ARALIN-1-AKADEMIKONG-PAGSULAT PDF
Document Details
Bb. Aira Maeshane A.Vidal, LPT.
Tags
Summary
This document is an academic module about different types of writing (e.g. creative, technical, professional, journalistic, academic), with emphasis on Filipino writing and its characteristics.
Full Transcript
PAGSULAT SA FILIPINO SA LARANGAN NG AKADEMIK Inihanda ni : Bb. Aira Maeshane A.Vidal, LPT. PANALANGIN MGA ALITUNTUNIN SA KLASE 1 AKADEMIKONG PAGSULAT Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan. May k...
PAGSULAT SA FILIPINO SA LARANGAN NG AKADEMIK Inihanda ni : Bb. Aira Maeshane A.Vidal, LPT. PANALANGIN MGA ALITUNTUNIN SA KLASE 1 AKADEMIKONG PAGSULAT Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan. May katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan. 2 ANG PAGSUSULAT Ayon kay Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman. 3 LAYUNIN NGPAGSUSULAT Ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ito naman ay panlipunan o pansosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSUSULAT WIKA Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan. PAKSA Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. LAYUNIN Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat. PAMARAAN NG PAGSULAT May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat. 7 5 PAMARAAN NG PAGSULAT Impormatibo Ekspresibo Naglalayong magbahagi ng sariling Magbigay ng bagong opinyon, paniniwala, ideya, impormasyon o kabatiran sa obserbasyon, at kaalaman hingil sa mga mambabasa. isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. Naratibo Ekspresibo Naglalayong magbahagi ng Ang pangunahing sariling opinyon, paniniwala, layunin nito ay ideya, obserbasyon, at kaalaman magkuwento o magsalaysay hingil sa isang tiyak na paksa ng mga pangyayari batay sa batay sa kanyang sariling magkakaugnay at tiyak na karanasan o pag-aaral. pagkakasunod-sunod. Deskriptibo Argumentatibo Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan Naglalayong manghikayat o ng katangian, anyo, hugis ng mangumbinsi sa mambabasa. mga bagay o pangyayari Madalas ito ay naglalahad ng mga batay sa mga nakikita, isyu ng argumentong dapat naririnig, natunghayan, pagtalunan o pag-usapan. naranasan at nasaksihan. Kasanayang Pampag-iisip Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Suliranin MGA URI NG PAGSULAT 1. Creative Writing Maghatid ng aliw, mapukaw ang damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa Halimbawa : Maikling Kwento, Alamat Dula, Nobela, Komiks, Iskrip ng teleserye, Pelikula, Musika at iba pa. 2. Teknikal na Pagsulat Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o sul,iranin. Halimbawa : Feasibility Study of Construction on Tower in Caloocan City. 3. Propesyonal na Pagsulat Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na laranggang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa : Lesson Plan, Medikal Report, Narrative Report 4. Dyornalistik na Pagsulat Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kinakailangan ang mga manunulat ng ganitong suliranin ay bihisa sa pangpapalagap ng mga totong nangyari. Halimbawa : Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo at iba pa. 6. Akademikong Pagsulat Ito ay isang intelekwal na pagsulat. Ang gawaing nito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t-ibang larangan o asignatura. Halimbawa : Modyul at Akademikong Libro Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat 1. Obhetibo 2. Pormal 3. Maliwanag at Organisado 4. May Paninindigan 5. May Pananagutan 1 GAWAIN 1 : ANG ALAMAT KO! Panuto : Bumuo ng iyong sariling alamat. Sundin ang pamantayan sa pagsasagawa o pagmamarka. Pamantayan sa Pagmamarka Nilalaman - 20% Pagkamalikhain - 30% Orihinal - 50% Kabuuan- 100 % GAWAIN 1 : WIKA KO, HULAAN MO! 1. Sa sarili mong pananaw, Gaano kahalaga ang wika sa pang araw- araw na pamumuhay natin? Patunayan. 2. Maituturing bang bansa ang isang bansa kung wala itong wika? Pangatwiranan. 3. Sagutin ang Wika Ko, Hulaan Mo! GAWAIN 1 : WIKA KO, HULAAN MO! AHA ! NATUTO KO Panuto : Gamit ang inyong dyornal. Ibahagi mo ang iyong natutuhan sa ating talakayan. MARAMING SALAMAT