Pang-uri - DE LA SALLE LIPA PDF
Document Details
Uploaded by icedmatchacream
De La Salle Lipa
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala sa Tagalog grammar, partikular sa pang-uri (adjectives). Nagbibigay ito ng mga halimbawa at paliwanag tungkol sa pang-uri.
Full Transcript
PANG-URI Layunin: Natutukoy at nahihinuha ang kahulugan ng Pang- uri. KAHULUGAN NG PANG-URI tawag sa salita o lipon ng mga salita na naglalarawan o nagbibigay turing sa tao, bagay, pook, hayop, o pangyayari. Maari din itong maglarawan sa hugis, sukat, at kulay ng pangngalan at pang...
PANG-URI Layunin: Natutukoy at nahihinuha ang kahulugan ng Pang- uri. KAHULUGAN NG PANG-URI tawag sa salita o lipon ng mga salita na naglalarawan o nagbibigay turing sa tao, bagay, pook, hayop, o pangyayari. Maari din itong maglarawan sa hugis, sukat, at kulay ng pangngalan at panghalip - pagpapahayag ng kaisipan o damdamin upang pangibabawin ang kaisipan o bagay na nais maiparating. Paraan upang maipahayag ang Masidhing Damdamin Pag-uulit ng pang-uri Paggamit ng mga panlapi Pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa Pag-uulit ng pang-uri Ito ay sa pamamagitan ng muling pag- uulit ng pang-uri sa loob ng isang pangungusap upang mapasidhi ang damdamin nito. Halimbawa: Mainit na mainit ang damdamin ng mga nagtatalo kanina. Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika. Paggamit ng mga Panlapi Ginagamitan ito ng mga panlaping: Napaka-, Pagka-, kay-, pinaka-, ka-, ubod- /ubod ng-, hari-, tunay-, lubhang-, at ang pinagsamang walang at kasing upang maipakita ang pinasukdol na katangian Halimbawa: Napakaganda ng wikang Filipino. Pagkasaya-saya ng mga dayuhan na bumibisita sa ating bansa. Walang kasingsarap ang marinig ang mga Pilipino na gamitin ang Wikang Filipino. Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa Paggamit ng panlaping magpaka upang mapasidhi ang damdamin. Halimbawa: Magpakasipag Magpakahusay Magpakasanay