2+Lektura - Mga Kilusang Pilipinisasyon: Isang Pagpapakilala PDF

Document Details

EnrapturedCarnelian9818

Uploaded by EnrapturedCarnelian9818

De La Salle University

Mark Joseph Pascua Santos

Tags

Pilipinisasyon Philippine studies Filipino social sciences Philippine culture

Summary

This document is a lecture about the concept of Pilipinisasyon, a process of freeing and liberating Filipino identity from Western dominance. It explores academic imperialism from the perspective of Syed Farid Alatas and examines the beginnings of Philippine movements. The lecture also discusses important figures in the field of the study of Filipino philosophy.

Full Transcript

IKALAWANG LEKTURA MGA KILUSANG PILIPINISASYON: ISANG PANIMULA LCFILIA KOMUNIK A SYON SA Mark Joseph Pascua Santos F I L I P I N O L O H I YA Departamento ng Filipino DE LA SALLE UNIVERSITY Ano ang ibig sabihin ng Pili...

IKALAWANG LEKTURA MGA KILUSANG PILIPINISASYON: ISANG PANIMULA LCFILIA KOMUNIK A SYON SA Mark Joseph Pascua Santos F I L I P I N O L O H I YA Departamento ng Filipino DE LA SALLE UNIVERSITY Ano ang ibig sabihin ng Pilipinisasyon o indigenization movements? PAGPAPAKAHULUGAN SA PILIPINISASYON Para kay Mary Jane Rodriguez-Tatel, ang Pilipinisasyon ay proseso ng “paglaya at pagpapalaya mula sa dominasyon ng Kanluraning teorya/paradaym at metodolohiya” tungo sa pagbubuo ng isang “nagsasariling talastasang Pilipino/talastasang bayan sa pamantasan.” Dagdag pa niya, “Nagmumula ito sa realisasyong kahibla ng pagsasabansa hindi lamang ang paglaya sa anumang opresyon kundi lalo’t higit ang pag-unawa sa sarili (‘self- understanding’) at sariling pagtatakda (‘self-definition’).” -Mary Jane Rodriguez-Tatel, “Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar: Muhon ng Kilusang Pilipinisasyon sa Akademya: Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino, at Pilosopiyang Pilipino,” p. 141, nasa Pantayong PAHAYAG NI SYED HUSSEIN ALATAS UKOL SA PANGANGAILANGAN NA MAGKAROON NG “COMBATIVE SCHOLARSHIP” “When you are struggling for independence, doesn’t it also follow that you must be independent in your thinking? No point in shouting for independence if you are not also independent in your thinking... We cannot deal with colonial scholarship except with the combative scholarship.” -Syed Hussein Alatas, sa interbyu sa kanya ni Reynaldo Ileto. Sinipi ni Ileto sa kanyang lektura na matatagpuan sa CAS Channel, “Local Scholars in Southeast Asia #1,” ipinaskil noong Abril 5, 2016, websayt ng Youtube, https://www.youtube.com/watch? v=GRgGd2kDDCQ, sinangguni noong Enero 25, 2023. Sino si Syed Farid Alatas? AKADEMIKONG IMPERYALISMO SA PANDAIGDIGANG HATIAN SA PAGGAWA Alatas, Syed Farid. 2003. “Academic Dependency and the Global Division of Labour in the Social Sciences.” Current Sociology Vol. 51 (6): 599-613. ACADEMIC IMPERIALISM IN THE GLOBAL DIVISION OF LABOR Mas mapapagtanto natin ang pangangailangan na magkaroon ng Pilipinisasyon kapag ginamit natin ang ideya ng akademikong imperyalismo ni Syed Farid Alatas. Matapos baybayin ang mga akademikong dyornal sa sosyolohiya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, napagtanto ni Alatas na ang mga pantas ng Timog Silangang Asya ay limitado sa pagsasagawa ng “empirical research,” habang ang mga Kanluraning iskolar (hal. Amerikano at Pranses) ay nagsasagawa kapwa ng empirical at “theoretical research.” Dulot nito, nagiging parang akademikong konsumer ng mga teorya lamang ang mga katutubong pantas, habang ang mga Kanluraning iskolar ang tagapagprodyus ng mga teorya. Nagbunsod ito ng ‘di patas na istruktura ng produksyon at konsumpsyon ng kaalaman sa pandaigdigang hatian ng paggawa. Ginagamit lamang ng mga katutubong pantas ang lipunang Pilipino bilang “database” upang mapatunayan ang unibersalidad ng mga Kanluraning teorya. Kaya nagsusulong si Alatas ng tinatawag niyang “autonomous Southeast Asian Studies,” kung saan nagsasagawa ang mga iskolar ng pananaliksik ukol sa rehiyon gamit ang mga katutubong teorya ANG PAGSISIMULA NG MGA KILUSANG PILIPINISASYON Nagsimula ang mga Kilusang Pilipinisasyon noong 1970, ang dekada kung kailan lumaganap ang maka-kaliwang aktibismo ng mga kabataan, anti-Amerikanismo, mga kilusang anti-Marcos, at matinding damdaming makabayan. Napagtanto ng ilang guro at mga estudyante na hindi sapat na labanan lang ang neokolonyalismo sa kalsada sa pamamagitan ng aktibismo. Nararapat din na wasakin ng mga akademiko ang kolonyal na mentalidad sa mismong akademya. Ano ang Pantayong Pananaw at sino si Zeus Salazar? Ano ang Sikolohiyang Pilipino at sino si Virgilio Enriquez? Ano ang Pilipinolohiya at sino si Prospero Covar? PILIPINISASYON NG AKADEMYANG PILIPINO Sinimulan ng mga pantas na isakatutubo ang kani-kanilang akademikong larangan, at nagbunga ito ng mga sumusunod na kilusan: 1. Sikolohiyang Pilipino sa sikolohiya 2. Pantayong Pananaw sa kasaysayan 3. Pilipinolohiya sa antropolohiya/araling pang-erya 4. Teolohiyang Pilipino sa teolohiya 5. Pilosopiyang Pilipino sa pilosopiya ANG KAPANGANAKAN NG AGHAM PANLIPUNANG PILIPINO (FILIPINO SOCIAL SCIENCES) Ang pinakamaagang mga kilusang Pilipinisasyon sa bansa ay ang kolektibong tinatawag na Agham Panlipunang Pilipino. Sinusubukan nitong isakatutubo ang mga agham panlipunan upang maunawaan ang lipunang Pilipino sa lente ng kulturang Pilipino. Iginiit din ng mga tagapagsulong ng Agham Panlipunang Pilipino na mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa prosesong ito. Ang tatlong kilusang ito ng Agham Panlipunang Pilipino ay halos sabay-sabay na umusbong sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong Dekada 70. ANG “TATLONG BATHALA” NG AGHAM PANLIPUNANG PILIPINO Umusbong ang Agham Panlipunang Pilipino sa UP Diliman sa pamamagitan ng pamumuno ng tatlong intelektuwal mula sa UP Departamento ng Sikolohiya, Departamento ng Kasaysayan, at Departamento ng Antropolohiya DR. VIRGILIO DR. ZEUS DR. PROSPERO ENRIQUEZ SALAZAR COVAR AMA NG AMA NG PANTAYONG AMA NG SIKOLOHIYANG PANANAW PILIPINOLOHIYA PILIPINO ENRIQUEZ, SALAZAR AT COVAR Si Enriquez, Salazar, at Covar ay nagtapos lahat sa UP para sa kanilang ‘di gradwadong digri (sa sikolohiya, kasaysayan at antropolohiya). Lahat sila ay nag-aral ng Doktorado sa ibang bansa. Nakamit ni Enriquez ang PhD Social Psychology sa Estados Unidos, natapos ni Covar ang PhD Anthropology niya sa Estados Unidos din, samantalang nakuha naman ni Salazar ang PhD Ethnology niya sa Paris, Pransya. Lahat sila ay bumalik sa UP bilang propesor ng kani- kanilang departamento. Naging tagapangulo rin sila ng mga departamento nila. Unang nagkalapit ang kanilang mga loob at nagsimula ng alyansang akademiko noong imbitahan ni Enriquez sina Salazar at Covar na maging tagapagsalita sa kauna- unahang pambansang kumperensya ng Sikolohiyang Pilipino. UNANG NAILIMBAG NA KALIPUNAN NG ILANG PILING AKDA NINA ENRIQUEZ, SALAZAR, AT COVAR SIKOLOHIYANG PILIPINO (SP) Bakit mahalagang gumamit ng mga Pilipinong konsepto at teorya sa pag-aaral ng sikolohiya ng mga Pilipino, sa halip na puro konsepto’t teorya na galing sa Kanluran? SP BILANG TUGON SA IPC Ayon kay Allen Tan sa “Values Research in the Philippines”, umusbong ang SP bilang tugon laban sa “Filipino values system research” na isinagawa ng Institute of Philippine Culture ng Ateneo de Manila University, na pinangunahan ng sikolohistang si Jaime Bulatao at sosyolohistang si Frank Lynch. Jaime Bulatao, SJ Frank Lynch, SJ ANG SALPUKAN SA PAGITAN NG HALAGAHING PILIPINO AT AMERIKANONG SISTEMANG PULITIKAL Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga iskolar mula sa Ateneo at Pennsylvania State University, iginiit ng IPC na ang halagahing Pilipino (personalistiko, emosyunal, maka-pamilya) ay sumasalpok/hindi lapat sa modernong halagahing Kanluranin (propesyunal, rasyunal, indibiduwalista). Iginiit nila na ang salpukang ito sa pagitan ng kulturang Pilipino at istrukturang pulitikal ng mga Amerikano ang sanhi ng mga suliraning pulitikal sa Pilipinas tulad ng korapsyon, panunuhol, dinastiyang pulitikal, at iba pa. Ang resulta ng mga pag-aaral na ito ay ang konklusyon na ang kulturang Pilipino ang dapat sisihin sa mga suliraning pulitikal ng bansa. Implisitong nailarawan ang kulturang Pilipino bilang atrasado, at kailangang baguhin. PAHAYAG NI RANDY DAVID UKOL SA NATURANG SALPUKAN NG DALAWANG SISTEMA “Whereas, in most of Europe, institutions grew out of the instincts of its people, the Filipino journey toward modernity began as an offshoot of our colonial experience, particularly under the Americans. We started out as perhaps the most institutionally modern among the so-called new nations of Asia, but somewhere in the transition we got stuck. We have, since independence, tried vainly to reconcile the imperatives of the modern institutions left behind by our colonial masters with the pre-modern culture of a feudalistic and hierarchical society, only to realize that there are no easy shortcuts to modernity... PAHAYAG NI RANDY DAVID UKOL SA NATURANG SALPUKAN NG DALAWANG SISTEMA Our formal institutions in the Philippines are modern institutional systems that were grafted by American colonialism onto a pre- modern Philippine society and culture. These institutions clearly did not grow out of our own experience. They were rather brought in by our colonial masters. Randolf S. David, Understanding The point is simply that merely Society, Culture, and Politics (Mandaluyong: Anvil Publishing transplanting modern institutions Inc., 2017), p. 60. onto another society does not automatically make that society modern. It does not create the conditions necessary to make these institutions work.” PANGUNAHING HALAGAHIN NG MGA PILIPINO? Tumukoy ang IPC ng ilang “pangunahing” halagahin ng kulturang Pilipino, at iginiit na ang mga ito ang sanhi ng hindi paggana ng ating mga istrukturang pulitikal. Ilan sa mga ipinagpapalagay na “pangunahing” halagahing ito ay ang mga sumusunod: 1. Utang na loob 2. Pakikisama 3. Hiya 4. Mentalidad na Bahala Na 5. Filipino Time 6. Rehiyunalismo SP VS. IPC Umusbong ang SP bilang reaksyon sa tendensya ng IPC na ituring ang halagahing Pilipino bilang negatibo, na kung tutuusin ay sumusunod lamang sa lumang kolonyal na retorikang naggigiit ng pagiging mas nakabababa ng kulturang Pilipino. Sinimulan ng mga tagapagtaguyod ng SP na bigyan ng bagong interpretasyon ang mga “pangunahing” halagahin na tinukoy ng IPC, at ipinakita na maaaring maging positibo ang tingin sa mga ito kung ipopook nang maayos sa kulturang Pilipino. Halimbawa, iginiit ni Enriquez na sa halip na senyales ng fatalism, ang “bahala na” ay manipestasyon ng lakas ng loob ng Pilipino. Sa halip na laging nagdudulot ng mga suliraning pulitikal tulad ng mga dinastiyang pulitikal, iginiit ni Jose de Mesa na ang “utang na loob” ng mga Pilipino ay nagpapakita ng kanilang pananaw na mayroong magkakatulad na “loob” ang mga tao, na nagbibigay sa kanila ng pantay na dignidad bilang tao, na hindi dapat dustahin. Sa halip na nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa oras, ipinaliwanag ni Melba Maggay na ang totoong Filipino Time ay nagpapakita ng organiko sa halip na mekanikal na pananaw sa panahon. VIRGILIO ENRIQUEZ, ANG AMA NG SIKOLOHIYANG PILIPINO Sa halip na mabighani sa Kanluraning sikolohiya, matapos ng kanyang Doktorado sa Estados Unidos, lalo pa siyang nahilig sa sikolohiya ng mga Pilipino. Itinuring niyang hamon ang pahayag ng kanyang Amerikanong propesor na wala raw diumanong sariling sikolohiya ang mga Pilipino. Noong 1971, bumalik siya sa UP upang magturo sa Departamento ng Sikolohiya. Bilang pangulo ng Psychological Association of the Philippines, inorganisa ni Enriquez ang unang pambansang kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino, na nagbunsod sa pagkakabuo ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) noong 1975. Mula 1975 hanggang kasalukuyan, taun-taong nag-oorganisa ng kumperensya ang PSSP ukol sa iba’t ibang paksa tulad ng kalusugang mental, kasarian, espiritwalidad, pamilya, at iba pa. ILANG AKLAT NI ENRIQUEZ PANUKAT NG UGALI AT PAGKATAO (PUP) Bahagi ng pagsisikap ni Enriquez sa SP ang paglikha niya ng isang psychological exam na angkop sa Pilipinas. Binuo niya ang tinatawag na Panukat ng Ugali at Pagkatao (PUP), kung saan mas mas isinasaalang-alang ang ugnayan sa pagitan ng pagkatao (personality) at kulturang Pilipino, sa halip na kumopya lamang sa mga sikolohikal na eksaminasyon mula sa Kanluran na mas nakabatay sa Kanluraning kultura at personalidad. Binubuo ito ng 160 tanong, na karamihan ay maaaring sagutin ng hinding-hindi, hindi, walang masabi, totoo, or totoong totoo. Kabilang dito ang ilang erya ng pagkatao na angkop sa kulturang Pilipino tulad ng lakas ng loob, pagkamahiyain,pagkamagalang, pagkamapunahin, pagkamaramdamin, kapatiran, pagkasigurista, pagkamapagtimpi, pagkamalikhain, at iba pa. Naisalin na ang PUP sa iba pang wikang Filipino tulad ng Ilocano, Cebuano, Bicolano, at iba pa. Ano ang mga bagong metodolohiya sa pananaliksik na ipinakilala ng Sikolohiyang Pilipino? METODOLOHIYA NG SP Si Enriquez at iba pang tagapagsulong ng SP ay nagmungkahi ng mga metodo na lagpas sa mga nakagisnang Kanluraning metodo (tulad ng pormal na interbyu) at mas angkop sa kulturang Pilipino, tulad ng: 1. Pagmamasid 2. Pakikiramdam 3. Pagtatanong-tanong 4. Pagpapahiwatig 5. Pakikipagpalagayang loob 6. Pakikipagkwentuhan 7. Pakikipamuhay ANG PAGLAGANAP NG SP Bukod sa UP, nagsimula rin ang SP na lumaganap sa ibang unibersidad tulad ng De La Salle University, Pamantasan ng Lunsod ng Maynila, University of Sto. Thomas, at Centro Escolar University. Nakapag-ambag din sa paglago nito ang taunang publikasyon ng mga ulat ng mga kumperensya ng PSSP. Nakaabot pa ito kahit sa mga Pilipino- Amerikanong iskolar dahil sa pagiging visiting professor ni Enriquez sa ilang unibersidad sa US, at ilang internasyunal na kumperensya ng PSSP. Ngunit naging matinding dagok ang biglaang pagkamatay ni Enriquez noong 1994. ANG PAGKAMATAY NI ENRIQUEZ AT ANG EPEKTO NITO SA SP “He had done much to craft Sikolohiyang Pilipino and shape its directions. When he died, Sikolohiyang Pilipino was orphaned and none of his followers appeared ready to step into his extremely large shoes. This has always been the problem with the great leader and father figure who suddenly dies or leaves the organization. Their M. Cecilia Gastardo- Conaco, “The organizational skills and creative Development of a Filipino energies are hard to match and can Indigenous Psychology,” be intimidating to prospective Philippine Journal of successors.” Psychology 38, blg. 2 (2005), pah. 10-11. MGA BAGONG PUBLIKASYON NG PSSP Sa kabutihang palad, ilan sa mga dating estudyante niya ay tinangkang punan ang puwang na iniwan ni Enriquez, tulad na lamang ni Rogelia Pe-Pua. Sa kasalukuyan, naglimbag ang PSSP, sa pangunguna ni Pe-Pua, ng isang serye ng makakapal na aklat na nagtitipon sa maraming naunang mga pananaliksik ng SP. Hindi natin tatalakayin ang Pantayong Pananaw sa puntong ito, dahil maglalaan tayo ng isang hiwalay na buong lektura para sa Pantayong Pananaw. PILIPINOLOHIYA AMA NG PILIPINOLOHIYA Nagtapos ng BA Sociology (1957) at MA Sociology (1961) sa UPD at PhD Anthropology (1975) sa University of Arizona Ang tesis masterado at tesis doktorado niya ay kapwa patungkol sa Iglesia Watawat ng Lahi. Isa siya sa mga unang mananaliksik sa Bundok Banahaw. Ilan sa mga sulatin niya ay ang Unburdening Philippine Society of Colonialism; Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture; and Religious Leadership in the Iglesia Watawat ng Lahi. Ano ang mga pagkakaiba ng Pilipinolohiya at Philippine Studies? PILIPINOLOHIYA Sa usaping etimolohikal, ang Pilipinolohiya ay pagsasanib ng “Pilipino” at “lohiya,” samakatuwid, ang Pilipinolohiya ay nangangahulugang pag-aaral ng Pilipinas. Nagsimula ito bilang reaksyon sa Philippine Studies, na nabuo ng mga Amerikano noong Cold War, upang mas palakasin ang presensya nito sa Timog Silangang Asya. Isa ang Philippine Studies, sa maraming area studies na binuo ng Estados Unidos upang makakuha ng datos mula sa iba’t ibang bansa, na magagamit nito sa pagsasagawa ng mga polisiya. Samakatuwid, kontra ang Pilipinolohiya sa Kanluraning Philippine Studies. PHILIPPINE STUDIES VS. PILIPINOLOHIYA PHILIPPINE STUDIES PILIPINOLOHIYA WIKA Banyaga Filipino PANANAW Pangkaming Pananaw Pantayong Pananaw PAMAMARAAN Kanluranin Katutubo SAYSAY Para sa interes ng Para sa mga Pilipino bansang nag-aaral sa Pilipinas bilang isang Araling Pang-erya LAPIT Interdisiplinaryo Interdisiplinaryo PRODUKSYON NG KAALAMAN SA PILIPINAS Ang Pilipinas ay mas tagapagkonsumo ng kaalaman sa halip na tagapagprodyus. Mababanaag natin ito sa pagkakaayos ng ating mga aklatan. Karamihan ng ating mga aklat ay isinulat ng mga banyaga sa Ingles. Ang mga ito ay nakalagay sa “General Circulation.” Mayroon tayong maliit na seksyon sa aklatan na tinatawag na “Filipiniana,” kung saan matatagpuan ang mga aklat ukol sa Pilipinas, na karamihan ay sinulat ng mga Pilipino. Walang Japaniana sa Japan, o Americaniana sa Estados Unidos, dahil karamihan ng kanilang mga aklat ay sila rin ang sumulat. Sa halip, mayroon silang espesyal na seksyon para sa iba’t ibang bansa, na sila rin ang sumulat (hal. Russian Studies, Philippine Studies, Korean Studies, atbp.). Nabanggit isang beses ni Salazar na pinapangarap niya ang isang sitwasyon kung saan wala na tayong Filipiniana dahil karamihan ng mga aklat natin ay sinusulat na ng mga Pilipino. Sa halip, mayroon na lamang tayong maliit na seksyon na tatawagin nating Americaniana. ANG MGA AKADEMIKONG DISIPLINA PARA SA KAPAKANAN NG PILIPINAS “Noong una, lubos ang aking paniwala na ang akademikong disiplina ay nagdudulot ng linaw sa ating kultura. Subalit sa aking pagmumuni-muni, natanto ko na inaakit tayo ng akademikong disiplinang ating kinabibilangan na mag-ambag sa teorya, metodo at laman ng mga disiplina at hindi upang ilantad ang F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan. Ang kaisipan, kultura at lipunan sa konteksto ng mga disiplina ay panggatong lamang sa kapakanan at pagpapayabong ng disiplina ngunit hindi ang pagpapayabong ng F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan. Sa Pilipinolohiya, ang mga akademikong disiplina ay siyang kasangkapan upang mapalaya ang F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan at hindi ang kabaligtaran nito.” Prospero R. Covar, Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture (Maynila: Sampaguita Press, 1998), p.30. DOKTORADO SA PILIPINOLOHIYA Ang PhD Philippine Studies ng UP Tri-College (Asian Center, College of Social Sciences and Philosophy, at College of Arts and Letters) ay pinalitan ng pangalang “Doktorado sa Pilipinolohiya” nang maging Dekano si Salazar at Katuwang na Dekano si Covar ng College of Social Sciences and Philosophy. Ang wika at pananaw ng programa ay binago rin kasabay ng pagbabago ng pangalan ng programa. Ngunit nang magretiro si Salazar at Covar sa UP, ibinalik ang pangalan ng programa na PhD Philippine Studies, at Ingles na ulit ang mas ginagamit na wika. Ngunit kahit walang suportang institusyunal, nagpatuloy sina Salazar at Covar sa pagsusulong ng Pilipinolohiya. PILOSOPIYANG FILIPINO PILOSOPIYANG FILIPINO ‘Di tulad ng SP, PP at Pilipinolohiya na nakasentro sa UP, ang mga tagapagtaguyod ng Pilosopiyang Filipino ay nakakalat sa iba’t ibang unibersidad tulad ng University of Sto. Tomas, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Divine Word University, at Christ the King Seminary. Sino si Roque Ferriols at ano ang kanyang ambag sa Pilosopiyang Pilipino? ROQUE FERRIOLS Namatay sa edad na 96 noong 2021, si Ferriols ay isang Heswitang pari na nagsimula ng programang AB Philosophy sa Ateneo de Manila University noong maging tagapangulo siya ng Departamento ng Pilosopiya. Siya ang kauna-unahang propesor sa bansa na nagturo ng pilosopiya sa wikang Filipino (noong 1969) Iginiit niya ang pagtuturo ng pilosopiya sa Filipino, sa kabila ng pagtaliwas dito ng administrasyon ng Ateneo. Dahil sa kanyang pagsisikap na ito, sa kasalukuyan, kalahati ng mga klase sa pilosopiya sa Ateneo ay itinuturo sa Ingles, at kalahati ay sa Filipino. THE “MERON PHILOSOPHER” Kilala si Ferriols bilang “meron philosopher” dahil ang kanyang pamimilosopiya ay nakatuon sa konsepto ng “Meron” bilang salin ng Kanluraning “Being.” Upang parangalan siya, naglimbag ang kanyang mga dating estudyante ng isang festschrift na pinamagatang Pagdiriwang sa Meron: A Festival of Thought Celebrating Roque Ferriols, SJ. ANEKDOTA UKOL KAY PADRE ROQUE Sa kanyang PhD dissertation sa National University of Singapore na may pamagat na "In Search of Filipino Philosophy,” inilahad ng propesor ng pilosopiya sa Ateneo na si Preciosa de Joya ang isang anekdota ukol sa naging tugon ni Ferriols noong tanungin ito ng isang dyornalista kung bakit siya nagpasyang magturo ng pilosopiya sa wikang Filipino sa halip na Ingles. EMERITA QUITO Tinaguriang “Darling of Filipino Philosophy”, nagdala si Quito ng mga panibagong daluyong ng pilosopiya sa Pilipinas, na lagpas sa nakagisnang Tomistang pilosopiya. Karamihan sa mga pangunahing pilosoper ng Pilipinas sa kasalukuyan ay puro mga dating estudyante ni Quito sa UST at DLSU. Siya ang unang pilosoper na nagsulat ng isang aklat sa pilosopiya sa wikang Filipino. Ang aklat na ito, na nailimbag Ano ang pamamaraan nina Leonardo Mercado at Florentino Timbreza sa pag-aaral ng Pilosopiyang Pilipino? LEONARDO MERCADO Paring SVD na nagsulat ng disertasyon sa UST na Elements in Filipino Philosophy (1974). Isa rin siya sa mga kasaping tagapagtatag ng PSSP. Ang ibang mga pilosoper tulad ni Alfredo Co ay naniniwalang walang Pilosopiyang Filipino dahil tumutukoy ang pilosopiya sa mga diskurso na isinasagawa ng mga pantas sa pamamagitan ng nakasulat na dokumento. Iginiit ni Co na iba ang pilosopiya sa kultura, relihiyon, at wika. Ngunit tinaliwas ni Mercado ang ganitong elitistang kahulugan ng pilosopiya, at naniniwala siyang bawat grupo ng mga taong mayroong wika at kultura ay may sarili ring pilosopiya. Samakatuwid, malalaman natin ang pilosopiya ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng pag- aaral sa kanilang kultura at wika. Para kay Mercado, ang trabaho ng pilosoper ay Upang pag-aralan ang hindi ang paglikha Pilosopiyang ng sariling Pilipino, gumamit pilosopiya, si Mercadokundi ng ang pagtuklas metalingguwistikang pagsusuri, sa pilosopiya penomenolohiya, na naroon at komparatibong na na Oryental sa pilosopiya. kultura at wika ng taumbayan. FLORENTINO TIMBREZA Tinaguriang “Ama ng Pilosopiyang Filipino,” ang Lasalyanong propesor na si Timbreza ang isa sa pinakaproduktibo pagdating sa pagsusulat ng pilosopiya sa wikang Filipino. Siya ang unang nagsulat ng disertasyon sa UST sa wikang Filipino, kung saan isinalin niya sa Filipino at sinuri ang Tao Te Ching ni Lao Tzu. Tulad ni Mercado, mayroon siyang antropolohikal na lapit sa pag-aaral ng pilosopiya. Ngunit ‘di tulad ni Mercado na kuntento na sa pagtuklas ng pilosopiya sa wika at kulturang Pilipino, ginamit ni Timbreza ang mga konsepto ng Pilosopiyang Filipino upang magkomentaryo sa mga kontemporaryong isyu sa Pilipinas tulad ng EDSA People Ukol saan ang aklat na “Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino?” EKSPOSISYON SA KAISIPAN NG MGA PILOSOPONG PILIPINO Pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino bilang pinakamahusay na disertasyon sa Filipino, ang Mga Tomasino sa Pilosopiyang Filipino ni Emmanuel de Leon ay isa sa kauna-unahang intelektuwal na kasaysayan ng Pilosopiyang Filipino. Naglatag ito ng eksposisyon sa pilosopiya ng anim na pangunahing pilosoper ng UST tulad nina Emerita Quito, Leonardo Mercado, Florentino Hornedo, Florentino Timbreza, Romualdo Abulad at Alfredo Co. PAHAYAG NI EMMANUEL DE LEON UKOL SA PAGKAKAROON NATIN NG AMBAG SA PANDAIGDIGANG PILOSOPIYA "Kulang marahil ang ating tiwala sa sarili na kaya nating makalikha ng pilosopiyang Filipino mula mismo sa sarili nating pangangailangan at hindi sa pamantayang tinitingala natin. Mistulang mahina ang ating loob sapagkat inuuna nating tingnan at ikompara ang ating mga sarili sa ginagawa ng ibang lahi. Hinding hindi tayo kikilalanin ng ibang lahi hangga’t mahina ang ating loob at mistulang wala tayong maiaambag.“ TEOLOHIYANG PILIPINO VATICAN II Sa hanay ng mga Katoliko, malaki ang naidulot ng Ikalawang Konseho ng Vatican o Vatican II sa pag- usbong ng Teolohiyang Pilipino sa Pilipinas. ‘Di tulad ng mga nakaraang konseho ng simbahan na tinitingnan ang mga ‘di Kristiyanong kultura bilang demoniko at samakatuwid ay kailangang sirain at baguhin, kinikilala ng Vatican II ang katotohanan na maraming mabubuting elemento sa bawats kultura, yamang ang mga ito ay nabuo ng mga taong nilikha sa imahe ng Diyos (imago Dei). Yamang aksesibol sa buong sangkatauhan ang “common grace” at “general revelation” ng Diyos, lahat ng mabubuting elemento sa bawat kultura ay mula sa Diyos. RELATIBISMONG KULTURAL Nakapag-ambag din sa pag-usbong ng Teolohiyang Pilipino ang pag-unlad ng pag-aaral ng kultura sa akademyang Kanluranin. Matapos na matuklasan mga Europeong antropologo ang mga ‘di Kanluraning kultura sa Silangan, nagsimula nilang mapagtanto na hindi superyor ang Europeong kultura sa mga Silanganing kultura. Nagsimula nilang iwanan ang kanilang Euro- sentrikong pagkiling, at kilalanin na bawat kultura ay natatangi, walang superyor o nakabababang kultura yamang relatibo ang kultura. INKULTURASYON Lahat ng ito ay nagpapakita na kailangang ikonsidera ang kultura ng mga taong tinatangkang maging tagatanggap ng Ebanghelyo. Sa teolohiyang Katoliko, tumutukoy ang inkulturasyon sa proseso ng pagsasakatutubo ng Kristiyanismo sa kultura ng isang partikular na grupo ng mga tao. Iginiit ng mga Katolikong teologo na kailangang magkaroon ng mga lokal na teolohiya, gaya ng Teolohiyang Hapon, Teolohiyang Koreano, Teolohiyang Thai, Teolohiyang Timog Aprikano, Teolohiyang Pilipino, at iba pa. Bahagi ito ng pagkilala sa katotohanang walang iisang unibersal na teolohiya, bagkus ay may iba’t ibang teolohiya ang bawat kultura. Ang persepsyon ng tao sa Diyos ay may kinalaman sa kulturang kinalalagyan niya. Iginigiit ng mga lokal na teologo na dapat tayong umalpas sa nakagisnang Greko-Romanong konseptuwalisasyon ng teolohiya. HALIMBAWA: TEOLOHIYANG HAPON Isang halimbawa ng lokal na teolohiya ang akda ng pastor- teologong Hapon na si Kazoh Kitamori, na naisulat niya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naniniwala si Kitamori na para sa mga Hapon (na nakaranas ng matinding dalamhati matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig), ang sentro ng Ebanghelyo ay hindi pag-ibig, pag-asa, o pananampalataya, bagkus ay dalamhati. Ang dalamhati ng Diyos sa krus ang makakalunas sa dalamhati ng sangkatauhan. KITAMORI ON JAPANESE THEOLOGY “No one denies the great contribution of Greek theology. However, the Greek mind is lacking in perception of the pain of God... It is true that the German mind strikingly differs in character from that of the Greek. But the pain of God does not seem to have aroused the interest of the German mind in the strict sense of the words... The pain of God can be discerned most vividly by the Japanese mind. However, it is not the truth for only one nation called Japan. It is a truth acceptable all over the world. But this universal truth would not have been discerned without Japan as its medium.” Kazoh Kitamori, “Theology of the Pain of God,” pp. 212, 216, in What Asian Christians are Thinking: A Theological Source Book, ed., Douglas Elwood (Quezon City: New Day Publishers, 1976), TEOLOHIYANG LOKAL BILANG ELEMENTO SA PAGBUO NG TOTOONG TEOLOHIYANG UNIBERSAL Samakatuwid, para kay Kitamori, hindi tinututulan ng Teolohiyang Hapon ang pag-iral ng teolohiyang unibersal. Ngunit upang tunay na maging unibersal ang teolohiya, dapat ay mabuo ito sa pamamagitan ng ambag ng mga lokal na teolohiya tulad ng Teolohiyang Hapon. Ang itinuturing natin kadalasan na teolohiyang unibersal ay hindi naman talaga unibersal, bagkus ay Greko-Romano, Euro-sentriko, at Kanluranin. Dapat nating mapagtanto na ang Greko-Romanong teolohiyang ito ay isa lamang sa hanay ng napakarami pang anyo ng teolohiya. Ang nakagisnang Greko-Romanong teolohiya ay isa ring lokal na teolohiya, tulad lang din ng Teolohiyang Hapon, Teolohiyang Pilipino, at iba pa. ISA PANG HALIMBAWA: TEOLOHIYANG LATIN-AMERIKANO Pinasimulan ni Gustavo Guitierez ang tinatawag na “Liberation Theology” sa Latin Amerika. Malalim na nakababad sa inhustisyang panlipunan sa Latin Amerika, naniniwala si Guitierez na ang tunay na kaligtasan ay hindi lamang espirituwal, bagkus ay materyal/pisikal din. Ang pananagutan ng simbahan ay hindi lamang ituro sa mga tao kung paano pumunta sa langit, bagkus ay kung paano rin lumaban sa mga mapang-aping sistemang sosyo-pulitikal sa lipunan, upang magdala ng kalayaan sa mga inaapi. Mapapansin umanong puno ang Biblia ng paghatol laban sa mayayaman na nang-aapi ng mga mahihirap. Naglalaman ito ng kuwento ukol sa mga propetang pumupuna sa mga makapangyarihan. Si Hesus mismo ay inilarawan din bilang kaibigan ng mahihirap, na gumamot sa kanila. Samakatuwid, isa sa misyon ng simbahan ay ang pagsusulong ng katarungang panlipunan. Sino si Jose de Mesa at ano ang ambag niya sa Teolohiyang Pilipino? TEOLOHIYANG PILIPINO: JOSE DE MESA Isa sa mga pangunahing pantas ng Teolohiyang Pilipino ang dating propesor ng teolohiya sa DLSU na si Jose de Mesa. Pinasimulan niya ang eskwela ng kaisipan na tinatawag na “Mabathalang Pag-aaral” bilang pagsasalin ng theology. Sagsusulong siya ng dinamikong pagsasalin ng mga Kanluraning teolohikal na konsepto sa Filipino tulad ng ginhawa (salvation), daya (sin), kagandahang-loob (grace), pagbabalik-loob (repentance), at iba pa. MAGANDA BILANG TEOLOHIKAL NA KONSEPTONG FILIPINO Ipinaliwanag ni de Mesa na ang maganda ay isang mayaman na pangkalinangang konseptong Pilipino na maaaring gamitin sa pagteteolohiya. Sa konseptong Pilipino, ang maganda ay hindi lamang estetikal (panlabas), kundi etikal (panloob) din. Sinasabi nating “magandang umaga” sa halip na “mabuting umaga.” Inilalarawan din natin ang pag-uugali sa pamamagitan ng pagtaguri dito na “maganda,” (kagandahang asal) o “pangit” (pangit na pag-uugali). Ang ganitong etikal na nilalaman ng “ganda” ay hindi makikita sa Ingles na konsepto ng “beauty.” ANG MAGANDA SA IBA’T IBANG SANGAY NG TEOLOHIYA Theology proper – Ang Diyos na may magandang kalooban ay nilikha ang buong mundo na puno ng kagandahan. Walang umiiral na kapangitan. Yamang nilikha ang tao sa wangis ng Diyos, ang tao rin ay likas na nagtataglay ng kagandahang loob. Christology-Soteriology – Nagsimula lamang ang kapangitan noong magkasala ang tao sa Diyos. Pinili nilang talikuran ang kagandahang loob na umiiral sa kanila. Bilang tugon ay ipinadala ng Diyos si Hesus, ang perpektong manipestasyon ng kanyang kagandahang loob, bilang kaloob sa tao. Sa pamamagitan ni Hesus ay makakapagbalik-loob sila sa orihinal na kagandahang loob nila na bunga ng pagiging kawangis ng Diyos. Ecclesiology – Ang simbahan, bilang lunduyan ng kagandahang loob ng Diyos, ay marapat na magpanatili ng magandang samahan. Sa pamamagitan lamang nito nila masasalamin sa mundo ang kagandahang loob ng Diyos Eschatology – Bagaman nilikha ng Diyos ang mundo na maganda, dahil sa di-wastong paggamit ng malayang kilos-loob ng tao ay napuno ng kapangitan ang lipunan. Dapat nating gawin ang gampanin natin upang mabawasan ang kapangitan na ito, ngunit ang perpektong pagkawala ng kapangitan sa lipunan ay magaganap lamang kapag muli nang bumalik si Kristo. Ang umagang kayganda na ito ang panahon kung kailan niya itatag sa lupa ang kanyang kumpletong paghahari, isang paghaharing puno ng Sino si Melba Padilla Maggay at ano ang ambag niya sa Teolohiyang Pilipino? MELBA PADILLA MAGGAY Isa pang pangunahing tagapagsulong ng Teolohiyang Pilipino si Melba Maggay, ang pangulo ng Institute for the Studies of Asian Church and Culture (ISACC). Yamang dalubhasa sa komunikasyon (ang disertasyon niyang Pahiwatig ay ukol sa Pilipinong kultura ng komunikasyon), iginigiit niya ang halaga na maikomunika nang maayos ang Ebanghelyo sa kulturang Pilipino. Naniniwala si Maggay na upang maging tunay na may saysay ang teolohiya, dapat ay maiugnay ito sa mga kagyat na isyung panlipunan sa Pilipinas. "The domination of western theological formulation has led to a situation where in order to speak to their people, Christians in Asia and Africa are taught to answer questions raised by Greek Sophists in 4th century AD... In a society overwhelmed by poverty and injustice and pressed by the constant threat of political instability, we learn to preoccupy ourselves with trivial theological controversies and such fine points as to whether some scandalously miraculous gifts have ceased and whether in baptizing we -Melba Padilla ought to dunk Maggay, "Theology, or daintily Context and the Filipino Church," in pour.“ Communicationg Cross-Culturally, ed. Maggay (QC: New Day Publishers, 1989), p. 55-56 PANGWAKAS Bagaman may pagkakaiba sa mga tuon, metodo, at paksa ang bawat isa sa mga Kilusang Pilipinisasyong ito (Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Pilosopiyang Pilipino, at Teolohiyang Pilipino), may malinaw rin silang pagkakatulad. Lahat sila ay nagnanasa na maisakatutubo ang kani- kanilang disiplina, na mapalitaw ang pagka- Pilipino ng sikolohiya, antropolohiya/Araling Pilipino, pilosopiya, at teolohiya. Dahil sa pamamagitan lamang nito tunay na magiging malaya at nagsasarili ang akademyang Pilipino.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser