FILI 101 YUNIT I: Introduksiyon sa Wika (Tagalog) PDF

Summary

This document discusses the meaning and importance of language (Wika) in Filipino. It covers different aspects like types of language, the levels of language, and the various uses and types of language. It is likely a learning material for a Filipino language course.

Full Transcript

TANGGO L WIKA WIKA KAHULUGAN NG WIKA  Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.  Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili...

TANGGO L WIKA WIKA KAHULUGAN NG WIKA  Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.  Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. KAHALAGAHAN NG WIKA 1. Instrumento ng Komunikasyon – ang wika, pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.  MICRO LEVEL – ang dalawang tao ang nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika.  MACRO LEVEL – ang mga bansa ang nakakapag-ugnayan dahil sa wika. 2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman – maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. 3. Nagbubuklod ng Bansa 4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip ANTAS NG WIKA 1. PORMAL – mga salitang estandard dahil ginagamit at kinikilala ng higit na nakararaming tao lalo na ng mga may pinag-aralan. A. PAMBANSA – pinakagamiting antas ng wika , sapagkat nauunawaan ito ng buong bansa. Madalas ito gamitin sa pakikipagtalastasan. B. PAMPANITIKAN – pinakamataas na uri o antas ng wika. Tumutukoy naman ito sa mga salitang ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa, mga mananaliksik at mga makata sa pagsulat. ANTAS NG WIKA 2. DI-PORMAL – mga salitag karaniwan o pang-araw-araw, ito ang wikang ginagamit sa pakikipag- usap o sa kwentuhan ng magkakaibigan at magkakilala. A. KOLOKYAL – karaniwang salita na may pagkadi- pormal. B. LALAWIGANIN – mga salitang nabibilang sa iba’t ibang diyalekto. Ang diyalekto ay ginagamit sa isang partikular na pook, bayan, o lalawigan. C. BALBAL – salitang-kalye, salitang kansangan at salitang kanto ang iba pang termino sa balbal na salita. BARAYTI NG WIKA 1. Dayalek – barayti ng wikang nalilika ng dimensyong heograpiko. - Ayon kay Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. 2. Sosyolek – barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. - Ito ay nakabatay sa mga pangkat panlipunan. - Maari ring may okupasyonal na rehistro 3. Jargon – mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain 4. Idyolek – bawat isa ay may kanya kanyang paraan ng paggamit ng wika. GAMIT NG WIKA 1. Instrumental kjkg  Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa. Halimbawang pangungusap: * Ipinakain ko sa aso yung pagkain. * Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph. GAMIT NG WIKA kjkg 2. Regulatoryo  Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturing rin na instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong dapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proseso sa kung paano isagawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa. Halimbawang pangungusap: * Kailangan inumin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw. * Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na daan. KOMUNIKASYON  Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”.  Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo.  Ayon kay Bernales, ito ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di- berbal. ELEMENTO NG KOMUNIKASYON 1. PINAGMULAN NG MENSAHE – Ang nagpadala ng mensahe, maaaring isa o dalawa o higit pa. 2. ANG MENSAHE – Tumutukoy sa ipinadalang salita o mensahe, maaaring masaya, malungkot, impormatib o anumang gustong ipahatid. 3. ANG DALUYAN NG MENSAHE – Maaaring ipahatid sa pamamagitan ng sulat, telegrama o anumang elektronikong kagamitan o gamitin ang di-berbal na komunikasyon. 4. ANG TAGATANGGAP NG MENSAHE – Tinutukoy dito ang tumanggap ng mensahe 5. ANG TUGON O PIDBAK – Tinutukoy dito ang sagot o tugon agad na sagot o naantalang sagot o matagal ang kasagutan. URI NG KOMUNIKASYON 1. KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL  Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili, pag-iisip, pag-aalala, pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.  Ito ang siyang pinakabatayan ng dalawa pang-uri ng komunikasyon. 2. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL  Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.  Ito ay humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa. URI NG KOMUNIKASYON 3. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO  Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.  Ito ang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga midyang pangmasa tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan at pelikula ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA 2014  Natatag ang TANGGOL WIKA -nabuo sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University. -isa sa mga naging tagapagsalita ay si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. -Ched Memorandum Order No. 20 series of 2013. MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA NG TANGGOL WIKA *2011 *Oktubre 3, 2012 -sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa CHED at sa DepED na ipahinto ang implementasyon ng senior high school. 2012 * Disyembre 7, 2012 -inilabas ng Departamentong Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang Mataas”. (Prop. Ramilito Correa) Abril 15, 2015 -nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna ni Dr, Beinvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist, Anakpawis Partylist, Kabataan Partylist at mahigit 100 propesor mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad. -45 pahina ang naging petisyon ng Tanggol Wika. -Abril 21, 2015 naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order. TANGGOL KASAYSAYAN -naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul noong Setyembre 23, 2016 sa isang forum sa P.U.P, at ng mas malawak na pormasyong Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon(KMeD) na itinatag naman noong Agosto 25, 2017 sa PUP din. Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Isa sa pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino sa kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) noong Mayo 31, 2013 sa pamumuno ni Dr. “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” -ang resolusyon na inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong 2014. -pangunahing akda ni Dr. Lakandupil Garcia “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” -ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo (na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED) ang asignaturang Filipino. -pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya. “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat at CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013” -binigyang-diin dito ang pagkakait din ng espasyo para sa iba pang wika ng bansa: Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya.  Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ay naglabas din ng posiyong papel sa isyung ito. Gaya ng posisyong papel ng DLSU, Manila, binigyang-tuon din ng UP Ang kahalagahan ng Filipino sa komunikasyong panloob, bilang wikang “susi ng kaalamang-bayan”.  Inilathala rin ang iba't ibang yunit at organisasyon sa Polytechnic University of the Philippines, Manila ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Uibersidad ng Pilipinas(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat , at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong 2014. -noong 2014 ay naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito ang mga guro mula sa Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro, ang Philippine Normal University na nagpapahayag na “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa  Ang wikang Filipino'y sumusulong na rin bilang aktuwal na wikang opisyal ng Pilipinas. Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1998. Lalo ring pinagtibay ng administrasyong Aquino ang patakarang bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 53, serye ng 1987.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser