WIKA AT KOMUNIKASYON PDF
Document Details
Uploaded by GaloreComprehension6123
Corinthian School
Tags
Related
- ANG_WIKA_BILANG_KOMUNIKASYON_AT_WIKANG_PAMBANSA2 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- MGA KONSEPTONG PANGWIKA PDF
- CO1-Komunikasyon-Aralin-3-Barayti-ng-Wika-Copy PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa Filipino 9 tungkol sa wika at komunikasyon. Kabilang dito ang paksa ng *Pagbabagong Morpoponemiko*, *Mga Karanasan ng Timog Silangang Asya* at *Dula*. Nagtatalakay din ito ng pagsasalin ng mga salita, asimilasyon, pagpapalit ng ponema, at iba pang kaugnay na konsepto.
Full Transcript
# WIKA AT KOMUNIKASYON ## Pagbabagong Morpoponemiko Tulad ng ibang wika, dinamiko ang wikang Filipino. Makikita ang ganitong katangian ng wika mula sa simpleng pagpapalit o pagbabawas ng isang titik sa salita. Pansinin ang mga halimbawa: - tito - tita - ninong - ninang - abogado - abogada Pansin...
# WIKA AT KOMUNIKASYON ## Pagbabagong Morpoponemiko Tulad ng ibang wika, dinamiko ang wikang Filipino. Makikita ang ganitong katangian ng wika mula sa simpleng pagpapalit o pagbabawas ng isang titik sa salita. Pansinin ang mga halimbawa: - tito - tita - ninong - ninang - abogado - abogada Pansining nagpalit agad ang ibig sabihin ng salita sa pamamagitan lamang ng pagpapalit ng isang titik nito. Mula sa pagpapalit ng mga titik, nagkaroon ng partikular na pagkakaiba ng kasarian ang mga nabanggit na salita. Isa ito sa mga halimbawa ng pagbabagong morpoponemiko. ## Mga Karanasan ng Timog-Silangang Asya ## Pagsasalin ng mga Salita May limang uri ng pagbabagong morpoponemiko: 1. **Asimilasyon** - pagbabagong nagaganap sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito. Halimbawa: - Sa mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, at t, ginagamit ang panlapi na sin- o pan-. - sing + tamis = sin + tamis = sintanmis - pang + dagat = pan + dagat = pandagat - Samantala, sa mga salitang nagsisimula naman sa b at p ay ginagamitan ng panlaping sim- at pam-. - pang + basa = pam + basa = pambasa - sing + payat = sim + payat = simpayat 2. **Pagpapalit ng Ponema** - pagkakaroon ng paglilipat ng diin ng mga salita kasabay ang pagbabago o pagpapalit ng ponema. Halimbawa: - takot + -in = takutin - turo + -an = turuan - biro + -in = biruin Pansinin ang naging pagpapalit ng u sa o sa salitang takutin mula sa salitang-ugat na "takot." Ganito rin ang nangyari sa mga sumunod pang halimbawa. 3. **Pagkakaltas ng Ponema/Maykaltas** – pagbabawas ng ponema sa isang salita. Halimbawa: - kuha + -in = kuhanin = kunin - takip + -an = takipan = takpan - tupad + -in = tupadin = tupdin Sa bahaging ito, naalis ang ponema sa pagbabagong morpoponemiko. Mula sa orihinal na salitang kuhanin, kinaltas ang ponemang ha, at naging kunin na lamang ito. 4. **Metatesis/Maylipat** (Lumang Balarila) – paglilipat ng posisyon ng ponema sa loob ng salita. Ang ganitong pagbabago naman ay naghuhudyat ng paglilipat ng posisyon ng ponema. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa: Halimbawa: - tanim + -an = taniman = tamnan - talab + -an = talaban = tablan 5. **Pag-aangkop** - pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng panibagong salita. Halimbawa: - kita + mo = kitam - hayaan + mo = hamo ## Filipino tungo sa Malayang Kamalayan ## Kilala mo ba sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño? Sila ay mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na napaulat na dinukot noong 2006 at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan. Kabilang ang mga kabataang aktibistang ito sa mga itinuturing na desaparecido. *Desaparecido* ang tawag sa mga indibidwal na sapilitang dinukot ng mga pinaghihinalaang elemento ng estado dahil sa kanilang politikal na paniniwala. ## Sa Pilipinas, ayon sa desaparecidos.org, mahigit 1600 ang nawawalang Pilipino simula noong panahon ng diktadura hanggang sa kasalukuyan. Hindi rin nalalayo ang ganitong penomeno sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya. Nakapagtala na rin ng mga desaparecido sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya lalo na sa kasagsagan ng pamamahala ng isang diktador at mapaniil na gobyerno. ## Dula Dula ang tawag sa serye ng mga pangyayaring isinulat at itinatanghal sa harap ng madla. Natatangi ito sa lahat ng genre ng panitikan dahil ang pinakamahalagang elemento nito ay ang pagsasalaysay ng naratibo sa pamamagitan ng entablado. Ayon sa batikang mandudula na si Rene Villanueva (Ang Aklat Likhaan ng Dula 1997-2003, 2006), ilan sa pinakamahahalagang elemento ng dula ay ang (1) iskrip o manuskritong naglalaman ng diyalogo ng mga magsisipagganap, (2) ang teatro o tanghalang pinaggaganapan ng akda, at (3) ang manonood na direktang nakasasaksi ng akda. Ayon naman kay Aristotle (Poetics, 350 BCE), may anim na elemento ang isang dula na marapat na napagsasanib upang maging matagumpay ang pagtatanghal. Tingnan ang sumusunod na infographic. ### Anim na Elemento ng Drama | Elemento | Deskripsyon | |---|---| | **Produksiyon** | Tumutukoy sa pangkalahatang espasyo ng tanghalan (entablado, ilaw, kasuotan, make-up, kilos ng mga artista, at iba pang tulad nito).| | **Tugtog** | Tumutukoy sa anumang tunog at musikang ginagamit sa pagtatanghal, kabilang na ang lakas at hina ng boses ng mga nagtatanghal. | | **Diyalogo** | Naglalaman ng kabuuang takbo ng pagtatanghal na nagsisiwalat ng karakterisasyon ng mga tauhan at ng takbo ng mga pangyayari. | | **Tema** | Tumutukoy sa kabuuang pinapaksa ng pagtatanghal. | | **Tauhan** | Tumutukoy sa mga karakter ng akda na nagpapatakbo sa kuwento.| | **Banghay** | Tumutukoy sa serye ng mga pangyayari sa akda. | ## HAMON ng BATAYANG KONSEPTO sa SENATIKO **Semantika** - Pag-aaral ng kahulugan ng Salita **2 Dimensyon** - **Denotasyon** - Obhetibo at literal - **Konotasyon** - Nakabatay sa motibo at intensyon ng nagpapadala ng mensahe **Takdang Aralin** - Sumulat ng halimbawa ng denotasyon at konotasyon.