Pang-abay Aralin 2 (Baitang 8) - PDF
Document Details
Tags
Summary
This Tagalog document explains Pang-abay (adverbs) in Grade 8. It covers different types of adverbs and provides examples for each.
Full Transcript
Pang-abay Aralin 2 ?? ? Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang- abay. Mga Uri ng Pang-abay Pang-abay na Pamanahon Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa...
Pang-abay Aralin 2 ?? ? Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang- abay. Mga Uri ng Pang-abay Pang-abay na Pamanahon Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Halimbawa: Kailangan mong maligo araw- araw. Halimbawa: Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan. Halimbawa: Kanina pa sila umalis. Pang-abay na Panlunan Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos. Halimbawa: Buksan mo ang pinto sa kusina. Halimbawa: Pakikuha kina Berto at Berta ang bayad sa bangus. Halimbawa: Bumili ako ng sapatos kay Nora. Pang-abay na Pamaraan Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: Sinuntok ko siya nang malakas. Halimbawa: Matutulog na sana ako nang biglang tumawag si Amy. Halimbawa: Kumain ako nang mabilis upang makapanood agad ng telebisyon. Pang-abay na Panggaano Ito ay nagsaad ng timbang, halaga, o sukat ng pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: Tumakbo ako ng limang kilometro kanina. Halimbawa: Marami akong kinaing gulay. Halimbawa: Isang libong piso ko nabili ang sapatos na ito.