Kasaysayan ng Wikang Pambansa (PDF)
Document Details
Uploaded by IntegratedElectricOrgan
St. John Academy of Visual and Performing Arts
Tr. Jenie Mercado
Tags
Summary
This document details the historical background of the national language of the Philippines. It covers different periods and events that influenced the development of the national language.
Full Transcript
Kasaysayan ng Wikang Pambansa IKALAWANG BAHAGI Inihanda ni: TR. JENIE MERCADO PANAHON NG MGA AMERIKANO Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa Pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pil...
Kasaysayan ng Wikang Pambansa IKALAWANG BAHAGI Inihanda ni: TR. JENIE MERCADO PANAHON NG MGA AMERIKANO Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa Pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa panahong ito. Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa ang wikang ginagamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyong Ingles at Espanyol. Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Ang Komisyong pinangunahan ni Jacob Schurman ay naniniwalang kailangan ng Ingles sa Edukasyong Primarya. Nagtakda ang Komisyon ng Batas Blg 74 noong Marso 21, 1901 na nagtatatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. Hindi naging madali para sa nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag- aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na 3R (Reading, wRiting, aRithmetic). Hindi maiiwasan ng guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Superintendente Heneral- nagbigay rekomendasyon sa Gobernador Militar sa paggamit ng wikang bernakular sa pagtuturo. Lupon ng Superyor na Tagapayo- pinagtibay ang resolusyon sa pagpapalimbag ng librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol 1906- pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral. 1931- ang Bise Gobernador Heneral George Butte na kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag sa kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang 4 na taon sa pag-aaral. Sinabi rin niyang, hindi kailanman magiging wikang pambansa ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. Sumang-ayon sa kanya si Maximo Kalaw at Jorge Bacobo. Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang pagtuturo ng alitununing dapat sundin. Ito ay ang mga sumusunod; Paghahanap ng gurong Amerikano lamang Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin. Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng edukasyon. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles Paglathala ng mga pahayagang local para magamit sa paaralan Pag-aalis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa Paaralan. Nagsagawa ang mga Amerikano ng Sarbey upang malaman kung epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang unang pagsisiyasat ay ginawa ni Henry Jones Ford. Sa sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleebey at ng Educational Survey Comission na Pinamunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila na ang kakayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila ng paaralan. Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe Survey Commisision. Iginiit din niya na makakabuti ang magkaroon ng isang pambansang wika hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging Malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa. Noong nagkaroon ng Kumbensiyong, naging paksa ang pagpili sa wikang pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa. Ang panukala ay sinusugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa Artikulo XIV Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935- “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na Katutubong Wika. Hangga’t itinadhana ng batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na magiging Wikang Opisyal. Batas Komonwelt Blg 184- nagsaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 13, 1936. Surian ng Wikang Pambansa (SWP)- tungkulin nitong magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntuning magiging batayan sa pagpili ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambasa. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134- inilabas noong 1937 ang kautusang ito ni Pangulong Quezon na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng Wikang Pambasa. Marso 24, 1934- pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt. PANAHON NG HAPON Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na purista. Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging Wikang Pambansa at hindi na batayan na lamang. Ordinansa Militar Blg. 13- nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo) Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa kontitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang- Amerika at mawala ang impluwensiya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod. Sa panahong ito, namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, kuwento, nobela at iba pa. Nang panahong iyon, maraming debate tungkol sa wika ang nagsulputan. Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano. Mayroon ding debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista na ang pinagtatalunan ay tungkol lamang sa maliliit na bagay katulad ng kung saan gagamitin ang gitling. Noong panahon ng mga Hapones naging masigla ang talakayan tungkol sa wika. May tatlong pangkat na namamayagpag sa usaping pangwika. CARLOS RONQUILLO LOPE K. SANTOS JOSE N. SEVILLA GUILLERMO ESTRADA TOLENTINO Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Jose Panganiban- nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at ‘di Tagalog. Para sa madaling ikatututo ng kanyang mag- aaral, gumawa siya ng kanyang tinatawag na “A Shortcut to the National Language.” Iba’t ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na matutunan ang wika. Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika. Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang Wikang Ingles. Noong mga panahong ito, napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASULUKUYAN Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4, 1946. Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng Batas Komonwelt 570. Batas Komonwelt Blg. 570- pinagtibay ng Pambansang Asembleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa sa Wikang Opisyal. 1959- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansang Batay sa Tagalog.” Sa panahong ito pinagtibay ang bagong konstitusyon ng Pilipinas. Mula sa dating katawagang Pilipino ay naging Filipino ang Wikang Pambansa. 1987- Filipino na ang ngalan ng Wikang Pambansa alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Batas ng 1987 Sekyon 7: Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat ay itataguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Enero 30 1987- nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 112 si Pangulong Corazon Aquino. Ipinailalim ang SWP sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports. Binago rin ang pangalan ng ahensya bilang Linangan ng Wika ng Pilipinas o Institutute of Languages. Marso 19, 1990- sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, pinalabas ni Kalihim Isidro Cariňo ng DECS na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas at bayan. Agosto 14, 1991- ang Republic Act Blg. 7104 ay nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino bilang pagsunod sa itinadhana ng Konstitusyon. Nakasaad din na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino at ipaiilalim sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13) na sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto 1996) hinggil sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing buwan na ito. Kautusang Pangkagawaran Blg. 45- ipinalabas ng KWF ang 2001 na Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Walang naganap na pagbabago sa mga alpabeto ngunit may mga tuntuning binago sa paggamit ng 8 dagdag na letra. (C,F,J,Ň,Q,V,X,Z) Ordinanansa Blg. 74- inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon noong 2009 na isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya at Multilingual Language Education (MLE) Honorable Magtanggol T. Gunigundo. House Bill No. 3719- “Ang Act of Establishing a Multilingual Education and Literacy Program and for Other Purposes” MTB-MLE (Mother Tongue Based Multilingual Education) – layunin nitong gawing globally competitive ang mga mamamayan. Higit ring matututo ang mag-aaral kung sila’y magiging mahusay sa paghasa ng kanilang sariling wika. Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)- ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)- paglilimbag ng “A Tagalog- English Vocabulary” at “Ang Balarila sa Wikang Pambansa” Pagtutro ng Tagalog sa pribado at pampublikong paaralan simula Hunyo 19, 1940 Batas Komonwelt Blg 570- ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946. Proklamasyon Blg. 12- ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 (kapanganakan ni Francisco Balagtas) Proklamasyon Blg. 186 (1955)- inilahad ang paglilipat ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Queon) Kautusang pangkagawaran Blg. 7- ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo’y Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nag-atas na tawagin ang Wikang Pambansa na Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1960)- nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962)- nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong aralin 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)- nilagdaan ni Pangulong Marcos at nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Kautusang tagapagpaganap Blg. 187 (1986) nilagdaan ni Pangulong Marcos, nag-utos na sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974)- nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa Ortograpiyang Pilipino ang pagpapairal ng Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula sa taong panuruan 1974- 1975. Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978)- paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV Seksyon 6- “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang nito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.” Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987) – panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987. Proklamasyon Blg. 1041 (1997)- nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtakda na ang Buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wikang Pambansa. MARAMING SALAMAT