalitin Matulungin Mapanghamak Mapagmahal Maunawain Sanggunian: Rodillo. G. (2014) Values 1 Pagpapahalaga sa Pang-araw-araw na Pamumuhay (K-12 Edisyon). SalesianaBOOKS by DON BOSCO PRESS. 23