Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Propaganda (G3 STEM 11) PDF
Document Details
Uploaded by UnbiasedSerpentine3690
Tags
Summary
Ang presentasyon na ito ay tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas noong Panahon ng Propaganda. Ito ay nagtatampok ng mga mahalagang tao at mga pangyayari sa panahong iyon.
Full Transcript
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG PROPAGANDA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA KULTURA AT WIKANG FILIPINO PANGKAT 3 ANG SIMULA NG PROPAGANDA Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya...
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG PROPAGANDA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA KULTURA AT WIKANG FILIPINO PANGKAT 3 ANG SIMULA NG PROPAGANDA Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1889 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas. MGA sa panahon ng propaganda PROPAGANDIST S 1. Marcelo H. del Pilar Si Marcelo Del Pilar ay isang repormistang manunulat ng Kilusang Propaganda noong panahon ng Kastila. Siya ang tinaguriang Ama ng Peryodismong Pilipino. Itinaguyod niya ang mga karapatan ng mga Pilipino at ang kanilang representasyon sa gobyerno ng Espanya. Nilantad niya ang pang-aabuso ng mga prayle sa pamamagitan ng satirikong tula at mga protestang bersyon ng dasal. Sa ilalim ng pangalang Plaridel, naging patnugot siya ng mga pahayagang tulad ng: -Diyaryong Tagalog at; -La Solidaridad La Solidaridad Ang La Solidaridad ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na itinatag noong 13 Disyembre 1888. Diaryong Tagalog (Diyaryong Tagalog) Ang Diariong Tagalog (sa makabagong ortograpiya: "Diyaryong Tagalog") ay pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang 2. Antonio Luna Siya ay isang manunulat at aktibong kasapi ng kilusang propaganda na naglalayong magbigay kamalayan tungkol sa kalagayan ng Pilipinas at itulak ang mga reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanya. Ang kanyang mga artikulo ay inilathala sa "La Solidaridad," ang pangunahing pahayagan ng kilusang propaganda, kung saan siya'y gumamit ng sagisag-panulat na "Taga-Ilog." Pinuna niya ang mga katiwalian at pang-aabuso ng mga Espanyol at itinaas ang damdamin ng nasyonalismo ng mga Pilipino. 3. Graciano Lopez Jaena Kilala siya bilang isang mahusay na manunulat at orador, at siya ang nagtatag ng "La Solidaridad," ang pahayagang nagsilbing pangunahing daluyan ng mga repormista para ipahayag ang kanilang mga hinaing at adhikain para sa Pilipinas. sa kilusang propaganda ay higit sa kanyang mga isinulat at talumpati. Ginamit niya ang kanyang mga likha upang batikusin ang mga pang-aabuso at katiwalian ng mga opisyal ng Espanya at ng Simbahang Katoliko. Sa kanyang mga sanaysay, tulad ng "Fray Botod, FRAY Ang "Fray Botod" ay isang satirikong akda BOTOD na isinulat ni Graciano López Jaena. Sa akdang ito, inilalarawan niya ang isang tiwaling prayle na makasarili at mapang- abuso, na sumisimbolo sa katiwalian at pang-aabuso ng mga Espanyol na pari sa Pilipinas. Ang "Fray Botod" ay naging mahalagang bahagi ng propaganda dahil inihayag nito ang kalupitan ng mga prayle at ang kawalang-katarungan sa ilalim ng kolonyal na sistema, na nagdulot ng pagkamulat sa mga Pilipino upang humingi 4. Jose Rizal Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Isang pangunahing lider ng kilusang propaganda at may-akda ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo." Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni José Rizal Ang mga nobelang ito ni Rizal ay may malaking impluwensya sa kilusang propaganda. Ipinakita ni Rizal ang mga pang-aabuso at kawalang- katarungan ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa kanyang mga akda, na nagpasiklab ng damdaming makabayan sa mga Pilipino. Ang kanyang mga akda ay naging inspirasyon sa maraming rebolusyonaryo, kabilang sina Bonifacio at Emilio Aguinaldo, at naging mahalagang bahagi ng edukasyon ng mga Pilipino tungkol sa kalagayan ng bansa. ANDRES B Si Andres Bonifacio ay kinikilala bilang " Ama BONIFACIO ng Rebolusyong Pilipino" at isang tagapagtatag ng Katipunan. Bagamat hindi siya tuwirang bahagi ng kilusang propaganda na pinangunahan nina José Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano López Jaena, ang mga akda ng mga propagandista ay naging inspirasyon para kay Bonifacio at sa iba pang mga rebolusyonaryo. Ginamit niya ang mga ideya ng kalayaan at sariling pamahalaan mula sa mga sinulat ng mga propagandista upang itaguyod ang armadong pakikibaka laban sa Espanya. Katipunan (Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak nglihim Ang Katipunan ay isang Bayan) na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio noong 1892, na naglalayong makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong rebolusyon. Bagamat ang propaganda ay nakatuon sa mga reporma at pagbabago sa loob ng sistema ng Espanyol, ang Katipunan ay nagbigay-diin sa radikal na pagkilos para sa kalayaan. Sa pamamagitan ng mga lihim na pahayagan at mga polyeto, tulad ng "Kalayaan," pinalaganap ng Katipunan ang kanilang mga adhikain at layunin sa mas maraming Pilipino, na naging susi sa pag-aalsa laban sa mga kolonyal na puwersa. Mga Layunin ng Katipunan makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang armadong pakikipaglaban (o rebolusyon). makapagbuo ng matatag na alyansa sa bawat Katipunero. mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa. Mga mahahalagang aspeto na bumuo sa kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon Pagsusulong ngng WikaPropaganda Ang mga reformista tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Emilio Aguinaldo ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Kahalagahan ng Edukasyon pambansang wika upang mapanatili ang pagkakaisa at identidad ng mga Nagsimula ang mga repormang Pilipino pang-edukasyon na nagtataguyod ng paggamit ng wikang Tagalog at iba pang katutubong wika sa mga paaralan. Ito ay bahagi ng pagpapalaganap ng nasyonalismo. Kahalagahan ng Edukasyon Nagsimula ang mga repormang pang-edukasyon na nagtataguyod ng paggamit ng wikang Tagalog at iba pang katutubong wika sa mga paaralan. Ito ay bahagi ng pagpapalaganap ng nasyonalismo. Pagsulat at Pamahayagan Ang mga pahayagan tulad ng "Kalayaan" at "La Solidaridad" ay ginamit bilang plataporma para ipahayag ang mga ideya ng nasyonalismo at ang paggamit ng sariling wika, na nagbigay inspirasyon sa mas malawak na masa. Pagsasalin ng mga Akda Mahalaga ang pagsasalin ng mga banyagang akda sa mga lokal na wika upang mas maunawaan ng mga Pilipino ang mga ideya ng kalayaan at reporma. Ang mga hakbang na ito ay naglatag ng pundasyon para sa pagbuo ng isang pambansang wika na magiging simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa hinaharap. ‘‘Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.’’ -Dr. Jose Rizal ACTIVITY NA GAR